Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Ang Mundo sa Paningin ng Isang

ni Rogelio OrdoezKAGABI,
matapos ang halos kalahating araw na pakikipagpulong, pakikipagtawaran
atpakikipagsigawan sa mga opisyales ng unyon sa pabrikang iyon ng tabakong pag-aari ng
pamilya Riegode Dios, nagmumurang umuwi ang kanyang amo, hindi nagdaan sa paborito
nitong mamahaling otel satabing dagat ni sa pangmayamang kapihan sa Malate upang maghanap
ng babaing makakapiling nito saloob ng ilang oras o sa buong magdamag. Kahit sitenta anyos
na, binata pa rin ito, malakas pa rin atmatikas ngunit waring takot mag-asawa, kaya parang
nasisiyahan na at hindi nagsasawa sa saglit napakikipagrelasyon sa kung sinu-sinong babae
na, kalimitan, pinakamatagal na ang isang linggongpakikipagkalantarian.Ikinatuwa niya
ang pag-uwi agad nito sapagkat tiyak niyang hindi siya pipiliting magtrabaho, di gayakung
nagbubumabad ito hanggang madaling-araw sa mga lugar na palipasan ng oras at aliw at
pasyalanng mga babaing mababango, makikinis, husto sa tindig at sukat, at waring mahihiyang
lapitan ni kausapinng karaniwang mga lalaki lamang na kukulu-kulo ang tiyan at walang
maipagyayabang na kayamanan atkapangyarihan. Kung maaari nga lamang, ayaw na niyang
paglingkuran ang kanyang amo sapagkatmahaba-haba na ring panahon ang kanyang
ipinagtrabaho anumang oras nitong magustuhan, araw man ogabi, katanghalian man o madalingaraw, o kahit dapat na muna siyang magpahinga para manumbalikang sigla niyat lakas na
matagal nang hinuhuthot at kinakatas.Pagpasok na pagpasok ng kanyang amo sa maluwang,
alpomprado at naiilawan ng aranyang mula pa saParis na salas ng mansiyong iyon sa Forbes
Park, agad nitong tinawag ang pandak, mataba at kikimbul-kimbol na katulong na si Bebang na
dose anyos pa lamang yata nang magsimulang maglingkod sa mgaRiego de Dios nang ang amo
niyang si Miguelito kilala ngayon sa daigdig ng negosyo bilang DonMiguel na ay kinse
anyos naman. Nagpakuha ito ng isang kopita, malamig na tubig at isang botengDom Perignon,
tatlong ulit na mabilis na lumagok, at biglang nagtungayaw nang mabungaran
sanapakalaking telebisyon ang panggabing balita tungkol sa naganap na demonstrasyon sa
Mendiola nglibu-libong mga manggagawang idinadaing ang kahirapan ng buhay at miserable
nilang kalagayan kayahumihingi ng dagdag na sahod na P125 bawat araw.Punyeta! Mga
bwisit! Umalingawngaw ang mataginting na tinig ni Don Miguel sa kabuuan ng salas,naglagos
hanggang sa kusina, kaya nagmamadaling bumalik ang katulong na si Bebang,
nilalamulamukotang puting uniporme sa bandang tiyan at waring bariles na mabubuwal.Bakit
po?Tonta! Di kita tinatawag, halos sairin nito ang lamang alak ng kopita. Ano pa ang gusto
nila? Mabutinga, may trabaho pa sila.Sino pong sila? parang naguguluhang tanong ng
namumutlang si Bebang.Letse di kita kinakausap. Muli nitong sinalinan ng Dom Perignon
ang kopita at parang walanganumang tinungga.Napangalahati ng kanyang amo ang lamang alak
ng bote, at bigla siyang kinabahan nang magtungo ito sabanyo, matagal na naligo, nagsabon
nang husto at, pagkatapos, kinuha ang paboritong pabangongBulgari, winisikan ang leeg,
maging ang dibdib at umuusling tiyan. Naisip niyang baka siya pilitingmagtrabaho, gaya
noong di na mabilang na araw at gabi na para siyang minerong paulit-ulit

napalulusungin at paaahunin sa makipot, madilim, malalim at maalingasaw na lugar na iyon na


ikinaiigtingng mga ugat ng kanyang leeg, ikinapupula ng kanyang ulo sa galit, ikinababaligtad
ng kanyang sikmura

