Fil Test 4 TH Grading

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG PAMPANGA
STA. ANA NATIONAL HIGH SCHOOL
San Agustin, Sta. Ana, Pampanga
Panuruang Taon 2015-2016
Lagumang Pagsusulit sa Filipino 9
Pangalan: ___________________________________
Baitang/Seksyon: ____________________________

Iskor: ___________
Petsa: ___________

I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang obra maestro ni Jose Rizal ang nobelang Noli Me Tangere. Ito ay salitang Latin na
nangangahulugang ___.
a.Huwag Mo Akong Apihin
b.Huwag Mo Akong Galitin
c.Huwag Mo Akong Linlangin
d. Huwag MoAkong Salingin
2. Aling nobela ang nagsilbing inspirasyon ni Jose Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
a. Iliad & Odyssey
b.Les Miserables
c.Pride & Prejudice
d.Uncle Toms Cabin
3. Ang mga tauhang nilikha ni Rizal sa kanyang nobela ay may kaugnayan sa kanyang buhay.Sino sa
mga tauhan ang kumakatawan sa kanyang kapatid na si Paciano na madalas niyang hingan ng payo?
a.Don Rafael Ibarra
b.Kapitan Tiyago
c.Pilosopo Tasyo
d.Tinyente Guevarra
4. Ang iyong amang si Don Rafael Ibarra ay inakusahang erehe at pilibustero,ang kwento ni
Tinyente Guevarra kay Crisostomo.Alin ang kahulugan ng salitang erehe?
a.isang taong hindi marunong sumunod sa mga batas ng pamahalaan
b.isang taong lumalabag sa batas ng simbahan
c.isang taong hindi nagsisimba at nangungumpisal
d.isang taong nag-aalsa laban sa pamahalaan
5. Alin sa mga sumusunod ang pinakadahilan ng pagkawala ng bait ni Sisa?
a.pagkakakulong ng dalawang anak
b.pagkamatay ni Crispin
c.pagkawala ng dalawang anak
d.pagpaparusa kay Basilio
6. Sino sa mga sumusunod na tauhan ang nag-aral sa Europa at nangarap na makapagtayo ng bahaypaaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
a. Elias
b. Crisostomo Ibarra
c. Andeng
d. Lucas
7. Ang Noli Me Tangere ay inialay sa ___.
a. GOMBURZA
b. kasintahan
c. pamilya
d. Inang Bayan
8. Sakit ng lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere.
a. HIV
b. Kanser
c. Dengue
d. Tuberculosis
9. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino ay ___.
a. mangmang
b. tamad
c. erehe
d. indiyo
10. Ito ay ang kalagayan na kung saan itinatakwil o itinitiwalag mula sa simbahang katoliko ang isang
makasalanang tao.
a. Indulgencia
b. Excomunion
c. Reverencia
d. Erehe
11. Ang paring nag-utos kay Kapitan Tiyago na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang dibdib ni Maria
Clara kay Ibarra.
a. Padre Damaso
b. Padre Martin
c. Padre Sibyla
d. Padre Salvi
12. Isa itong uri ng makina na walong metro ang taas at tinutukuran ng apat na malalaking troso na
pinagkabit-kabit sa tuktok ng malalaking pako. Ginagamit itong pambuhat ng mabibigat na bagay.
a. Panghugos
b. Telegrama

2
c. Agnos
d. Onsa
13. Sila ang mga tauhan ng Noli Me Tangere na nagpapakita ng Kaisipang Kolonyal (Colonial
Mentality).
a. Maria Clara, Crisostomo Ibarra, Elias
b. Don Filipo, Don Saturnino, Don Rafael
c. Donya Consolacion, Donya Victorina, Kapitan Tiyago
d. Sisa, Crispin, Basilio
14. Mga taong kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego.
a. Don Rafael Ibarra at Kapitan Tiyago
b. Pilosopo Tasyo at Don Filipo
c. Gobernadorcillo at Kapitan ng bayan
d. Kura paroko at Alperes
15. Ang huling pag-ibig ni Jose Rizal ay si ___.
a. Josephine Bracken
b. Leonor Rivera
c. Segunda Katigbak
d. Maria Clara
16. Ang nagpahiram ng pera kay Rizal para maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere ___.
a. Paciano Rizal
b. Ferdinand Blumentritt
c. Maximo Viola
d. Valentin Ventura
17. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:
a. pampolitika
b. panrelihiyon
c. panlipunan
d. pampamilya
18. Isang mahabang salaysay na nahahati sa mga kabanata, maraming tagpuan, maraming
tunggalian, at masalimuot ang mga pangyayari.
a. sanaysay
b. nobela
c. maikling kwento
d. dula
19. Kaibigang Aleman ni Rizal na pinagpaliwanagan niya ng kanyang layunin kung bakit isinulat ang
nobelang Noli Me Tangere.
a. Ferdinand Blumentritt
b. Andres Bonifacio
c. Maximo Viola
d. Valentin Ventura
20. Petsa ng kapanganakan ni Jose Rizal.
a. Hunyo 19, 1861
b. Hunyo 19, 1862
c. Hunyo 20, 1861
d. Hunyo 20, 1862
21. Ang tulang ito ay isinulat ni Rizal sa Calamba, sa gulang na walang taon lamang.
a. Sa Aking mga Kabata
b. Ang Aking Huling Paalam
c. Isang Alaala ng Aking Bayan
d. Sa Kabataang Pilipino
22. Alin sa mga sumusunod na kanser ng lipunan ang HINDI ipinakita sa nobelang Noli Me Tangere?
a. Pananakot ng mga prayle sa mga Pilipino ukol sa mga turo ng simbahan.
b. Kawalang pansin sa kahalagahan ng edukasyon
c. Pang-aabuso sa mga kababaihan
d. Pagpapautang nang may patubo sa kapwa
23. Tawag sa larong pinagkakaabalahan ng mga kadalagahan at kabinataan sa lugar ng piknik.
a. Patintero
b. Gulong ng kapalaran
c. Luksong-lubid
d. Palo Sebo
24. Ang sinasabing kinuhanan ng inspirasyon sa karakter na Maria Clara ng Noli Me Tangere.
a. Segunda Katigbak
b. O-Sei San
c. Nelly Bousted
d. Leonor Rivera
25. Ang unang bahagi ng Noli Me Tangere ay naisulat sa taong 1884 sa bansang ___.
a. Madrid, Spain
b. Berlin, Germany
c. Paris, France
d. Tokyo, Japan
26. Pinalitan ng Mercado ang orihinal na apelyido bilang pagsunod sa kautusan ni Gobernador
Narciso Claveria na nag-aatas na gamitin ng lahat ang mga apelyidong Espanyol noong 1849. Ang
Mercado ay nangangahulugang ___.
a.palengke
b.pera
c.talino
d.yaman
27. Samantalang ang apelyidong Rizal ay idinagdag din sa pangalan ng kanilang pamilya sa bisa rin
ng kautusan ni Gobernador Claveria noong 1849 na nangangahulugan namang ___.
a.katalinuan

