Cariosa - o Karinyosa ay isang magiliw na sayaw ngmagkaparehang babae at lalake na
animo'y nasa aktong nagliligawan. Taong1992 nang palitan nito ang Tinikling bilang pambansang sayaw ng Pilipinas.Ang salitang ito ay nangangahulugang mapagmahal at mapag-aruga nahango sa pamamaraan ng pag-indak at pag-indayog ng mga mananayaw nitosa saliw ng mabining awitin. Kapuna-puna sa mga sayaw ng Filipino, kabilangna ang cariosa, ang pagpapakita ng matinding emosyon o damdamin. Sacariosa, ang babaeng mananayaw ay may tangan na panyo o pamaypay napanaka-naka niyang ipinangkukubli sa kaniyang mukha habang mayumingumiindak. Ang lalakeng mananayaw naman ay sumasayaw sa tila nang-aamong pamamaraan habang nakatingin sa mga mata ng kaparehang babae.Sa ganitong mga galaw ay makikita na ang mga mananayaw ay tilanagpapakita ng pagsinta sa isa't isa. Maglalatik Ang sayaw ng maglalatik ay isang uri ngkatutubongsayawsaPilipinasna may mabilis na galaw habang pinatutunog ng mga mananayaw ang mgabaongbuko. Ang Maglalatik ay ang digmang sayaw na katutubo sa Binan at Laguna.Gumagamit ng bao ng niyog ang mga nagsasayaw. Kanilang inilalagay ito sa likod, dibdib, balakang at hita. Pumapalo sila sa mga bao ng niyog ayon satugtog ng Maglalatik. Singkil - Ang singkil, sayaw sa kasingkil, o sayao sa kasingkil ay isang sikat na sayaw ng mga Maranao. Ang salitang singkil ay nangangahulugang paluputan ang paa ng kahit anong bagay gaya ng baging o kahit anong madadaan. Ang Singkil ay isang tanyag na sayaw na tinatanghal tuwing may pagdiriwang at mga kapistahan. Itinatanghal ng kadalasang pambabaeng sayaw lamang, ang Singkil ay nagsisilbi bilang isang patalastas sa kanyang magiging manliligaw o sa kanyang mapapangasawa. Marikit na humahakbang paloob at palabas ang babaeng mananayaw sa nagbabanggaang mga kawayan na nakaayos na nakahanay, o nakakrus habang ginagamit ang kanyang apir(pamaypay), mosala (panyo), o kahit ang kanyang kamay lang. Tinikling - Sinasabing nagmula sa ibong Tikling" ang katutubong sayaw na Tinikling" na pinauso ngmga magsasaka sa lalawigan ng Leyte noong panahon ng pananakop ng Kastila.Batay sa mga kuwento, ginaya ng mga magsasaka ang kilos ng tikling" kapag nahuhuli nilaito sa inilatag na patibong na gawa sa kawayan sa bukid.Ngunit bukod sa ibong tikling," mayroon din kuwento na ang tinikling" ay isang paraan ngparusa noon ng mga Kastila sa mga tinatamad" na manggagawa noon sa bukid.Ang tinikling ay katutubong sayaw sa Pilipinas kung saan ang nagsasayaw ay kailanganumindak sa pinaguuntog na dalawang mahabang kawayan. Kailangan maging mabilis angmga paa ng sumasayaw upang hindi maipit sa kawayan. Itik-Itik - Ang Itik-Itik ay isang sikat na sayaw sa mga bisaya saprobinsya ng Surigao del Norte. Ito ay binubuo ng ibat-ibang galaw mula sa mga mananayaw. Ang sayaw na ito ay mahahalintulad sagalaw ang itik at sinasayaw tuwing Buwan ng Wika.
Sayaw sa Bangko - Ang pangakit na Sayaw sa Bangko ay katutubo sa Pangapisan,
Lingayen,at Pangasinan. Sumasayaw ang mga pareha sa ibabaw ng mga bangko. Maliitna maliit ang mga bangko at dahil doon dapat maingat na maingat ang mganagsasayaw. Pandanggo sa Ilaw - Ang sayaw na Pandanggo sa Ilaw ay katutubo sa Lubang at Mindoro.May tatlong tinggoy ang nagsasayaw na babae. Maninimbang siya ng isangtinggoy sa ibabaw ng ulo at dalawang tinggoy sa mga kamay, pero hindihumahawak ang daliri ng mananayaw. Para sayawin ang pandanggo sa ilaw ngmananayaw, kailangan niya ng magandang bikas at mahusay na pinambang. Subli - Ang Subli ay orihinal na nag-umpisa bilang debosyon sa Banal na Krus. Nang magtagal, ito ay naging isang uri ng sayaw na mas kilala bilang Subli. Ito ay sayaw na nagmula sa Batangas. Ang Subli ay sinasayaw sa saliw ngmusika na may apat (4) na uri: ang unang uri ay inaawit ng isang mang-aawit; ang ikalawa ay nagbibigay pugay sa Banal na Krus ng Bauan at nagsasalaysay ng pinagmulan ng Batangas; ang ikatlo ay ang mismong Sublina may kasamang tula, sayaw at awit; samantalang ang ikaapat naman aytumatalakay sa buhay ng may-akda sa kanyang paghahanap ng kanyang kaganapan. Ang Subli ay isang uri ng kultura na tumutukoy sa uri ng pamumuhayng mga mamamayan na nilapatan ng musika upang kapulutan ng aral. Ito ayisang tradisyong kinagisnan ng mga Batangueo na naging isang ganap napista kung saan ang mga mamamayan ay sama-samang nag-aalay ng sayaw sabuong bayan ng Bauan, Batangas bilang paggunita ng kanilang araw ng pagkakakilanlan.