Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

BEKIMON: GAY LINGO AT ANG EPEKTO NITO

SA WIKA AT LIPUNAN

Lianne Angelico C. Depante (Unang taon)


Ma. Veronica R. Munchua

Fil 40 - Wika, Kultura at Lipunan


Unibersidad ng Pilipinas Diliman
Maam Maria Althea Enriquez

Bahagi I

Introduksyon
Chaka, ganders, nakakalurky, at bonggacious aychi jilan lamang satching mga salitang
madalas majinig sa parlor. Itetchiwa aychi mistulang linggong afam satching mga chenes ngunit
natural naitalkshow ng mga beki na mga boyla na nagchechenelin sa salon. Witchikels
katagalugan ang talkshow ng parlor aychi jumaganap satching midya, chikachika at
iskwelahan.
Pagsasalin sa wikang Filipino:
Chaka (pangit), ganders (ganda), nakakalurky (nakakaloko) at bonggacious (extravagant)
ay ilan lamang sa mga salitang madalas marinig sa isang beauty parlor. Ito ay mistulang wikang
banyaga sa ating pandinig ngunit natural na sinasalita ng mga homosexual na mga lalaki na
nagtratrabaho sa salon. Hindi nagtagal ang wikang pambansa ng parlor ay kumalat sa midya,
impormal na komunikasyon at maging sa akademya.
Pagtiyak ng Paksa
Kaligiran ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa nausong gay lingo o Bekimon sa ating bansa. Maraming
nagtataka kung ang wikang mistulang kakaiba sa ating mga tenga ngunit natural sa mga
lalaking nasa ikatlong sex ay isang kurapsyon ng wikang Filipino o isang ekspresyon ng
pagiging malikhain.

Paglatas ng Termino

Bekimon, swardspeak, gay lingo isang sikretong lengwahe na hinuha sa codeswitching ng Ingles,Filipino o iba pang banyagang salita na sinasalita ng pinaguusapang
kasarian (Swardspeak, n.d.).

Bakla, badaf, chaka, bading, shoke hindi gagamitin ang salitang ito upang ilarawan
ang mga homesexual na lalaki dahil ito ay isang derogatory term para sakanila.
Gagamitin ang ;lalaking na nasa ikatlong sex, homosexual, o mga kaparehas na mga
termino upang sila ay mailarawan.

Rasyunal o Suliranin
Dahil kalakip na sa ating kultura ang swardspeak o sa mas kilala sa gay lingo, kailangan nating
magkaroon ng kamalayan o malaman natin kung ano ba ang naidudulot nito sa kulturang
Pilipino. May mga umusbong ding mga katanungan sa aming isipan na kung ang Bekimon ba
ay nakakasira ng isang wika lalong lalo na ang Filipino at iba pang mga bernakular na lengwahe
sa ating bansa; o hindi kaya ay kabaliktaran ito ng kurapsyon ng wikang pambansa marahil na
binubuhay nito, ginagawang malikhain at binibigyang kulay ang wikang Filipino.
Pangkahalatang Layunin
Maunawaan at malaman ang kasaysayan at objektib na impormasyon ukol sa swardspeak at
maikonekta itong mga kaalamang ito sa naging epekto ng gay lingo sa wikang Filipino at
lipunan (halimbawa sa akademya at midya).
Tiyak na mga Layunin
1. Makapagsaad ng datos ukol sa pinagmulan at ebolusyon ng Bekimon
2. Malaman kung papaano nabubuo ang mga salitang swardspeak.

3. Malaman ang epekto nito sa lipunang Pilipino (media, atbp.)


4. Malaman ang koneksyon nito sa wikang Filipino
5. Matalos ang naging epekto nito sa akademya
6. Makapagbigay ng first hand na mga impormasyon, opinyon at reaksyon mula sa mga

nasa ikatlong sex (spesipiko: lalaking homosexual)

Kahalagahan
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

Wika at kultura - mahalaga ito sa lengwahe at lipunan sa kadahilanang nasa kultura na


natin ang gay lingo at kailangan natin malaman o magkaroon man lamang tayo ng
kamalayan ukol dito.

