Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

p

Ang Alamat ng Tsokolateng Burol


Buod ng Kuwento:
Isang araw, nuong panahon ng tag-ulan, may dalawang higanteng nagpunta sa lupa
ng Bohol - ang higante nasa Hilaga at ang higante nasa Timog. Nagkaroon ng away dahil sa
lupa. Nagbatuhan sila ng mga bola ng putik hanggang nawalan sila ng enerhiya at namatay.
Ang mga bolang putik na binato ay naging maraming burol at ito ang naging mga
Tsokolateng Burol.
Tunay na Kuwento:
Isang araw, nuong panahon ng tag-ulan, may dalawang higanteng nagpunta sa
lupain ng Bohol. Isa sa mga ito ay mula sa Hilaga at ang isa ay mula sa Timog. Hindi
nagtagal ay nagkakita ng mata sa mata ang dalawang higante. Napuno ng tension ang
hangin ng nagkita ang dalawang karibal
.
"Hoy! Ikaw pangit higante! Lumayo ka sa aking lupa ! Iwan at humanap ng iyong
sariling lupa!" sabi ng Timog Higante. "Mali! Ako ang nauna dito! Kung gusto mo, ikaw ang
umalis!," sagot ng Hilagang Higante. "Ito ay hindi maaaring mangyari!" sigaw ng South
Giant na may kasabay na padabog na padyak sa lupa. Yumanig ang buong lupa.
Dahil kakaulan lamang, ang lupa ay maputik. Ang Timog higante ay sumandok ng
bola ng putik mula sa lupa at inihagis ito sa kabilang giant. Ang Hilangang higante din ay
nagbuo ang kanyang sariling mga bola ng putik at itinapon ito pabalik sa kaniyang kalaban.
Ang labanan ng dalawang higante ay naging matindi. Ang mga bola ng putik ay
itinapon pabalik-balik. Nagtipon ang mga taong-bayan para panoorin ang dalawang
magkalabang higante. Ang bawat isa sa kanila ay ginagamit ang kanilang buong lakas para
matalo ang kalaban. Walang nagpatalo hanggang sa pareho silang nawalan ng enerhiya.
Dahil dito pareho silang nahulog sa lupa at namatay. Ang kinalabasan ng kanilang away at
pagbabato ng bolang putik ang naging mga burol. Mula noon, ang mga taong-bayan ay
nanirahan nang payapa sa kanilang lupa kasama ang mga burol.
Sa panahon ng tag-init, ang mga burol ay tulad ng chocolate candies, lalo na mula
sa top view. Ito ang dahilan kung bakit ito ay naging kilala bilang Chocolate Hills o
Tsokolateng Burol. Sa panahon ng tag-ulan, ang mga burol natatakpan ng malusog na
berdeng mga halaman.
Source:

http://feelthephilippines.blogspot.com/2012/10/the-legend-of-chocolate-hills-ang.html,
http://media.photobucket.com/user/MyTravelBlog/media/Chocolate
%20Hills/IMG_0493.jpg.html

You might also like