Orkestra

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Orkestra

Ang Jalisco Philharmonic Orchestra


Ang orkestra o orkesta ay
isang
pangkat
ng
magkakasamang
mga manunugtog o musikero tumutugtog ng mga instrumentong pangtugtog. Karaniwan
silang tumutugtog ng tugtuging klasiko. Ang isang malakaing orkestra ay paminsan-minsang
tinatawag na orkestrang simponiya, samantalang ang maliit na orkestra bilang orkestrang
tsamber o orkestrang kamara. Ang orkestrang simponiya ay maaaring magkaroon ng nasa
100 mga manunugtog, habang ang orkestrang tsamber ay maaaring may 30 o 40 mga
tagatugtog. Ang bilang ng mga manunugtog ay naaayon sa kung anong tugtugin o musika
ang kanilang tinutugtog at sa sukat din ng lugar kung saan sila tumutugtog. Ang salitang
"orkestra" o "orkesta" ay may kahulugang puwang na kalahating bilog na nasa harapan ng
isang entablado sa tanghalan o teatro ng sinaunang Gresya, kung saan tumutugtog ang mga
manunugtog at kung saan umaawit ang mga mang-aawit. Dahan-dahan nangahulugan ito
bilang ang mga musikero mismo. Ang orkestra ay pinangangasiwaan o binibigyan ng
direksiyon ng isang konduktor. Siya ang tumutulong sa mga manunugtog upang makatugtog
ng magkakasama, upang makuha ang tamang timbang o timpla upang ang lahat ay marinig
nang malinaw, at upang udyukin o himukin ang orkesta na tumugtog na may magkatulad na
uri ng damdamin. Ilang maliliit na mga orkestra ang maaaring tumugtog na walang
konduktor. Pangkaraniwan ito hanggang sa pagsapit ng ika-19 daantaon kung kailan ang mga
orkestra ay naging napakalaki at nangailangan ng isang konduktor na gumagawa ng mga
pagpapasya at tumatayo sa harap upang makita at masundan ng lahat ng mga manunugtog.

Ano ang stringed instruments?


o Ang mga instrumentong uto ay ginagamitan ng kwerdas upang makalikha ng
tunog. Ang biyulin ay isang instrumento na may apat na kwerdas. Ito ay
tinutugtog ng isang biyulinista.

Ano ang woodwind instruments?


o Ang mga instrumentong woodwind ay mga instrumentong hinihipan. Karamihan
sa mga ito ay gawa sa kahoy subalit maari ring yari sa iba pang materyal katulad
ng metal o plastik. Nakalilikha ang mga ito ng tunog kapag hinipan sa bahaging
hihipan na tinatawag na reed, na nasa dulo ng instrumento.

Ano ang brass instruments?


o Amg mga instrumentong tanso o brass instruments ay isang uri ng instrumentong
hinihipan. Ang tunog ay nalilikha mula sa laks ng pag-ihip at panginignig ng labi
ng manunugtog na nakakaepekto sa pagdaan ng hangin sa tubong resonator ng
instrumento.

Ano ang percussion instruments?


o Ang mga instrumentong perkusyon ay pinapalo tinatapik o pinagtatam upang
mapatunog. Nakalilikha ito ng ibat-ibang tunog. Ilan sa mga halimbawa nito ay
ang tambol, simbal at tamburin.

Jos Rizal
Jos Rizal

Isang larawan ni Jos Rizal, Pambasang bayani ng Pilipinas.

Ito ang artikulo patungkol sa bayaning Pilipino. Para sa pelikula patungkol sa kanya,
silipin ang Jose Rizal (pelikula). Para sa ibang gamit ng Rizal, silipin angRizal
(paglilinaw).
Si Dr. Jos Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda (19 Hunyo 1861 30 Disyembre
1896) ay isang Pilipinong bayani at isa sa pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa
Pilipinas noong panahon ng pananakop ng mga Kastila. Siya ang kinikilala bilang
pinakamagaling na bayani at tinala bilang isa sa mga pambansang bayani ng Pilipinas ng
Lupon ng mga Pambansang Bayani.
Pinanganak si Rizal sa isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labingisang anak ng mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora
Morales Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at
nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo
Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Universidad Central de
Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanyan
ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan
ng Heidelberg.
Isang polimata si Rizal; maliban sa medisina, mahusay siya sa pagpinta, pagguhit, paglilok at
pag-ukit. Isa siyang makata, manunulat, at nobelista na ang pinakatanyag sa kanyang mga
gawa ay ang nobela ng Noli Me Tngere, at ang kasunod nitong El filibusterismo. Isa
ring poliglota si Rizal, na nakakaunawa ng dalawampu't dalawang mga wika.
Itinatag ni Jos Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo
ng Katipunan na pinamunuan ni Andrs Bonifacio, isang lihim na samahan na nagpasimula
ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng
Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas
ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at
susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan. Naniniwala si Rizal na ang
tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay
ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan, at kanyang winika "Bakit kalayaan,
kung ang mga alipin ngayon ay magiging maniniil ng hinaharap?"[8]Ang pangkahalatang
napagsang-ayunan ng mga dalubhasa sa buhay ni Rizal ay ang pagbitay dito ang naghudyat
upang magsimula ang Himagsikang Pilipino.

