Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Aralin 2.

2: Ako Poy Pitong Taong Gulang


(Dagli mula sa Rehiyon ng Isa sa mga Isla ng Caribbean)

Mag-Aaral na gagamit: Grade-9

Panimula
Pang-aabuso sa mga kabataan ay talagang talamak na kahit saang panig
ng daigdig.
Marahil maitanong mo sa iyong sarili ang kadahilanan kung bakit may
mga batang sa halip na mag-aral ay naglalako ng kung ano-ano sa daanan.
Ganito ang masasaksihan sa Dagli na mula sa Caribbean, kung saan
ipinapakita ang kalagayan ng mga kabataan sa Isla. Ang Caribbean ay
nasasakop lahat ng Isla na matatagpuan sa Timog-Silangan ng Gulpo ng
Mexico at Silangang bahagi ng Central America at Mexico gayundin ang
Hilagang bahagi ng South America.

Layunin
1. Naipamamalas ang pag-unawa sa kwentong nasa anyong dagli ng
rehiyon ng isla ng Caribbean na pinamagatang Ako Poy Pitong Taong
Gulang.
2. Nakasusulat ng sariling dagli hinggil sa sariling karanasan sa buhay.

Sakop na Oras: 1 oras


Kagamitan: tsart (talahanayan), diagram(linear venn, converging radial).

Mga Hakbang sa Pagkatuto

Tuklasin natin!
Sagutin ang kasunod na mga gawain. Makatutulong ito upang sa
gayoy maunawaan mo kung paano naiiba ang dagli sa iba pang akdang
pampanitikan? At paano nakatutulong ang mga salitang nagpapahayag ng
pangyayari at damdamin sa pagsulat ng sariling dagli?

Gawain 1: Patotohanan
Tukuyin kung ang isinasaad ng bawat bilang ay totoo o hindi totoo.
Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.
Totoo

Konsepto Tungkol sa Aralin


1. Ang dagli ay mga sitwayong

Hindi Totoo
may

nasasangkot na tauhan ngunit walang


aksyong umuunlad, gahol ang banghay, at
paglalarawan lamang.
2. Ang dagli ay isang salaysay na lantaran at
walang timping nangangaral, namumuna,
nanunudyo, o kayay nagpapasaring.
3. Lumaganap ang dagli noong panahon ng
paghihimagsik.
4. Ang mga salitang malungkot, takot na
takot at tuwang-tuwa ay nagpapahayag ng
damdamin.

5. Ang mga salitang nasaksihan ko, noong


bata pa ako at kamakailan lang ay
ginagamit upang maglarawan ng mga
pangyayari.

Gawain 2: Magsaliksik
Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng mga isla sa Caribbean.
Gamit ang impormasyong nakuha ay magtala gamit ang fan fact
analyzer. Pagkatapos, sagutan ang tanong na nasa ibaba.

M
ahahalagangim
porm
asyon
tungkolsapinagm
ulanngm
ga
islasaC
aribbean

Tanong: Paano nakaapekto sa pamumuhay at kultura ng mga taga-isla


sa Caribbean ang pananakop sa kanila ng iba-ibang bansa?

Linangin natin!
Tiyak kong handa ka nang basahin ang dagling ito!

Ako Poy Pitong Taong Gulang

Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at nakatira po ako sa isang Isla sa


Caribbean. Ako poy pitong taong gulang. Noon poy ibinigay ako ng aking
mahihirap na magulang sa isang mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.
Ngayon pong araw na ito, gaya ng ginagawa ko sa araw-araw gumigising
po ako ng alas singko ng umaga. Umiigib ako sa isang balon na malapit sa
amin. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo.
Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal at inihain ko po iyon sa
pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po ako ng paghahain ng
almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon.
Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan ang kanilang limang taong
gulang na anak ng lalaki. Sumunod po, tumutulong ako sa paghahanda at
paghahain ng tanghalian ng pamilya. Kung hindi po oras ng pagkain,
kailangan ko pong mamili ng pagkain sa palengke at gawin ang mg autos nila,
asikasuhin ang apuyan, walisan ang bakuran, labhan ang mga damit at
hugasan ang pinagkainanat linisin ang kusina. Hinuhugaan ko rin po ang mga
paa ng aking among babae. Galit na galit po siya ngayong araw na ito at
sinampal niya po ako dahil sa galit. Sanay hindi nap o siya galit bukas.

Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang pagkain, mas mabuti


naman po ito kaysa sa giniling na mais na kinain ko po kahapon. Gula-gulanit
po ang aking damit at wala akong sapatos. Hindi po ako kailaman pinayagan
ng aking mga amo na ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa pamilya. Kagabi po
ay sa salas ako natulog, kung minsan po ay pinatutulog nila ako sa sahig sa
loob ng bahay. Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong sumulat
nito. Ayaw po nila kasi akon payagang mag-aral.
Maging maayos po sana ang araw ninyo. Amelia
-Mula

sa

Filipino

Pagbasa

at

Pagsulat

Tungo

sa

Pananaliksik. 2011. Lorimar Publication

Gawin natin!
Gawain 3: Unawain mo
Pangyayari 3
Ako Poy

Pangyayari 2

Pitong Taong
Gulang

Tauhan

Sagutin ang tanong.

Tagpuan

Pangyayari 1

1. Suriin ang tauhan, at mga pangyayari sa binasang dagli sa tulong ng


grapikong representasyon.
2. Ihambing ang tauhan ng dagling binasa sa tauhan ng alinmang dulang
pantelebisyon

na

may

pagwawakas.

Sundan

ang

grapikong

representasyon

Tauhan

Nabasa

Pagkakatulad

Napanood

Pagkakaiba

3. Saan higit na nakatuon ang binasang dagli? Lagyan ng tsek(/) ang sagot
at ipaliwanag.
Tauhan
Banghay
Tunggalian
Paliwanag:

Dagli

dayalogo
paglalarawan ng matinding damdamin
paglalarawan ng tagpo

Maikling kuwento

4. Ano ang pagkakaiba ng dagli sa iba pang akdang pampanitikan tulad


halimbawa ng maikling kuwento? Paghambingin sa tulong ng venn
diagram.

Paglalapat
Subukan !
Sa pagkakataong ito ay susubukin ang iyong mga natutunan sa araling ito.
Alam kong kaya mo!

Gawain 4:

Nagkaroon ng patimpalak sa inyong paaralan hinggil sa

pagsulat ng isang dagli na natutungkol sa mga karanasan mo nang ikay bata


pa. Ikaw ang napiling magpresenta para sa inyong klase.
Sumulat ng isang dagli !

Pagtataya
I.

Tukuyin ang inilalahad sa bawat bilang.


1. Siya ang unang European na nakarating sa Caribbean.
2. Ito ay mga sitwasyong may nasasangkot na tauhan ngunit walang
aksyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang.
3. Gulang ng bata sa dagling binasa.
4. Ang orihinal na umangkin sa buong isla ng Caribbean.
5. Dahilan kung bakit pinalo ng sinturon ang bata sa dagling binasa.

II.

Pagpapaliwanag
Ipaliwanag ang mga nakalahad sa bawat bilang.
1. Ano sa tingin mo ang magyayari kay Amelia matapos niyang ilahad
ang kanyang mga nararasan bilang isang bata?
2. Bakit sa tingin mo hindi si Amelia ang sumulat ng sarili niyang
mga karansan?
3. Sa iyong palagay, bakit napunta sa ganoong sitwasyon si Amelia?

Binabati kita!
Dahil natapos mo ang araling ito!
Ating alamin kung tama ang iyong mga sagot..
Gawain 1: Patotohanan
Tukuyin
kung ang isinasaad ng bawat bilang ay totoo o hindi totoo. Lagyan ng
tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.