Pagkapantay-pantay ng kasarian (kabilang ang mga nasa ikatlong sex) - ang


pananaliksik na ito ay naglalayong maunawaan pa natin ang kultura at wika ng mga
homosexual na lalaki dito sa bansa.

Metodolohiya
Ang metod na gagamitin sa papel na ito ay pagkuha ng panayam sa mga lalaking homosexual
at pananaliksik sa mga datos ukol sa paksa (maaring historikal at objektib na kaalaman).
Ang aming kukunan ng panayam ay isa sa mga kaibigan ng mananaliksik. Pinili namin na siya
ang kunan ng panayam dahil una siya ay kabilang sa ikatlong sex, at pangalawa ay mayroon
siyang kaalaman ukol sa naturang pinaguusapan.

Teoretikal o Konseptual na Balangkas


Gumamit kami ng mga ilang balidong dyornal upang magpatunay sa aming pananaliksik. May
parte sa aming pananaliksik papel na hihingi kami ng panayam, ito ay maaring opinyon lamang
ng kinuhanan ng panayam.
Saklaw o Delimitasyon
Ang magiging saklaw ng pagaaral ay mga datos tungkol sa paksa at ang magiging tugon ng
aming kinuhanan ng panayam. Ang kanyang magiging tugon ay hindi namin kontrolado o di
namin maiimpluwensyahan bilang mananaliksik.

Bahagi II
Pagtalakay
Layunin I: Makapagsaad ng datos ukol sa pinagmulan at ebolusyon ng Bekimon
Ang terminong Bekimon ay na imbento noong popular pa at kasagsagan ng Jejemon.[3] Bago
pa man nabuo ang Bekimon, sinasalita na ang sosyolek na ito ng mga homosexual na mga
lalaki sa loob ng bansa. Sa katunayan, noong dekada sitenta, isang kritiko ng mga pelikula na si
Nestor Torre ay nagbansag sa mistulang banyagang salita; pinangalanan niya itong
Swardspeak. Ngunit ang mga salita at parirala na ginagamit sa nasabing gay lingo ay
umusbong mag-isa (Casabal, 2008).
Layunin II: Malaman kung papaano nabubuo ang mga salitang Swardspeak
Bagamat walang eksaktong batas sa pagbuo at paggamit ng mga salitang Bekimon, ang mga
ilalarawan sa baba ang pinakamadalas na ginagamit upang bumuo ng nasabing sosyolek
(Swardspeak, n,d. & BADINGTIONARY, n.d.):

Pagpalit sa unang letra o pantig ng letrang J/Sh o ng pantig na Jo/Sho oJu/Shu

Pagpalit sa unang letra o pantig ng diptongong Ky/Ny

Halimbawa: Wiz - Yes, Jubis - Obese

Pagpalit ng a, o, u ng er, or, ur

Halimbawa: Kyota - Bata, Kyoho - Mabaho

Pagpalit sa huling letra o pantig ng ash, ech, ich, is, itch, iz, ush, oosh

Halimbawa: Jowa - Asawa, Jonta - Punta, Julaylay - Alalay

Halimbawa: Heller - Hello, Gander - Ganda

Pagpalit sa buong salita na tugma sa mga pangalan o salitang sikat (tanyag na


personalidad, palabas sa telebisyon, atbp.)

Paghiram sa mga salitang banyaga (Espanyol, Nihongo)

Halimbawa: Tom Jones - Gutom, Carmi Martin - Karma

Halimbawa: Watashi (Nihongo) - ako, Chiquito (Espanyol) - maliit

Paggamit ng metapora

Halimbawa: may bukas na karenderya - may nakabukakang lalaki na kalapit

Layunin III: Malaman ang koneksyon nito sa wikang Filipino


Maraming nagsasabi na ang Bekimon daw ay isang kurapsyon sa wikang Filipino. Ngunit iba
ang sinabi ng komisyoner ng Komisyon ng Wikang Filipino sa isang panayam sa palabas ni Dr.
Winne Monsod na Bawal ang Pasaway. Ika nga ni Dr. Carmelita Abdurahman (2012) na
habang patuloy na umiikot ang mundo, maraming magiging pagbabago, ang isa dito ay ang sa
wika. Sinabi din niyang pampasaya at katuwaan ang Bekimon (pinaguusapan sa kanyang
interview ay Bekimon at Jejemon). Binuod niya ang kanyang opinyon nang sinabi niya na
habang hindi sumasalungat sa kabutihan ang mga ito, hayaan natin sila, dahil ito ang
nagpapayaman sa ating wika.[2] Sa maikling salita, ang wika ay daynamiko at nagbabago

