Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa isang pangarap, akoy naniniwala, ako ay lilipad at ang lahat

makakakita. Sa isang pangarap akoy naniniwala. Hindi ako titigil hanggat aking
makakaya. Unti-unting mararating, tagumpay koy makikita. Patuloy ang
pangarap.
Mga linya sa awitin na sumasalamin sa mataas na paglipad at pagkampay ng
bagwis ng isang hamak na nilalang. Maingat na hinubog at hinulma upang maging
ganap ang kaniyang kagalingan at maabot ang kaniyang mga pangarap na nooy sa
kaniyang akala ay hindi niya makakamtan. Ngunit ngayoy kilalang-kilala at
tinitingala ng karamihan dahil sa kaniyang ipinamamalas na katalinuhan.
Namumukod tangi at ulirang guro, kaibigan, katrabaho, kapamilya, at bilang
alagad ng Dakilang Lumikha.
Ang kanyang pagnanasang maibahagi ang karunungan at talento ang naging
inspirasyon upang maging bahagi ng Departamento ng Edukasyon. Mabilis ang
kanyang pag-unlad at pag-angat ng kaniyang posisyon mula Teacher I hanggang sa
naging Teacher III. Bunga ng kanyang kahusayan, katatagan at kasipagan, naging
Dalubguro I dahil siyay salamin ng dedikasyon sa tungkulin at pagmamahal sa
mga trabahong naiatas sa kaniya. Sa kabila ng malalakas na hangin at bagyong
dumatal na sagabal sa kaniyang paglipad, bagkus ay naging daan para siyay
mahubog at mahasa. Sa kalaunan ay dumating din ang pinakahihintay na biyaya,
ang pagiging Dalubguro II kamakailan lamang dahil batid ng Panginoon ang
laman ng kanyang pusot isipan ang pagpapabati ng kaniyang misyon bilang saluka
ng karunungan.
Siyay ituturing din na isang hiyas na walang kakupas-kupas. Ang kaniyang
talino ay salamin ng kaningningan sa kaniyang mga mag-aaral dahil talaga namang
pati ang kaniyang mga naging estudyante ay malayo na rin ang kani-kanilang
narating.
Lapis at papel ang kaniyang naging sandata na lagi niyang dala-dala. Kung
kayat hindi nakapagtatakang siyay ituring na makata, ka-anak ni Rizal ika nga
nila. Bunga nito, naging Regional Finalist Outstanding School Paper Adviser,
Regional Outstanding Filipino Teacher, naging Division Champion-Teachers
Category ng National Fun Run for Education at kamakailan lamang ay ginawaran
ng Komisyon sa Wikang Filipino bilang Ulirang Guro sa Filipino.

Upang lalo pang mahasa sa larangang kanyang napili, dumalo siya sa mga
seminar na siyang lalo pang humubog sa kaniyang pagkatao tulad National
Leadership Training Seminar, National Training of Trainers on Campus
Journalism, Mass Training of Grade 10 Teachers on the K12 Basic Education
Program, Training-Workshop for Implementers of the Special Program in the Arts
at marami pang iba.
Isa rin siya sa mga kaibigan na maaasahan, lapitan mo at hindi ka niya
matatanggihan, kaya naman siyay kinahuhumalingan at minamahal nang lubusan.
Daig pa ang isang tunay na kapatid kung siyay tumulong. Kadugo ka man o hindi
kaya niyang isakripisyo ang lahat madugtungan lang ang buhay ng isang nilalang.
At sa pagharap niya sa mga hamon ng buhay hindi mo aakalain itoy
kanyang pinagdaanan. Banaag sa mukha ang kaniyang kasiyahanat katatagan ng
loob sa likod ng mga pagsubok. Pananalig sa Diyos ang kanyang laging sandalan.
Kaya dama niya ngayon ang karangyaan at kaluwagan na kaniya namang
ipinapalasap sa kaniyang pamilyang tunay na kaniyang pinakaiingat-ingatan.
Patuloy ang paglipad ng kanyang mga pakpak na pumapayagpag sa
malawak na himpapawid. Hindi siya magsasawa sa pagsasakatuparan ng kaniyang
misyon-bilang isang guro. Hangad pa niyang maibahagi ang lahat ng kaniyang
natutunan at kagalingan sa kaniyang mha mag-aaral.
Tunay ngang tayo ay napakapalad dahil makakasama natin ang isang guro
na handang tumugon sa mga pangangailangan ng anak, katrabaho, laging handa
para sa kapakanan di lamang sa kagawaran kundi para sa lahat.
Mga mahal kong kamag-aral, isang napakalaking karangalan ang ipakilala
ang kaakibat sa pagpapalaganap, pagtangkilik at pagpapa-unlad ng Wikang
Pambansa. Nangunguna sa pagpapatupad ng Wikang Filipino bilang wika ng
Karunungan. Ang ulirang guro sa Filipino 2016, ang kagalang-galang na si G.
RICHARD MORGADO COLLADO.

You might also like