Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KENNETH ZACHARY B.

AGOT

GRADE SIX - FAITH

ANG IBONG MALAKAS


Noong unang panahon kung saan ang lahat ay nagkakaintindihan.
Walang gulo, walang inggitan at halos ay pantay pantay na nilikha ng
Maykapal.

Nabago ang lahat ng ito nang may isang patpating ibon na

napadpad sa gitna ng kagubatan.


Humihingal ito sa pagod sa paglipad mula sa malayong lugar. Habang
lumilipad, may nakita siyang higad na nahihirapang gumapang patungo sa
dahon ng puno. Lumipad ang ibon patungo sa higad nang bigla itong
sumigaw. Tulong! Tulong! Maawa po kayo sa akin. Huwag niyo po akong
kainin! Nagulat ang ibon at lumingon-lingon kung sino ang tinutukoy nito na
gustong manakit sa higad, pero wala siyang nakita kundi siya lang. Ako?
Hindi kita kakainin. Tutulungan kita na makarating sa dahon dahil alam ko na
pupunta ka doon upang maging magandang paru-paru sabi ng ibon. Tama
ka, akala ko kakainin mo ako, sabi ng higad habang dala-dala siya ng ibon
gamit ang tuka nito. Nilagay niya ito sa dahon at natawa. Hahaha! Ako pala
si ZirRi, galling ako sa malayong lugar. Salamat sa pagtulong mo Zirri,
sabi ng higad.
Halos lahat ng madaanan ni Zirri na nangangailangan ng tulong ay
natulungan niya. Lahat ay napahanga sa kanyang kabaitan. Mapamalaki o
maliit na pagtulong ay ginagawa niya.
Masayayahing ibon si Zirri. Lahat ay naging kaibigan niya. Isang araw,
napadaan si Zirri sa isang kulunoy. Nakita niyang pilit umaakyat ng isang
buwaya sa isang maliit na buro malapit sa kulunoy. Kumuha ng baging ang
ibon at tinali ang isang dulo sa malaking puno. Gustong italic ni Zirri ang
kabilang dulo sa leeg ng buwaya pero akala ng buwaya ay sasaktan siya ni
Zirri. Biglang nagwala ang buwaya at sumigaw ng Umalis ka ditto! Teritoryo
ko ito. Kung hindi ka aalis, kakainin kita! Nagulat din si Zirri at nagsalita
Hindi ako kaaway, tutulungan lang kita na makaakyat sa burol gamit ang
mga baging na ito. Hindi naniwala ang buwaya bagkus ginalaw-galaw niya
ang kanyang buntot at natamaan si Zirri.

Napadpad si Zirri sa may puno

KENNETH ZACHARY B. AGOT

GRADE SIX - FAITH

pero bumangon ulit ito para tulungan ang buwaya.

Ilang beses ding

natamaan si Zirri ng buntot ng buwaya. Hindi nawalan ng pag-asa si Zirri.


Paulit-ulit siyang bumangon. Hah! Malakas ka ha!? Hindi ka ba napapagod
na kanina ka pa natatapon? sabi ng buwaya. Hindi, malakas kaya ito!
sagot ng ibon. Sinubukan ng ibon na itali ulit ang baging sa leeg ng buwaya,
pero tinamaan pa rin siya.

Maya-maya dumating ang mga kaibigan na

natulungan ni Zirri at sinabihan nila ang buwaya na mabait si Zirri at gusto


lamang niyang tumulong.

Biglang napaamo ang buwaya at hindi na

gumalaw. At doon tinali na ni Zirri ang baging sa leeg nito upang makaakyat
sa burol ang buwaya.
Aral sa kwento: Lahat ng hindi mabuti ay napapabait or napapabuti ng
isang kabutihan.

You might also like