samakatuwid ang Bekimon ay isa sa pagbabagong nagpapatunay na ang wika natin ay buhay
at sila ay konektado sa isat isa.
Layunin IV: Malaman ang koneksyon nito sa lipunang Pilipino (midya, atbp.)
Ang epekto ng Bekimon sa Media ay ito ang nagsisilbing instrumento ng pagpakakalat at
pagpasisikat ng mga salita sa ating lipunan. Dahil sa media mas nag karoon ng kaalamanan
ang mga mamamayan tungkol sa Bekimon bilang bagong sosyolek o jargon ng lipunan. Isang
magandang halimbawa nalang na personalidad sa showbiz ay si Vice Ganda. Siya ay sikat na
sikat na ngayon dahil sa kanyang hindi matatawarang talent lalo na sa pag papasaya ng mga
tao. Ang paggamit niya ng lengwahe na Bekimon ay patok sa mga manonood. Mas nag
kakaroon ng ideya ang mga tao tungkol dito dahil sa midya, kung saan naririnig o napapanuod
nila na ginagamit ang mga salitang Beki ng iba`t ibang uri ng tao.
Layunin V: Malaman ang epekto ng Bekimon sa akademya
Ayon kay Alvin Ringgo Reyes, isang guro ng Filipino sa College of Tourism and Hospitality
Management ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang paggamit ng Bekimon sa akademiya ay
maituturing na trespassing dahil sa pamantayan na dapat ang akademikong wika ay
mamayani rito. Ngunit magagamit ang Bekimon para sa pangangailangan ng tao na
mapaganda pa ang usapan kaya naman hindi ito kaagaad mawawala sa pananalita ng Pilipino
(Evangelista, n.d.).
Layunin VI: Panayam mula sa nagsasalita ng Bekimon at kabilang sa pangatlong
kasarian
Si Richard Delfin, kaibigan ng isa sa mananaliksik ay kinuhanan ng panayam tungkol sa
Bekimon. Siya ay kabilang sa ikatlong kasarian.
Q : Anong opinion mo tungkol sa Gay Lingo o sa mas kilalang Bekimon?

A : Walang masama sa 'gay lingo'. Ang Bekimon ay isang impormal na komunikasyon ng bakla
sa bakla at bakla sa ibang kasarian. Isa itong paraan ng mga binabae upang maramdamang
katanggap-tanggap sila sa lipunan. Kung matatandaan natin, hindi parin lubos ang pag tanggap
ng lipunan sa mga ito kaya sa paraan ng paggawa ng sariling wika nila ipinapakita na sila ay
parte at tanggap ng lipunan na kanilang ginagalawan, dahil sa panahon ngayon mapababae at
lalaki ay ginagamit na ito kahit sa paraang katuwaan lamang.
Q : Mahalaga ba ito sa lipunan
A : Isa itong impormal na komunikasyon, hindi lihitimo. Bilang isang bakla at parte ng LGQBT
(lesbian, gay, bisexual, and transgender) community hindi ito mahalaga sa lipunan, ni hindi ito
makakatulong sa pagunlad ng bansa sa paraan ng paghasa ng communication skills sa loob at
higit sa lahat sa labas ng bansa. Siguro ito ay mahalaga ng onti para sa nararamdaman ng mga
tiga LGQBT community para lang maramdaman naming na kami ay tanggap sa ating lipunan at
sa paraang ito naming naipapakita ang tunay na nararamdaman namin. Pero in general, hindi
ko ito nakikita na importante kasi kaya naman namin mag salita ng tagalog o English at mas
pabor ito para sa acdemikong pag-uusap
Q: Nakakatulong ba ito sa pagunlad ng ating Wikang Pambansa?
A : Hindi ito nakakatulong sa pag unlad ng ating Wikang Pambansa kasi hindi lihitimong wika
ito sa bansang Pilipinas
Q : Anong opinion mo tungkol sa Gay Lingo? O mas kilalang Bekimon?
A : Walang masama sa 'gay lingo'. Ang Bekimon ay isang inpormal na komunikasyon ng bakla
sa bakla at bakla sa ibang kasarian. Isa itong paraan ng mga binabae upang maramdamang
katanggap-tanggap sila sa lipunan. Kung matatandaan natin, hindi parin lubos ang pag tanggap
ng lipunan sa mga ito kaya sa paraan ng paggawa ng sariling wika nila ipinapakita na sila ay

