Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Sagot sa Pangalawang

Kontra- Salaysay ni Marciano Bolver


Akong si Tranquilino P. Bunaladi,
may sapat na gulang at naninirahan sa 218
San Marcos, Calumpit, Bulacan matapos
makapanumpa ng naaayon sa batas ay
Malaya at kusang loob na nagpapahayag ng
mga sumusunod:
Na, ako ay isa sa mga naghahabla kay
Marciano Bolver sa salang libel sa ilalim ng
NPS Docket No. III 04 INV 16C 052 ng
Tanggapan ng Panlalawigang Tagausig ng
Bulacan;
Na, kami ay tumanggap ng sipi ng
Pangalawang Kontra Salaysay ni Marciano
Bolver na may petsa Mayo 27, 2016;
Na, bilang tugon o sagot sa nasabing
Pangalawang Kontra Salaysay ay nais kong
ipaliwanag ang mga sumusunod:
1.) Hindi totoo na ako ay walang
ginawang salaysay sapagkat ako, bilang isa sa
mga
pangunahing naghahabla ay
nagsagawa at nanumpa nuong Marso 3, 2016

ukol sa aking
hablang
salaysay at itoy aking isinumite sa Tanggapan
ng Panlalawigang Tagausig ng
Bulacan para sa aming demanda.
2.) Sinasabi ni G. Marciano C.
Bolver na walang basehan ang aming
akusasyon o reklamo sa
kanya,
subalit bilang pagpapatunay ay nakahanda
kami na isumite sa Tanggapan ng
Panlalawigang Tagausig ang voice record sa
kabuuan ng pananalita ni G. Bolver sa nagan
na Pangkalahatang Pagpupulong noong ika
17 ng Disyembre 2015.
3.) Sinasabi rin ni G. Bolver na
wala ako sa pagpupulong noong ika 17 ng
Disyembre 2015
dahil ako ay
suspendido bilang kasapi ng Unyon.
a.) Hindi totoo na dahil
lamang sa
suspendido ako kung bakit wala ako
sa Pangkalahatang Pagpupulong.
Ako ay naka- sick leave ng araw ng
pagpupulong at dito ay kalakip ang
record ng Plant clinic. (Exhibit A) .
Base sa nakapaloob sa aming
Saligang
Batas, ang isang kasapi na suspendido ay
benepisyo lamang ang sususpendihin at hindi

kasama ang pagdalo sa mga Pagpupulong


sapagkat ako ay patuloy na nagbabayad ng
buwanang butaw kayat ako ay nananatiling
kasapi ng Unyon.
Ang mga pagpapatunay ng
mga kasama kong naghahabla at mga saksi
sa naganap na
pagpupulong ay
pinatutunayan sa kanilang naunang salaysay
na sila ay nakadalo sa
pangkalahatang
pagpupulong ng Unyon at narinig nila ang
paninira ni G. Bolver na kahit wala akong
personal na kaalaman sa naganap na
pagpupulong ay mas higit na makatotohanan
ang sinumpaang salaysay ng mga saksi at
voice record sa kabuuan ng pananalita ni G.
Bolver.
4.) Sinasabi din ni G. Bolver sa
kanyang Pangalawang Kontra Salaysay,
page 3 (Exhibit B) na
ang kanyang ginawa
ay General Presentation na ayon sa nakasulat
sa audit report at sinabi rin niya ang; Sa
aking paglalahad ay wala akong binanggit na
pangalan ninuman maski na nasa report ang
mga pangalan ng opisyal ( Unang pahina ng
Audit Report).Samakatuwid sinasabi nya na
hindi nya binanggit ang aming mga pangalan
subalit itoy hayagang nakasulat na nabasa ng
lahat na naroron sa pagpupulong at natanim

sa kanilang isipan na kami ang tinutukoy nya


sa kanyang mga paninira sa amin na nagdulot
ng kaguluhan at usap-usapan ng mga
miyembro na nagbunga ng pagkasira ng
aming reputasyon.
Na, maliwanag sa kanyang
sinabi na isa ako sa tinutukoy ni G. Bolver sa
kanyang report at pagsasalita sa voice record
sa dahilang ako ang Pangulo ng Unyon Noong
sinundang termino taong 2009-2014;

Base sa aming unang sinumpaang


salaysay at tumutugma sa voice record at
narinig ng mga saksi na sinabi ni G. Bolver na
ang mga halaga ng pera na binaggit niya
doon ay ginastos ng walang resibo at hindi
malaman kung saan ginastos, samakatuwid
siya ay nagpapahiwatig na ito ay nalustay ng
dating pamunuan ng Unyon. At ang mga
binibintang niya ay walang katotohanan
sapagkat ang nasabing halaga ay nakasama
sa kwenta ng DOLE.
Na, ang pangungusap ni G. Bolver
ay walang batayan at ito ay bunsod lamang
ng kanyang kagustuhan na kami ay siraan sa
harap ng pangkalahatang miyembro; dahilan
ng ditto ay nagkaroon ng usap usapan ang

mga miyembro na nagbunga ng pagkasira ng


aming reputasyon.
Na, kung binigyan lamang ni G.
Bolver ng fair interpretation ang audit report
ay hindi siya dapat nagbitiw ng pananalita na
nagbibigay kahulugan ng paglustay naming
ng pera. Ang audit report ay nagsasaad ng
mga sumusunod:
Auditors opinion:
In our opinion, the
Statement of Financial Condition of United
Pulp and Paper Co., Employees Federation of
Free Workers dated August 2011 present
fairly, in all material respects. The auditors
prepared financial reports based on the
available records but upon comparison, it
shows that the financial data In the Statement
of Financial Condition prepared by its Finance
Officer is more complete than the data
gathered by auditors. Therefore, it is fair to
believe that the correct cash balance as of
August 2011 is Php72, 039.03.
Recommendations:
As per records of our
Accounting Unit the United Pulp and Paper Co.
Employees Union Federation of Free Workers

have already liquidated the Php500, 000


granted to them by our office. May we
recommend that the Union Officers to call a
General Assembly and discuss to the
members what happen to their project and
what to do with the remaining cash of
Php72,039. 09.
Walang batayan ang sinasabi ni
G. Bolver na ang aming kaso ay isang isyung
internal sa Unyon {Inter Labor Dispute); at
lalong walang batayan ang sinasabi na
kinakailangan pang kumuha ng clearance sa
DOLE bago nmin siya sampahan ng kaso;
Na, ang kasong libel ay bukod
at walang kaugnayan sa labor dispute;
bagamat ang deklarasyon na patungkol sa
paliwanagan, opinyon o kuro-kuro ng taong
naglalahad, ay bahagi ng takbo ng
demokrasya, subalit itoy dapat isagawa sa
makatarungan at makatotohanang
pamamaraan at hindi para manira lamang;
Na, ang kabuuan ng pananalita
ni G.Bolver sa pagpupulong ay nairecord at
akoy nakahanda na isumite sa Tanggapan ng
panlalawigang Taga-Usig ng Bulaan upang
mapatunayan ang lahat ng sinasabi ni G.
Bolver.

Sa katunayan ng lahat, akoy


lumagda sa kasulatang ito ngayong --------dito
sa Malolos City Bulacan.
.

You might also like