Totoo

Konsepto Tungkol sa Aralin


1. Ang

dagli

ay

mga

sitwayong

Hindi Totoo
may

nasasangkot na tauhan ngunit walang


aksyong umuunlad, gahol ang banghay, at
paglalarawan lamang.
2. Ang dagli ay isang salaysay na lantaran at

walang timping nangangaral, namumuna,


nanunudyo, o kayay nagpapasaring.

3. Lumaganap ang dagli noong panahon ng


paghihimagsik.
4. Ang mga salitang malungkot, takot na

takot at tuwang-tuwa ay nagpapahayag ng


damdamin.

5. Ang mga salitang nasaksihan ko, noong


bata pa ako at kamakailan lang ay
/

ginagamit upang maglarawan ng mga


pangyayari.

Gawain 2: Magsaliksik
Magsaliksik tungkol sa pinagmulan ng mga isla sa Caribbean.
Gamit ang impormasyong nakuha ay magtala gamit ang fan fact
analyzer. Pagkatapos, sagutan ang tanong na nasa ibaba.

M a h a h a la g a n g im p o r m a s y o n t u n g ko l s a p in a g m u la n n g
m g a is la s a C a rib b e a n

A n g S p a in a n g o r ih in a l n a u m a n g k in s a b u o n g is la .

S i c h r i s to p h e r C o lu m b u s a n g u n a n g E u r o p e a n n a n a k a r a ti n g s a i s l a , d a h i l s a k a n y a n a g k a r o o n n g d r a m a ti k o n g p a g b a b a g o s a k a s a y s a y a n n g is l a .

Pangyayari 3
Pinakain ng tirang
pagkain
D a h il s a p a na n a kop

Hindi pinaligo ng
Tanong: Paano nakaapekto sa pamumuhay at kultura ng mga taga-isla
sariling inigib
sa Caribbean ang pananakop sa kanila ng iba-ibang bansa?

Sa labas

Dahil sa pananakop sa isla ng Caribbean ng iba-ibang bansa ang


pinatulog, minsan
kanilang pamumuhay ay nalipol kasabay ng halos pagkalipol ng mga
sa sahig
taal na katutubong tribu na nakatira rito. Samantala, dahil na rin sa
pinatutulog
Pananakop ay pabago-bago ang kanilang kultura.
Hindi pinag-aral.

Gawin natin!
Gawain 3: Unawain mo

Ako Poy
Pitong
Taong
Gulang

Tauhan
Amelia

Pangyayari 1
Tagpuan
Caribbean
Paaralan
Palengke
Bahay ng amo

Pangyayari 2
Naghatid sa

Gumising

paaralan

Nag-igib

Naghain ng

Naghanda ng
almusal
Pinalo ng
sinturon

tanghalian
Gumawa ng mga
gawaing bahay
Pinaghugas ng
paa ng amo
Nasampal ng
amo

Sagutin ang tanong.


1. Suriin ang tauhan, at mga pangyayari sa binasang dagli sa tulong ng
grapikong representasyon.

2. Ihambing ang tauhan ng dagling binasa sa tauhan ng alinmang dulang


pantelebisyon

na

may

pagwawakas.

Sundan

ang

grapikong

representasyon.
Tauhan
Sa nabasang dagli sa isang tauhan
lamang umiikot ang kwento
Sa napapanood may iba tauhan na
pinagtutuunan ng pansin.

Nabasa

Napanood

Inilalarawan ang pangyayari.

Inaaksyon ang mga pangyayari.

Walang pag-unlad sa pangyayari,

May wakas at umuunlad ang mga

walang tiyak na kahahantungan

pangyayari . Gumagamit ng mga

ang kwento. Gumagamit ng

emosyon na makikita sa tauhang

masidhing damdamin sa

gumaganap.

paglalarawan.

