Aralin 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ARALIN 1.

2
KAKAPUSAN

Gawain 1: T-CHART
Suriin ang mga produktong nakalista sa hanay A at B sa T-chart.
Ihambing ang dalawang hanay at sagutan ang mga pamprosesong
tanong.
Hanay A
Bigas
Isda
Gulay
Bawang

Hanay B
Gasoline
Ginto
Nickel
Tanso

Ang mga bagay na nakatala sa Hanay A ay masasabi kong mga


produkto ng ating bansang Pilipinas at ang mga ito ay ibat-ibang
klase ng pagkain samantalang ang mga bagay naman na nasa Hanay
B ay ang mga produktong maaaring galing mismo sa ating bansa o
hindi kaya ay inaangkat natin galing sa ibang mga karatig bansa at
ang mga ito ay kabilang sa mga yaman at mineral na tinataglay ng
Pilipinas.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong napuna sa mga magkakasamang produkto sa
Hanay A at Hanay B?
Ang aking napuna sa mga magkakasamang produkto sa hanay A
at hanay B ay sa mga produktong nasa Hanay A ay lahat sila ay
mga ibat-ibang klase ng pagkain samantalang ang mga
produkto naman na matatagpuan sa Hanay B ay mga yaman at
mineral na matatagpuan sa Pilipinas.
2. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit magkakasama ang
mga produkto sa iisang hanay? Ipaliwanag.
Sa aking palagay, ang mga produkto sa iisang hanay ay
magkakasama sa kadahilanang ang mga produktong ito ay
magkakapareho ng paraan ng paggamit at pamamahala,
halimbawa, ang mga nasa Hanay A, ang mga ito ay ginagamit
upang kainin ng mga mamamayan at ang mga nasa Hanay B
naman ay ang mga kayamanan ng bansa at makatutulong din

Gawain 2: PICTURE ANALYSIS


Suriin ang larawan sa ibaba at bigyan ito ng sariling interpretasyon.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
Ang aking nakikita sa larawan ay ang isang kantina na may tindera at
batang bumibili ngunit kapansin-pansing mukhang kinakabahan ang bata
na nasa larawan dahil siguro sa kulang ang kanyang pera na dala-dala na
ipambabayad sa tindera para sa kanyang nabili/binibili/ bibilhin at tila wala
na siyang madukot pa na pera sa kanyang bulsa.
2. Ano ang ipinahihiwatig nito?
Ang ipinahihiwatig ng nasa larawan ay ang kakapusan at kakulangan, kung
ating ihahalintulad ang kahulugan nito sa ekomiks, ang kakapusan ay ang
hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman samantalang ang kakulangan
naman ay ang kaganapan na kung saan hindi kayang mapunan ng dami ng
malilikhang produkto ang dami ng pagkonsumo ng tao. Kung kaya, dito sa
larawan na ito, ang nangyari ay isang kakapusan sapagkat hindi sapat ang
perang kanyang dinala at kinapos siya sa perang pambayad sa tindera.
3. Bakit ito nagaganap?
Kung ang larawan ang pagbabasehan, ito ay nagaganap dahil sa walang
kasapatan ng pera dala ng bata ngunit kung ang konsepto ng ekonomiks

Gawain 3: KNOWLEDGE GAUGE


Ang gawaing ito ay susukat sa iyong paunang kaalaman kung
paano maipakikita ang kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw
na buhay, at kung bakit maituturing na isang suliraning panlipunan
ang kakapusan.

Gawain 4: PRODUCTION PLAN


Suriin ang production plan sa ibaba. Iguhit ito sa

Bakit
na interpretasyon at kongklusyon
graph
atmaituturing
lagyan ng
isang suliraning
ang punto
A, F, at C.
panlipunan ang
kakapusan?

KAUGNAYAN NG KAKAPUSAN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


Ang aking paunang kaalaman sa kakapusan ay katulad ng isang
pamilyang kapos sa perang pampamilya dahil sa kahirapan at dahil
PUNTO
INTERPRETASYO KONGKLUSYON
doon, hindi matugunan ang mga pangangailangan ng bawat
N
miyembro ng pamilya. Ito ay nagpapakita
ng kaugnayan ng
Labinlimang
sako
ng
Punto A, kung saan
A
kakapusan sa pang-araw-araw na buhay.
palay kumpara sa zero
na bilang ng mais.

