Walang Sugat

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Walang Sugat

ni Severino Reyes
Unang Yugto
Tagpo 1.a: Sa loob ng isang bahay*kantas*
Julia
: Iligpit na ninyo ang mga bastidor at kayoy umalis na.
Tagpo 2.a
Teong:
Julia, patingin nga ng binuburdahan mo
Julia:
*ilalayo ang panyo kay Teong. Pipilitin ni Teong na
makita ang panyo pero pilit itong inilalayo ni Julia*
Huwag na, Teong. Huwag mo munang tingnan,
masama ang pagkakakayari. Saka na lang, kapag
maganda na. Saibang araw, ipapakita ko sa iyo.
Teong:Posible ba na ang mga daliring ito, na hagod
kandila, na parang nilalik na maputing garing, aymay
yayariin na hindi maganda? Hala na, titingan ko lamang
saglit
Julia:
Wag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko!
Teong:

Ay!
Julia:
Anong lalim ng buntong-hininga. Lalo ko pang
pagagalitin
Teong:
Julia, Julia ko Hindi na ko nagagalit, patawarin mo
ako
Julia:Masakit sa akin, magalit ka at hindi, laging bagay!
Teong:
Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, na
ito ay nakita ko na minarapat mongilimbag sa panyong
ito ang pangalan ko!
Julia:Hindi ah! Nagkakamali ka Hindi para sa iyo ang
panyong iyan.
Teong:
Kasinungalingan! At kanino namang pangalan ito A,
Antonio, N, Narciso at F, ay Flores!
Julia:Hindi mo pangalan iyan. A-, sa amang iyan! Iyay
iaalay ko sa kaniya ngayong kaarawan ng Pasko.
Teong:
Hindi pala akin ah! Kung sa amang o sa demonyo may
bakit ang letray A, N at F?

Julia:
Oo nga, ah, eh, pagkat ang A ay amang, ang N ay
natin, at ang F ay frayle. Amang natin frayle.
Teong:
Amang natin frayle? Niloloko mo ba ko? Laking
kaalipustahan! Huwag mo kong aglahiin tungkolsa mga
taong iyat madaling magpapanting ang tainga ko!
Julia (to self):
Aba, at nakaganti na ako!
Teong:
Julia, magsabi ka nga ng totoo! Para sa Kura nga ba?
Kapag di ko sinilaban ay sinungaling ako*kantas*

You might also like