Pagkakatulad

Pagkakaiba

Parehong nagpapakita ng ibayong

walang wakas, may wakas. Pag-unlad

emosyon .

ng pangyayari. Bilang ng tauhan.

3. Saan higit na nakatuon ang binasang dagli? Lagyan ng tsek(/) ang sagot
at ipaliwanag.
/

Tauhan
Banghay
/ Tunggalian

dayalogo
paglalarawan ng matinding damdamin
paglalarawan ng tagpo

Paliwanag:
Tauhan at tagpuan sapagkat ipinapakita sa dagli ang mga karanasan ng
Isang bata. Sa kanya umiikot ang istorya. Sunod ay ang tunggalian
Sapagkat ipinapakita ang paghihirap ng tauhan sa dagli kung paano niya
Harapin ang panibagong bukas at ang bangis ng kayang amo.
4. Ano ang pagkakaiba ng dagli sa iba pang akdang pampanitikan tulad
halimbawa ng maikling kuwento? Paghambingin sa tulong ng venn
diagram.

Maikling kuwento

Dagli

walang tiyak na wakas


gahol sa banghay, puro

paglalarawan lamang
may sangkot na tauhan
ngunit walang aksyong

umuunlad
walang kwento puro

sitwasyon
lamang
iisa lamang ang binibigyan
ng tuon maaaring ang
tauhan,tagpuan at iba pa.

May wakas
May banghay
May tauhan at may

pangayayaring umuunlad
Isang kwento
Nabibigyang tuon ang mga

element nito.

Gawain 4:
Pamantayan para sa pagsulat ng dagli:
1.
2.
3.
4.
5.

Tema o paksa
Malikhain
Estilo sa pagsulat
Mensahe
Lakas ng dating

Tatanggap ka ng 3 puntos sa bawat pamantayan kung nagawa mo nang


mahusay; 2 puntos kung katamtaman; at 1 puntos kung dapat pang
paghusayan.

Pagtataya
I.

Tukuyin ang inilalahad sa bawat bilang.


1. Siya ang unang European na nakarating sa Caribbean.--Christopher
Columbus
2. Ito ay mga sitwasyong may nasasangkot na tauhan ngunit walang
aksyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang.--dagli
3. Gulang ng bata sa dagling binasa.--pito
4. Ang orihinal na umangkin sa buong isla ng Caribbean.--spain
5. Dahilan kung bakit pinalo ng sinturon ang bata sa dagling binasa.-nahuli sa paghahain ng almusal

II.

Pagpapaliwanag
Ipaliwanag ang mga nakalahad sa bawat bilang.

6. Bakit sa tingin mo hindi si Amelia ang sumulat ng sarili niyang mga


karansan? ----sapagkat hindi siya marunong sumulat sapagkat hindi
siya pinayagang mag-aral.
7. Sa iyong palagay, bakit napunta sa ganoong sitwasyon si Amelia?--dahil ang kanyang mga magulang ay isang mahirap at hindi kayang
tustusan ang kanyang pangangailan, siguro nagbakasakali silang
mapaganda ang buhay ng bata.

Nakuha ko!
Ngayon alamin natin ang iyong estado.

Kung ang iyong sagot ay halos katulad ng mga sagot na


nakita,

binabati

kita

sapagkat

nagawa

mo

nang

napakahusay ang lahat ng gawain! Maaari ka nang tumuloy


sa susunod na aralin.

Kung ang iyong sagot sa 1-2 gawain ay hindi magkatugma sa


nakitang sagot, kailangan mo pang pagbutihin ang iyong
pag-aaral!

Kung may isang gawain lamang ang magkatugma ang sagot


sa nakikita. Pag-aralang muli ang aralin!

Inihanda ni:

Jean B.
Centeno
BSEd-3a Filipino

Pinagtibay ni:

Dr. Ronato Ballado


Dean of Student Affairs

You might also like