Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao

"Pagka-ano ng tao"
Pagka-sino ng tao. Siya ay may isip at kilos-loob, may konsensiya, may kalayaan, at dignidad.
Pagka-iba sa tao sa ibang nilalang na may kakayahang mag-isip (rasyonal) at kakayahang itakda
ang kaniyang mga kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan.
"Pagka-sino ng tao"
Tumutukoy sa persona ng tao. Binubuo ito ng mga katangiang nagpapabukod tangi sa kaniya sa
kapuwa tao. Ang paglikha ng pagka-sino ng tao ay dumaraan sa tatlong yugto: ang tao bilang
indibidwal, ang tao bilang persona, ang tao bilang personalidad.
Ang tao bilang INDIBIDWAL
Ito ay tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao. Ang kaniyang pagka-indibidwal ay
isang proyektong kanyang bubuuin habang buhay bilang nilalang na hindi tapos(unfinished).
Ang tao bilang PERSONA
Ito ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya. Bilang persona, may
halaga ang tao sa kaniyang sarili mismo. Ito ay dahil bukod-tangi siya, hindi siya mauulit
(unrepeatable) at hindi siya mauuwi sa anuman (irreducible). Ibig sabihin, hindi siya
mababawasan at maibababa sa kanyang pagkatao dahil buo siya bilang tao.
Ang tao bilang PERSONALIDAD
Ito ang pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan. ang resulta ng pagpupunyagi sa pag buo ng
kaniyang pagka-sino. Ang taong tinuturing na pagpapahalaga at paniniwala, totoo sa kaniyang
sarili, at tapat sa kaniyang misyon. Ang pagkamit ng kaniyang personalidad ay nangangailangan
ng pagbuo ng kaniyang pag-iisip, pagkagusto, pananalita, at pagkilos tungo sa isang
pagpapahalagang magbibigkis sa lahat ng mga ito.
3 katangian ng Tao bilang Persona
Naisasabuhay mo ba ang tatlong katangian ng pagpapakatao? Paano makatutulong ang mga ito
sa pagtupad mo sa iyong misyon sa buhay, magbibigay sa iyo ng tunay ng kaligayahan?
TAGUMPAY
Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao
"Madaling maging tao, mahirap magpakatao."
May kamalayan sa sarili
May kakayahang ang tao na magnilay o gawing obheto ang kaniyang isip ang kaniyang sarili.
Umiiral na nagmamahal (ens amans)
Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang magmahal. Lahat ng
mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal.
May kakayahang kumuha ng Buod o Esensiya
May kakayahan siyang bumuo ng konklusiyon mula sa isang pangyayari. Nakikita ng tao ang
esensiya ng mga umiiral (essence of existence) kung humahanga at namamangha na siya sa
kagandahan ng mga bagay sa kaniyang paligid.
Mother Teresa

Nagpakita ng napakalalim na antas ng pagmamalasakit sa mga mahihirap.


mahalagang maunawaan ng tao ang mensahe ng mga pangyayari sa kaniyang buhay at
kapaligiran upang makilala ang mga hakbang sa pagtugon sa tawag ng pagmamahal
Ang pagsasabuhay sa mga katangian ng pagpapakatao ay makatutulong sa pagtupad niya ng
kaniyang misyon sa buhay na magbibigay sa kaniya ng tunay na kaligayahan
BATAYANG KONSEPTO
Paano makakatulong ang mga katangian ng pagpapaka upang makamit niya ang kaniyang
misyon
sa buhay tungo sa kaniyang kaligayahan?
mensahe
Ang pag-unlad sa mga katangian ng pagpapakatao ay instrumento sa pagganap ng tao sa
kaniyang misyon sa buhay tungo sa kaniyang kaligayahan.

You might also like