Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Philippine Normal University

Taft Ave., Manila


Faculty of Education Sciences

Dr. Alejandro Albert Elementary School


Dapitan, Manila

MASUSING BANGHAY ARALIN SA


ARALING PANLIPUNAN
BAITANG 2
IKALAWANG MARKAHAN
(Katangiang Pisikal: Anyong Lupa)
Inihanda ni:
Balugo, Ma. Carmella G.
IV- 15 BEED
Setyembre 3, 2016

PAMANTAYAN NG PAGKATUTO:
Nailalarawan ang mga anyong lupa at tubig sa sariling komunidad

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nailalarawan ang kapaligiran at katangiang pisikal (Anyong Lupa) ng
sariling komunidad.
B. Nakapagbibigay galang sa mga katangiang pisikal(Anyong Lupa)
C.Nakapagbibigay- halaga sa mga katangiang pisikal (Anyong Lupa)sa
sariling
komunidad sa pamamagitan ng pagsulat ng liham ng pangako.
II. PAKSANG ARALIN
a.Paksa: Ang Katangiang Pisikal sa aking Komunidad (Anyong Lupa)
b. Kagamitan: cartolina, mga larawan
c. Sanggunian: Garcia et. al (2013)Araling Panlipunan 2. Quezon City,
Philippines: Vibal Publishing.
Pasamonte, L.R. (2006) Philippines: My Gift from God. Quezon City, All
Nations Publishing Co., Inc.,
DepEd Araling Panlipunan Grade 2 May 2016
d. Pagpapahalaga: Paggalang sa kalikasan (Respect for nature)
III. PAMAMARAAN:
GAWAING GURO
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtsetsek ng liban o hindi,
pagsasaayos ng loob ng silid-aralan.
3. Pagbati
4. Balitaan
Mga bata, magsimula muna tayo sa
balitaan. Sino ang may mga baong
balita ngayon?

(Magtataas ng kamay ang ilang magaaral)

Sige nga ______________. Ibihagi mo


nga sa klase ang iyong balita.

(Magbabahagi ang mag-aaral ng


kanyang balita)

Mahusay! Pakinggan naman natin


ang balita ni ________________.

Magaling. Mga bata! Ngayon naman

GAWAING MAG-AARAL

(Magbabahagi uli ang mag-aaral ng


kanyang balita)

ako ang may ibabalita sa inyo. Ang


balita ko sa inyo ay tungkol sa
kalikasan. Ayon sa nabasa kong
balita, ay mayroon isang maliit na
grupo ng mga mangingisda ang
nangangalaga sa isang karagatan na
malapit sa kanila. Nagtatanim sila ng
mga artipisyal coral reefs para
magkaroon ng tirahan ang mga isda.
Magandang balita ba na magkaroon
ng bagong tirahan ang mga isda?

Opo, teacher!

Tama! Kung gayon ay magbabalikaral muna tayo.


5. Balik-Aral
Noong mga nakaraang araw ay
napag-usapan na natin ang tungkol
sa mga katangiang pisikal na inyo
nang nakita lalo na sa mga anyong
tubig. Magbigay nga ng isang anyong
tubig ____________?
Tama! Ang karagatan ay isang
anyong tubig. Anong anyong tubig
naman ang bahagi ng isang malaking
lawa na umaagos o dumadaloy?
Sagutin mo nga _______________?

Karagatan, Teacher.

Ilog po, teacher.

Mahusay! Magbigay ka nga ng isang


halimbawa ng ilog na iyong alam
__________?

Ilog Pasig po!

Magaling! Ano naman ang talon?


Sagutin mo nga ______________?

Ang talon ay tubig na bumabagsak


mula sa mataas na lugar tulad ng
bundok.

Magbigay pa nga ng ibang anyong


tubig _____________________?

Sapa po, teacher.

Ano naman ang sapa?

Anyong tubig na mas maliit kaysa sa


ilog.

Mahusay! Ano pa kaya? Ikaw naman


____________?

Bukal po, teacher.

Sige ikaw na rin ang magbigay ng


kahulugan ng bukal.

