Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SKYFAKES

Eros Atalia

Alas dose na. Nagsilabasan na ang mga kasamahan niya sa opisina.


Lunchbreak. Niyaya sya ng mga ito na mananghalian. Sunod na ako, tatapusin ko
lang itong pinapagawa ni Sir, kailangan daw ng 2pm, e wika niya.
Naiwan sya sa opisina. Pinaspasan nya ang trabaho. Unti-unti nang
umiinit. Hinubad nya ang blazer. Pinapatay kasi ang aircon sa opisina nila kapag
breaktime. 12:40 tapos na ang trabaho. Tinext sya ng mga kaopisina kung nasaan
na sya. D p tpos. Nxt time n lng. Nwy, Il juzt eat my baon here.
Kinakailangan niyang ma-promote. Kailangan niya lang siguro ng
magandang break. Sa pinapatrabaho ng kanyang boss, baka ito na nga

ang

kanyang break.
Mula sa kanyang kinauupuan, kitang-kita nya ang nagdidilim na langit.
Dinukot ang pitaka. Binuksan. Tinitigan ang larawan ng mga anak. Binilang ang
barya sa pitaka. Muling tiningnan ang langit. Wag kang uulan. Wag.
Kumalam na ang kanyang tiyan. Binuksan nya ang drawer. May isa pang
pakete ng biskwit. Binuksan nya ito. Kinain. Tumungo sa water dispenser. Kumuha
ng disposable cup. Uminom ng tatlong baso ng malamig na tubig. Napadighay sya.
Bumalik sa pwesto. Muling tiningnan ang langit. Hindi niya tiyak kung
makulimlim o maaraw.

Napailing sya. Makisama ka naman. Wag kang uulan. Wag, muling


binilang ang barya sa pitaka.
(Halimbawa ng kontemporaryong dagli.)

You might also like