Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Dahilan ng Pagbaha

Ang pagbaha ay isang kalamidad na nangyayari sa kapaligiran. Ito ay ang labis na pag-apaw ng
tubig tuwing umuulan mula sa mga ilog,estero at mga kanal patungo sa kapatagan.
Ang pagbaha ang isa sa mga suliranin ng ating bayan lalong-lalo na dito sa Metro Manila. Malakas o
mahina man ang ulan, tiyak na ang kaliwat kanang trapik dahil sa baha. Dahil dito, marami sa ating
mga kababayan ang stranded sa daan. Minsan, ang laman ng mga pahayagan mapa-dyaryo,radio
man o telebisyon ay mga balitang samut sari na pangyayari na nagaganap kapag may baha sa mga
lansangan. Nandiyan ang balitang may nawawalang bata,naanod na bahay at kung anu-ano pa.
Nakakalungkot pakinggan o tingnan ang ganitong sitwasyon na kahit sinong inosenteng tao ay
pwedeng makitilan ng buhay dahil sa sakunang ito. Bakit kaya patindi nang patindi ang pagbaha dito
sa lungsod? Sa aking pananaliksik, ang mga posibleng dahilan daw kung bakit nagkakaroon ng
pagbaha ay maraming basura na nakaimbak sa mga ilog, kanal at sa iba pang mga daluyan ng
tubig. Dagdag pa dito ang illegal na pagputol sa mga punong kahoy na siyang sumisipsip sana sa
tubig na dulot ng labis na ulan at siyang nagpapatibay sa lupa o bundok para maiwasan ang
landslide o soil erosion. Sino ba ang may gawa nito? Hindi bat tao? Bakit natin sinisira kung ang
mga ito ay nakakatulong sa ating buhay?
Sa palagay koy tayo ang dahilan ng pagbaha sa paligid. Ang pagiging pabaya at pang-aabuso ng
tao sa kalikasan ang siyang malaking dahilan kung bakit may mga sakunang nangyayari tulad nito.
Ang kapaligiran ay ginawa ng Diyos na wala ni isang sira na makadudulot ng pagkapinsala para sa
Kanyang sangkatauhan. Bagkus,itoy puno ng pangangailangan ng tao para mabuhay sa mundo.
Walang labis walang kulang. Nawa ang magandang likha ng ating Panginoon ay ating bigyan ng
respeto at pagmamahal bilang sukli ng Kanyang kabutihan at bilang paghahanda na rin para sa mga
susunod pang henerasyon.
Like

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry
CommentShare
1111
Comments

Write a comment...

You might also like