Traditional LP (Prinsesang Javanese)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Jesus Is Lord Colleges Foundation, Inc.

Departamento ng Kolehiyo
Mala-masusing Banghay-aralin sa Filipino

I.

Layunin
A. Nailalahad ang mga pangyayari sa kwento.
B. Naihahalintulad ang pagkakaiba ng kalagayan ng kababaihan noon at ngayon.
C. Naibibigay ang kahalagahan ng kalayaan sa buhay ng tao.

II.

Paksang Aralin
A. Sanggunian
Kay Estella Zeehandelaar (Mula sa mga Liham ng isang Prinsesang Javanese)
Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
B. Mga kagamitan
Pisara
Yeso
Mga Larawan
Video Clip

III.

Pamamaraan
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
a. Isa sa mga mag-aaral ang maaatasang manguna sa pagdarasal.
2. Pagbati
a. Ang guro ay babati sa mga mag-aaral.
Magandang umaga/hapon sa inyong lahat.
3. Pagtatala ng mga lumiban
a. Mamarkahan ng guro ang mga lumiban sa klase.
B. Pagbabalik-aral
1. Tatanungin ng guro kung ano ang ibat ibang uri
ng pangungusap ayon sa gamit nito.
2. Bawat mag-aaral ay magbibigay ng halimbawa ng
ibat ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit nito.

C. Pagganyak o Motibasyon
1. Magpapakita ang guro ng mga larawan na naglalahad ng ibat ibang kultura ng mga
Javanese.
Bago tayo magsimula sa ating talakayan, may mga larawan ako dito na
nagpapakita ng ibat ibang kultura ng mga taga-Indonesia.
2. Ang guro ay magbibigay ng ilang karagdagang kaalaman tungkol sa mga Javanese.
Bilang karagdagan, alam nyo ba na ang mga Javanese ay

D. Paglinang ng Aralin
1. Itatanong ng guro sa mga mag-aaral kung anong klase ng babae ang nais nilang makilala at
bakit.
Para sa inyo, anong uri ng tao ang nais pa ninyong makilala? Anong mga
katangian ang nais ninyong makita sa kanya? Bakit?
2. Ipaliliwanag ng guro na gaya rin ng nais ng mga mag-aaral, ang pangunahing tauhan sa
kwento ay gusto ring makakilala ng tao, isang babae na nagtataglay ng ibat ibang katangian.
Gaya nga ng pagnanais ninyong makakilala pa ng ibat ibang uri ng tao na
nagtataglay din ng iba-ibang katangian, ang pangunahing tauhan natin sa
kwentong tatalakayin natin na isang prinsesang Javanese ngayon ay ibig ding
makakilala ng isang tao isang modernong babae.
3. Itatanong ng guro kung anong katangian ang ibig makilala ng Prinsesang Javanese sa liham.
Base sa liham ng prinsesa, anong mga katangian ang tinatagalay ng babaeng
moderno na nais niyang makilala?
4. Bago ilahad ang liham, tatalakayin muna sa klase kung sino ang prinsesa ng Javanese, ang
pangunahing tauhan sa kwento.
Para lubusan nating maintindihan ang nilalaman ng liham at kung bakit niya
naisulat ito, alamin muna natin kung sino nga ba ang prinsesa ng Javanese.
5. Tatalakayin ang liham ng prinsesa sa klase.
6. Matapos ang paglalahad sa kwento, magkakaroon pa ng ilang mga katanungan ang guro
upang mapagtibay ang araling tinalakay.
Anong masasabi ninyo sa naging katayuan ng mga kababaihan sa Indonesia noong
panahong iyon?
Tama ba sa tingin ninyo na mga lalaki lamang ang dapat bigyan ng mga karapatan
sa lipunan?
Kung kayo ang nasa katayuan ng prinsesa, ano ang gagawin ninyo upang makalaya?
Magkakaroon ba kayo ng lakas ng loob para labanan ang tradisyong matagal ng
nakatali sa inyong kultura?
May importansya ba ang mga kababaihan sa lipunan at sa bawat isa?
Gaano kahalaga ang pagkakapantay-pantay ng bawat isa sa lipunang ginagalawan?
Ano ang kalayaan para sa inyo? Gaano ito kahalaga?
7. Pagkatapos na masagot ang mga katanungan, ang guro ay magpapagawa ng Interconnected
diagram tungkol sa kalagayan ng mga kababaihan noon at ngayon.

Kalagayan ng
kababaihan
Noon

Kalagayan ng
kababaihan
Ngayon

Pagkakatulad

8. Tatalakayin sa klase ang ginawang Interconnected diagram ng mga mag-aaral.


9. May mga ilang mag-aaral na maglalahad sa klase ng kanilang ginawang Interconnected
diagram.
10. Ipaliliwanag din ng guro ang mga ibinigay na kaalaman ng mga mag-aaral sa kanilang
ginawang interconnected diagram.
11. Magpapanood ang guro ng isang video clip sa mga mag-aaral.
E. Paglalahad/Paglalagom
Ang mga mag-aaral ay inaasahang matutunan at maunawaan ang kahalagahan ng
kalayaan at pagkakapantay-pantay. Ang babae at lalaki ay parehong may karapatan sa mundong
kanilang ginagalawan. Anoman ang katayuan sa buhay, ang kalayaan ay para sa bawat isa,
kalayaang mabuhay nang maligaya, makatuntong sa paaralan, makialam sa lipunan, maging
bahagi ng pag-unlad at gawin ang mga bagay na nais hanggat hindi natatapakan ang iba. May
kalayaan din ang bawat isa na ipagtanggol ang kanilang karapatan bilang tao. At ang mga babae
sa ating lipunan ay hindi dapat maliitin, dapat silang respetuhin. Bigyan sila ng puwang sa ating
lipunan dahil sila ay ginawa ng Diyos bilang mga espesyal na nilalang na may espesyal ding
tungkulin sa mundo natin.

F. Paglalapat
IV.

Pagtataya

V.

Takdang Aralin

Inihanda ni:
Desserie Mae E. Garan

You might also like