Professional Documents
Culture Documents
AP 5 Reviewer - Coline
AP 5 Reviewer - Coline
Majul- nagsimula ang pagtatatag ng bantayan ng Islam sa Sulu sa huling bahagi ng ika-13
dantaon na mga mangangalakal mula sa Malay Peninsula o sa kasalukyan ay Indonesia at
Malaysia
Tuan Mashaika at Tuan Magbatu pinangunahan ang mga mangangalakal
Tarsila- aklat tungkol sa pinagmulan ng mga pinuno ng Sulu ang pagdating ni Sharif Karim ulMakdum
Sharif mula sa angkan ng propetang Mohammad
Sharif Karim ul-Makdum nagpagawa ng kauna-unahang moske sa Tubig Indangan sa pulo ng
Simunul sa Tawi-Tawi
Raja Baguinda- nagpatuloy ng pagpapalaganap ng Islam at itinatag anf dinastiyang Muslim sa
Buansa
Sharif ul-Hashim Abu Bakr - sinasabing nanggaling siya sa Palembang sa Sumatra. Naging
pinuno ng mapangasawa niya si Paramisuli- anak ni Raja Baguinda
Sharif ul-Hashim - itinatag niya ang pamahalaang Sultunato sa Sulu. Siya ang kauna-unahang
sultan sa Pilipinas
Limang Haligi ng Islam
1. Shahada ang pagbigkas ng Walang ibang Diyos kundi si Allah at si Muhammad ang
propeta ni Allah
2. Salat - pagdarasal nang limang ulit sa isang araw
3. Zakat pagbibigay ng tulong na pananalapi para sa mga mahihirap na kapatid na Muslim
4. Saum pag aayuno tuwing panahon ng Ramadan
5. Hajj paglalakbay sa Mecca
Allah tawag ng mga Muslim sa Diyos
Kor-an banal na aklat ng mga Muslim. Isa itong salitang Arabe na nangangahulugang yaong
dapat basahin. Inihayag ito ni Anghel Jibri (Gabriel) kay Muhammad.
Nabi nangangahulugang propeta o Rasul na nangangahulugang mensahero ang tawag ng
mga Muslim sa kanilang propeta
Sidq (Katotohanan), Amanah (Katapatan), Tabligh (Tagapaghatid), at Fatanah
(Katalinuhan) apat na katangian dapat taglayin ng isang propeta
Muhammad pinakakilalang propetang Muslim. Ang kanyang mga magulang ay sina Amina bint
Wahb at Abdullah.
Pagpapastol - unang trabaho ni Muhammad
Hira- yungib na palagiang pinupuntahan ni Muhammad
Hijrah o Hegira nangangahulugang paglisan
Qadar tawag sa paniniwalang Muslim sa walang hanggang kaalaman kay Allah at sa kanyang
kapangyarihan
KABANATA 3: Pamamaraan ng Paghahanapbuhay ng mga Sinaunag Tao
Robert Fox nakahukay ng mga labi ng unang tao sa Kweba ng Tabon sa Palawan
Arkeologo iskolar na dalubhasa sa mga labi
Antropologo dalubhasa sa kultura at pamumuhay ng mga sinaunang tao
Prehistoriko tawag sa panahong hindi pa nasusulat ang kasaysayan. Nahahati ito sa
Panahong Paleolitiko(Old Stone Age), Panahong Neolitiko (New Stone Age), at Panahon ng Metal
Panahong Paleolitiko nakagawa ng mga kagamitang gawa sa bato, nabubuhay sa
pamamagitan ng pangangaso at panunguha ng halamang ligaw
Cagayan natuklasan ang ilang kagamitang gawa sa bato
Radio Carbon Dating ginamit sa pagsusuri sa mga buto ng hayop at tao na isang paraan ng
pagpepetsa ng organic material
Kweba- naging unang tirahanmg mga sinaunag tao sa Palawan
Panahong Neolitiko pagbabagong nagawa ng mga unang tao sa kanilang mga kagamitang
bato. Natuto ang mga tao sa panahong ito ng pagpapaamo ng mga hayop
Tapayan- ginamit bilang kabaong na natagpuan sa Kweba ng Manunggul sa Lipuun Poit sa
Palawan
Panahon ng Meta nahahati sa Unang Panahon ng Metal at Maunlad na Panahon ng Metal
Unang Panahon ng Metal tanso ang unag metal na ginamit sa panahong ito. May mga
palamuting bronse ( pinaghalong lata at iba pang metal) ang nhukay sa Rizal, Bulacan, Batangas,
Masbate, at Palawan
Maunlad sa Panahong Metal kilala rin ito sa Panahon ng Bakal. Bakal ang naging pangunahing
metal sa paggawa ng mga kasangkapan sa panahong ito.
H. Otley Beyer pinaniniwalaang may mina ng bakal sa Angat-Norzagaray at Mountain Province
Pangangaso, pagsasaka, pangingisda at pag-aalaga ng mga hayop mga pangunahing
ikinabubuhay ng mga sinaunag tao
Metalurhiya pagpapanday ng mga metal tulad ng ginto
Mindoro, Samar, Cuyo, Bohol, Surigao, at Butuan mga pook na kinatagpuan ng sinaunang ginto
Panday tawag sa mga unang Pilipino na mahusay gumawa ng sandata
Maynila tanyag na sentro ng kalakalan noon sa kilala sa tawag sa Tondo.
