Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Lahing Tagalog

Ang mga Tagalog ang isa sa pinakamalaking pangkat etniko sa Pilipinas kasunod
ng mga Bisaya, at ang may pinakamalawak na distribusyon sa bansa. Sila ang
pangunahing
pangkat
etniko
sa
mga lalawigan
ng
Batangas, Cavite, Bulacan, Laguna, Bataan,Quezon, Camarines
Norte, Marinduque,
at Rizal. Nagtataglay rin ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Tarlac, Aurora, Zambales,
at Mindoro Oriental, at ang Kalakhang Maynila, ng mga malalaking populasyong
Tagalog. Mayroon ding mahalagang bilang nga mga Tagalog sa mga lalawigan ng
Palawan.
Mula ang pangalang Tagalog sa katawagang "taga-ilog". Ngunit mayroon din panukala
o teoriyang nagmula ito sa pangalan ng ilang mga tribo, mga Tagal,
sa Borneo at Sumatra, o Minangkabaw.
Ang mga Tagalog ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka, pangingisda at
pagtitinda. Masipag, matiyaga at masikap ang mga Tagalog. Sila ay likas na masayahin
kaya madalas silang magdaos ng mga pagtitipon tulad ng kasalan, kaarawan at
kapistahan.

Demograpiya

Bumibilang ang mga Tagalog ng may 15,876,000. Pinagtatalunan pa rin ang


pinagmulan ng mga Tagalog, kung nanggaling ba sila sa kilala ngayong Taal, Batangas,
o mula sa katimugan kung saan nanirahan ang kalapit-wika nilang mga Bisaya.
Gayunman, katulad ng iba mga katutubong kapangkatan, pinaniniwalaang mga inanak
sila ng mga taong nagwiwika ng wikang Awstronesyo mula sa sinaunangTaiwan.
Nagsasalita ang mga mamamayang Tagalog ng wikang Tagalog, na may maraming
mga sari-saring kaibahang pangdiyalekto, bagaman itinuturing na mauunawaan ang
lahat ng mga diyalektong Tagalog. Karamihan sa mga mamamayang Tagalog na may
dugong Merdika at may-halong Merdika at Kastila sa Ternate, Cavite ang nagsasalita
ng diyalektong Ternateo ng Chabacano. Pangunahing pananampalataya ng mga
Tagalog ang Kristiyanismo, na mga Romano Katoliko ang karamihan, maging
mga Protestante. Mayroon ding ilang mga Muslim. Maraming mga mestisongTagalog.
Marami sa mga Tagalog ang may halong Intsik at Pilipino, na may maliit na bilang na
may mga ninunong Kastila atAmerikano. Tinatawag na Katagalugan ang rehiyon ng
mga Tagalog.

Kalinangan

Kaibang-kaiba ang kalinangang Tagalog noong mga kapanahunan bago dumating ang
mga Kastila mula sa pangkasalukuyang kultura. Mula sa mga tribong naglalagay ng
mga tatuwahe sa katawan, tuluyang umunlad ang kalinangang Tagalog na tumatanggap
ng mga dayuhang impluho, partikular na ang Kastila, Intsik, at Amerikanong
impluwensiya. Sa ngayon, ang kanilang kalinangan ang nananatiling gulugod o haligi at
kinatawan ng lahat ng mga kulturang Pilipino. Sa nakaugalian, mga nagsisipagsaka ang
karamihan sa mga Tagalog, bagaman may ilang mangingisda rin. May labis na
kahigpitan sa pagtataguyod ng paggalang at pakikitungo sa kapwa ang mga Tagalog,
na makikita sa kanilang mga gawi at kayarian ng kanilang wika. Larawan din o mga
halimbawa ng katapangan ang mga Tagalog, katulad sa mga pangyayari sa
kasaysayan, katulad ng sa Himagsikang Pilipino at Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Nakatuon din ang kalinangan ng mga Tagalog sa paghahanda at pagluluto ng mga
pagkain. Maagang tinuturuan ang mga kababaihan (kung minsan, pati mga kalalakihan)
sa larangan ng pagluluto. Makikita ito sa mararangyang pagdiriwang tuwing mga
kapistahan at mga pagtitipon.

Kasaysayan

Ang Taal, Batangas ang pangkasalukuyang sentro ng kalinangang Tagalog at ng mga


mamamayang Tagalog sapagkat pinaniniwalaang ito ang pinagsilangan ng
Katagalugan, o ang "Pusong-Lupain ng Kalinangang Tagalog." Nakabatay sa
kaugaliang sinasambit ang karamihan sa mga sinasabing pinagmulan ng mga
mamamayang Tagalog, sapagkat bagaman nakapag-aral ang mga sinaunang mga
Tagalog at nagkaroon ng mga kagawian sa pagsulat bago pa sumapit ang mga Kastila,
isinulat nila ang kanilang mga kaisipan sa ibabaw ng mga naglalahong kagamitan,
katulad ng mga dahon at mga sanga.
May bilang ng mga pambansang bayani ng Pilipinas ang mula sa mga Tagalog.
Naglunsad ng maraming mga pag-aaklas laban sa mga Kastila ang mga Tagalog, at isa
sila sa mga pinakamaagang naghimagsik. Isa sa mga panghihimagsik na ito ang
isinagawa ng Tagalog na si Apolinario de la Cruz (kilala rin bilang Hermano Pule), na
may layuning makapananampalataya. Isang mestisong Tagalog-Intsik ang pambansang
bayaning si Jose Rizal na mula sa Calamba, Laguna.
Noong1898, maraming mga pinuno ng Himagsikang Pilipino ang mga Tagalog, katulad
nina Apolinario
Mabini, Andres
Bonifacio, Emilio
Jacinto,
ang
unang pangulong Pilipinas na si Emilio Aguinaldo, at iba pa.
Mula kay Aguinaldo, may apat pang mga Tagalog na nanungkulan bilang pangulo ng
Pilipinas: si Manuel L. Quezon (isangmestisong Pilipino-Kastila) na may malaking antas
ng kanunu-nunoang Tagalog), si Jose P. Laurel, si Corazon Aquino, at siJoseph
Estrada. Karaniwang kakikitaan ng masiglang pakikiisa, pakikibaka at mga tagumpay
ng mga mamamayang Tagalog ang maagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, at
kasalukuyan pa ring nakikilahok ang mga ito sa pangkasalukuyang politika at mga
gawaing pangkabuhayan sa Pilipinas. Matatag ang pagiging lantad ng mga Tagalog sa
pambansang katangian at gawi, sapagkat palagiang pangunahing laman ang mga ito
ng mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas, na nilalarawang may pagsusumigasig,
pagtitiyaga, pagpupunyagi, pagsusumikap, at pagtataguyod ng kasiglahan at
katanyagang Pilipino.

You might also like