Ang bukal po ay mainit na tubig na


nangangaling sa ilalim ng lupa.

Mahusay! Mukhang nag-aral talaga


ang grade 2-Santan! Ano naman ang
anyong tubig na malapit sa baybayin
ng dagat ng magandang himpilan ng
mga sasakyang pandagat?
At ang pinakahuli at ang
pinakamalaking anyong-tubig ay?
Mahusay mga bata! Dahil diyan
bigyan ang katabi ng ang galing
galing clap!

B. Pagganyak
Dahil mahusay at alam na alam na
ninyo ang tungkol sa mga anyong
tubig, tayo ay aawit. Ang pamagat ng
awit ay Anyong Lupa. Ako muna ang
aawit at pagkatapos ay kayo naman.
Pag-awit sa Mga Anyong Lupa
sahimig ng Leron-Leron Sinta.
Mga Anyong Lupa
Dito sa ting bansa

Look po, teacher!

Ang karagatan po!

(gagawin ng mga mag-aaral ang


kanilang katabi n gang galling galling
clap.)

Lambak, kapatagan,Yaman nitong


bayan
Talampas at bulkan
Kaygandang pagmasdan
Burol, kabundukan
Pati ang pulo,
Ating alagaan!
Laging Handa!
Ngayon kayo naman, Handa na ba
Grade 2?

Magaling! Ngayon mga bata, anuanong mga anyong lupa ang


nabanggit sa ating awit?

Tama! At ngayong araw na ito ay


pag-aaralan natin ang tungkol sa

mga anyong lupa.


1.Paglalahad
Ngayon ay may ipapakita ako sa
inyong mga larawan.

(Aawit ang klase ng Mga anyong


lupa.)

Burol, bundok, kapatagan,


lambak,talampas, bulkan at pulo po,
teacher!

2.Pagbuo ng Suliranin
Sa tingin niyo mga bata, alin sa mga
ito ang Burol, bundok, kapatagan,

lambak,talampas, bulkan at pulo at


bakit niyo naman iyon nasabi?
Simulan natin ang pangungusap sa
Sa tingin ko iyon ay
___________________
Dahil ito ay ___________________.
Subukan mo nga ______________?

Mahusay na obserbasyon. Ikaw


naman _____________.

Magaling! Upang malaman natin


kung tama ba ang inyong mga hula,
ay atin nang pag-aaralan ang mga
anyong lupa at mamaya ay titignan
natin kung tama ba ang inyong mga
sagot.
Handa na ba Grade 2?
Kung gayon, ay umayos ng pag-upo.

3.Talakayan
Klase, ang Pilipinas ay biniyayaan ng
maraming likas na yaman. At dahil sa
mga likas na yaman ay nakakakuha
tayo ng mga bagay na ating
kailangan tulad ng damit at tirahan!
At nakukuga natin iyon sa ating mga
anyong lupa
Ngayon ay tatalakayin natin ang ibaibang anyong lupa.

Ito ang unang larawan, anong


napapansin niyo sa anyong lupa na
ito?

Teacher, sa tingin ko po ang larwang


ito ay ______________ dahil ___________.

Teacher, sa tingin ko naman po ang


larawang ito ay ______________ dahil
___________.

Tama! Ito ang pulo, ang pulo ay isang


anyong lupa na napapaligiran ng
tubig.
Laging handa!
Ang sunod naman ay ang bundok!
May nakaakyat na ba sa inyo sa isang
bundok?

(ang mga mag-aaral ay uupo ng


maayos)

Magaling! Ano naman masasabi niyo


taas ng isang bundok?

Tama! Dahil ang bundok ang


pinakamataas na anyong lupa.
Ngayon ay dadako na tayo sa isa
pang anyong lupa. Ano ang

Napapaligiran ito ng tubig teacher.

napapansin niyo sa larawan na ito?

Tama! Mga bata, ito ang bulkan. Ang


bulkan ay mataas na anyong lupa na
mayroong butas sa tuktok. Minsan
nagsasabig ito ng mainit at
kumukulong putik at bato.

Meron na po, teacher!