Ilog Pasig isa sa naging daan upang madaling madala ang mga paninda
Mga Arabe pangkat ng mga taong dumating sa kapuluan mula sa mga bansang India,
Indonesia, at Malaysia
Siam kilala ngayon sa tawag na bansang Thailand
na gumanap
ng tungkulin ng
Residencia hukumang tagasiyasat at taga ulat sa hari ng Spain tungkol sa kanyang mga gawain
Royal Audiencia pinakamataas o kataas- taasang hukuman sa kolonya noong panahon ng
Espaol. Binubuo ito ng gobernador-heneral, tatlong oidores o mahistrado at isang piskal.
Tungkulin niya ang duminig sa mga usaping kriminal at sibil
Pamahalaang Lokal ikalawang antas ng pamamahala ng mga Espaol sa Pilipinas. Ito ang
pamahalaang umusbong mula sa sistemang encomienda na unang ginamit ng mga dayuhan.
Alcaldia lalawigang tahimik na pinamunuan ng alcalde-mayor
Alcalde-mayor pinuno ng alcaldia o mga lalawigang mapayapa na. Siya din ang kinatawan ng
gobernador-heneral. Tungkulin niya na mangolekta ng buwis , magpanatili ng katahimikan at
kaayusan
Corregimiento lalawigang may nagaganap pang kaguluhan
Corregidor pinuno ng corregimiento o lalawigang may kaguluhan. Tungkulin niyang panatilihing
mapayapa ang lalawigan sa kanyang nasasakupan. Tumatayo siyang vice-royal patron at kapitan
heneral ng lalawigan
Pueblo ang tawag sa bayan noong panahon ng mga Espaol. Ang bawat pueblo ay may isang
poblasyon o kabayanan na sumasakop sa mga baryo o sityo.
Gobernadorcillo ang tawag sa pinunong pambayan o pueblo noong panahon ng mga Espaol
Alcalde pinuno ng lungsod sa tulong ng ayuntamiento (konseho) na binubuo ng 12 regidores o
konsehal
Cabeza de Barangay pinuno ng barangay. Tatlong taon ang panunungkulan at lumikom ng
buwis
Mga katulong sa pangangasiwa sa pueblo ng gobernadorcillo:
- 3 teniente de justicia na namamahala sa mga hangganan ng mga sinasakang lupa
- Alguacil o konstable
- 4 na teniente segundos
- Mga tenyente ng mga distrito
- 1 kalihim o directorcillo
Lungsod ciudad na napasailalim sa isang konseho o ayuntamiento sa pamumuno ng alcalde at
binubuo ng 6 hanggang 12 regidores o konsehal
Principalia binubuo ng mga inapo ng mga datu, mayayamang may- ari ng mga lupain, mga
guro, at mga pinuno ng bayan
Inquilino tagapangasiwa ng mga lupa ng mga mamamayan at mga prayle. Tawag sa mga
pangkat na kinuha ng mga prayle at mayamang Espaol upang mangasiwa sa mga hacienda.
Parian de los Sangleyes- nanirahan ang mga hindi binyagang Tsino
Padre Juan Francisco de Antonio naglarawan ng mga pang araw-araw na Gawain ng mga
Pransiskano sa pagtuturo ng mga gawaing panrelihiyon
Graciano Lopez Jaena sinabi niya na ang edukasyong pinalaganap ng mga Espaol sa Pilipinas
ay walang katururan sa pamumuhay sa bansa
Ilan sa mga kababaihan na nakipaglaban upang isulong ang kalayan ng bansa:
- Gabriela Silang
- Melchora Aquino
- Teresa Magbanua
- Gregoria de Jesus
- Marina Dizon
- Agueda Kahabagan
Gaspar Aquino de Belen may akda ng pasyon sa wikang tagalog
Senakulo, moro-moro, at sarswela mga anyo ng dula na tanyag noong panahon ng mga
Espaol
Senakulo tungkol sa paghihirap ni Kristo sa krus
Moro-moro tungkol sa tunggalian ng mga Kristiyano at Muslim
Sarswela isang dulang may musika tungkol sa mga karaniwang paksang panlipunan at
pampulitika
Comico, tondo at zerilla ilang anyo ng teatro
Battle of Lepanto gawa ni Juan Luna na nanalo unang gantimpala ( gintong medalya) sa
Barcelona Exposition
Marcelo Quitoria Adonay kompositor ng liturjiyang Pilipino, Benedictus
Francisco Baltazar Ama ng Balagtasan at tanyang nagawa ang Florante at Laura
Gaspar Aquino de Belen may akda ng Pasyon Naming Mahal
Damian Domingo Ama ng Pagpipintang Pilipino. Nangasiwa sa unang paaralan ng pagpinta sa
Pilipinas
Felix Resurreccion Hidalgo nanalo ng medalyang ginto sa Madrid Eksibisyon
Graciano Lopez Jaena prinsipe ng mga mananalumpating Pilipino at isang Orator
Jose Honorato Lozano pangunahing pintor ng Letra y Figuras
Juan Luna nakilala sa pagpipinta ng Spolarium at The Battle of Lepanto
Mariano Baldemor Madrian nakilala sa paglililok ng Meter Dolorosa
Julio Garcia Nakpil kompositor ng Marangal na Dalit ng Katagalugan, ang awit na pilalikha ni
Bonifacio upang maging pambansang awit ng Pilipinas
Marcelo H. del Pilar patnugot ng La Solidaridad at isang mahusay na manunulat
Tomas Pinpin dalubhasa sa paglilimbag
Jose Rizal Noli Me Tangere at El Felibusterismo
Juan De Los Santos sinasabing naglilok ng retablo sa Simbahan ng San Agustin
Isabelo Lacandula Tampingco tumulong sa pagtatag ng Centro de Escultores
Patintero at sipa mga larong panlabas na sa mga Espaol din nanggaling
Padre Blas de la Madre de Dios sumulat ng kauna unahang aklat tungkol sa mga halaman sa
Pilipinas
Juan de Cuellar kinomisyon ng Real Compaia de Filipinas upang magsilbing botanist
Anacleto del Rosario nakilala bilang Prinsipe ng mga Kimikong Pilipino. Ang pananaliksik niya
ang isa sa mga batayan ng parmasya sa bansa
Unibesidad ng Santo Tomas nagbukas ng kursong parmasya at medisina sa bansa
Walong lalawigang nag-alsa laban sa Espaa: Cavite, Maynila, Batangas, Laguna, Bulacan,
Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija sa bandilang Pilipino, ito ay sumasagisag sa 8 sinag na araw
Rebolusyonaryo Pamahalaan natatag sa Tejeros, San Francisco de Malabon, sa Cavite sa isang
pagpupulong . Ito ang pamahalaang rebolusyonaryo na pumalit sa Katipunan sa pagtataguyod
ng himagsikan. Ang mga sumusunod ang mga nahalal na pinuno:
Emilio Aguinaldo Pangulo ng Republika ng Rebolusyonaryong Pamahalaan
Mariano Trias Pangalawang Pangulo
Artemio Ricarte Kapitan heneral
Emilio Riego de Dios director ng digma
Andres Bonifacio director ng interyor
Daniel Tirona- tumutol sa pagkahalal kay Bonifacio, ayon sa kanya dapat ay abogado ang nahalal
bilang direktor ng interyor
Acta de Tejeros ipinalabas ni Bonifacio kung saan inisa-isa niya ang mga dahilan kung bakit
pinawang bias niya ang resulta ng halalan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan.
