Desk Rip Tibo

You might also like

Download as rtf, pdf, or txt
Download as rtf, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Deskriptibo

Buwan ng Wika 2016 : "Wikang Filipino Wika ng Karunungan"

Wika ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanyang mga


nilalang. Ito ang tanging kasangkapan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya
sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa dakilang Bathala.
Malaki ang nagagawa ng wika sa pagkakaroon ng magandang unawaan,
ugnayan at mabuting pagsasamahan.
Tuwing Agosto ng bawat taong-akademiko, ang Buwan ng Wika
ay isa sa mga pinaka-aabangang kaganapan sa lahat ng mga paaralan,
mapa-elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo.

Ayon sa

Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang ngayong


taon ay Filipino: Wika ng Pambansang Karunungan". Kung wala ang wika,
paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis
ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isat
isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan,
hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o
anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng
mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika. Kahit na
anumang anyo , pasulat o pasalita, hiram o orihinal, banyaga o katutubo,
wika ang pinakamabisang sangkap sa paghahatid ng diwa at kaisipan at
sa pagpapanatili sa madali o mahabang panahon ng mga naliko na tala,
pangkasaysayan o pampanitikan, pampolitika at panlipunan, pansimbahan
o pangkabuhayan at maging sa larangan ng siyensya o ng iba pang
displina. Maging ang kultura ng isang panahon, pook o bansa ay muling
naipahayag sa pamamagitan ng wika.

Naipadarama ng wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot,

ang lawak ng galak, ang kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng


layunin, ang nakapaloob na katotohanan sa isang intension, ang
kaibuturan ng pasasalamat at paghanga at ng iba pang nais na iparating
ng sinuman. Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang
paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon.

You might also like