Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

SA DAKONG SILANGAN: Aktibismo sa Tulang Epiko ng Makatang

Jose Corazon de Jesus


Nalathala sa pahayagang Obrero, Blg. 20, Pebrero 2005, pahina 11
Sa matagal-tagal na panahong pananaliksik at pagbabasa ng aklat sa panitikan, nabasa ko ang isang
tulang epikong mas matindi pa sa Ibong Adarna, at maaari ritong pumalit bilang pangunahing tulang
epikong dapat mabasa ng mga estudyante sa high school. Ito ang Sa Dakong Silangan ni Jose
Corazon de Jesus (na kilala ring Huseng Batute), kinikilalang hari ng balagtasan nuong kanyang
kapanahunan. Ngunit ang epikong ito'y bihirang makita sa bilihan ng aklat o kaya'y masaliksik sa mga
aklatan, di tulad ng Ibong Adarna ta taun-taon yata't nalalathala. Kung ating mapapansin, maraming
mga mahahalagang sinulat ang ating mga kababayang makata't manunulat na magpahanggang
ngayon ay tinatalakay sa high school. Dalawa rito ay tulang epiko habang ang dalawa naman ay ang
mga sikat na nobela ni Jose Rizal.
Natatandaan ko pa noong ako'y nag-aaral ng high school, ang binabasa ng mga mag-aaral at
tinatalakay sa unang taon ay ang Ibong Adarna ng isang di nagpakilalang makata (Pinagtyagaan
kong hanapin sa mga aklatan kung sino ang may-akda ng Ibong Adarna, ngunit di ko ito
natatagpuan); sa ikalawang taon ayFlorante at Laura ni Gat Francisco Balagtas; sa ikatlong taon
ay Noli Me Tangere ni Gat Jose Rizal; at sa ikaapat na taon ay El Filibusterismo na sinulat din ni
Rizal. Nagtanung-tanong ako sa ilang kakilala kung ganito pa rin ba ngayon. Ang sabi ng isa'y oo.
Maliban sa Ibong Adarna, pulitikal ang Noli Me Tangere, habang ang Florante at Laura naman ay
isang alegorya ng kalagayan ng Pilipinas sa ilalim ng mananakop na dayuhan.
Ang Sa Dakong Silangan ay nalathalang kasama ng iba pang tula ni De Jesus sa aklat na Bayan
Ko, na pawang koleksyon ng kanyang mga tulang pulitikal, mula pahina 118 hanggang 181. Hindi ito
tulad ngIbong Adarna at Florante at Laura na hiwalay na nakalathala bilang isang libro. Dagdag pa
rito, mas mahaba ng kaunti ang Sa Dakong Silangan na may 443 saknong (1,772 taludtod) kaysa
buong Florante na 427 saknong (1,708), kabilang na ang mismong Florante at Laura na may 399
saknong (1,596 taludtod), Kay Selya na may 22 saknong (88 taludtod), at Sa Babasa Nito na may 6
na saknong (24 taludtod). Mas mahaba naman ng halos apat na ulit ang Ibong Adarna na may 1,718
saknong (6,872 taludtod) kaysa Sa Dakong Silangan, na tumalakay sa "buhay na pinagdaanan ng
Haring Pilipo at Reyna Malaya sa maalamat na mga Pulong Ginto". Tulad ng Florante at Laura, ang
Sa Dakong Silangan ay binubuo rin ng labingdalawang pantig bawat taludtod, at may sesura o hati sa
gitna o ikaanim na pantig.
Sa nilalaman, mas maganda ang Sa Dakong Silangan kaysa Ibong Adarna. Naganap ang mga
tagpo sa panahon ng mga hari't reyna, tulad din ng Florante at Laura at Ibong Adarna. Makikita
agad sa tulang pasalaysay na Sa Dakong Silangan ang pulitika nito, aktibismo at diwang
mapagpalaya. Kung ang Ibong Adarna ay paghahanap sa mahiwagang ibon sa Bundok ng Tabor na
ang awitin ay lunas sa haring maysakit, ang Sa Dakong Silangan naman ay paghahanap ng
kalayaan ng bayan na kinakatawan ng nawawalang si Reyna Malaya. Kaya hindi dapat maitago at
amagin na lang sa aklatan ang mahalagang tulang epikong ito. Dapat mabasa ng mga estudyante't
kabataan ang Sa Dakong Silangan, mapag-aralan at mapag-isipan ang mensahe nito.
Sa mga mapag-aral at mapagmahal sa panitikang Pilipino, kung di pa ninyo nababasa ang Sa
Dakong Silangan ng makatang Huseng Batute, basahin ninyo ito't pagnilayan. At kung maaari,
magtulungan tayong gawin ang mga sumusunod: (a) Ikampanya natin sa Kagawaran ng Edukasyon
na unahing pag-aralan ang Sa Dakong Silangan kaysa Ibong Adarna, o kaya'y palitan na ng Sa