hanggang sa tuluyan siyang masuka at manlupaypay sa sobrang hirap ngunit, sa kabilang banda,
paranamang nasa glorya si Don Miguel at siyang-siya sa ipinagawa sa kanya.Kailan nga ba
nagsimula ang kanyang kalbaryo?Malabo at pira-piraso na ang mga gunita noong anim na taon
pa lamang ang edad ni Miguelito ngayonngay si Don Miguel na ngunit malinaw niyang
natatandaan ang kasaysayan ng pamilya Riego de Diossapagkat, matapos ang marangyang
hapunan habang tumutugtog sa ponograpo ang maindayog na mgaawiting Kastila, nakaugalian
na nilang pag-usapan ang pinagmulan ng semilya ng pamilya sa beranda nglumang mansiyong
iyon sa kalye Arlegui sa Quiapo, at waring hindi iyon pinagsasawaang sariwain noonupang
ipagmalaki marahil na hindi sila karaniwang Indio lamang kundi dumadaloy sa kanilang mga
ugatat puklo ang dugo ng isang taal na peninsulares.Bantog na bantog noon diumano ang ama ni
Miguelito si Don Segismundo Manuel Riego de Dios yEchevarria sa mataas na lipunan ng
Andalucia, hindi dahil sa kagandahang lalaki sapagkat sa edad palamang na tatlumpong taon,
bahagya na itong nakakalbo, medyo usli na ang tiyan, muntik nang matawagna pandak batay sa
karaniwang taas, at bilugang parang buwan ang malamang mukha ngunit, sa kabilangbanda,
hinabul-habol ito at inambisyong maangkin ng naggagandahang mga senyorita dahil
sapinakaimportanteng katangian ang labis na kayamanan.Bago pinakasalan ni Don
Segismundo ang pinakamagandang senyorita sa Andalucia si DonyaFlordeliza Luz
Montealegre y Mercader na kamukhang-kamukha diumano ng inimbentong larawan niBirheng
Maria at may katawang mala-Venus de Milo naging kaibigan pa nitong matalik ang bantog
namanunulat na Amerikanong si Ernest Hemingway at nakahumalingan nilang manood ng mga
corrida detoros, humanga nang husto sa mga matador, lalo na kay Antonio Ordonez na naging
paborito rin ng mgaartistang sina Orson Welles at Rita Hayworth, at nagsusumigaw sila at
masigabong pumapalakpak kapagnalulugmok na ang sumisingasing na toro dahil sa ulos ng
matalim na espada. Nalahiran diumano ngugali ni Hemingway si Don Segismundo, naging
mainitin ang ulo, naging medyo barumbado, naginglasenggo at bohemyo.Wala pa silang isang
taong kasal ni Donya Flordeliza, isang matipuno, matikas, dalawamput pitong taonlamang ang
edad at gupit-Alponsinong binatang Pranses ang malimit nilang bisita, nag-aalok kay
DonSegismundo ng kung anu-anong negosyo, ginagabi sa pakikipagkuwentuhan sa mag-asawa
kahit pilipitang gramatika sa wikang Kastila ngunit sapat naman para maunawaan ng kausap
hanggang, nang malaon,nagbubumabad ito doon lalo na kung wala si Don Segismundo at
kasama ni Hemingway sa mgapanggabing aliwan ng mga buhay bohemyo.Nagulat na lamang
ang alta sosyedad ng Andalucia nang isang umaga, parang apoy sa talahibang kumalatang
balitang nag-alsa balutan si Don Segismundo, iniwang humahagulhol ang magandang asawa
namuntik nang mahulog sa marmol na hagdan nang ipagtulakan at tadyakan niya habang
yumayakap sakaliwa niyang hita at nagmamakaawa. Saglit na nanatili sa Andalucia si Don

Segismundo matapos iwanang asawa, nagpalikwad-likwad sa mga bahay-aliwan at mamahaling


mga otel at, kalimitan, kasa-kasamaat kainuman si Hemingway.Hindi naglipat-buwan, isang
prayleng matagal na namalagi at yumaman nang husto sa Pilipinas angnagbalik sa Espanya,
hindi sinasadyang nakausap si Don Segismundo, ipinagyabang kung paano niyanaloko ang
maraming Indio habang pinalalaganap ang Katolisismo at ang mga aral ni Kristo, lalo na
anglinyang mapapalad ang maralita at mapapasakanila ang kaharian ng langit o madali pa
para sa isangkamelyong makapasok sa butas ng karayom kaysa sa isang mayaman sa pinto ng
langit. At, ilang arawmula noon, tuluyang iniwan ni Don Segismundo ang Andalucia at
sumakay ng barkong papuntangPilipinas

