Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

FILIPINO, WIKA NG PAMBANSANG KAUNLARAN: RETORIKA O REALIDAD?

Atty. ROLANDO A. BERNALES, Ed.D.


Talumpating Binigkas sa Lyceum of the Philippines University, Agosto 13, 2015
May kinalaman ba ang wika sa pagpapaunlad ng isang bansa? May kinalaman nga
ba ang wikang Filipino sa ating pambansang kaunlaran? Paanong ang wikang Filipino ay
nakatutulong/makatutulong sa pambansang kaunlaran?
Iyan ang tatlong mahahalagang tanong na pilit kong sasagutin sa panayam na ito.
Mahalaga ang unang tanong sapagkat nasasalig sa tanong na iyan ang dalawang
kasunod na tanong. Kung ang sagot sa tanong na iyan ay "Wala," hindi na natin
kailangan pang talakayin ang sagot sa dalawang kasunod na tanong. Agad-agad ay
hahantong tayo sa kongklusyong "Ang tema ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa sa taong ito ay isa lamang hungkag na retorika, mga pananalitang
kaygandang pakinggan, ngunit malayo sa reyalidad." Kung ang sagot sa unang tanong
ay "Mayroon," kailangan nating tukuyin kung aling wika sa kaso natin ang gumaganap ng
mahalagang tungkulin kaugnay ng pagpapaunlad ng ating bansa. Sa puntong ito,
kailangang linawin ang kalikasan ng wikang Filipino ayon mismo sa mga nagmungkahi
nito sa ating Saligang Batas, at kung bakit ito ang tinutukoy ng Komisyon sa Wikang
Filipino na wika ng pambansang kaunlaran. Ang ikatlo ay sadyang masalimuot na
tanong. Ang kasalimuutan nitoy nangangailangan ng maraming sagot at mahahabang
paliwanag, at hindi ako nakatitiyak kung makakaya kong magawa ang mga iyon sa loob
ng limitadong panahong ibinigay sa akin sa panayam na ito.
Noong 1972, isang pananaliksik ni Jonathan Pool ang inilathala sa Ikalawang
Bolyum ng "Advances in the Sociology of Language (Joshua Fishman, Ed., 1972)."
Pinamagatan iyong "National Development and Language Diversity."Ang haypotesis ni
Pool (1972) sa kanyang pananaliksik ay "Nakasasagabal sa kaunlarang pang-ekonomiya
ang pagkakaiba-iba sa wika." Ginamit na datos ni Pool (1972) ang praksyon ng
populasyon ng pinakamalaking katutubong pangkat-wika mula sa isandaan tatlumput
tatlong (133) bansa. Iniugnay niya ang mga datos na nakalap sa 'Gross Domestic Product
(GDP) per Capita in USD' ng bawat mamamayan kada taon. Ang ugnayan sa pagitan ng
dalawang baryabol ay kinatawan niya sa pamamaraang grapikal na tinatawag na
scatterplot. Sa kanyang grap, ikinalat niya ang mga bansa batay sa 'linguistic diversity'
at GDP ng bawat isa. Samakatuwid, mas-'linguistically diverse' ang bansa, mas nasa
kaliwa ang pagkaka-'plot' sa bansa (further to the left). Mapapansin kung gayon na nasa
pinakadulong kaliwa ang bansang Congo at Tanzania, habang nasa pinakadulong kanan
naman ang Japan at Portugal. Samantala, mas mataas ang GDP ng bansa, mas mataas
ang pagkaka-'plot' nito. Mapapansin kung gayon na nasa pinakamataas na bahagi ng
grap naka-plot ang Kuwait at U.S.A., habang nasa pinakababa ang Malawi at New
Guinea. Pansinin ang kasunod na grap:
Ang 'scatterplot' ay hinati rin ni Pool (1972) sa 'quadrants.' Ang unang 'quadrant
(upper left)' ay para sa mga bansang 'linguistically diverse' o may iba-ibang wika at
mataas na GDP. Ang ikalawang 'quadrant (lower left)' ay para sa mga bansang may ibaibang wika at mababang GDP. Ilan sa mga bansang nasa 'quadrant' na ito ay ang Nigeria,
Cameroon, Ghana, Malaysia at Burma. Nasa ikatlong 'quadrant (upper right)' ang mga
bansang hindi 'linguistically diverse' o may iisa o mangilan-ngilan lamang wika at mataas
na GDP. Ilan sa mga bansang nasa 'quadrant' na ito ay ang Kuwait, U.S.A., New Zealand,
Sweden at Germany. Nasa ikaapat na 'quadrant (lower right)' naman ang mga bansang
may iisa o mangilan-ngilang wika at mababang GDP. Ilan naman sa mga bansang nasa
'quadrant' na ito ay ang Syria, Brazil, Thailand, Yemen at Haiti.
[Marahil ay maitatanong ninyo 'out of curiosity' kung nasaan ang Pilipinas sa
scatterplot ni Pool (1972). Ang sagot: Nasa ikalawang 'quadrant, lower left.']