Dakong Silangan ang Ibong Adarna; (b) Kausapin ang mga kilalang guro at prinsipal ng paaralan
upang ituro sa kanilang mga mag-aaral ang Sa Dakong Silangan; (c) Maghanap ng
magsusuportang pinansyal sa pagsasalibro ng Sa Dakong Silangan para sa mga mag-aaral sa
unang taon sa hayskul upang ito'y lumaganap; (d) Kung kinakailangan, ikampanya ito sa Kongreso
na magkaroon ng panukalang batas na palitan na ng Sa Dakong Silangan ang Ibong Adarna sa
mga paaralan.
Tunghayan natin ang ilan sa mga napili kong makamasang saknong ng Sa Dakong Silangan:
Saknong 270:
Nahan ka, bayan ko? - anang sawing Reyna
Kailan pa kaya kita makikita?
Ang kalayaan ko'y di mo makukuha
Kung hindi sa dugo at pakikibaka!

Narito ang dalawang huling saknong ng Sa


Dakong Silangan na siyang habilin ng
makatang Jose Corazon de Jesus sa mga
kabataan ngayon at sa mga susunod pang
henerasyon:

Saknong 271:

Saknong 442:

Sa pader na ito ay walang panaghoy


Na maaari pang langit ang tumugon;
Ang aliping bayan kapag di nagbangon
Lalong yuyurakan sa habang panahon!

Ikaw, kabataang tila nalilinlang


Ay magbalikwas ka sa kinahihigan,
Bayang walang laya'y huwag pabayaang
Ubusin ng mga anay na dayuhan.

Saknong 326:

Saknong 443:

Itong bayan pala kung api-apihan


Ay humahanap din ng sikat ng araw,.
At ang lahi palang walang kalayaan,
Sa dulo ng tabak humahanap niyan.

Ang dakong silangang kinamulatan mo


Maulap ang langit at sakop ng dayo,
Kunin mo ang sulo ng bayani ninyo't
Siyang ipananglaw sa lahat ng dako.

Saknong 368:
Samantalang sila'y nagbabatian
Ang lahat ng kampon ay di magkamayaw,
Kaysa nga palang makita't mamasda
Ang layang nawala at saka nakamtan!

Tulang Liriko: Sa Dalampasigan


Sa Dalampasigan
ni Teodoro A. Agoncillo
I.
O mumunting alon!
Buhat sa magalas na batong tuntungan,
Namamalas kitang tumatakbo-takbot sumasayaw-sayaw
Bago ka humalik sa dalampasigan.
Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay kundimang
Namadmad sa labi ng isang kariktan!
Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,
Titik kang masigla ng luma ng talindaw.
O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan,
Ikaw ay pirasot nagkadurog-durog na sultanang buwan
II
Buhat sa malayo,
Ikawy dambuhalang busilak ng bagwis,
Na kung ibuka moy parang niwawalat ang pinto ng langit,
Sa pananambulat ng iyong tilamsik
Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig!
Habang sa malayo ikaw ay mabagsik,
Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit!
Sa buhanging tuyot may kislap na init,
Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik!
III
Lumapit-lumayo
Ay pinapawi mo ang kayraming bakas
Na sa buhanginay limbag na balita ng gabing lumipas,
Aywan kung ang mga magkatabing yapak
Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag
Kung magkagayon man, nais kong isulat
Na ibig ko na ring akoy maging isang dagat na malawak;
Ako, sa ganito, ay magkakapalad
Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat!
Sa ganyay lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-yakap!
IV
At ang mga bulong
Sa akiy di ingay kundi mga awit
Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig!
At sa paanan ko kung aking mamasid
Ang paghahabulan ng along animoy kumakabang dibdib
Ng isang dalagang bago pang ninibig
Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit,
Nang di ko madama yaring tinitiis!
Sa akiy di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig
Niring kaluluwang di man lumuluhay may piping hinagpis!

