ang Paris, France. Gusto kong pumunta sa Paris upang makita ang pinakatanyag na atraksyon, ang Eiffel Tower. Gusto ko rin pumunta dito dahil may mga deli caf dito, gusto kong tikman ang kanilang kape. Gusto ko rin subukan makipagusap sa mga tao roon gamit ang wikang French.
Ang Jeju Island ay isang maliit na isla na
matatagpuan sa tabi ng South Korea. Gusto ko din to puntahan dahil sa magandang tanawin nito. Maraming mga pwedeng puntahan mismo sa loob ng probinsya, dahil maraming mga natural sites at marami ring mga magagandang resort na matatagpuan dito.
Ang pagpasyal sa Italya ay maaaring
maging isang nakatutuwang karanasan. Ang pagkain, ang alak, ang tanawin, ang kasaysayan, ang kultura, ang musika at ang wika nitoay pawang dahilan kung bakit ang lupaing ito ay hindi malilimutan. Marahil itong tag-araw ay isang mabuting panahon para pumasyal.
Gusto ko rin pumunta dito sa Merlion
Park sa Singapore. Maraming pang ibang mga tourist spots ang makikita sa tabi nito, katulad ng Marina Bay Sands. Ang mga lugar na ito ay posibleng mapuntahan sa ilang oras lamang, dahil sa liit ng Singapore. At kung ako ay magugutom sa biyahe, maraming mga sea-side na kainan na malapit lamang.
Ang Mt. Fuji ay isa sa mga popular na
tourist sites sa Japan. Gusto kong puntahan ito dahil gusto kong masubukan akyatin to. Ang Mt. Fuji ay hinahangaan dahil sa kanyang magandang cone shape na hugis.