Naging interesado si Don Segismundo sa industriya ng tabako sapagkat mahal na naibebenta sa


Europaang mga produkto nito, sigarilyo man o abano o maging maskada, at nang mabalitaan
niyang sa Vigan atsa iba pang panig ng Ilokos ang malalawak na taniman, agad niyang
pinuntahan ang kura paroko doon si Padre Ramon Labrador, isa ring peninsulares na gaya niya
ngunit hindi taga-Andalucia kundi mula saCatalonia at kahit apat na taon pa lamang
nanunungkulan sa Vigan, may daan-daan nang ektaryang lupaindoon, may matatapat na katiwala
at masisipag na magsasakang sanay na sanay magtanim ng tabako atmangalaga sa mga iyon
laban sa mapaminsalang mga insekto, hanggang anihin at patuyuin ang mgadahon at iluwas sa
Maynila.Bakit bibili ka pa ng lupa? Gamitin mo ang iyong pagka-Kastila, nakangising sabi ni
Padre Labradornang nagpapahanap si Don Segismundo ng mga isandaang ektarya
upang makapagsimula siya sanaturang industriya. May isang dalagang India dito, debotong
Katoliko, at kailan lamang, nakamana ngmga dalawang libong ektarya nang gilitin ni Kamatayan
ang leeg ng kanyang ama. Pagkatapos ngagunyas, maaga tayong maghapunan. Papasyalan natin
at ipakikilala kita. Alam kong gustung-gustoniyang makapag-asawa ng isang Kastila batay sa
malimit niyang ikumpisal kapag mayroon siyangpinagnanasaan. Tumaginting sa kumbento ang
halakhak ng kura paroko.Wala pang dalawang linggong nagpabalik-balik si Don Segismundo
sa malaking bahay-Kastila ngpamilya Baterina sa Vigan at nang buwang ding iyon, kahit may
iniwan siyang asawa sa Andalucia,magarbong ikinasal ni Padre Labrador si Don Segismundo
kay Petra Baterina na beynte kuwatro anyos nanoon, matingkad na kayumanggi gaya ng
maraming Ilokana, mga limang piye at isang pulgada ang taas,medyo pango, matulis ang
baba, at halatang tabain lalo na kapag nanganak na. Natural, si DonSegismundo
na ang lubos na namahala sa dalawang libong ektaryang lupaing minana ni
Petra,pinatamnan niya agad iyon ng tabakong mula pa diumano ang binhi sa Cuba hanggang
makapagtayo silang pabrika sa Marquez de Comillas sa Maynila at mabili ang mansiyong iyon
sa Arlegui na, noong 1935,sa kabila ng dalawamput isang taon nang pagsasama, at hindi na nga
inaasahang magkaanak pa sa edadna kuwarentay singko na, biniyayaan sa wakas ng diumanoy
mahabaging Diyos at itinuring pa ngangmilagro ng mga relihiyoso si Donya Petra ng isang
malusog na sanggol na mestiso na walang nakuhani mata sa ina kundi sa lakas marahil ng
dugong Kastila ni Don Segismundo, mahihirapang paniwalaangang inay isang taal na Ilokana.