Balada ng Isang Manlalakbay


Pinagkaitan ako ng kakayahang
Masdan ang mga mapa ng ating bayan
Nang walang pagkalabusaw sa damdamin

Mahahabang taon ng hamak kong buhay


Matutuling takbo noong kabulasan
Malalaking tagpo sa mga nagdaan,
May diin sa sulok ng utak ang bawat

Nakasaad. Di sila mga pangalan


Lamang kundi mga pakikipaglaban,
Pakikipagtalik, halakhak, hinaing,

Pagkat ang memoryay aninong malinaw


Pagkat ang ngayon ay isang pagsalangsang
Pagkat ang landas ay isang kahatulan
Hanggat isang hamon ang pagtutumahak.

Ang Awit ni Maria Clara ni Jose Rizal


Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.

Pagsintay matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.


Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,
Matang manininging ay nangakangitit pupos ng ligaya.
Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,
Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahanat walang nagmamahal.

Soneto Para Sa Makatang Makabayan


Ni RON DE VERA

kung wika ang sandata at tugmaan ang digma


gawan ng sarswela ang aping magsasaka
ikuwento ang buhay ng nasa selda
at ipagbalagtasan ang tunay na paglaya
kung lapis ang sandata at nasa papel ang digma
sumulat ng tula para sa mga nawawala
gawan ng dalit ang pinatay na walang aba
at bumuo ng nobela tungkol sa pakikibaka
kayat pulutin ang sandata at mamuno sa digmaan
pagkat tula moy di lang pang silid-aklatan
ang sinulat moy mumulat ng kaisipan
makata ng bayan, may lugar ka sa kilusan
ang obra mo ngayoy di na lang pang libangan
makata ng bayan, ngayon ay lumalaban!

Oda para kay Mang Johny


ni bernardumali

Itong larawan mo
waring aklat ng kasaysayan,
gumuhit sa alaala

malinaw saking balintataw.


Tila naririnig ko ang mga bomba,
ang eroplanong pandigma ng Hapon na nag-iitsa
ng dinamitang mumuntik ng humuhukay ng
libingan mo.
Waring nakita kitang umiiwas.
Sa iyong pagsasalaysay
nahagip ko ang sugat
na lumuray at muntik ng pumilay sa iyong paa.
Narinig ko ang usal mo sa Maykapal
ang pagpapaubaya sa kanya
ng iyong kaluluwa.
Subalit hindi pa wakas
bagkus ay rekado lamang ng
mala-chopseuy mong buhay.
Sa Taft Avenue,
hindi ko nakikita ang Pan Pacific
ni ang Landbank;
tinatagos ng mga mata,
tinatanaw ang dagat.
Sa iyong masayang kwento
nakikita ko ang mga mongha
sa beaterio;
ang mga mag-aaral ng altasesyodad.
Nalilimot ko ang malagkit na lamyos
bagkus ramdam ko ang masuyong hangin.
Ang busina ng jeep ay napapalitan
ng malalakas na hampas ng along
sumasampa sa aplayat sabik sumuson
sa mga kaibigang alon.
Sa sinehan ng Robinson
boudavil ang bumibida sa akin.
Tila ang Clover Theater ay buhay na buhay
waring nakipagkamay ako kay Pilita,
habang iyong ipinakikilala sa akin;
habang inaayos mo ang kanyang buhok.
Malambot at maiinit ang kanyang kamay.
Tama ka. Mabuti siyat sinsero.
Walang sinabi si Markova,
humahanga ako sa iyong pag-ibig,
humahagikgik sa iyong kapilyuhan.