maaaring gamitin ang


lahat ng salik ng
BAKIT MAITUTURING NA ISANG SULIRANING PANLIPUNAN
produksiyonANG
KAKAPUSAN?
upang makalikha ng
labinlimang sako ng
palay kaya ang
walang
Sa aking palagay, tinaguriang suliraning panlipunan
magagawang
mais.
kakapusan sapagkat marami itong maaaring maging
masamang
Limang
libong
sako
ng
Punto
F,
kung
saan
F
resulta. Dahil
sa walang
katapusang
pangangailangan
at
kagustuhan
mais kumpara sa zero maaaring gamitin ang
ng mga mamamayan, patuloy
nang
nauubos
na bilang
palay. ang mga
lahatpinagkukunangng salik ng
produksiyon
upang makalikha ng
limang sako ng mais
kaya walang
magagawang palay.
Dalawang
libong
sako
Punto
C, makalilikha
C

Gawain 5: OPEN ENDED STORY


Lagyan ng maikling katapusan ang
kuwento. Iugnay ang kuwento sa suliraning
panlipunan na nagaganap dahilan sa
kakapusan. Tingnan ang rubrik sa ibaba at
gamitin itong batayan sa iyong pagsusulat.
1.

Nagkaroon ng brownoutsa Barangay


Madilim dahilan sa walang mabiling
gasolina na ginagamit upang mapaandar
ang mga planta ng kuryente

Kaya naubusan ng gasolina na magagamit


ang Barangay Madilim sa pagpapaandar ng
mga planta ng kuryente ay dahil sa
kakapusan, hindi sapat ang pinagkukunangyaman partikular na ng gasolina habang
patuloy ang pagdami ng mga
nangangailangan nito. Nang dahil sa
kakapusang ito, ang mga mamamayan ng
Barangay Madilim ay sobrang nahirapan sa
kanilang pamumuhay sapagkat malaking
kawalan para sa kanila ang kuryente, may
ibang mga nagkasakit nang dahil sa sobrang
init, may ilan namang mga negosyo ang
bumagsak dahil sa kawalan ng kuryente sa
kanilang lugar, ang ilang mga opisina ay

Gawain 6: CONSERVATION POSTER


Gumawa ng poster na nagpapakita ng konserbasyon sa
mga yamang likas at mga paraan kung paano
mapapamahalaan ang kakapusan. Gamitin ang rubrik
bilang pamantayan ng iyong paggawa.
RUBRIK NG PAGMAMARKA
Kriterya
Napakagalin
Magaling
g
2
3
Impormatibo
Ang
Ang
nabuong
nabuong
poster
poster
ay
ay
nakapagbibi nakapagbibi
gay
gay
ng
ng wastong
kumpleto, impormasyo
wasto,
n
at
tungkol sa
mahalagang konserbasyo
impormasyo
n
n
ng yamang
tungkol sa
likas
konserbasyo
at kung
n ng
paano
yamang
malalabana
likas at kung
n ang
paano
kakapusan.
malalabana

May
Kakulangan
1
Ang
nabuong
poster ay
kulang ng
impormasyo
n tungkol
sa
konserbasyo
n ng
yamang
likas at kung
paano
malalabana
n
ang
kakapusan.

Gawain 7. KNOWLEDGE GAUGE


Ang gawaing ito ay katulad ng Gawain 3 na may layuning mataya ang

iyong
kaalaman tungkol sa kaugnayan ng kakapusan sa pang-araw-araw na buhay,
at kung bakit itinuturing ang kakapusan na isang suliraning panlipunan.
Ngayon naman ay muli mong sasagutan ang tanong sa ibaba upang
maipakita ang pag-unlad ng iyong kaalaman.

Bakit maituturing na isang


suliraning
panlipunan ang
kakapusan?

KAUGNAYAN NG KAKAPUSAN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


Base sa mga konseptong itinalakay dito sa module na ito, ang sa tingin kong
magandang halimbawa upang maipakita ang kaugnayan ng kakapusan sa
pang-araw-araw na buhay ay ang isang lipunan na limitado lamang ang
pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at
serbisyo na gusto at kailangan ng mga mamamayan.
BAKIT MAITUTURING NA ISANG SULIRANING PANLIPUNAN ANG
KAKAPUSAN?
Para sa akin, ang dahilan sa likod ng pagtaguri sa kakapusan bilang
isang suliraning panlipunan ay dahil sa mga ibat-ibang uri ng suliraning
panlipunan na maaaring maging resulta ng kakapusan, ang mga halimbawa
nito ay ang kahirapan, pagkalat ng mga sakit, pagkakaroon ng mga away at
gulo, at marami pang iba.

Gawain 9: GAUGE POD


Ngayon ay muli mong sasagutan ang tanong na nasa susunod na pahina
tungkol sa paano maipakikita ang kaugnayan ng kakapusan sa pang-arawaraw na buhay, at kung bakit itinuturing ang kakapusan na isang suliraning
panlipunan. Inaasahan sa bahaging ito na wasto ang iyong mga kasagutan at
handa ka nang ito ay isabuhay.