Iyon nga si Miguelito, ngayoy Don Miguel na kahalubilo ng mga Zobelde Ayala, ng mga
Soriano y Cia, at kung sinu-sino pang kilala sa daigdig ng malalaking kapitalista.Hindi na niya
matandaan ngayon kung paano, mulang Andalucia, dalawang nakababatang kapatid nababae ni
Don Segismundo ang biglang dumating sa mansiyon sa Arlegui, doon na nanirahan at
nagingkatuwang sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya Riego de Dios. Bago ibinalik ng
Amerika noongHulyo 4, 1946 ang inagaw nitong kasarinlan ng Pilipinas, magkasunod na
namatay sina Don Segismundoat Donya Petra at naiwan sa kalinga ng dalawa niyang
Espanyolang tiya ang labing-isang taong gulang palamang na si Miguelito, gayundin ang
pagpapatakbo sa industriya ng tabako ng pamilya. Sa mga tiya ngani Miguelito, pagkatapos
ng marangyang hapunan, malimit niyang marinig ang paulit-ulit naikinukuwento ng
mga ito na kasaysayan ng semilya ng pamilya sa harap ng parang namamalikmatang siMiguelito
at, sa kabilang banda, waring iniiwasan ng mga iyong banggitin man lamang ang
pamilyaBaterina.Hindi na rin malinaw sa kanya nang umalis na sa mansiyon sa Arlegui ang
dalawang tiya ni Miguelitonang ito na ang nagpapatakbo ng negosyo sa edad na beynte y
kuwatro, kung nagsipag-asawa pa onagpakatandang mga dalaga dahil isinusuka noon pa man
ang mayayamang binatang Indio na hindimiminsang umaali-aligid sa mga ito. Hindi niya rin
alam kung bumalik ang mga iyon sa Andalucia atdoon na hinintay ang pagkaubos ng hininga sa
piling ng mga kapwa peninsulares na mahilig magpasiklab sa alta sosyedad at waring ang
dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat, pusod at puklo ang siya lamangnatatanging dugong
bughaw sa daigdig ng diumanoy mga maharlika.Kailan nga ba siya nagsimulang maglingkod
kay Don Miguel?MALIWANAG ang nakalilito niyang kabataan sa piling ni Miguelito,
gayundin ang paulit-ulit atnakapanlulupaypay niyang pagtatrabaho nang magbinatilyo na ito
hanggang sa kasariwaan ng sigla ngkatawan at daluyong ng mainit na dugo sa singit at puson at,
ngayon na lamang, dala na rin marahil ngedad at lumipas na sulak ng damdamin, malimit na
siyang makapagpahinga at nagagawa na niyangtanggihan si Don Miguel kapag pinipilit siyang
magtrabaho kapalit ng mga mura at insulto at, kahitsakalin pa siya nito, o ipasakal sa kasama
nito, nagagawa niyang payapain ang sarili, iniwawaksi ang galitsapagkat, batay sa kanyang
karanasan, tuwang-tuwa ang kanyang amo kapag siyay galit na galit dahilagad na
napagtatrabaho at napipilit pasukahin kahit namimilipit at mawalan ng ulirat sa hirap.Ngayon
niya lamang nauunawaan ang kanyang kalituhan sa panahon ng kamusmusan ni Miguelito.
Noon,labis niyang ipinagtaka kung bakit kailangan pang hiwain ang kanyang balat malapit sa
ulo paramakapanungaw siya at makita ang munti niyang daigdig. Bumunghalit ng iyak si
Miguelito nanghinihiwa siya, at tumahimik lamang nang bendahan na ang kanyang sugat.
Ilang araw din siyangnakabenda noon pero, tuwing umaga, nilalanggas naman ang kanyang
sugat, pinapalitan ng bendahanggang sa tuluyang mangati-ngati, matuyo at maghilom.Nang
magsimulang mag-aral si Miguelito sa elementarya ng Ateneo de Manila, malimit itong
manghabolng suntok o mambato kaya kapag tinutuksong malaki ang kanyang alaga siya nga na
hindi makahiwalayat kakambal na ng kanyang amo saanman ito magpunta. Hanggang maaari,
pilit siyang itinatago niMiguelito, ayaw ipakita kaninuman, at nasusulyapan niya lamang ang
kanyang mga kauri sa loob ng mgakubeta sa Ateneo kapag halos sabay-sabay silang pinasusuka
ng madilaw-dilaw na likido ng kani-kanilang amo.Magaan lamang ang kanyang trabaho noon,