narinig ko ang iyong hikbi


isang hapon, sa altar.
Naramdaman ko ang bigat ng
loob mo at pangungulila.
Narinig ko ang iyong sumbong
sa kanya at sa kapatid mo sa Maryland.
Nauunawaan ko ang kahulugan ng
panalangin sa iyong binabatang pagdaramdam.
Paumanhin, Mang Johny
Kung hindi ko natupad ang
bayograpi na iyong pinasusulat sa ingles.
Alam mong mahina ako rito
at walang sapat na oras.
Subalit maniwala ka,
nagbalik ako taong 2002.
Wala ka, maysakit ka raw.
Sa wakas ay nasa piling ng
iyong anak, marahil inaaruga,
Hindi ko nagawang hanapin pa
ang iyong kinaroroonan.
Mas kailangan mong magpalakas.
Nakarating sa akin
ang balita,
sumakabilang buhay ka na raw.
Nanghihinayang akot di na muling nagkita
at sa kwentong sanay narinig o nabasa madla.
Panatag ang loob kong payapa ka na,
hindi ko man nagawang isulat
buhay pa rin ang iyong alaala.
Hindi ko rin tinunton ang iyong hukay
pagkat sapat ng maalala kita sa aking isipan.
Narito ang iyong hantungan
buhay ka rito.
Walang pagtangis,
gaya ng madalas mong salubong
sa aming nangupahan,
nakinig sa iyong mga salaysay,
sa aming alaala
masigla ka
maligaya.
Buhay na Buhay!

Kung paanong pinaiikot sa iyong


palad ang mga dayuhang Hapon at Amerikano.
Gayunman, hindi ko maiiwasang maluha
sa miminsang kwento mo patungkol sa iyong anak.
Kabiguan marahil,

ELEHIYA KAY INAY

Kung ang kamatayay isang panibagong paglalakbay aking Inay


Sa iyong pagtawid ala-ala namiy baunin
Pagmamahal mo, pagkalinga,
mga pagtitiis at pagdurusa
Ngayoy nakatakas ka na
Habang nakamasid ka sa ming iyong naiwan
sa mga ibong nakasama mo,
sa mga talangka at sigay na naging laruan mo
sa mga along kahabulan mo
at sa malawak na buhanginang naging palaruan mo
Naway naalala mo ang mga ito sa paglisan mo
Mag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasan
habang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong ina
sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka,
sapagkat ikay maagang naulila
Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang
Tanging kaibigan naging takbuhan
Inulila pa ng kapatid na turan
animoy isang sadlak sa dusang nilalang
Pagkat ang isang kaibigay lumisan
Tuluyan nang humalik sa lupa
ang sarangolang dinagit ng hangin,
Tanging pumpon ng bulaklak
sa malamig na bato ang tangan mo
Nakaukit na ang pangalan mo
Ang naiwan sa amiy mga ala-ala mo
Nang isang inang kasabay kong nangarap,
lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko.
Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga mo
isang munting kaluluwang pinanabikan mo
Konting sulyap lamang sana anak ko
Kahit akoy malamig ng tila yelo
Ngunit itoy ipinagkait mo
Ngayon aking ina sa iyong paglalakbay
Baunin mo ang aming pagmamahal
Ihalik sa hangin aming mga pagmamahal
Ibulong sa Diyos na kamiy bantayan
Yakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip lang
Nawa sa iyong pagtawid sa kabilang buhay
masilayan mo ang kaginhawahang
di natikman sa palad ko

Bago Matulog
Dumadalas ang oras na kayhirap
matagpuan
ang mga lingid na landas tungo sa
kanyakanya nating katawan. Malimit naiisip
ko,
baka habang tumatagal ay hindi talaga
maiiwasan ang ganitong pagsasatubig ng
balat,
bagay kumbakit ang mga dati-rati nang
hugis,
kinis at sukat, o ang maririing gaspang
na gumugunita sa dakong pinagguhitan
minsan ng mga sugat -- lahat ng ito ay
nalulusaw
kahit sa pinakamababaw na paggalugad
at pagbabaka-sakali ng palad. Halimbawa
sa gabi, habang nakasalansan ang
alinlangan
gaya ng matitigas na unan na di natin
namalayang
namagitan na sa ating tabi,
ipinagpapalagay mo
na diyan sa masisikip na butas at
puwang ng punda
madalas kong ikubli palayo sa iyo
ang aking kaluluwa, dahilan kung kaya
sa pagmamadali ko palagi umalis
ng kama sa umaga, huli na bago ko
maalala
na nakakalimuta ko 'tong isama. O
minsan,
kung abala sa binabasang tula, walangbabala
mong ilalapag sa dibdib ko ang iyong
daliri,
saka itatanong ang hinggil sa mga
bahagi
kung saan matatagpuan ang mga

