Ang Tamis Sa Likod NG Maalat Na Kape

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Tamis sa Likod ng Maalat na Kape

Sadyang may hiwaga sa pag-ibig, masalimuot at komplikado kung iyong


bibigyang kahulugan. Mayroong mataba at mapayat ngunit nagka-ibigan, mayroon rin
namang parehong payat at ang ibay parehong mataba. Wala ring pinipiling edad ang
pag-ibig, magkaiba man ang bansang inyong pinanggalingan kapag tumibok ang inyong
mga puso para sa isat isa hayaan ang pag-ibig at wala ng makakapigil pa.
Isang umaga habang akoy nag-uumagahan may nakita akong isang tasa ng
kape na nakapagpaalala ng sa akin ng isang kwentong pag-ibig, na masasabi kong
sadyang kakaiba.
Nag-uumagahan kami ng aking ina at hindi ko na napigilan ang aking sarili na
tanungin siya kung alam niya ang dahilan kung bakit maalat na kape ang paborito ni
lolo.
Inay, Alam mob a kung bakit mahilig sa maalat na kape si Lolo Danilo? tanung
ko kay inay habang umiinom ng mainit na kape.
Napangiti si inay at sinabi, ikaw talagang bata ka sa tagal tagal mo ng
ipinagtitimpla ng kape ang lolo mo ngayon mo lang ata naitanong kung bakit mas gusto
niyang lagyan ng asin ang kanyang kape sa halip na asukal.
Bata pa lamang ako ay ganoon na ang kapeng iniinom ni lolo at ngayon ko lang
napagtanto na talagang kakaiba ang gusto ni lolo na lasa ng kape.
Simula ba ng pagkabata niya ay ganoon na talaga siyang magtimpla ng kape
inay? sagot ko naman.

Hindi anak, hindi mo ba alam na para sa lolo mo daig pa ng 3 kutsarang asin


ang tamis ng 5 kutsarang asukal na inilalagay niya sa kape, ang wika naman ni inay.
Lubos kong ikinagulo ang binitawang salita ni inay mabuti na lamang at tinapos
niya ang kwento.
Isang araw nang dumayo ang lolo sa baryo ng aking lola lubos siyang nabighani
sa angking kagandahan ng aking lola. Isang mahinhin at marikit na dalagang may
busilak na puso iyan ang mga katagang lumabas sa bibig ng aking lolo ng lubusan
niyang makilala ang aking lola.
Naging malapit ang pamilya ng lolo sa pamilya ng lola dahil sa pakikipagpalitan
ng ani ng kanilang pamilya sa lupain nina lola.
Kaya naman nagiging madalas ang pagsasalo salo ng dalawang pamilya sa
bahay nina lola. Bago matapos ang pagsasalo salo ay tinanong ng lolo sa ama ni lola
kung maaari siya dumalaw kay lola sa susunod na gabi. At agad namang pumayag ang
ama ng lola.
Labis ang kabang nadarama ni lola nang gabing dumating si lolo sa bahay nila.
May lihim rin palang pagtingin ang lola sa lolo dahil sa kakisigan at pagkamaginoo nito.
Agad niyang inalok ang lolo ng kape na hindi naman tinanggihan ng lolo. Sa
sobrang kaba ay hindi niya namalayang asin ang nailagay niya sa kape at hindi asukal.
Wala siyang kamalay-malay sa kanyang pag-abot kay lolo hanggang sa puntong
iinumin na ng lolo ang kape. Kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi ang

magtanong kung gusto ba ni lolo na palitan na lamang ang kape dahil tingin niya ay
pangit ang lasa ng kape.
Dahil sa lubos na pagkabighani ng lolo sa lola ay hindi na niya namalayan ang
lasa ng kape at napasabi na lamang siya na iyon ang pinakamasarap na kape na
kanyang natikman.
Kaya naman naisip na ng lola na talagang nagustuhan niya ang kakaibang lasa
ng kape. Simula noon ay ganoon na lamang ang timpla ng kape na ibinibigay niya kay
lolo hanggang sa kanyang huling hininga.
Ayon kay inay eto raw ang katagang iniwan ng lolo bago siya lumisan ikaw ang
lalaking habangbuhay kong gugustuhing ipagtimpla ng maalat na kape hanggang sa
kabilang buhay. Mahal na mahal kita Danilo, ang kaisa isang lalaking nakilala ko na
minahal ako ng buung buo, maging ang pagkakamali kong ilagay ang asin sa iyong
kape. Sa simula pa lang ay talagang minahal mo na ako, nais kong malaman mong ang
kapeng iyon ay bunga ng aking nagpupuyos na nararamdaman para sa iyo mahal ko.
Lumisan man ako, alam kong mananatili akong nasa pusot isip mo habang ikay
nabubuhay. Sa umaga habang umiinom ka ng isang tasang maalat na kape, maging sa
iyong pagmimiryenda at paghahapunan alam kong hindi mawawala ang mga ngiti sa
labi mo habang inaalala ang mga panahong ipinagtitimpla kita ng paborito mong maalat
na kape.

You might also like