Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

5

ALVARADO, MILADEL V.
ECE I-B
PANANAMPALATAYA SA ISIP, SA SALITA AT SA GAWA
Sa lahat ng tao na naririto ngayon sa silid na ito, isang magandang araw sa inyong lahat. Bago ko simulan ang
aking pagtatalumpati, naway pakinggan ninyo ang aking mga sasabihin nang sa gayon ay hindi masayang ang
pagkakataon na ito at maging makabuluhan ang pagtayo ko dito sa inyong harapan.
Pananamanpalataya sa isip, sa salita at sa gawa. Maaaring ang mga katagang ito ay narinig nyo na at hindi na
bago sa inyong kamalayan subalit hayaan ninyong aking maipaliwanag kung ano nga ba ang tunay na mensaheng nasa
likod ng pahayag na ito.
Simulan natin sa ibig sabihin ng salitang pananampalataya. Kung susumahin ay napakalawak ng maaaring
kahulugan ng salitang ito. Ang salitang pananampalataya, kung ang pagbabasehan ay ang pormal nitong kahalugan, ay ang
paniniwala sa Panginoong Diyos o sa mga doktrina ng relihiyon na kinaaaniban ng isang tao. Ngunit ang isa pang
kahulugan ng pananampalataya, ayon naman sa hindi pormal nitong kahulugan, ay pag-asa o pagtitiwala at maaring
paniniwala. Marami na ang nagtalo tungkol sa sa tunay na ibig sabihin ng pananampalataya. Ayon sa isang biologong si
Richard Dawkins, ang pananampalaya ay isa lamang paniniwala na walang kaukulang ebidensya. Subalit ito ay kanyang
pagsusuri lamang at hindi pa tukoy kung may katotohanan.
Ang pananampalataya ay ang iyong paniniwala ukol sa mga bagay-bagay na nasa iyong paligid. Isa sa malaking
nakaiimpluwensya sa pananampalataya ng isang tao ay ang kanyang relihiyon. Marahil batid naman ninyo na may ibatibang relihiyon ang bawat isa sa atin kaya tayoy may magkakaibang pananampalataya subalit iisa ang ating dapat na tunay
na pinaniniwalaan. Na ang pananampalataya ay hindi lamang sa pag-iisip, ito ay dapat maging sa ating pananalita at sa
ating mga paggawa.
Para sa mga nakikinig sa akin na mga Kristyano, mababasa sa bibliya sa Santiago 2:26, na ang pananampalataya
na walang gawa ay patay. Ano ang ibig sabihin nito? Milyung-milyong tao ang nagsasabing sila ay sumasampalataya sa
Diyos, pero ang ibay gumagawa naman ng masasamang bagay. Ang gayong pananampalataya ay maaring maihalintulad
sa pekeng pera- mukhang totoo, mukhang tunay at kapani-paniwala subalit ito ay walang halaga. Kung bakit ay kanyang
hindi sinusunod ang mga aral na nasasalig sa bibliya kayat ang kanyang pananampalataya ay walang kahalagahan.
Meron akong isang halimbawa. Ipagpasensiya nyo muna kung gagamit ako ng wikang Ingles pero sino sa inyo
ang may account sa Facebook? Lahat naman marahil sa atin ay mayroon diba? Meron bang nakaka kita sa inyo ng mga na
mga litratong kumakalat sa facebook, yaong may nakasulat na mga katagang One like if you love God? Meron ba? Sa
makabagong panahon na ito, ginagamit na ang tinatawag na social media upang maipahayag ang pananampalataya ng
isang tao. Subalit kayoy aking tatanungin, sapat bang patotoo na mahal mo ang Panginoong Diyos kung makikita ang
pangalan mo na isa doon sa mga ika ngay nag-like sa litratong iyon? Hindi ko naman sinasabi na iyoy walang kabuluhan
subalit kung hanggang doon ka lamang at hindi mo naman sinusunod ang mga utos ng ating Panginoong Diyos, hindi bat
napakawalang kabuluhan at silbi niyon?
Minsan mayroon akong narinig na umaawit ng mga awiting pagpupuri sa Diyos na isang tanda ng kanyang
pananampalataya. Kasiya-siya nga namang pakinggan ang gayon diba, ngunit pagdating naman sa aktwal na pananalita
nya at pakikipag-usap sa tao, itoy punong-puno ng mga pagtutungayaw. Alam ninyo ba ang ibig sabihin ng pagtutungayaw?
Ito yaong tinatawag na pagmumura. Hindi bat nawawalang silbi ang kanyang mga pag-awit kung ginagamit nya ang
kanyang bibig sa pagtutungayaw? Sanay maging bukas ang inyong puso at pag-iisip sa aking mga opinyon.
Hindi rin sapat yung pananampalataya na hanggang pananalita at gawa lamang. Halimbaway sumasampalataya
ka na ang pagtulong sa kapwa ay tama ay walang hinihinging kapalit. Subalit noong minsang tinulungan mo ang isang
kaibigan mo na nangangailangan ng kaunting tulong pinansyal, ikaw ay nagdalawang isip. At noong tinulungan mo sya ay
labag sa iyong kalooban. Hindi bat patay din ang pananampalatayang iyon?
Marami pang maaring ihalimbawa subalit hindi ko na pahahabain pa ang aking talumpati. Ating lamang palaging
tatandaan na ang pananampalatay ay dapat na sa isip, sa salita at sa gawa.
Ako po si Miladel V. Alvarado at muli isang magandang araw po sa inyong lahat.

You might also like