palatandaan
na pupuwedeng maghatid sa iyo pabalik
sa nawaglit nating daanan. Na sasagutin
ko
ng tungkol sa mga anino, at iba pang
bagay
na gayong alam nating naririto
ay di pa rin mahawak-hawakan nang
buo.
Dahil batid mong paulit-ulit nang ganito
ang aking sinasabi, muli tatayo ka
upang buksan ang mahinang tv, o
apurang ililipat
ang pahina ng aklat na dala mo parati.
Mangyari,
mayroon ka talagang hinahanap. Isang
gusot o tiklop,
isang tupi ng papel na nagbibigay-tanda
sa kinaroroonan ng mabulaklak na prosa,
isang kabanata
na alam mong baka sa guni-guni,
sa guni-guni mo lamang dati pa nabasa.

Dalit sa Marikit ng Bulaklak ng Sampaga,


Mahal na Virgen Maria

O katamis-tamisang Bulaklak ng Sampaga


Marikit, marilag, butihing Inang Maria
Dinggin pagsusumamo ng mga anak ni Eva
Dito sa kahapishapisang bayan nga ng dusa!
Ilawit ang tulong mo, o Mahal naming Ina
Huwag hayaang maligwin sa Iyong Kalinga
Reyna at Ina ka, Tanggulan ng kaluluwa
Bukal ng Awat labis-labis nga na pagsinta!
Marikit na Rosa Mistika, oh, Perla Sola!
Mahal na Ina ng Hesukristong Sinisinta,
Ikaw po ang katamistamisan sa tuwina,
Sa bayang may hapis, ikaw nga po ang ligaya!
Amin nga pong pangako, sa butihin mong Puso
Sa Landas ng Kabanalan, doon nga dadako
Nang ang Siete Dolores na nagtusak sa Iyo
Ay huwag madagdagan, mawala sa pagkaduro !

SIPAG O TALINO
LAKANDIWA:
Ako itong lakandiwang nagbuhat pa sa
Bulacan.
Buong galang na sa inyo'y bumabati't
nagpupugay.
Taglay ko din ang pag-asang, naway
maging matagumpay.
Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi'y
balagtasan.
Paksang aking ilalatag, pakiwari'y
mahalaga.
Pagkat nasasangkot dito'y bayan nating
sinisinta.
Sa pag-unlad nitong bayan, puhunan ay
ano baga,
Ang SIPAG ba o TALINO, alin ang mas
mahalaga.?
Kaya't inyong lakandiwa ay muling nagaanyaya
ng dalawang mambibigkas na mahusa'y
at kilala.
Ang hiling ko'y, salubungin ng palakpak
ang dalawa.
Panig nilang ihaharap ay suriin at
magpasya.
SIPAG:
Kapag baya'y umunlad. Ang pagko'y
pinupukol.
Sa gobyerno at mga tao, sama-sama't
tulong-tulong.
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan
nati'y ano ngayon?
Wala na ngang pagbabago. Kabuhaya'y
urong-sulong.

Kasipaga'y puhunan nating lahat sa


gawain,
Maliit man o malaki, mahirap man ang
gampanin.
Kung ang ating kasipagan, itatabi't
magmamaliw.
Maunlad na Pilipinas, di natin masasalapi.
TALINO:
Akong aba'y inyong lingkod, isinilang na
mahirap,
at ni walang kayamanan, maaaring
mailantad.
Pamana ng magulang ko ay talinong
hinahangad,
Pamanang magtatanghal, puhunan sa
pag-unlad.
Sa gobyerno at lipunan, mga tao'y may
puhunan
Na kanilang tataglayin, habang sila'y
nabubuhay.
Ang talinoy nagbubuklod, sa
pambansang kalayaan,
Nagbibigkis sa damdamin, makayao't
makabayan.
LAKANDIWA:
Matapos maipahayag ang panig ng
magtatalo,
Ngayo'y aming ihahanda, tayog ng
inyong talino
Bawat isa'y papalaot sa napapanahong
isyu
Kaya't inyong timbangin upang inyong
mapagsino.