Agapito Bonzon tauhan ni Aguinaldo na nanguna sa pagdakip kay Bonifacio sa Barrio Limbon,
Indang, Cavite
Procorpio kapatid ni Bonifacio
Kamatayan hatol sa magkapatid na Bonifacio sa salang sedisyon at pagtataksil at iginawad ito
sa Margondon, Cavite
Biak-na-Bato matatagpuan sa San Miguel, Bulacan kung saan nagkuta si Aguinaldo pagkatapos
ng maraming pagkatalo sa labanan
Isabelo Artacho at Felix Ferrer sumulat ng Saligang Batas ng Republika ng Biak-na-Bato
Mga nahalal na opisyal ng Republika ng Biak-na-Bato:
-
Pedro Paterno isang mestizong Pilipino na namagitan upang mahinto na ang digmaan. Sa
pamamagitan ni Paterno nabuo ang Kasunduan sa Biak-na-Bato. Lumagda bilang kinatawan ng
mga rebolusyonaryo at Gob. Hen. Fernando Primo de Rivera na kinatawan naman ng mga
Espaol
Pamahalaang Diktatoryal pamahalaang itininatag ni Aguinaldo matapos magapi ang mga
Espaol. Sa pamamagitan ng pamahalaang ito, idineklara ni Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas
sa Spain noong Hunyo 12, 1898. Nilagdaan ang proklamasyong ng kalayaan ng Pilipinas ng 98 na
katao
Ambrosio Rianzares Bautista inihanda ang kasulatang nagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas
Kawit, Cavite iwinagayway ang watawat ng Unang Republika ng Pilipinas na ginawa ni Marcela
Agoncillo habang tinutugtog ang Marcha Nacional Filipina
-
Madaling tinalo ng mga Amerikano ang mga Espaol sa labanan sa Look ng Maynila.
Singapore- bansa kung saan nandon si Hen. Emilio Aguinaldo ng sumiklab ang Digmaang
Espaol- Amerikano
Hukbong Dagat ito ang itinatag ni Aguinaldo sa pagbabalik niya sa Pilipinas galling Hongkong.
Binuo ito ng mga barkong kinuha sa mga Espaol. Mahalagang karagdagan ditto ang Compaia
de Felipinas
Vicente Catalan isang Cubano na namuno sa paghihimagsik ng mga Pilipinong tripulante. Siya
ang pangalawang inhinyero ng barko.
Mariano Ponce sumulat ng Saligang Batas sa Hongkong na dala ni Aguinaldo sa pagbabalik sa
Pilipinas. Layunin ng Saligang Batas na ito na magtayo ng isang pamahalaang Republika sa
Pilipinas.
Pamahalaang Rebolusyonaryo ang pamahalaang pumalit sa pamahalaang diktatoryal na
itinatag ni Aguinaldo.