Bakit maituturing na isang


suliraning
panlipunan ang kakapusan?

KAUGNAYAN NG KAKAPUSAN SA PANG-ARAW-ARAW NA BUHAY


Maaari nating iugnay ang kakapusan sa ating pang-araw-araw na buhay bilang isang
lipunan na limitado lamang ang pinagkukunang-yaman na hindi kayang matugunan
ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto at kailangan ng mga mamamayan.
Possible ring ihalintulad ang kakapusan sa isang pamilya na walang kakayahang
maibigay ang mga pangangailangan ng bawat miyembro na bumubuo sa isang
pamilya. Sa pagkakataong ito, masasabi kong ang isang pamayanan ay katulad din ng
isang pamilya na kung saan hindi rin maibibigay ang lahat ng mga pangangailangan at
kagustuhan ng mga taong bumubuo rito.
Bilang halimbawa, sa isang pamayanan, may isang kalamidad na naganap nang hindi
inaasahan at dahil dito, maraming mamamayan ang naperwisyo, nawalan ng tahanan,
at naghihirap na dahil sa perwisyong dala ng nasabing kalamidad, sa pagkakataong
ito, ang tanging mapaghihingan ng tulong ng mga taong-bayan ay ang gobyerno na
namamalakad sa isang lugar ngunit sa kasamaang palad, hindi lahat ng mga taong
naperwisyo ay kayang matugunan ng tulong at pansin ng pamahalaan kung kayat
marami pa rin ang mga nasaktan at naghirap, at naipakita dito ang konsepto ng
kakapusan.

Pagdating naman sa isang pamilya, ating maipapakita ang konsepto ng


kakapusan sa simpleng pangyayari na ang mga anak na nag-aaral sa isang
pamilya ay nangangailangan na makapag-aral nang sa gayon ay magkaroon ng
magandang kinabukasan tungo sa tagumpay ngunit nang dahil sa kahirapan
ng buhay na tila umabot na sa puntong wala ng ni isa sa mga miyembro ng
pamilya ang makakapag-aral dahil walang sapat na pera ang mga magulang
na pampaaral sa mga anak, ang pangyayaring ito ay ang mga kadalasan
nating naririnig sa mga dahilan ng mga magulang o ng mga bata kung bakit
hindi sila nag-aaral sa paaralan, at dahil dito, ang mga batang inaasam na
makapag-aral ay napipilitang magtrabaho sa murang edad pa lamang upang
kumita ng pera nang sa gayon ay makakain ng tatlong beses sa isang araw at
kung minsan ay basta maibsan lang ang kumakalam na sikmura ay masaya na
sila, at sa kabilang dako, may mga pamilya pa rin na kulang na kulang talaga
ang perang pampamilya.
BAKIT MAITUTURING NA ISANG SULIRANING PANLIPUNAN ANG KAKAPUSAN?
Ang kakapusan ay tinagurian bilang isang suliraning panlipunan ngunit
kailangan natin malaman ang kadahilanan sa likod nito. Sa aking palagay, ang
kakapusan ay tinguriang isang suliraning panlipunan sapagkat ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao ay tila walang katapusan
samantalang ang pinagkukunang-yaman ay limitado lamang at dahil sa
kalagayang ito, ang kakapusan ay posibleng magdulot ng ibat-ibang
suliraning panlipunan. Ang nakakalungkot na katotohanan ay habang lumilipas
ang panahon, maaaring maubos ang mga pinagkukunang-yaman habang
patuloy na lumalaki ang dami ng populasyong umaasa sa mga ito. Magdudulot
ito ng matinding kahirapan at lubhang pagkakasakit ng mga mamamayan.
Maaari rin itong maging dahilan ng pagkakaroon ng sigalot, kompetisyon, at
pag-aaway-away. Kung nais na masolusyonan ang kakapusan, nararapat na
sumailalim sa matalinong pagpapasya o pagdedesisyon sa kung ano, paano,
para kanino at kung gaano karami ang dapat na magawang mga produkto.
Malaking tulong din ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng mga
mamamayan habang isinasakatuparan ang magkaibang layunin upang
makamit ang katahimikan at kasaganahan ng pamumuhay. Kailangan ang
isandaang porsyento ng kasiguraduhan na ang mga likas na yaman na may
limitasyon ay magagamit ng mahusay nang sa gayon ay ito ay angkop sa
pangangailangan ng mga tao.

You might also like