Professional Documents
Culture Documents
Kwentong Pambata
Kwentong Pambata
Sasabihin pa ni Inday, Masustansya ang gulay kaya kumain ka nang marami para lumakas
ka at di magkasakit.
Alamat ng Manika
Sa isang malayong nayon ay may nakatirang mag-asawa, sina Aling Dolores at
Mang Doding. Simple lamang ang kanilang pamumuhay. Isang magsasaka si Mang
Doding at isang simpleng may bahay lamang si Aling Dolores. Sila ay biniyayaan ng
isang anak si Anika. Dahil sa nag-iisang anak, lahat ng layaw nito ay nasusunod at
likas dito ang pagiging malikot. Ngunit isang bagay ang hindi nito makuha ang
makapunta ng hardin sa likuran ng kanilang bahay dahil mahigpit itong
ipinagbabawal ng kanyang ina.
Kapag tapos ng gawin ni Aling Dolores ang mga gawaing bahay, at nakikitang
magaalastres na ay kaagad itong nagpupunta sa kanilang hardin. Minana niya pa ito
mula sa kanyang lola. Nang mamatay ang kanyang ina ay nangako siyang aalagaan
nito ang hardin ng mabuti.
Nahihiwagaan si Anika sa hardin kung bakit hindi siya pinapasama ng kanyang ina.
Maraming katanungan ang bumabagabag sa kanyang isipan. Ni minsan ay hindi
niya pa nakita ang hardin. Napapalibutan ito ng matataas na bakod. Alam niyang
itoy napakaganda dahil sa labas pa lamang ay amoy niya na ang mababangong
samyo ng mga bulaklak at mga huni ng ibat ibang ibon.
Isang araw nagpunta si Aling Dolores sa bayan upang mamalengke.
Anika, dito ka lang. Huwag kang lalabas hanggang hindi dumarating ang tatay mo
galing palayan. Tandaan mo huwag kang magpupunta sa hardin. paalala ni Aling
Dolores.
Opo nay. Sagot ni Anika.
Ito na ang pagkakataon kung makapunta ng hardin. Alam kong mamaya pa
darating si tatay at gagabihin naman ng uwi si nanay. Sa wakas makikita ko na ang
hardin. Wika ni Anika sa sarili.
Kinuha niya ang susi ng hardin sa kuwarto ni Aling Dolores. Minsan kasi ay nakita
niya itong kinuha sa isang baol. Madaling natuntun ni Anika ang susi at
nagmadaling magputa ito sa hardin. Kinakabahan siya, magkahalo ang kaba at
tuwa na kanyang nararamdaman. Wala siyang pakialam kung malaman man ito ng
kanyang ina ang importante ay makita niya na ang hardin.
Dahandahan niyang binuksan ang pintuan ng bakod. Namangha siya sa kanyang
nakita.
Bakit ganito? Bakit walang laman ang hardin? Walang mga bulaklak at halaman.
Isa lamang itong bakanteng lote. Wika nito sa sarili.
Pinagmasdan niya ang buong kapaligiran, napakaraming pintuan. Naglakadlakad ito
hanggang sa nabagot na siya. Dahil sa wala siyang nakita ay naisipan niyang
umuwi. Ngunit hindi niya na matandaan ang pintuan kung saan siya pumasok.
Lahat ng pintuan ay magkakatulad, nilolomot at punong-puno ng mga ugat ng mga
halaman.
Ganoon din ang sinapit ng mga bubuyog, langgam, mga bulaklak at halaman sa
hardin, pinapatay niya kapag nagsasawa na.
Habang pinaglalaruan ang isang bulaklak ay natawag ang kanyang pansin ng
isang halaman sa gitna ng hardin. Ginto ang kulay ng puno at mga dahon nito.
Halika dito Anika. Pagtawag sa kanya ng halaman.
Ang ganda mo naman puwede ba tayong maglaro? wika ni Anika.
Aba,oo naman. Pagsang-ayon ng halaman.
Ano naman ang ating lalaruin? pagtatanong ni Anika.
Walang galawan. Kapag ako ang unang gumalaw, lahat ng hilingin mo ay
ibibigay ko. Kapag ikaw, ikaw ay aking gagawing laruan. Ang sagot ng
misteryosang halaman.
Sige, sang-ayon ako diyan. Wika ni Anika na hindi man lamang inisip ang
kondisyon dahil sabik na itong maglaro.
Isa, dalawa, tatlo, simulan na! Sigaw ng halaman na hudyat na magsisimula
na sila.
Hindi pa nga lumilipas ang limang minuto ay gumalaw na si Anika.
Hahahahahaha. Sa wakas ay may magkakasama na ako. Pinatay mo na kasi
lahat ng kaibigan ko dito. Malakas na tawa ng halaman.
Hanggang sa naramdaman niyang lumiliit siya. Humingi siya ng tulong ngunit wala
sa kanyang nakakarinig. Ginusto man niyang makatayo ay hindi niya magawa.
Naninigas ang buo niyang katawan.
Ganyan ang nangyayari sa mga batang walang pagpapahalaga sa mga
bagay at akala lahat ay laruan lamang. Hindi man lamang isinasaisip ang
pagpapahalaga sa mga ito. Wika uli ng halaman.
Sa kabilang dako naman ay nag-aalala na ang kanyang mga magulang. Labis
ang pag-aalala nila kay Anika.
Doring! Doring! Wala na si Anika! Nagpunta siya sa hardin. Sabi ko na sa kanya
huwag siyang magpunta sa doon. Ano ba ang pumasok sa isip ng batang iyon. Wala
naming espesyal sa hardin. Simpleng hardin lamang ito kagaya ng sa iba!
Nanlulumong saad ni Aling Dolores kay Mang Doring ng makitang wala ang susi sa
pinagtaguan nito.
Wala na tayong magagawa kung hindi ang magdasal na sana ay walang
nangyaring masama sa kanya. Nalulungkot na tugon ni Mang Doring.
Kinabukasan ay nagtungo agad ang mag-asawa sa hardin. Nakita nila ang
isang napakaliit na tao ngunit walang buhay. Ito ay yari sa kahoy, mga sanga at
mga buto ng halaman. Suot nito ang damit ni Anika.