- Layunin ng Pamahalaang ito na makamit ang kalayaan na kikilalanin ng Spain at iba pang
mga bansa sa mundo
- Nagtalaga siya ng mga kasapi ng kanyang Gabinete
- Nagtayo ng pamahalaang sa mga bayan
- Nagtatag siya ng isang Kongreso na binuo ng 85 na kinatawan
Kongreso ng Malolos dito nakilala ang Kongreso na itinatag ni Aguinaldo sapagkat sa
Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan ginanap ang unang pulong nito noong Setyembre
15, 1898
Saligang Batas ng Malolos pinakamahalagang nagawa ng pamahalaang Rebolusyonaryo
ang pagbuo nito na isinulat ni Felipe Caldero . Ang Saligang Batas na ito ang naging saligan ng
pagtatag ng isang Republika ng Pilipinas
Malolos, Bulacan kabisera ng Unang Republika ng Pilipinas na itinatag ni Emilio Aguinaldo
Kasunduan sa Paris sa ilalim ng kasunduang ito, pormal na isinuko ng mga Espaol ang
Pilipinas sa United States. Ito ang nagpasidhi sa pagnanais ng mga Pilipino na makamit ang
kalayaan. Kasama sa probisyon ng kasunduang ito ang mga sumusunod:
- Pagtanggap ng Spain ng $20,000,000 mula sa Estados Unidos
- Ipagkakaloob ng Spain ang Pilipinas, Puerto Rico at Guam sa United States
Hen. Emilio Aguinaldo kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Ang Unang
Republika ng Pilipinas ay pinasinayaan sa Malolos, Bulacan noong Enero 23, 1899
-
Sociego, Sta. Mesa, Manila lugar kung saan pinatay ng Amerikanong sundalo na si William
Walter Grayson ang isa sa apat na sundalong Pilipino habang naglalakad
Antonio Luna nanguna sa labanang naganap sa Maynila sa pagitan ng Amerikano at Pilipino
-
Balangiga, Samar 57 Amerikano ang napatay ng mga Pilipino ngunit sa bandang huli, tuluyan
ding nagapi ang mga Pilipino dito
Apolinario Mabini
Pablo Ocampo
Julian Tirona
Pedro Paterno pangulo ng Kongreso ng Malolos na sumuko sa unang bahagi ng 1900 sa mga
Amerikano
Palanan, Isabela lugar kung saan itinayo ni Aguinaldo ang kanyang punong himpilan matapos
lumikas mula Hilagang Luzon upang makaiwas sa mga Amerikano
Gregorio de Pilar nagkusang pamunuan ang mapanganib na misyon na mapigilan ang
tumutugis na mga Amerikano sa paglikas ni Aguinaldo
Pasong Tirad, Cervantes, Ilocos Sur- lugar na napili nina Aguinaldo kasama ang 60 na
sundalong Pilipino upang hintayin ang mga Amerikano na tumutugis sa kanila. Ang naturang
lugar ay mataas at mahihirapan ang mga kalaban na makita sila
Januario Galut- isang Kristiyanong Igorot na nagturo ng daan patungo sa kinaroroonan nina del
Pilar at iba pang mga Pilipino. Dito napatay si del Pillar at kanyang mga kasamahan
Frederick Funston ang heneral na nakadakip kay Aguinlado sa tulong ng mga Macabebe
Macabebe ang tawag sa tagapagsalin ng wikang Ingles at Tagalog at apat na Tagalog
Cecilio Seguismundo isang mensahero ni Aguinaldo sa Nueva Eciija na nahuli ni Frederick
Funston. Dala-dala nito and isang dokumentong nagsasaad ng utos ni Aguinaldo na
magpapadala ng mga sundalo sa Palanan
Miguel Malvar nanguna sa pakikipaglaban sa mga Amerikano sa Katimugang Luzon. Siya at si
Simeon Ola ang mga huling sumuko sa mga Amerikano
Juan Climaco at Arcadio Maxilom namuno naman sa Cebu
Quintin Salas namuno sa Iloilo; Vicente Lukban namuno sa Samar
Pamahalaang Militar at Sibil dalawang uri ng pamahalaan na itinatag noong panahon ng
pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas
Pamahalaang Militar unang uri ng pamahalaan na itinatag sa Pilipinas ng mga Amerikano na
pinamumunuan ng isang gobernador- militar. Sa pamahalaang ito, nagmumula sa Pangulo ng
United States ang mga kautusang ipinatutupad sa Pilipinas. Tatlong taon lamang ang itinagal ng
pamahalaang militar
Wesley Merritt ang kauna-unahang gobernador-militar sa Pilipinas noong Panahon ng mga
Amerikano, sumunod sa kanya si Elwell Otis na sinundan ni Arthur McArthur
Jacob Schurman pinamunuan niya ang kauna-unahang komisyon na ipinadala ng United
States sa Pilipinas sa panahon ng pamahalaang military upang suriin ang kalagayan ng bansa.
Nagtagal ito sa Pilipinas ng 1 taon. Iisa lamang ang kanilang ulat sa kanilang pagbabalik sa
United States : Hindi pa Handa ang Pilipinas sa Pagsasarili
Komisyong Taft ang ikalawang komisyon na itinatag ni Pangulong McKinley. Pinamunuan ito ni
William Taft.
- Ang Komisyong Taft ang nagpasimula ng pagtatayo ng pamahalaang sibil
- Sa komisyong ito ipinalabas ni Pangulong McKinley ang Magna Carta of the Philippines
Magna Carta of the Philippines nakasaad dito na para sa mga Pilipino ang pamahalaan ng
United States sa Pilipinas at hindi para sa mga Amerikano
Ilan sa mga nagawa ng Komisyon Taft:
- Pagtatatag ng Philippine Constabulary
- Pagsisimula ng sistemang pampublikong edukasyon
- Pagtatayo ng mga ahensyangg tulad ng Bureau of Agriculture and Forestry
- Pagsasabatas ng pagtatag ng serbisyo sibil
- Pagpapatibay ng batas na nagbibigay sa Pilipinas ng dalawang milyong piso para sa
pagkumpuni ng mga nasira ng digmaan
Susog Spooner ipinanukala ito ni Sen. John Spooner na isinusog na bigyan ng kapangyarihan
ang Pangulo ng United States na magtatag ng isang pamahalaang sibil sa Pilipinas. Dahil dito
inilipat sa Kongreso ng United States ang pamamahala sa Pilipinas at nagwakas ang
pamahalaang militar sa bansa at naging simula ng pamahalaang sibil
Pamahalaang Sibil ang ikalawang uri ng pamahalaan na itinatag noong panahon ng
Amerikano sa Pilipinas. Itinalaga si William Taft bilang gobernador-sibil. Sa ilalim nito, nabigyan
ng pagkakataon ang mga Pilipino na makalahok sa pamahalaan. Ito ang isa sa mga hakbang sa
pagkakamit ng kalayaan ng Pilipinas
Mga
-
Batas Pilipinas ng 1902 kilala rin ang batas na ito bilang Cooper Act sapagkat si Henry Allen
Copper and may-akda nito. Pinagtibay nito ang mga pasya at aksyon ng Pangulo ng United
States hinggil sa Pilipinas. Ito ang naging batayan ng pamahalaang demokratiko sa Pilipinas.
