Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Si Emilio Aguinaldo ay isang Pilipinong heneral, politiko at pinuno ng kalayaan, sya rin ang

naging unang pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya ay ipinanganak sa Kawit, Cavite


noong ika-22 ng Marso 1869 kina Don Carlos Aguinaldo at Dona Trinidad Famy. Noong
Hunyo 1, 1896 ikinasal siya kay Hilaria del Rosario. Nagkaroon sila ng limang supling na
sina: Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio Aguinaldo, Jr, Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina
Aguinaldo-Suntay at Miguel Aguinaldo. Sa kasamaang palad, si Hilaria ay namatay dahil sa
sakit ng leprosy noong Marso 6, 1921. Makalipas ang siyam na taon, si Emilio ay ikinasal
ulit kay Maria Agoncillo. Nasa ikatlong taon lang siya sa Colegio de San Juan de Letran
nang namatay ang kanyang ama kaya huminto siya sa pag-aaral. Upang hindi siya
manilbihan bilang katu-katuloong ng mga sundalong espanyol, napag-desisyunan nya na
manungkulan bilang isang Cabeza de Barangay. Maraming humanga sa ipinakita nyang
kahusayan ganon pa man, marami rin ang naiinggit sakanya kaya maraming Espanyol ang
nagtatangkang patayin ito. Maswerte na nga lang si Emilio dahil lagi siyang nakakaiwas sa
masamang balak nito. Noong marso, 1897 ay nagkalaban ang grupong magdalo ni Emilio
Aguinaldo at ang grupong Magdiwang ni Andres Bonifacio. Bagamat wala roon si Emilio,
nahalal parin ito bilang pangulo. Nagkaroon ng giyera sa Cuba at dito na nagsimula ang
digmaang Amerikano-Pilipino, nang bumalik siya sa Pilipinas idineklara nya ang kalayaan
sa Kawit, Cavite. Maraming naging kontribusyon si Emilio sa Pilipinas, ginampanan niya
ang pamumuno sa KKK pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal, natindig niya ang
Revolutionary Congress, Ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898
at pinamunuan niya ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay
mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Namatay si Emilio noong Pebrero 6,
1964 sa edad na 95 dahil siya ay inatake sa puso. Hanggang ngayon, marami parin ang
tumatangkilik sa ipinakita niyang katapangan at kahusayan bilang isang tunay at tapat na
Pangulo ng Pilipinas.

You might also like