iyon lamang, ang sumuka ng madilaw na tubig anumang orasmagustuhan ni Miguelito ngunit,
nang trese anyos na ang kanyang amo, labis niyang ikinagagalit kapagnilalaru-laro siya,
hinihimas sa ulo, lalo na kapag lihim na binubuklat ni Miguelito sa loob ng nakapinidna kuwarto
ang ilang de kulay na magasing itinatago nito sa ilalim ng kama. Sinasakal siya habangnilalaro
nang husto, masidhing hinihilang pataas-pababa ang kanyang balat sa may leeg,
hanggangmaramdaman niya ang pagpupuyos ng damdamin at waring pagbaligtad ng kanyang
sikmura, at biglasiyang masusuka, manlalambot na waring pagod na pagod kasabay ang impit
ngunit nasisiyahang daing ohalinghing ng kanyang amo.Malimit nang gawin iyon ni Miguelito,
dalawang beses, kung minsay tatlo sa isang araw, lalo na kapagbinubuklat ang nakatagong
magasin o sa mga pamamasyal, nakakakita ito ng makinis na bintit lampas-tuhod na palda sa
simbahan man kung Linggo o sa mga mamahaling restawrang paboritong kainan ngmayayaman
kasama ang mga anak na dalagitang mababangot makikinis, mahilig sa
maartengpagbungisngis, at sinasadya yatang ipakita ang maputing mga hita kapag napapansing
pinagmamasdansila ng mga binatilyong hindi mapakali sa upuan at nanlalaki ang mga mata sa
katititig sa kanila. Kungnoon, ikinagagalit ni Miguelito kapag tinutuksong malaki ang kanyang
alaga, buong kayabangan namangipinagmamalaki na siya nito sa mga kabarkada, sinasabing
hindi siya basta-basta at tiyak na mananalokung may paligsahan ng mga batuta.Natiis pa niya
ang gayong trabaho, ang laru-laruin at galitin siya, saka madaliang pasukahin ngunit,
nanglubusang magbinata na si Miguelito at magbumabad sa mga panggabing aliwan,
makisalamuha sa pigingat handaan ng mga mayayaman at makahalubilo ang naggagandahang
mga kababaihan, sumidhi angdaloy ng umaalimpuyo nitong dugo sa puson at, sa bawat gabi,
isinasabak siya sa trabaho at, kalimitan,
madaling-araw na kung siya man ay pinagpapahinga, lupaypay sa hirap at halos hindi na
makagulapay atmanunumbalik lamang ang kanyang lakas kapag naligo na ang kanyang amo at
sabunin siya nang hustosaka magana at saganang mag-aalmusal sa primera klaseng otel na
naging lunduyan ng maligayang daingng magdamag.Ayos lamang naman sana sa kanya kung
pinagtatrabaho man siya ng kanyang amo pero, nang malaon,tumimo sa kanyang kamalayan
ang miserable niyang kalagayan. Anumang oras na gustuhin nito,katanghalian man,
hatinggabi man o madaling-araw, puwede siyang piliting sagad-sarang magtrabahohanggang
manlupaypay siya sa hirap. Masakit nga na kahit dapat na oras na ng pagtulog at
pamamahinga,bigla siyang patatayuin at hindi niya maiwasang labis na magalit at maghimagsik
na halos ikabalatay ngmga litid niya sa leeg, ikapula ng kanyang ulo at ikapanigas ng kanyang
kalamnan. Alam niya, batay sanakasusuklam niyang mga karanasan, waring hindi
pinagmamalasakitan ng kanyang amo ang kanyangkalusugan. Para siyang minerong lusongahon, dahan-dahan sa simula, ngunit aapurahin kung malaon, samadilim, makipot, malalim at
maalingasaw na butas na iyon. Patitigilin nga lamang siya ng kanyang amokapag bumaligtad na
ang kanyang sikmura at tuluyan siyang masukat hindi na makagulapay. At anolamang ang
kanyang pabuya? Ang paliguan at sabunin nang husto matapos ang walang habas
napagtatrabaho?Sa kabilang banda, labis niya namang ikinatatakot kapag naligo nang husto ang
kanyang amo kahit hindipa siya nakapagtatrabaho, magwiwisik ito ng pabango, magsesepilyot