-
Batas Sedisyon sa ilalim ng batas na ito, ipinagbawal ang anumang gawain, mapayapa
man o hindi na nag-uudyok ng paghihimagsik o pag-aaklas laban sa United States
Batas Brigandage ito ang nagtatak sa lahat ng mga dating gerilya at mga pangkat na
nakikipaglaban para sa kalayaan bilang mga bandido, tulisan at magnanakaw
Batas sa Rekonsentrasyon layunin ng batas na ito na masukol ang mga gerilyang
nagtatago sa mga liblib na pook o pamayanan
Batas sa Watawat ipinagbawal ng batas na ito ang pagwawagayway ng bandilang
Pilipino sa anumang pagkakataon o saan mang lugarn sa bansa mula 1907 hanggang
1918
Batas Jones o Phillippine Autonomy Act inihain ito ni William Atkinson Jones sa Kongreso
ng Estados Unidos, bunga narin nina Manuel L. Quezon at Sergio Osmea
- Ang batas na ito ay naglalaman ng kalipunan ng mga karapatan
- Binigyan pakahulugan nito kung sino ang mamamayang Pilipino, sistema ng pagbabadyet,
kapangyarihan para sa pamahalaan at pagtatag ng mga kawanihan
Mahalagang probisyon ng batas na ito ang pagtatag ng 3 sangay ng pamahalaan:
1. Lehislatura pagtatag ng batasang Pilipino na binubuo ng Senado o Mataas na
Kapulungan at ng Mababang Kapulungan
o Ang senado ang pumalit sa Philippine Commission at ang Kapulungan ng mga
Kinatawan ang pumalit sa Asemblea ng Pilipinas. Senado binuo ng 24 na senador at
22 rito halal habang 2 naman ang hinirang ng gobernador-heneral
o Manuel L. Quezon naging pangulo ng Senado at Sergio Osmea ang ispiker ng
Kapulungan ng mga Kinatawan
2. Ehekutibo- pagkakaroon ng 1 gobernador-heneral na taglay ang kapangyarihang
tagapagpaganap
3. Hudikatura
Frank Murphy ang pinakahuling gobernador-sibil
Komisyong Pangkalayaan komisyong magpupunyagi para sa pagkakamit ng ganap na
kasarinlan ng Pilipinas
Manuel L. Quezon unang pinuno ng misyong pangkalayaan na binuo ng 40 na kasapi.
Inilahad ng misyon ang kagustuhan ng mga Pilipinong makamit and kalayaan. Siya rin ang
namuno sa ika-12 misyong pangkapayapaan.
Misyong Os-Rox- pinamunuan ito ni Sergio Osmea at Manuel Roxas bilang pinuno ng ika-9 na
misyong pangkalayaan
Batas Tydings-Mc-Duffie isang batas pangkalayaan ng Pilipinas na inindorso at hinikayat
ipapasa ni Manule L. Quezon bilang pinuno ng ika-12 misyong pangkalayan sa Kongreso ng
Estados Unidos. Akda ito nina Millard Tydings at John McDuffie ang batas na ito. Ayon dito,
matatamo ng Pilipinas ang kalayaan pagkatapos ng 10 taon na malasariling pamahalaan.
Kabanata 9: Ang Pagbabago sa Panahon ng mga Amerikano
Manila- Dagupan Railway ang tawag noon sa Philippine National Railway o PNR ngayon na
binili ng mga Amerikano sa mga Ingles
Lucky Baldwin ang amerikanong nagpalipad ng unang eroplano sa bansa
Kawanihan ng Pahatirang Kawad itinatag noong panahon ng mga Amerikano upang
mamahala sa mga serbisyo tulad ng paghahatid ng sulat, telegram, airmail at money order
Radiophone isang serbisyon na itinatag noong panahon ng mga Amerikano na nag uugnay
sa Pilipinas sa ibang lungsod sa daigdig
Baguio at Maynila may dalawang lungsod lamang sa pasimula ng pamamahala ng mga
Amerikano sa bansa
Daniel H. Burnham ang inanyayahan ni William Taft upang baguhin ang arkitektura ng
Maynila at gawing summer capital ang Baguio na dumating naman sa Pilipinas kasam si Pierce
Anderson upang siyasatin ang kalagayan ng dalawang lungsod.