Kapansin-pansin sa 'scatterplot' na halos walang bansang nakatala sa unang


'quadrant.' Ibig sabihin, halos walang maunlad na bansang may iba-ibang wika. Ayon kay
Pool (1972), "The result appears to support assertions that linguistic diversity is a barrier
to economic development."
Ipinaliwanag ni Pool (1972) ang kanyang kongklusyon sa ganitong paraan:
"Language diversity of one sort or another is held to cause the retardation of
development, both political and economic. Language diversityaggravates political
sectionalism; hinders inter-group cooperation, national unity; impedes political
support for authorities and political participation; and holds down governmental
effectiveness and political stability. Similarly, it is said that language diversity slows
economic development, by for example, braking occupational mobility, reducing the
number of people available for mobilization into the modern sector of the economy,
decreasing efficiency, and preventing the diffusion of innovative technique."
Ang mga tuklas ni Pool (1972) ay tumutugma sa mga obserbasyon sa naunang
artikulong isinulat ni Joshua A. Fishman (1968). Ganito ang inilahad ni Fishman sa
kanyang artikulo:
"Linguistically homogenous polities are usually economically more developed,
educationally more advanced, politically more modernized, and ideologically-politically
more tranquil and stable.
Concerning the causal relation between language diversity and developmentthe
usual explanation gives developmental processes as causes of increased linguistic (and
other) homogenization, but that language diversity may also hinder (while language
unity helps) development."
Simple ang paliwanag ni Fishman (1968) kung bakit. Aniya, "countries of diverse
linguistic composition face a special hurdle in development." Ganito ang aking salin sa
pahayag na iyon: "Ang mga bansang may iba-ibang komposisyong linggwistik ay
nahaharap sa natatanging sagabal sa kaunlaran."
Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang 'linguistically diverse' sa daigdig. Ayon nga sa
pag-aaral ni Constantino (1972), may higit na apat na raang (400) wikain o dayalekto
ang sinasalita ng ibat ibang linggwistik at etnik na pangkat sa buong kapuluan. Dahil
dito, ang ating bansa ay naharap sa tinawag ni Fishman (1968) na 'special hurdle in
development' o natatanging sagabal sa kaunlaran.
Isa ito sa dahilan kung bakit pinagsumikapan ng ating mga ninunong tayo ay
magkaroon ng isang wikang pambansang magbibigkis sa ating lahat, isang wikang
pambansang magiging simbolo ng ating pagkakaisa. Sapagkat kapalaran na ang
nagtakda ng ating 'linguistic diversity', naging layunin ng ating mga ninuno ang 'unity in
diversity.' Dahil dito, dalawa sa tatlong paksa ang tinukoy ni Sibayan (1994) na
mahahalaga para sa pagpaplanong pangwika. Ang mga ito ay ang pagpapaunlad ng
wikang Filipino bilang wika ng pagkakaisa at pagkakakilanlan; at preserbasyon ng mga
bernakular na wika ng Pilipinas. Samakatuwid, malinaw na hindi layunin ng
pagpapaunlad ng wikang Filipino ang pagkitil sa ating mga dayalekto. Sa katunayan, sa
ating Saligang Batas ay isinasaad na ang Filipino ay patuloy na lilinangin at
payayabungin salig sa mga umiiral na wika sa Pilipinas (Art. XIV, Sek. 6). Ito ang
pinakaesensya ng pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Sa kasalukuyan,
ginagampanan ng wikang Filipino ang mahalagang tungkulin ng wikang pambansa ayon
kay Garvin (1974):
"[T]he standard language serves to unify a larger speech community in spite of
dialect differencesA national language is characterized by the unifying function,
provided the national language has arisen naturally or has been chosen judiciously by
authorities"