3
b.luntiang bukid
c.pagsasaka
d.palengke
28. Ang Noli Me Tangere ang binubuo ng ___ na Kabanata.
a. 34
b. 44
c. 54
d. 64
29. Alin sa mga sumusunod na elemento ng nobela ang tumutukoy sa pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa nobela?
a. Banghay
b. Tagpuan
c. Tema
d. Pananaw
30. Sino ang kauna-unahang Pilipinong nagsalin ng Noli Me Tangere sa Tagalog?
a. Alejandro G.Abadilla
b.Lope K.Santos
c.Pascual Poblete
d.Virgilio Almario
II. Tukuyin kung sinong tauhan ang nagwika ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
a.Basilio
b.Elias
c.Pilosopo Tasyo
d.Tinyente Guevarra
e. Tiya Isabel

___ 31. Ang mga taong kinamumuhian ay hindi lamang ang mga kriminal kundi maging ang mga may
magandang kalooban.
___ 32. Makikiusap po ako kay Don Crisostomo Ibarra na gawin akong tagapastol ng kanyang mga
hayop
at hihingi po ako ng kapirasong lupa upang sakahin.
___ 33. Ang pagpipyesta ay paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang .
___ 34. Ikinagagalak kong makilala ang anak ng itinuturing kong pinakamarangal na tao sa bayan ng
San
Diego.
___ 35. Ang pagpapalit ng kasintahan ay hindi parang nagpapalit lamang ng damit.
III. Kilalanin kung sino o ano ang tinutukoy ng bawat pahayag. Piliin ang tamang sagot sa
kahon.
Sisa

Alfonso
Linares
Padre Salvi

Basilio

Alperes

Tinyente
Guevarra
Pia Alba

Tribunal

Rosas

Nobyembre 11

Padre
Damaso
Don Tiburcio

Crispin

Kapitan
Heneral
Nobyembre 10

Nol Juan

Kapitan Tiyago

Padre Martin

Gumamela

Tiya Isabel

_______________ 36. Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay kaagad matapos na maisilang niya ito.
_______________ 37. Mapanghusgang kurang napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng
matagal na panahon sa San
diego.
_______________ 38. Sunud-sunuran sa mga prayle sa paniniwalang ang mga Kastila ay karapat-dapat
pag-ukulan ng paggalang
at pagpapahalaga.
_______________ 39. Bagong kura ng San Diego na pumalit kay Padre Damaso.
_______________ 40. Binatang nanggaling mula sa Europa na inireretong makasal kay Maria Clara.
_______________ 41. Pinuno ng mga gwardiya sibil at asawa ni Donya Consolacion.
_______________ 42. Tagapangasiwa sa pagpapatayo ng bahay-paaralan ni Crisostomo Ibarra.
_______________ 43. Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng
tungkol sa kasawiang
sinapit ng kanyang ama.
_______________ 44. Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas na gumawa ng paraan upang maalisan ng
pagka-excomunion si
Ibarra.
_______________ 45. Ina ni Basilio at Crispin na minalas na nakapag-asawa ng lalaking iresponsable.
_______________ 46. Ang nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga
makapangyarihan at mayayaman sa
bayan ng San Diego.
_______________ 47. Bulaklak na inihalintulad ni Pilosopo Tasyo sa pananaw ni Crisostomo Ibarra.
_______________ 48. Ang sakristan na napagbintangang nagnakaw ng dalwang onsa o halagang P32.00.
_______________ 49. Petsa kung kalian ipinagdiriwang ng taumbayan ang bisperas ng pista sa San
Diego.
_______________ 50. Kastilang napangasawa ni Doa Victorin na nagpapanggap na doktor ng medisina
at espesyalista sa lahat

4
ng sakit.

It is far better to get an honest FAIL than to be found guilty of CHEATING!


SirDawn2016
May we all have a meaningful HOLY WEEK!

You might also like