- Sila ang nagpakilalasa bansa ng paggamit ng bakal at semento bilang pundasyon at
balangkas sa mga gusali
Neo-classic ang ginamit na tipo ng arkitektura nina Anderson sa pagtatayo ng mga gusali sa
Pilipinas. Ito ang tawag sa istilo ng arkitektura na ipinakilala ng mga Amerikano sa Pilipinas
William Parson ang tagapagpaliwanag at tagapagpatupad ng plano nina Burnham at
Anderson ang namahala sa pagpapatayo at pagdidisenyo ng mga gusali sa bansa noong
panahon ng mga Amerikano
Mga gusaling tanyag na ipinatyo ni Parson:
- Manila Club
- Army-Navy Club
- Philippine General Hospital
- Manila Hotel
- Philippine Normal School
Don Isabelo de los Reyes nagpahayag ng Philippine Independent Church, isang bagong
relihiyong Kristiyano
Young Mens Christian Association at Young Womens Christian Association mga
asosasyong nagtayo ng dormitory para sa mga kabataang nag-aaral sa Maynila noong panahon
ng mga Amerikano
Free Trade tumutukoy sa malayang kalakalan na isa sa mga aspetong pangkabuhayan na
pinigyang pansin ng mga Amerikano sa Pilipinas
Land Registration Act ng 1902 isa sa mga batas na unang ipinatupad ng mga Amerikano
tungkol sa lupa. Sinasabi sa batas na ito na dapat iparehistro ang lahat ng lupain na taliwas sa
paniniwala ng mga katutubo
Batas Public Lands ng 1903- sa bisa ng batas na ito, ipinamahagi sa mga Pilipino ang mga
pampublikong lupang sakahan sa Pilipinas. Nasasaad din dito na maaari ng mabigyan ng patent
o karapatan sa lupa ang mga Pilipinong nakatira sa mga pampublikong lupain bago ang taong
1903
-
Ang Moro Province ay binubuo ng Sulu, Lanao, Cotabato, Davao at Zambonga. Nadagdag
din ang Agusan at Bukidnon
Pearl Harbor ang lugar kung saan matatagpuan ang himpilang pandagat at panghimpapawid
ng United States sa Hawaii na sinalakay ng Japan at ilang oras pagkatapos nito, sinalakay ang
mag Hapones and Davao aba pang panig ng Pilipinas
Greater East Asia Co Prosperity Sphere ito ang nagsilbing batayan ng lahat ng mga
patakarang ipinatutupad ng mga Hapones sa bansa
Pagdeklara ni MacArthur sa Maynila bilang Open City:
- Nangangahulugang ito na walang mga militar na magtatanggol sa lungsod
- Nagbigay daan ito upang magtagumpay ang mga Hapones sa pagsakop sa Pilipinas
Malinta Tunnel sa Corregidor naganap ang ika-2 ulit na inagurasyon pampalungan ng
Komonwelt. Hindi naging hadlang ang digmaan upang muling manumpa sina Qezon bilang
Pangulo ng Komonwelt at Sergio Osmea bilang Pangalawang Pangulo
Death March- tawag sa pangyayari kung saan pinagmartsa ng mga Hapones ang mga
sundalong Amerikano at Pilipino mula sa Mariveles, Bataan hanggang San Fernando, Pampanga
ng walang inumin at pagkain.
Kampo ODonnel kampo na makikita sa Capas, Tarlac kung saan ikinulong ang mga nabuhay
na sundalong Amerikano at Pilipino sa Death March
Jonathan Wainwright ang huling Amerikanong heneral na nagtanggol sa Corregidor na siya
ring inatasan ni Hen. Masaharu Homma na manawagan sa lahat ng mga sundalong Amerikano at
Pilipino na sumuko na ngunit marami sa kanila ay tumangging sumuko at namundok at naging
gerilya upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Hapones
Preparatory Commission for Philippine Independence itinatag noong panahon ng mga
Hapones na pinamunuan ni Jose P. Laurel upang bumuo ng bagong Saligang Batas ng Pilipinas.
Sa bisa ng nabuong Saligang Batas itinatag ang Ikatlong Republika ng Pilipinas
Jose P. Laurel ang naging Pangulo ng Japanese-sponsored Republic na tinawag na puppet
government sa ilalim ng Japan
Ikalawang Republika ng Pilipinas isang papet na pamahalaan sa panahon ng mga Hapon.
Bagamat isang Pilipino ang Pangulo, mga Hapones pa rin ang makapangyarihan. Hindi ito isang
malayang pamahalaan. Tinawag din itong puppet government
Kilusang Gerilya ang lihim na pangkat ng mga Pilipino na lumalaban sa mga Hapones. Unang
itinatag ito ng mga takas na kawal na Pilipino at Amerikano mula sa Corregidor at Bataan.
Salaping Mickey Mouse - salaping papel na ipinagamit sa mga mamamayang Pilipino noong
panahon ng mga Hapon. Ito ay anyong laruang salapi at walang pananda na may katumbas itong
ginto o pilak at maaaaring ipambili. Ito ay nagmistulang laruang salapi.
- Sampung piso ang pinakamataas na halaga na nakalimbag na salapi
Asukal ginamit ng mga Hapones upang mapagkunan ng mga panggatong na mataas sa
octane, butanol at alcohol
Bulak ginamit para sa mga uniporme at iba pang pangangailangan sa tela ng mga hukbong
Hapones na nakatalaga sa Pilipinas
Sendenbu isang yunit ng militar noong panahon ng mga Hapones. Binubuo ito ng mga
manunulat, potograpo, brodkaster, pari, misyonero at iba pang propesyonal
Kempei-tai ang tawag sa pulisyang militar ng mga Hapones na kinatatakutan ng mga gerilya
HUKBALAHAP o Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon isang kilusang itinatag laban sa mga
Hapones; samahang gerilya laban sa mga Hapones. Itinatag ito nina:
- Luis Taruc, Pedro Abad Santos, Jose Banal at Casto Alejandro
Hen. Douglas MacArthur at Pangulong Sergio Osmea- pinamunuan nila ang pagbomba sa
mga kwartel ng mga Hapones sa Davao at sinundan ng paglunsad ng mga sundalong Amerikano
sa Leyte
- Tinupad ni MacArthur ang kanyang pangako na babalik sa Pilipinas. Hinikayat niya ang
mga Pilipino na muling makipaglaban sa mga kaaway
Pangulong Sergio Osmea ang pumalit kay Pangulong Quezon na namatay sa Saranak Lake,
New York
Golpo ng Leyte lugar sa Pilipinas kung saan naganap ang makasaysayang labanan sa pagitan
ng mga Hapones at Amerikano. Natalo ng mga Amerikano ang mga Hapones.