Ngunit sa larangan ng pagpapaunlad ng bansa, may tungkulin bang ginagampanan


ang wikang Filipino? Malinaw ang tinutumbok ng pag-aaral na ipinaliwanag ko sa unahan.
May kinalaman ang wika sa pag-unlad o hindi pag-unlad ng bansa. Ang tanong ay Totoo
ba ito sa wikang Filipino at sa bansang Pilipinas? Upang masagot ito, makatutulong
marahil ang muling pagsangguni sa mga diskusyon ng mga komisyoner na bumalangkas
ng ating Saligang Batas noong 1986.
Ganito ang sinabi ni Komisyoner Ponciano Benaggen (sa Journal of Constitutional
Commission, 1986) noong tinatalakay ang panukalang probisyong pangwika sa ating
Saligang Batas:
"[T]hese are arguments for deciding that a national language is a kind of national
symbol. But in the proposal, we mean Filipino, not merely as a national symbol, not
merely as an instrument for national identity and national unification, but also as an
instrument for national growth and development."
Ang gayong pagkilala sa wikang pambansa bilang wika ng pambansang kaunlaran
ay hindi rin minsang inalingawngaw at pinanindigan ni Komisyoner Wilfrido Villacorta (sa
Journal of Constitutional Commission, 1986). Aniya, "mahalaga ang tunay na
pagpapaunlad ng wikang pambansa upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon ng
sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbubuo ng nasyon [salin ng
may-akda]."
Binigyang-diin din ng mga komisyoner ang kahalagahan ng wikang Filipino sa
pagsasakatuparan ng iba pang mithiing kalaunan ay isinaad sa Saligang Batas mismo
gaya ng nasyonalismo, kaalamang siyentipiko at teknikal, pambansang
industriyalisasyon, at iba pa mga mithiing imposibleng abutin kung mahina ang
wikang pambansa. Kaya nga sinabi ni Benaggen (sa Journal of Constitutional
Commission, 1986):
"We are saying that the State shall foster nationalism and, therefore, we need to
have a national language in the same manner that we need a national flag and some
other things that we associate ourselves with in the pursuit of national identity and
national unity. We are also saying that the State shall foster creative and critical thinking;
broaden scientific and technological knowledge; and develop a self-reliant and
independent economy to industrialization and agricultural development. We have also
said earlier that we shall have a consultative government and that people's organization
shall be protected in terms of their right to participate more fully in the democratic
processes. In all of these, we need to have a unifying tool for communication which is, of
course, Filipino."
Matapos ang mga nabanggit na talakayan sa Konstitusyonal na Komisyon noong
1986, isinatitik ang probisyong pangwika sa ating Saligang Batas sa Artikulo XIV,
Seksyon 6 hanggang 9; at ang nasabing Saligang Batas ay pinagtibay ng sambayanan
noong 1987. Ngunit bago iyon ay tila may pagbabala si Komisyoner Minda Luz Quesada
(sa Journal of Constitutional Commission, 1986). Aniya:
"[H]anggat hindi isinasakongkreto sa pamamagitan ng paggamit nito (ng wikang
pambansa) sa instruction at sa gobyerno ay talagang empty rhetorics na naman iyan
dahil iyan ang istorya noong mga nakaraang taon. Naroon na iyon sa ating Konstitusyon,
pero hanggat hindi isinasagawa ito sa ating ordinaryong araw-araw na buhay, sa loob ng
gobyerno, sa administrasyon, at saka sa ating edukasyon, sa palagay ko lahat ng iyan ay
rhetorics na naman [sic]."
Ngayon, dalawamput walong (28) taon matapos pagtibayin ang ating Saligang
Batas, marami nang nagawa kaugnay ng pagpapaunlad ng wikang Filipino, ngunit ang
Pilipinas ay mahirap na bansa pa rin. Samakatuwid, kung totoo ang haypotesis nating
"May kinalaman ang wika sa pagpapaunlad ng bansa" at "May kinalaman ang wikang
Filipino sa pagpapaunlad ng Pilipinas," hindi marahil kalabisang sabihing napakarami