magmumumog ng pampabangodin ng hininga at sa dinami-dami ng mga damit na


pamporma, nakakailang sukat-palit bagomakapagpasiya kung ano ang tuluyang isusuot.
Paulit-ulit na kakausapin siya, ipagdidiinang huwagsiyang ipapahiya sa kanyang
makakasama sa magdamag kaya kailangan niyang pagbutihin angnakagawiang ipagawa
sa kanya. Kapag gayon, natitiyak niya, matagal ang oras ng kanyang trabaho.Naroroong matagal
na dila-dilaan ng kasama nito ang kanyang ulo at wala siyang magawa kundi magalitkahit pilitin
niyang payapain ang damdamin. Naroroong sakal-sakalin siya hanggang sa halos hindi nasiya
makahinga hanggang tuluyan siyang itulak papasok sa entrada ng minahan, at magsisimula na
ngaang waring walang katapusan niyang kalbaryo ng pag-aahon-lusong, ang pag-igting ng
kanyang mgaugat, ang panginginig ng kanyang kalamnan at, sa wakas, ang pabugso niyang
pagsuka na waring saglitniyang paglaya sa buhay-busabos sapagkat matagal-tagal siyang
makapagpapahinga ngunit, kungminamalas, kahit kababalik lamang ng kanyang lakas,
biglang-bigla siyang pababangunin ng kanyangamo upang piliting muli na namang
magtrabaho.Sa buong panahon ng kasiglahan ng kanyang amo hanggang unti-unti na itong
nakakalbo, miminsanniyang inakala na pinagmamalasakitan din siya nito nang isang gabi, mula
sa isang sikat na kapihan saMalate, pinilit isama ni Don Miguel sa silid ng isang otel katumbas
marahil ng pabuyang kinse milpesos ang isang babaing mestisahin, makinis, balingkinitan,
may naghuhumindig na dibdib, halatangwala pang dalawampung taong gulang at maituturing
nang apo ng kanyang amo kung itoy hindi natakotmag-asawat magpamilya. Kung udyok ng
babae o hindi, noon lamang siya maingat na sinuotan ngkapote ng kanyang amo bago pinalusong
at pinagtrabaho sa maalingasaw na minahan ngunit, mataposang paulit-ulit, paulit-ulit na
paglulusong-ahon, laking gulat naman niya nang sa mismong mukha niyanaman sumambulat ang
gustung-gustong ipasuka sa kanya ni Don Miguel. Nasabi niya tuloy sa sarili:mabuti pang hindi
na siya sinuotan ng kapote.MATAGAL na niyang pinaghihimagsikan ang gayong buhay,
ang busabos niyang kalagayan samahabang panahon ng paglilingkod kay Don Miguel at
nang magsimula itong tumuntong sa edad nasisenta y singko hanggang ngayong sitenta na, saka
niya lamang unti-unting naipadama sa kanyang amoang tahimik niyang pagpoprotesta. May mga
sandaling kahit ano ang gawin ni Don Miguel pahiran man
siya sa ulo at katawan ng kung anu-anong krema, laruin man siya o ipalaro, padila-dilaan man
angkanyang ulo, sakal-sakalin at hilahin pataas-pababa ang balat sa leeg nananatili siyang
nakayukolamang at hindi pinapansin ang anumang pagmumura ng kanyang amo. Ilang beses na
nga niyang narinigna wala na siyang silbi, inutil, at bihirang-bihira nang mapakinabangan
hanggang dumating ang puntonglabis na siyang ikinahihiya ng kanyang amo sa mga pumapatol
pa ring makaniig ito. Sa marami nangpagkakataong iyon, malakas na punyeta at punyeta ang
laging lumalabas sa bibig ng kanyang amo habangpigil na humahagikhik ang kapiling nito.
Gayunpaman, bihirang-bihira na, may pagkakataong saglitsiyang nagagalit ngunit mabilis din
naman siyang nanlalambot kahit kalulusong lamang at hindi pasumusuka sa maalingasaw na
butas na iyon na lalong ikinaiinis at ipinanggagalaiti ni Don Miguel.Kahit hindi na niya magawa
ngayon ang dating trabaho, hindi pa rin nagsasawa si Don Miguel sapagpapalipas ng oras sa
paborito nitong primera klaseng mga lugar aliwan kung saan walang itulak-kabigin sa mga

