Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kolehiyo ng Sta.

Teresa, Lungsod ng Quezon


Sining ng Komunikasyon sa Filipino

LEGALISASYON NG MARIJUANA
Isang Balagtasan

8-2
Pangkat blg. 3

Sang-ayon
3 Asia Alcira
28 Racel Nandwani
33 Miranda Samson

Di sang-ayon
22 Angeli Jacinto
24 Tracy Kalingasan
31 Bea Quilapio

Lakambini
21 Azrah Halili

Lakambini (Azrah Halili)


Akoy bumabati na may dalang ngiti
Intidihin ang aking mga sinasabi
Ang gawing legal ba ay makabubuti?
Marijuana para sa nakararami?

Kaya tayoy narito para i-klaro


Pag-usapan ng husto, iwasay gulo
Usapan sa paraan ng pagtatalo
Alamin natin kung sinong mananalo

Narito ang panig ng sumasang-ayon


Maging legal ang Marijuana satin
Anong maidudulot na kabutihan?

Ating pakinggan kanilang sasabihin

Sang-ayon (Miranda Samson)


Cancer, sclerosis at iba pang kondisyon
Kayraming sakit, mabibigyang solusyon
Ngunit ipinagbabawal maging gamot
Ang halamang may mabuting madudulot
Sang-ayon (Asia Alcira)
Gamot sating kapwa yoong Marijuana
Katulad ng kanser mamatay? Huwag sana
Masamang mangyari'y ito'y maabuso
Sana'y maiwasan ang pangyayaring 'to

Sang-ayon (Racel Nandwani)


Gamit ang Marijuana sa medisina
Hindi siya masama bastat hindi sobra
Gamit ito panggaling ng mga tao
Nang hindi maramdaman ang sakit nito

Lakambini (Azrah Halili)


Sa hindi sumasangayon maririnig
Ang kanilang mga paliwanag at ibig
Ito bay makatutulong sa lipunan?
O isang salot na pasakit sa bayan?

Di sang-ayon (Angeli Jacinto)


Hindi responsable, kaya'y dapat hindi
Marijuana? Sabi niyo ito ay gamot

Oo maaari, ngunit di parati


Pag mali ang gamit, masama ang dulot
Di sang-ayon (Tracy Kalingasan)
Gumagamit ng damo parang hayop lang
Pera na pambili nauubos nalang
Mga taong walang magawa sa buhay
Lumilipad ang isip papuntang hukay

Sang-ayon (Racel Nandwani)


Hayop lang ba kumakain ng dahoon?
Ikaw bay hindi kumakain non?
Marijuana nagpapagaling sa atin
Hayop ba sayo ay itinatawag din?

Di sang-ayon (Bea Quilapio)


Marijuana, mapanganib na droga
Ang pagpapabaya'y may dulot na sama
Iba'y nanganganib sa bisyo at gawa
Kahit sa iba nga'y tunay na biyaya
Sang-ayon (Asia Alcira)
Ang sobrat kulang may dulot na sama
Di niyo ba makita? Ito ay di tama
Hahayaan niyo ba na silay mamatay?
Sa iisang rason taong di mawalay
Sa gamot na hindi dapat inabuso
Naging sakit nalang sating mga ulo
Isipin niyo naman ang nakabubuti
Gawin niyo nang legal, bayan o sarili?

Di sang-ayon (Tracy Kalingasan)


Akala mo ba mahalaga siya sayo?
Utak pinapatay, sinama ang buhay
Mahal sa buhay, ikaw ay mawawalay
Huli nang bumangon, di na makaahon
Mamili ka, magbago o bumalagta?
Sa likod ng rehas o nakahilata?
Wala kang dapat puntahan, sa tama lang
Diyos ay wag limutan, di ka hahayaan
Sang-ayon (Miranda Samson)
Marijuana, lunas ba o isang droga?
Maaaring gamot daw ayon sa siyensiya
Pang-aabuso ang tunay na problema
Hindi naman talaga ang Marijuana
Di sang-ayon (Bea Quilapio)
Ito ay masama at nakamamatay
Mga taong hindi ito maiwasay
Bunga nito ay ang kapahamakan
Kayay di sang-ayon, may pinaglalaban
Ako ay may rason kung bakit di dapat
Inyong mga mata ay sana mamulat
Pwedeng wasakin buhay ng kabataan
Pabigat sa bayan, ito ay tutulan
Sang-ayon (Miranda Samson)
Makasarili ang pagpigil ng gamot na iyon
Taong hindi makapigil ng adiksyon
Kinalimot ang may sakit na kaytindi
Pinagbawalan, isang mabuting binhi

Di sang-ayon (Angeli Jacinto)


Iresponsable ang karamihan satin
Di iniisip ng mabuti ang gawa
Walang pakialam sa kahihinatnan
Ng kanilang mga gawang walang awa
Ang gawing legal ay makasasama lang
Lalong dadami ang rason ng pagbagsak
Ng kinakatawan nating bansang hirang
Kaya mag desisyon naman ng di palpak
Lakambini (Azrah Halili)
Ating napakinggan ang dalawang panig
Sabihin sakin kanino kayo panig?
Sino sa inyo ang siyang sumasangyon?
At sino naman ang di-sumasangayon?
Sa aking palagay kapwa ay may punto
Na ang nais ay kabutihan ng tao
Kung itoy nakatutulong, tuloy tayo
Kung nakasasama tutulan ito
Maraming salamat po sa inyong lahat
Naway naliwanagan, utak namulat
Ano mang gamot pag sobra ay di tama
Kalusugan natin ang syang mahalaga

You might also like