Mataas, po teacher.
Dumako na tayo sa isa pang
halimbawa. Ano naman ang masasabi
niyo sa larawang ito:

Mahusay na obserbasyon! Mga bata,


ang tawag dito ay burol. Ito ay may
mataas na lupa ngunit mas mababa
ito kaysa sa bundok.

Para pong may apoy, teacher.

Ang isa pang anyong lupa, ay ang


talampas. Ito ang larawan ng isang
talampas,klase:

Ano ang napapansin niyo sa


talampas?

Para pong maliliit na bundok pero


magkakatabi sila teacher.

Magaling! Dahil ang talampas ay ang


malawak, malapad at pantay na lupa
sa mataas na lugar o bundok.
Ang susunod na anyong lupa naman
naman ay ang lamabak. Ito ang
itsura
ng isang lambak:

Ano naman ang napapansin niyo sa

larawan ng isang lambak?

Tama! Mga bata, ang lambak ay isang


anyong lupa na nasa pagitan ng
bundok o burol.
Para pong may kapatagan pero nasa
taas po ng bundok, teacher.
At ang huli ay ang kapatagan. Ito ang
larawan ng isang kapatagan:

Anong masasabi niyo sa kapatagan?


Tama! Maraming tao ang nainirahan
sa kapatagan dahil ito ay malawak at
mababa ang lupa.
Pagpapahalaga:
Ngayon mga bata, ano kaya ang
maaring mangyari kung wala tayong
mga anyong lupa? Sige nga
____________.
Tama, dahil wal tayong patag na
lugar kung saan maari tayong tumira.
Ano pa kaya ___________________?

Tama! At kapag wala tayong naitanim


na gulay, ano kaya ang mangyayari
sa atin? Sige nga _________.

Tama! At ano naman kaya ang

Para pong kapatagan sa gitna,


teacher.

mangyayari sa mga hayop


___________?

Diyan po tayo nakatira, teacher.

At kapag wala silang natirahan , ano


kaya ang mangyayari sa kanila?
Tama, ngayon, ano kaya ang dapat
nating gawin para hindi masira ang
mga anyong lupa? Sige nga ______?
Magaling! Bigyan mo pa nga ako ng
isa ____________?
Mahusay, Grade 2! Dahil diyan ay
tapikin niyo ang inyong balikat at
sabihing mahusay ako!

Wala po tayong matitirahan, teacher.

Wala rin po tayong mapagtataniman.

3. Paglalahat
Mga bata, Anu-ano nga uli ang mga
anyong lupa na ating tinalakay
ngayong araw?

Sige nga, ano ang pulo?


Mahusay! Ano naman ang bundok,
__________?
Magaling! Eh ang bulkan kaya?
Subukan mo nga ________?

Magugutom po tayo, teacher.

Wala na rin po silang matitirahan,


teacher.
Mauubos po sila teacher.

Hindi po magtatapon ng basura kung


saan-saan, teacher.
Magtatanim na po ng mas maraming
halaman, teacher!

Tama! Ano naman kaya uli ang


lambak ____________?
(gagawin ng mga mag-aaral ang
pagtapik sa balikat)

Mahusay! Ano nga uli ang burol?

Magaling! Eh ano naman kaya ang


talampas? __________________?

Burol, bundok, kapatagan,


lambak,talampas, bulkan at pulo po,
teacher!
Ang pulo ay isang anyong lupa na
napapaligiran ng tubig, teacher.

Magaling! At ang huli ay ang?


At ano ang kapatagan?
Magaling, Grade 2! Dahil diyan ay
magkakaroon tayo ng isang Gawain.
4. Paglalapat
Ngayon, mga bata ay mananatili
kayo sa inyong mga grupo. Mayroon
akong ibibigay sa inyo na envelope at
sa loob ng envelope ay may papel at
isang marker. Kayo ay gagawa ng
isang liham ng pangako na inyong
aalagaan ang mga anyong lupa.
Pagkatapos niyo iyon masulat ay
pumili kayo ng isang representatib na
babasahin ang inyong liham na
ginawa.
Handa na ba mga bata?

