Buod Noli Me Tangere Kabanata 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Maikling Buod ng Noli Me Tangere Kabanata 4

Nagpalakad-lakad si Ibarra sa plasa ng Binondo at napagmasdan nitong sa


kabila ng matagal na panahon na pangingibang bansa, wala man lang
pinagbago ang kanyang bayan. Kung ano ang siya niyang iniwan, ay ito rin
ang kanyang natunghayan sa kanyang pagbabalik. Mababakas na ala man
lang pinag-unlad ang bayang iyon.

Habang naglalakad ay nag-iisip din si Ibarra sa sinapit ng ama. Sinundan siya


ni Tinyente upang kwentuhan ng tungkol sa kanyang ama. Si Don Rafael ay
isa sa pinaka-mayaman sa bayan ng San Diego, matulungin at maraming
nagmamahal. Sa kabila ng kanyang kabaitan ay marami ring naiinggit dito,
kabilang na ang mga pari sa simbahan- sa pangunguna ni Padre Damaso.
Dahil sa ganitong sitwasyon, minabuti ng Don na hindi mangumpisal, bagay
na lalong ikinagalit ng mga pari.

May isang Kastila doon na walang kaalam-alam, palaboy, at pinagkakatuwaan ng lahat. Hinirang ito ng Don bilang kulektor. Isang araw, hindi
nakapag-pigil ang kolektor sa mga batang nagtatawa sa kanya kaya't inakma
niyang saktan ang mga bata. Kumaripas ng takbo ang mga bata at ng hindi
niya maabutan, binalibag niya ng baton at tinamaan ang isa. Tumumba ang
bata at walang awang pinagsisipa ito ng artilyero. Nakita ito ni Don Rafael at
inawat niya ang artilyero.

Ayon sa mga sabi-sabi, sinaktan ni Don Rafael ang Kastila hanggang sa


kakapalag nito ay tumama ang ulo sa malaking bato. Tinulungan ni Don
Rafael ang bata, ang Kastila naman ay sumuka ng dugo at natuluyang
mamatay. Nagkaroon ng imbestigasyon ang mga guardia sibil, ikinulong si
Don Rafael at dito na naglabasan ang mga lihim niyang kaaway. Kabilang sa
mga paratang sa kanya ang pagiging erehe at pilibustero, pangangamkam
ng lupain at iba pang ilegal na paraan sa pagpapayaman, ang pagbabasa ng
El Correo de Ultramar at iba pang ipinagbabawal na babasahin, pagtatago ng
mga sulat at larawan mula sa isang binitay na pari, pakikipagkaibigan at
pagkupkop sa mga tulisan at pagsusuot ng Barong Tagalog.

Ang dating mga kaibigan ng Don ay nangawala at tumalikod sa kanya.


Tanging si Tinyente Guevarra lamang ang naging kakampi ni Don Rafael, sa
kabila ng paniniwala ng taong bayan na ang Tinyente ay nasisiraan ng bait.

Si Tinyente rin ang humanap sa Kastilang abugado ayon na rin sa pakiusap


ni Don Rafael. Mahusay ang abugadong ito ngunit nagsulputan sa kung saan
saan ang kanyang mga kalaban hanggang ang kaso ay tumagal at naging
masalimuot. At ang masaklap ay hindi pa man tapos ang paglilitis, siya ay
nakakulong na at nagdadanas ng hirap sa loob ng rehas. Ang mga
pangyayaring ito, kasabay ng hirap na nararanasan ay labis na nakaapekto
sa Don kung kayat ito ay nagkasakit. Tuluyan na itong namatay sa loob ng
bilangguan at ni wala man lang nakiramay na kapamilya o kaibigan.

Buod ng kabanata 5

Pumunta ng Maynila si Ibarra ng araw na iyon at nanuluyan sa Fonda


deLala. Sa kanyang silid ay nagmuni-muni ang binata tungkol sa sinapit ng
ama. Kalaunan ay napadako ang tingin nito sa durunguwan, at sa kabila ng
ilog ay tanaw na tanaw niya ang nagliliwanag na bahay ni Kapitan Tyago. Tila
bagat naririnig pa niya ang kasayahan sa loob ng bahay, ang kalansingan ng
mga pinggan at kubyertos at tugtog ng mga orkestra.

Sa gabing iyon sa bahay ni Kapitan Tyago ay nagaganap uli ang isang


kasiyahan. Dumating ang nag-iisang anak nito na si Maria Clara, kung kaya't
sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan, kababata, mga Kastila at paring
malalapit sa ama, mga Pilipino, Intsik, at militar. Ang lahat ay nakatuon ang
paningin sa kagandahan ni Maria Clara, na nakasuot ng isang marangyang
kasuotan at napapalamutian ng alahas na diyamante at ginto. Si Donya
Victorina naman ay matiyagang inaayos ang buhok ng dalaga. Si Padre Salvi
na mahilig sa mga magagandang dilag ay masayang masaya at kadaupang
palad niya ang mga dalaga roon. Lihim din ang kanyang paghanga sa
kagandahan ni Maria Clara.

Madaling nakatulog si Ibarra ng gabing iyon, kabaligtaran naman ni Padre


Salvi na hindi dinalaw ng antok sapagkat hindi mawala sa kanyang isipan si
Maria Clara.

You might also like