babaing nag-aagawang maupo sa tabi nito. Waring nasisiyahan na lamang ngayon si DonMiguel
sa pakikipag-usap at paghimas-himas sa mga iyon at, kung isama man sa kuwarto ng isang
otel,milagro ng mga milagro kung mapilit siyang saglit na magtrabaho. Uuwi tuloy si Don
Miguel na mainitang ulo at, bago mananghalian, pupunta agad sa opisina nito sa pabrika ng
tabako, gagala sa planta atbubulyawan ang sinumang trabahador na tatamad-tamad diumano at
hindi ayos ang ginagawa.Kung tinatamad kayo, umuwi na kayo! Huwag na kayong babalik.
Punyeta. Malimit nitong isalubongsa mga trabahador, lalo na nga kung noong nagdaang
gabi, hindi siya nito napilit magtrabaho atmapasuka.Sa pabrikang iyon ng tabako ng mga
Riego de Dios, si Don Miguel ang Diyos at may hawak ng buhay atkapalaran ng mga
manggagawa doon. Noong una, kapag napag-initan ang sinumang trabahador, lalo naang mga
umaangal sa suweldong dapat matagal nang naumentuhan dahil lumolobo ang presyo ng
mgabilihin at sobra-sobra naman sa kabilang banda ang tinutubo ng kompanya, agad iyong
ipatatawag ni DonMiguel sa opisina, sisinghalin at papupuntahin sa kahera upang ipakuha ang
huling suweldo at anumangkarampot na benipisyo. Kahit lumuha at magmakaawa, sukdulang
lumuhod man, sadyang matigas angpuso ni Don Miguel at hindi na mababago ang pasyang
tanggalin sa trabaho ang manggagawang matagalna ring naglilingkod sa kanyang
pabrika.Magreklamo ka sa Dole, punyeta! pabulyaw pang sasabihin nito.Laking gulat na
lamang ni Don Miguel nang isang araw, ilang manggagawa ang pumasok sa opisina nito,may
dalang sulat at ipinatatalastas sa kompanya na may unyon na ng mga manggagawa at,
katunayan,may sertipiko na at nakarehistro na sa Kagawaran ng Paggawa. Nagmura man nang
nagmura si DonMiguel, sa payo na rin ng abogado ng kompanya, napilitang kilalanin nito ang
unyon, nakipagtalastasannang malaon tungkol sa mga kahilingan, hanggang kangina
ngang umaga, nagharap sa opisinangpangkomperensiya ang dalawang panig at, kahit halos
maghapong nag-usap at nagpaliwanagan, lumilitawna wala pa ring malinaw na napagkasunduan.
Matigas ang mga opisyales ng unyon sa kanilang mgapahayag at kahilingan, lalo na nga ang
tungkol sa umento sa sahod, bayad sa sobrang oras ng paggawa,libreng gamot at pagpapagamot,
kaseguruhan sa trabaho, at iba pang itinadhana na ng batas ngunitmatagal nang nilalabag ng
kompanya. Sa takbo nga ng usapan kangina, lumilitaw na nagmamatigas siDon Miguel at
binigyang-diin pa na utang na loob ng mga manggagawa na pinagtatrabaho pa nito angmga iyon
sa kompanya ng tabako ng mga Riego de Dios.Tuwang-tuwa naman siya sa nangyari sapagkat,
sa init ng ulo, dumeretsong umuwi ang kanyang amo atwaring nakalimutan ang nakagawiang
aliwan sa piling ng mababango, makikinis at malalambing nababaing halatang namumulupot kay
Don Miguel hindi na dahil sa husay niyang magtrabaho kundi sa lalonitong pagiging galante.
Kinabahan nga lamang siya nang matapos lumaklak ito ng Dom Perignon, naligo
ito nang husto at nagpabango pa ngunit, nang humilata na ito sa kama napagod marahil ang isip
sa mgaproblema ngayon sa kompanya tiyak na tiyak niyang lubos siyang makapagpapahinga
hanggang umaga,at hinding-hindi siya pipiliting galitin, ni ipagalit sa sinumang kapareha, upang
pagtrabahuhin pa kahitpaano, kahit mabilis siyang nanlalambot gayong saglit lamang ang
kanyang paglusong at pag-ahon sadinadalaw nitong minahan. Kalimitan nga na labis na
ipinagtutungayaw ni Don Miguel kasabay ngpanlalait sa kanya ni hindi na siya makapasok