SIPAG:
Sa tuwing may magaganap na halalan
sating bayan,
Sinusuring kandidata, may nagawang
kabutihan,
Kung anong kursong natapos ay hindi na
inaalam.
Kakayahan nya at sipag, tanging pinaguusapan,
Aanhin mo ang talino kung di naman
nagagamit,
Mga tao'y umaasa, lalo't silay nagigipit.
Matalinong naturingan, tamad naman
walang bait.
Kawawa lang itong bansa, mga luha ang
kapalit.
TALINO:
Nalimutan ng kantalo, mga bayaning
namatay,
Na nagtanggol sa ting bayan , ng laya ay
makamtan.
Kung di dahil sa talino, taglay nila nung
araw,
Hanggang ngayon, tayong lahat, alipin
pa ng dayuhan.
Mga naging presidente o senador at
kongresman.

Bambu Inglis vs. Wikang


Pambansa (Batutian)
Lakambini (kay Huwan):
Namamanaag na sa dakong silangan
Ang kulay ng iyong magandang
liwayway;

Bukas, sa pagsikat ng palalong araw,


Isa kang watawat na mamamagayway!
Mula sa Kanluran: dinala ng alon
Sa iyong pasigan ang tapat na layon;
Sa buton ng abo: ikaw ay babangon
Na malayang bayan sa habang panahon.
Paulo:
Huwan,tanggapin mo ang pakikilugod
Ng isang kasama sa tuwa at lungkot,
Binabati kita: ang tapat na loob
Ay madarama mong laging naglilingkod.
Huwan:
Tapat na dibdib ay iyong damahin
At pasasalamat ang tibok na angkin
Akoy sasaiyong gunitat panimdim
Habang ang silangan ay silangan pa rin.
Paulo:
Kaya, nang malubos ang pagkabanas mo,
Ako ay may isang mungkahi sa iyo:
Tagolog na ingles ang panukala ko
Na wikang gamitin-du yu get mi ako?
Huwan:
Ano, mister Paul, nalalaman mo ba
Kung ano ang iyong tinuran kanina?
Paulo:
Wat is rong may pren Wan, sa nasyonal
langweds
Kung itoy gagawing Pilipinais Ingles?
Huwan:
Sa iyong sariliy manainga ka nga,
Kung ano ang iyong dinalit na wika;
Kung ganyan, katoto, ang wikang
pambansa:
Anong wika iyan-mestisong baluga?
Paulo:
Huwag kang magtawa-do yu nat
anderstan
Ang ingles na wika ay pangyunibersal;
Bilang isang nesyon: kinakailangan
Na maanderstan ka ng iba pang bayan.
Ang Tagalog langweds ay pang Pi Ay
lamang,
Di maikukumper sa Ingles, mister Wan;
At sa diplomatik na mga usapan,
Magagamit mo ba ang langweds mong
iyan?
Huwan:
Dapat mong mabatid na ang pagkabansa
Ay makikilala sa sariling wika,
Bakit pipiliting akoy magsalita
Ng wikang di akin-hiram at banyaga?

Paulo:
Tingnan mo nga kami-bakit ang inadap
Ay wikang mula pa sa ibayong dagat?
Tulad ng Bretanya: kami ay umunlad
Gayong wikang hiram ang aming
binigkas!
Huwan:
Kung iyan ang iyong wikang sinasabi,
Wikang pinagmulay higit na mabuti.
Paulo:
Tingnan ang Hapon sa klos dor palisi
Ang ginamit lamang ay wikang sarili;
En wat is di risolt op dat pangyayari,
Natutong sulatin ay magulong kandyi.
Huwan:
Nakakatawa ka, hindi naging hadlang
Sa bayan ng Hapon ang wikang minahal;
Ang simulat dulo ng ganyang dahilan
Ay dala ng kanyang mga kaimbutan.
Paulo:
Kaya tingnan natin kung saan hahantong
Ang nasyonal langweds na onli por pinoy.
Huwan:
Ang nakakatulad nitong pagtatalo:
Pork tsap at hambardyer ang wikang
Ingles mo;
Ang wikang Tagalog naman ay adobong
Masarap sa akin ngunit di mo gusto.
Dapat mong malamang ang wikang
pambansa
Ay kinamulatan mulang pagkabata;
Ito ay ang buhay, kaluluwa at diwa. . .
Ng pagkalahi ko sa balat ng lupa!

You might also like