parte at tanggap ng lipunan na kanilang ginagalawan, dahil sa panahon ngayon mapababae at


lalaki ay ginagamit na ito kahit sa paraang katuwaan lamang.
Q : Mahalaga ba ito sa lipunan
A : Isa itong inpormal na komunikasyon, hindi lihitimo. Bilang isang bakla at parte ng LGQBT
(lesbian, gay, bisexual, and transgender) community hindi ito mahalaga sa lipunan, ni hindi ito
makakatulong sa pagunlad ng bansa sa paraan ng paghasa ng communication skills sa loob at
higit sa lahat sa labas ng bansa. Siguro ito ay mahalaga ng onti para sa nararamdaman ng mga
tiga LGQBT community para lang maramdaman naming na kami ay tanggap sa ating lipunan at
sa paraang ito naming naipapakita ang tunay na nararamdaman namin. Pero in general, hindi
ko to nakikita na importante kasi kaya naman namin mag salita ng tagalog o English at mas
pabor ito para sa acdemikong pag-uusap.
Bahagi III
Kongklusyon
Ang ilan sa katangian ng wika ay buhay, daynamiko at nagbabago. Ang isa sa halimbawa ng
pagiging buhay, daynamiko at pagbabago ng wika ay ang Bekimon. Sa katunayan, ginawa
nitong makulay at malikhain ang Filipino kahit na ito ay hindi sumusunod sa alin mang batas ng
gramar. Subalit may ilang minoridad na hindi nakikita ang positibong epekto at kontribusyon ng
Bekimon sa ating wika katulad na lamang ng kinuhanan namin ng panayam. Ang ilan sa
kadahilan nila ay pagiging impormal ng nasabing sosyolek.
Sa kabilang dako naman, hiindi na rin natin dapat bigyang diskriminasyon ang nalikha nilang
sosyolek o jargon dahil ang Bekimon ay ang sumasalamin sa kultura at sarili nila. Sabi nga nila,
ang wika ang pagkakakilanlan natin. Sa kaso nila, ang Bekimon ang kanilang kakanyahan.
Tatapusin namin ang aming pananaliksik papel sa isang kotasyon ni Dr.Carmelita Abdurahman

na nabanggit kanina sa pagtalakay ng ikatlong layunin. Sabi ng komisyoner ng KWF, habang


hindi sumasalungat sa kabutihan ng tao, hayaan natin sila, dahil ito ang magpapayaman
sa ating wika.

Sanggunian
Abduhraman, Carmelita at Monsod, Winnie. (Augusto 8, 2012). Jejemon, Bekimon at Filipino?,
Bawal ang Pasaway, GMA Network 7
Casabal, Noberto V. (Augusto 2008). Kritika Kultura, Issue 11. Gay Language: Defying The
Structural Limits of English Language In The Philippines, Ateneo de Manila University.
Evangelista, Patricia Isabela B. Bekimon: Ebolusyon ng salitang bakla. The Varsitarian,
University of Santo Tomas, Manila, Philippines
BADINGTIONARY. Nakuha mula http://badingtionaryphoenix.blogspot.com/
Bekimon: A fresh take on Pinoy gay lingo. Nakuha mula http://www.abscbnnews.com/lifestyle/08/04/10/bekimon-fresh-take-pinoy-gay-lingo
Swardspeak. Nakuha mula http://en.wikipedia.org/wiki/Swardspeak

You might also like