Apolinario Mabini
Apolinario Mabini

Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864Mayo 13, 1903), kilala bilang ang
"Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino teoretista na nagsulat
ngkonstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1899-1901, at naglingkod bilang ang
kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga,Tanauan, Batangas sa
mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.
Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong
natutuhan. Nag-aral siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de
Letran na kung saan natamo ang katibayan sa pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa
Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng pagkaabogado noong 1894.
Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.
Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng paralisis ng bata na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya
ni Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag niAguinaldo at hinirang
siyang opisyal na tagapayo. Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan
niya si Mabini bilang kalihim panglabas at pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat
niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon
at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng
Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa
noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan saEstados Unidos. Siya ay nagkasakit
ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.
Ayon sa paglalarawan sa kanya ni Arthur MacArthur, Jr., "Si Mabini ay isang lubos na
edukadong binata na, sa kasamaang-palad, ay paralisado. Siya ay may isang klasikal na
edukasyon, isang napaka-kakayahang umangkop, mayroong malikhaing isip, at ng mga tanawin
ng Mabini ay komprehensibo kaysa sa alinman sa mga Pilipino na ako ang nakakamit. Ang
kanyang ideya ay isang panaginip ng isang Maphilindo. Hindi ang Luzon o ang kapuluan ng
Pilipinas, ngunit ang ibig kong sabihin ay dugo ng Lahing Malay. Siya ay may pangarap, ngunit
isang napaka-tatag ng pagkatao at siya aty napakabuti. Tulad ng nasabi, sa kasamaang-palad, siya
ay paralisado. Siya ay isang binata, at gusto niya na walang pag-aalinlangan na maging mahusay
na paggamit sa hinaharap ng mga isla na parang ito ay hindi para sa kanyang pagdadalamhati."

Andrs Bonifacio
Andrs Bonifacio

Larawan ni Andres Bonifacio[1]

Si Andrs Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 10 Mayo 1897) ay


isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo. Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya
ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang
kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ngHimagsikang Pilipino.[2][3] Kinikilala
rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan blang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi
siya opisyal na kinikilala.
Anak si Andres nina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro ng Tondo, Maynila, at panganay sa
limang magkakapatid. Ang kaniyang mga kapatid ay sina Ciriaco, Procopio, Troadio,
Esperidiona at Maxima. Mananahi ang kaniyang ama na naglingkod blang teniente mayor ng
Tondo, Maynila, samantalang ang kaniyang ina ay isang mestisang ipinanganak mula sa isang
Kastilang ama at isang inang may Pilipinong may lahing Tsino. blang kaugalian, isinunod ang
pangalan niya sa kapistahan ng santo ng araw ng kaniyang kapanganakan, si San Andres.
Naulila sa magulang nang maaaga sa edad na 14. Naging tindero siya ng ratan at pamaypay na
gawa sa papel de hapon. Nagtrabaho din siya blang clerk, sales agentat bodegista
(warehouseman). Nahilig siyang basahin ang mga nobela ni Jose Rizal at nang itinatag ang La
Liga Filipina, sumapi siya kasma ni Apolinario Mabini.
Bagamat mahirap ay mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung
ito ay tungkol sa bayan, karapatang-pantao at kasarinlan ng inang-bayan. Siya ay may diwa ng
paghihimagsik laban sa malupit na mananakop na Kastila. Siya rin ay nagnais na magbangon ng
pamahalaang malaya na naging daan upang kaniyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa
himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kaniyang adhikaing kalayaan ng bayan. Noong
1892, matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Bonifacio
ang Katipunan o kilal rin blang "Kataastaasan,Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan"(KKK), isang lihim na kapisanang mapanghimagsik, na 'di naglaon ay naging sentro ng
hukbong Pilipinong mapanghimagsik. Kasama ni Bonifacio ay sina Valentin Diaz,Deodato
Arellano (bayaw ni Marcelo H. del Pilar), Teodoro Plata (bayaw ni Bonifacio), Ladislao Diwa, at
ilang manggagawa sa pagtatag ng Katipunan sa Calle Azcarraga (ngayon ay Avenida Claro M.
Recto) malapit sa Calle Candelaria (ngayon ay Kalye Elcano).
Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio blang "Ama ng Rebolusyon" sa
Pilipinas. Si Bonifacio at ang kaniyang mga kasamahan sa Katipunan ay may iisang layunin na
marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.

You might also like