Kilala rin ang pinatayong Philamlife Homes sa Quezon City na dinisenyo ni Carlos
Arguelles at ang tinatawag na pinauupang accesoria (rowhouses)
Bb. Francisca Reyes- isang guro ng Universidad ng Pilipinas na nagtatag ng Philippine Folk
Dance Society noong 1949
Mga naging bantog na mananayaw sa katutubong sayaw sa Panahon ng Ikatlong
Republika:
- Bayanihan ng Philippine Womens University
- Barangay ng Philippine Normal University
- Far Eastern University Folk Dance
- Folk Dance Troupe ng University of the East
Alice Reyes itinatag ang Ballet Philippines
Conga, pasa doble, at samba ilang sayaw na tanyag noong 1940
Orasang Ginto- ang unang pelikula noong panahon ng Ikatlong Republika na ipinalabas ng LVN
na gawa ni Manuel Conde. Ito ay tungkol sa paghihirap at kabayanihan ng mga Pilipinong gerilya
Tatlong Nangungunang Tagagawa ng Pelikula noong Panahon ng Ikatlong Republika
- LVN
- Premier
- Sampaguita
Mga Nakilalang DULA sa Ingles noong Ikatlong Republika:
- Three Rats ni Wilfredo Guerero
- Portrait of the Artist as Filipino ni Nick Joaquin
Ilan sa mga nakapag-ambag sa pag-unlad ng makabagong teatro sa Pilipinas noong
Ikatlong Republika
- Lamberto Avellano
- Wilfredo Ma. Guerrero
- Botin Cervantes
- Zenaida Amador
- Onofre Pagsanhan
Kabanata 13: Panahon ng Batas Militar at Ikaapat na Republika
Deklarasyon ng Batas Militar ng 1972 ang huling hakbang ni Pang. Marcos upang
mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas
Kumbensyong Konstitusyonal ng 1971 ang pasinayang sesyon nito ay ginanap sa Manila
Hotel noong Hunyo 1, 1971. Si dating Pang. Carlos P. Garcia ang nahalal na pangulo ng
kumbensyon.
Saligang Batas ng 1973 itinadhana ng naturang Saligang Batas na parlamentaryo ang
gagamiting sistema ng pamamahala
- Sa sistemgang ito, ang sangay tagapagpaganap ay pinamumunuan ng Pangulo at Punong
Ministro. Ang Pangulo ang pinuno ng Estado at simbolo ng pagkakaisa ng bansa. Higit ang
kapangyarihan ng Pangulo kaysa Punong Ministro. Ang Pangulo rin ang pumili ng Punong
Ministro
- Sa ilalim ng Saligang Batas na ito, pinarami ang bilang ng mga kasapi ng Korte Suprema.
Mula sa sampung mahistrado, naging 15 ito, kabilang ang Punong Mahistrado
Cesar E.A. Virata ang napiling Punong Ministro ni Pangulong Marcos. Siya ang pinuno ng mga
ministry na bumuo sa Gabinete
Batasang Pambansa nandito ang kapangyarihang lehislatibo o pambatasan sa ilalim ng
pamahalaang parlamentaryo ng Pilipinas. Binubuo ito ng isang kapulungan at ng 200 kasapi
mula sa mga kinatawang inihalal sa ibat-ibang rehiyon ng Pilipinas.
Sandigangbayan natatanging hukuman na itinadhana ng Saligang Batas ng 1973. Saklaw nito
ang mga kasong sibil at kriminal na kinasasangkutan ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan.
Tanggapan ng Ombudsman Nilikha rin ng Batasang Pambansa ang tanggapang ito na
tinatawag na Tanodbayan. Tungkulin nito ang magsiyasat sa mga reklamo sa panunungkulan
ng matataas na pinuno at kawani ng pamahalaan
Pamahalaang Lokal napadagdag sa Saligang Batas ang isang artikulo ukol dito. Isa itong
pagbabago na nagbibigay-daan sa pagsasarili ng mga pamahalaang Lokal. Nakabawas ito sa
pananagutan ng pamahalaang pambansa.
New Peoples Army (NPA) ang tawag sa sandatahang pangkat ng Communist Party of the
Philippines (CPP).
Plaza Miranda sa Quiapo lugar na binomba habang ginaganap ang isang pagpupulong ng
Partido Liberal. Siyam na katao ang namatay at tinatayang 100 pa ang nasugatan sa
pagbombang ito. Kasama sa mga sugatan sina Jovito Salonga at Sergio Osmea Jr., mga
kandidato sa pagkasenador.
