1kto12lessonplaninagriculture5 160519005412

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

K TO 12 LESSON PLAN IN AGRICULTURE 5

Lesson No. 1
Inihanda ni: ROLANDO S. CADA

I.Layunin:
II. Paksa

1.1Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang gulay


sa sarili, pamilya, at pamayanan (EPP5AG-0a-1)
KBI: Pagpapahalaga sa pagtatanim
Pakinabang sa Pagtatanim ng Halamang Gulay sa Sarili,
Pamilya, at Pamayanan
Kagamitan:
EPP 5 CG p.18
Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan 5, WordPress.com
Umunlad sa Paggawa 5, p. 113 (PRODED)
Mga larawan ng ibat ibang halamang ornamental
Mga videos ukol sa pakinabang sa pagtatanim ng halamang
gulay
- Makulay ang Buhay sa Sinabawang Gulay
- Gulay Song
- UKG Dating Basurero Umasenso sa Pagtatanim
- NTG Urban Farming Tawag sa Pagtatanim
- Pagtatanim sa Siyudad Panoorin

III.Pamama
raan
Panimulang
Gawain

Magpapakita ng mga larawang ornamental at magtatanong ukol


dito.
Halimabawa: shrub, trees, grasses, at bulb
Itatanong sa mga bata ang kanilang mga karanasan ukol
sapagtatanim ng halamang ornamental.
(Magkakaroon ng limang (5) minutong talakayan ukol dito).

Panlinang na
Gawain

Magpapakita ng video: Gulay Song


Hahatiin ang mga bata sa tatlong (3) grupo.
Ibibigay ang mga panuto at alituntunin ng mga gawain sa bawat
grupo.
Magpapakita ng videos:
- UKG Dating Basurero Umasenso sa Pagtatanim
- NTG Urban Farming Tawag sa Pagtatanim
- Pagtatanim sa Siyudad Panoorin
Unang Grupo: Ipasusulat at ipauulat ang mga impormasyong
nakuha ukol sa napanood na video.
Ikalawang Grupo: Ipapakita ito sa pamamagitan ng isang maikling
drama.
Ikatlong Grupo: Ipaguguhit at ipaliliwanag ang mga impormasyong
nakalap sa video
Presentasyon ng bawat grupo
Bibigyan ng tig-lilimang minuto ang bawat grupo upang kanilay
maipakita ang kanilang mga inihandang presentasyon sa klase.
Gagabayan ng guro ang mga bata upang matalakay ang naturang
aralin at pabibigyang-halaga ang bawat presentasyon ng bawat
grupo gamit ang mga gabay katanungan.

Magpapakita ng tatlong maiikling video presentations at mga


larawan ukol sa pakinabang sa pagtatanim ng halamang gulay.
Pagtalakay

Pangwakas
na Gawain:

Kabutihang Dulot ng Paghahalaman


-Ang Paghahalaman ay isang sining ng pag-aayos at pagtatanim ng
mga halaman tulad ng ornamental, gulay at punungkahoy.
1. Pagkakaroon nang sapat na panustos sa pang-araw-araw na
pangangailangan ng pamilya.
2. Nakapagbibigay ng kailangan ng katawan tulad ng Bitamina at
mineral .
3. Ang pagtatanim ng halaman at gulay ay kawiliwili at nakalilibang.
4.Nagpapaganda ng kapaligiran nakakatulong sa pagsugpo ng
polusyon.
5. Ang punong kahoy ay nagbibigay ng lilim at oxygen na kailangan
ng tao.
6. Nakakalibang makakapag-alis ng tensyon at suliranin.
Itatanong sa mga bata:
Bakit kinakailangan nating magtanim ng mga halamang gulay?
Magagamit ba natin ang ating mga natutunang impormasyon ukol
sa kahalagahan ng pagtatanim ng halamang gulay? Saan? Kailan?
Ipaliwanag?

IV.
Pagtataya

V. Takdang
Aralin

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.


1. Bakit kinakailangan tayo magtanim ng
halamang gulay?
a. Para may sapat na panustos sa araw-araw na
pangangailangan ng pamilya.
b. Nakapagdudulot ng magandang kalusugan
c. Nakawiwili
d. Lahat ay tama
2. Alin sa mga sumusunod ang mga pakinabang na maaari
nating makuha sa pag-aalaga ng mga halamang gulay?
a. Pera
b. Preskong gulay
c. Kalusugan
d. Lahat ay tama
3. Gusto mong mag-alaga ng gulay dahil alam mo na may
pakinabang ang pagtatanim nito ngunit wala kang lupang
mapagtataniman ano ang maari mong gawin?
a. Magtatanim nalang sa lupa ng kapit-bahay
b. Magpapatanim sa iba
c. Gagamit ng mga supot, lata na puwedeng gamiting paso
d. Lahat ay tama
4. Paano mo mahihikayat ang iyong mga kapit-bahay o kaibigan
na magtanim ng mga halamang gulay sa kanilang bakuran?
a. Sasabihin ang kahalagahan nito
b. Hihikayatin silang magtanim
c. Maging modelo sa kanila
d. Bigyan sila ng itatanim
5. Ano ang mangyayari kung ang bawat pamilya ay magtatanim
ng halamang gulay?
a. Lahat ay magiging malusog
b. Magkakaroon lahat ng dagdag kita
c. Lahat ay mawiwili at malilibang
d. Lahat ay tama
Gumawa ng survey ukol sa mga halamang gulay na maaaring
itanimayon sa: lugar,panahon, pangangailangan, gusto ng mga
mamimili.

Maghanda ng isang pag-uulat ukol dito.

You might also like