pang dapat gawin upang mapaunlad ang wikang Filipino nang sa gayoy lubos itong
makaganap sa tungkuling kaugnay ng pambansang kaunlaran. Ang tanong ay "Ano-ano"
at "Paano?"
Sa simula pa lamang ng aking panayam ay nabanggit ko nang sadyang
masalimuot ang nasabing tanong kung kayat nangangailangan iyon ng maraming sagot
at mahahabang paliwanag. Kaya dahil sa limitasyon ng panahon, ipahintulot ninyong isa
lamang ang aking tukuyin ang sa aking palagay ay pinaka-urgent sa lahat ng 'agenda'
kaugnay ng pagpapaunlad ng wikang Filipino. Ito ay nauugnay sa bagong 'General
Education Curriculum' na sa susunod na taon ay nakatakda nang ipatupad ng Komisyon
sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED sa pamamagitan ng CHED Memorandum Order
No. 20, Series of 2013. Ang CMO No. 20 na ito ay nagbabantang kumitil sa wikang
Filipino sa antas-tersyarya at iba pang asignaturang mahalaga sa pagpapatibay ng
pambansang identidad, kamalayang pangkultura at nasyonalismo, gaya ng Panitikan at
Pamahalaan at Saligang-Batas ng Pilipinas.
Kamakailan, isang petisyon ang isinampa sa Korte Suprema ng pangkat ng mga
guro, iskolar at iba pang nagmamalasakit sa wikang Filipino upang ideklarang labag sa
Saligang Batas ang CMO No. 20. Ayon sa mga petisyoner, "Malinaw na ang usapin ng
wikang pambansa ay interes at katungkulan ng bawat Pilipino hindi lamang yaong mga
nabubuhay sa kasalukuyan kundi pati na rin ang mga mabubuhay pa sa hinaharap. Ang
usapin ng kurikulum na tinatakda ng CMO No. 20 ay sumasaklaw din sa buong sistemang
edukasyon sa antas tersarya at makakapagpasya kung mapapayabong nga ang
pambansang wikaisang esensyal na bahagi ng ating kultura at kasaysayano
maiwawaglit ito sa kolektibong kasanayan at alaala ng sambayanan"(Petisyon para sa
Certiorari at Prohibition, April 15, 2015, Lumbera, et al. vs Aquino, et al.).
Pangunahing nilalaman ng nasabing petisyon ang paggigiit ng mga guro na hindi dapat
patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat "sa antas tersyarya nagaganap
at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik,
malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at pangmidya
(Sahttp://www.facebook.com/TANGGOLWIKA.pdf).
Kaugnay ng nasabing petisyon, ang Korte Suprema ay naglabas ng 'Temporary
Restraining Order' laban sa CMO No. 20, ngunit hindi nangangahulugan iyong tapos na
ang laban. Ang utos ng pagpipigil na inilabas ng korte ay pansamantala lamang. Tuloy
ang pakikibaka laban sa CMO No. 20 at laban sa matagal nang kaisipang humuhubog sa
katulad niyong mga patakarang pang-edukasyong makadayuhan. Sa ngayon, sa aking
palagay, ito ang pinakamahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin, sapagkat
kung hindi, baka sa malapit na hinaharap ay wala nang wikang Filipino tayong paguusapan kung paano pauunlarin at kung paano makatutulong sa pambansang kaunlaran.
Kaya ngayon, sa harap ninyong lahat, aking ipinagsisigawan ang aking posisyon
kaugnay ng isyung ito. Ako, si ROLANDO A. BERNALES, isang abogado, manunulat, guro
ng wika, at higit sa lahat, isang Pilipino, sa pangunguna ng Tanggol-Wika, kasama ng iba
pang indibidwal, institusyon at organisasyong nagmamalasakit sa wikang Filipino, ay
nananawagan sa CHED sa kabila ng kanilang patuloy na pagbibingi-bingihan upang itigil
ang pagsusulong ng edukasyong anti-Filipino at anti-Pilipino. Aking inaalingawngaw ang
paggigiit (Sahttp://www.facebook.com/TANGGOLWIKA.pdf) na "a) panatilihin ang
pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong kurikulum sa kolehiyo, b) kumilos tungo sa
pagrerebisa ng CMO No. 20, c) gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng ibat ibang
asignatura, at d) isulong ang makabayang edukasyon."
Kapag nangyari ang mga iyon, kapag ang mga iyoy naganap na, hindi na
malayong ang wikang Filipino ay magiging ganap nang wika ng pambansang kaunlaran,
hindi sa retorika lamang, kundi maging sa reyalidad ng lipunang Pilipino.
Maraming salamat po!

-Agosto 10, 2015,


Lunsod ng Quezon
Mga Sanggunian
CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013.
Constantino, Ernesto. 1972. Tagalog and Other Major Languages of the Philippines. Sa
Current Trends in Linguistics in Oceania. Thomas A. Sebeok (Ed.). The Hague: Mouton.
Fishman, Joshua A. 1968. Language Problems of Developing Nations. New York: Wiley.
Garvin, Paul L. 1974. Some Comments on Language Planning. Sa Advances in Language
Planning. Joshua A. Fishman (Ed.). The Hague: Mouton.
Journal of the Constitutional Commission, 1986.
Petisyon para sa Certiorari at Prohibition. April 15, 2015. Sa Bienvenido Lumbera, et al.
vs. Aguino, et al. Sahttp://www.facebook.com/TANGGOLWIKA.pdf
Pool, Jonathan. 1972. National Development and Language Diversity. Sa Advances in the
Sociology of Language, Volume II. Joshua A. Fishman (Ed.).The Hague: Mouton.
Sibayan, Bonifacio B. 1974. Language Policy and Literacy in the Philippines. Sa Advances
in Language Planning. Joshua A. Fishman (Ed.). The Hague: Mouton.
The Constitution of the Republic of the Philippines, 1987.

You might also like