Privilege of the writ of habeas corpus ang tawag sa karapatan ng bawat mamamayan na
madala sa korte upang litisin matapos na maaresto na kagyat na sinuspinde ni Pang. Marcos
upang bumaba ang antas ng krimen sa bansa
Proklamasyon 1081- ipinahayag ito ni Pang. Marcos noong Setyembre 21,1972
nagpapailalim sa bansa sa Batas Militar
na
Artikulo VII, Seksyon 10 Talata 2 ng Saligang Batas ng 1935- ang ginamit na batayan sa
desisyon ni Pang. Marcos sa pagdeklara ng Batas Militar sa bansa
Isang Bansa, Isang Diwa inilunsad ni Pang. Marcos ang nasyonalismong temang ito na
sinasabing mahalagang ambag ni Pang. Marcos sa tunay na nasyonalismo
Atas ng Pangulo Bilang 2 sa bisa nito isinailalim ni Pang. Marcos ang buong Pilipinas sa
programang reporma sa lupa. Binuwag niya ang sistemang kasama sa lahat ng mga sakahan ng
palay at mais na nagpalaya sa maraming magsasaka sa bansa
Proklamasyon Bilang 27 pinagtibay ni Pang. Marcos noong Oktubre 21,1972 kung saan ang
lupang sakahan na higit sa 7 ektarya ay ipinamahagi sa mga kasama. Tinawag ito na Land
Emancipation Act ng 1972
- Kaugnay nito, itinatag ang Land Bank of the Philippines (LBP) upang mangasiwa sa
pagbabayad sa mga may-ari ng lupang sakop ng programa sa loob ng 15 taon
Atas ng Pangulo Bilang 21 ito ang kautusan ni Pang. Marcos para sa kapakanan ng mga
manggagawa na lumikha sa Pambansang Komisyon sa Pag-uunayan sa Paggawa upang
mangasiwa sa mga usapin ng mga manggagawa
Apprenticeship ang tawag sa pagsasanay ng mga manggagawa sa aktwal na trabahong
papasukan
Bilingual ang tawag sa paggamit ng Pilipino at Ingles bilang mga wikang panturo upang
matamo ng mga mag-aaral ang kakayahan sa paggamit nito
National College Entrance Examination (NCEE) programa sa edukasyon ng pamahalaang
Marcos na binibigay sa mga mag-aaral sa ikaapat na taon sa mataas na paaralan na naglalayong
malaman ang kakayahan ng mag-aaral na kumuha ng kursong pang-akademya sa kolehiyo o
unibersidad
Youth Civic Action Program - sa ilalim ng programang ito, kinakailangang maglinis sa
paaralan o sa bayan. Kailangang magtanim ng gulay upang mapahalagahan ng mag-aaral ang
dangal ng paggawa
Dendrothermal enerhiya na nagmumula sa mga punungkahoy
Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS) proyekto ng pamahalaang
Marcos na binigyang-pansin ng pamahalaan ang paglutas ng suliranin sa kakulangan ng tirahan
sa mga lungsod
Zonal Improvement Program (ZIP) programa ng pamahalaang Marcos ukol sa pagpaplano
para sa maayos na panahanang pantao at pagpapabuti ng mga pook-iskwater
Patakarang Muslim
- Pagkilala kay Sultan Kudarat bilang pambansang bayani
- Pagbubuo ng mga lalawigang muslim gaya ng Maguindanao, Sultan Kudarat, Basilan,
Hilagang Cotabato at Tawi-tawi
- Pagtatatag ng rehiyong autonomous na binubuo ng 13 lalawigang muslim
Integrated Regionalization Plan (IRP) ito ay batay sa Atas ng Pangulo Bilang 1 na
pangunahinh layunin na magkaroon ng balangkas na magiging batayan ng programang pangimprastraktura ng pamahalaan. Ito ang inaasahang magiging tulay sa mas mabilis na pag-unlad
ng ibat-ibang lalawigan sa bansa
Kabanata 14: Ang Bagong Republika ng Pilipinas: 1981-1998
Corazon C. Aquino ang nakalaban sa pagka pangulo ni Marcos sa ilalim ng United Democratic
Organization (UNIDO), subalit hindi kaagad ito nahikayat tumakbo sa pagkapangulo
- Nagbigay siya ng kondisyon na maaaring makabago sa kanyang pasya ang petisyon na
lalagdaan ng isang milyong Pilipino na hihiling sa kanyang kandidatura
Joaquin Chino Roces ang nanguna sa paglikom sa isang milyong lagda upang mahikayat si
Aquino na tumakbo sa pagkapangulo. Siya rin ang namuno sa pagkabuo ng Cory Aquino for
President Movement (CAPM)
National Movement for Free Elections (NAMFREL) layunin nitong magtaguyod at
magpatupad ng isang malaya, malinis at makatotohanangn eleksyon
Arsobispo Jaime Cardinal Sin nanguna sa panawagan na magkaisa ang mga mamamayan
na gawing malinis at malaya ang halalan. Hinikayat niya ang mahigpit na pagbabantay sa buong
proseso ng halalan, pagdarasal at pag aayuno ang isa pang susi sa pagtatagumpay sa halalan.
-
Hen. Fabian Ver ang AFP Chief of Staf noong panahon ng panunungkulan ni Pang. Marcos
Coup detat- ang tawag sa pag-agaw sa kapangyarihan ng pamahalaan sa marahas na
paraan
-
Noong Pebrero 22,1986 tumiwalag sa pamahalaan sina Minister Juan Ponce Enrile ng
Tanggulang Pambansa at Hen. Fidel Ramos, Vice Chief of Staff.
Mula sa Kampo Aguinaldo, nagpasya sina Enrile at Ramos at mga kasama nilang sundalo
na lumipat sa Kampo Crame
EDSA People Power Revolution ang nagpatalsik sa pamahalaang Marcos at siyang naging
simula sa pagsulong ng demokrasya. Sa panahong ito naghandog ang mga taong nagbarikada
ng pagkain, bulaklak at rosaryo sa mga sundalo. Ito ay naging simbolo ng hangarin ng mga
Pilipino na lumaya mula sa isang mapaniil na pamamahala
Radyo Veritas media na nanguna sa paghihimpapawid ng mga pangyayari sa EDSA,
Malacaang at mga kampo militar hindi lamang sa Aguinaldo at Crame kundi sa iba pang bahagi
ng bansa.
Claudio Teehankee Sr. mahistrado ng Korte Suprema kung saan nanumpa si Corazon Aquino
sa tungkulin bilang Pangulo ng Pilipinas. Naganap ito sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan
-
Pagkatapos manumpa ni Pang. Corazon Aquino bilang bagong halal na Pangulo, itinalaga
niya si Juan Ponce Enrile bilang ministro ng Tanggulang Pambansa; at Hen. Fidel
Ramos bilang Chief of Staf ng Hukbong Sadatahan ng Pilipinas