Ang bundok ang pinakamataas na


anyong lupa,teacher.
Ang bulkan ay mataas na anyong
lupa na mayroong butas sa tuktok.
Minsan nagsasabig ito ng mainit at
kumukulong putik at bato po!

Ang lambak ay isang anyong lupa na


nasa pagitan ng bundok o burol po
yun!
Iyon po ay mataas na lupa ngunit
mas mababa ito kaysa sa bundok.

(Pagkatapos ng 5 minuto)

Ito ay malawak, malapad at pantay


na lupa sa mataas na lugar o
bundok,teacher.

Mga bata, mag-umpisa tayo sa


pakikinig ng liham ng pangatlong
grupo

Kapatagan po!
Ito po ay mababa at malawak na
lupa!

Magaling! Bigyan natin siya ng ang


galing galing clap!

Dumako na tayo sa liham ng Unang


grupo.

Mahusay! Ngayon bigyan naman


natin sila ng pakbet clap!

Ngayon ay pakinggan naman natin


ang liham ng pangalawang grupo.

Laging Handa!

Magaling! Ngayon ay bigyan naman


natin sila ng angel clap!

(babasahin ng representatib ang


liham ng group 3)

At ang huling grupo, ang ikaapat na


pangkat.

(bibigyan ng mga mag-aaral n gang


galling galling clap ang kanilang
kamag-aral.)

Mahusay! Dahil diyan ay bigyan


naman natin sila ng Aling Dionisia
clap.

(babasahin ng representatib ang


liham ng group 1)

At dahil lahat kayo ay nagpakita ng


kahusayan, bigyan ang sarli ng
limang palakpak at limang padyak.

(bibigyan ng mag-aaral mg pakbet


clap ang kanilang kaklase.)

5.Pagtataya
Upang malaman ko kung talagan
(babasahin ng representatib ang
naintindihan niyo an gating aralin
liham ng group 2)
ngayon ay mayroon akong
pasasagutan sa inyo, ihanda ang mga

lapis.
Iguhit ang
kung ang
pangungusap ay tama at
kung
ito ay mali sa patlang bago ang
bilang.
________1. Ang Pilpinas ay sagana sa
Anyong lupa.
________2. Ang bulkan ay mas
mababa kaysa bundok.
________3. Ang talampas ay malawak,
malapad at pantay na lupa sa mataas
na lugar o bundok.
________4. Ang bundok ang
pinakamataas na anyong lupa.
________5. Ang lambak ay isang
anyong lupa na nasa pagitan ng
bundok o burol.
________6. Ang bulkan ay mataas na
anyong lupa na mayroong butas sa
tuktok. Minsan nagsasabig ito ng
mainit at kumukulong putik at bato.
________7. Ang look ay isang anyong
lupa.
________8. Hindi anyong lupa ang
pulo.
________9. Napapaligiran ng tubig ang
pulo.
________10. Ang kapatagan ay
malawak at mababang lupa.
(Pagtapos ng limang minuto)
Mga bata, ipasa na ang mga papel sa
harapan habang kinakanta ang Mga
Anyong lupa
Ngayon ay kopyahin niyo na sa

(bibigyan ng mag-aaral mg angel


clap ang kanilang kaklase.)

(babasahin ng representatib ang


liham ng group 4)

(bibigyan ng mag-aaral mg Aling


Dionisia clap ang kanilang kaklase.)

(ang mga mag-aaral ay papalakpak


at papadyak ng limang beses)

inyong notebook ang inyong


Takdang-Aralin.
IV. Takdang-Aralin
Magbigay ng mga sikat na Burol,
bundok, kapatagan,
lambak,talampas, bulkan at pulo na
makikita sa Pilipinas.
Grade 2, maraming salamat at sana
ay marami kayong natutunan sa araw
na ito, gawin ang takdang-aralin at
bukas ay atin yang pag-uusapan.
Malinaw ba, Grade,2?
Kung gayon, ay paalam, Grade 2Santan!

(ipapasa ang mga sagutang papel


habang kumakanta)

Opo, Teacher!

Paalam din po, Teacher Mella!

You might also like