man lamang sa entrada ng minahan dahil agad siyangnalulugmok sa panlalambot. Naisip tuloy
niyang matagal na ngang nahuthot at nakatas ang kanyang lakassa ilang dekada na rin namang
paspasang pagtatrabaho niya para masiyahan lamang ang kanyang amo samatapat niyang
paglilingkod.MAAGANG nagising kinaumagahan si Don Miguel, humingi lamang ng isang
basong sariwang gataskay Bebang, saglit na namalagi sa banyo, ipinahanda ang kulay asul na
terno at, pagkabihis, habanghinihintay ang itim na Mercedes Benz at tsuper na si Mang Benito,
parang hindi ito mapakaling palakad-lakad sa kabuuan ng maluwang na salas ng mansiyong iyon
sa Forbes Park. Malimit kumunot ang noonito saka biglang sisigaw ng punyeta habang
nakadukot ang kaliwang kamay sa bulsa ng pantalon. Akalaniya tuloy siya na naman ang
minumura nito tulad sa bawat pagkakataong hindi na niya itomapaglingkuran nang
lubusan buhat nang magka-edad. Ngayon, kung tutuusin, parang ang muli niyangpinagsisilbihan
ay si Miguelito sa panahon ng kamusmusan nito at wala na siyang obligasyon kundi angmagbuga
na lamang ng madilaw na tubig sa naghihintay na palikuran ng mga kauri niya ngunit hindi
nasumisirit na gaya noon kundi, kalimitan, matamlay na matamlay sa paglabas at pagpatak.Wala
na nga ba siyang silbi? Iyon ang malimit niya ngayong marinig na paratang ni Don Miguel.
Iyonang hindi niya matanggap at ikinasasakit ng damdamin hanggang nagsusumigaw sa kanyang
isipan angpaghihimagsik sapagkat, sa abot ng kanyang pang-unawa, ni hindi man lamang
minamahalaga ngayon niisinasaalang-alang ng kanyang amo ang matagal na niyang paglilingkod
na nagdulot din naman ngibayong kaligayahan at kaluwalhatian sa sulak ng dugo ng binatang si
Miguelito at, gayundin, nang siDon Miguel na ito. Kasalanan ba niya kung hinuthot ng kanyang
amo ang dati niyang sigla at lakas, kunghalos hindi na siya pagpahingahin sa walang oras na
pagtatrabaho? At ano ngayon ang gantimpala? Angpagbuntunan ng sisi? Ang paratangang inutil?
Gusto tuloy niyang sumigaw, manawagan sa mga kauriniya, upang labanan na ang kani-kanilang
amo at putulin, sa wakas, ang tanikala ng matagal nang sakanilay pambubusabos ng uring
kanilang kinagisnang paglingkuran. Hindi niya tuloy naiwasang itanongsa sarili kung bakit
ngayon lamang siya namulat sa kahabaghabag niyang kalagayan. Bakit hindi noon panang
malakas siya at masigla?Kabubukas lamang ng maluwang na tarangkahan ng bakuran ng pabrika
nang dumating si Don Miguel atnagmamadaling pumasok sa opisina. Ilang saglit lamang,
nasa kani-kanilang puwesto na ang mgamanggagawa, paanas na nag-uusap at ipinagtataka
marahil kung bakit gayong kaaga ng kanilang amodahil, kalimitan, halos alas onse na o
makapananghalian bago ito sumulpot sa pabrika. Makaraan angilang minuto, nagmamadaling
pumasok sa opisina nito ang abogado ng kompanya, may dala-dalang kunganu-anong papeles na
pahapyaw lamang pinagtuunan ng pansin ni Don Miguel.Kausapin mo ngayon ang presidente
ng unyon ng mga punyeta. Bilhin mo suhulan mo para iurongang mga reklamo sa Dole, utos
ni Don Miguel sa abogado.Matigas po, talaga. Nagbanta na nga po silang magwewelga kapag di
natin naibigay ang mga hinihinginila.Mga walang utang na loob, punyeta! Mag-isip ka ng
paraan kung paano sila tatanggaling isa-isa kahitsinong opisyal nila, lalo na iyong bwisit na
presidente. Tingnan mo rin sa mga trabahador ang pwedengpalayasin na iyong matatanda na
at di na gaanong makapagtrabaho. Iyong mga inutil na.

Naisip niya, siya yata ang pinariringgan ng kanyang amo, pero malinaw namang mga trabahador
sapabrika ang tinutukoy nito. Padaguk-dagok sa mesa si Don Miguel, at ilang beses na tumawag
satelepono; may narinig pa siyang tinawagang kung sinong heneral, sinabing baka magkawelga
sa pabrikaat kailangan nito ng ayuda ng mga pulis. Huli niyang narinig ang paulit-ulit nitong
salamat, salamat,salamat. May tatawagan pa sana ito, ngunit waring nagdalawang-isip, kaya
tuluyan nang ibinaba angtelepono at kumunut-kunot ang lumapad nang noo dahil sa bahagyang
pagkakalbo.Ilang ulit pang nakipagnegosasyon ang unyon, ngunit ang abogado lamang ng
kompanya ang humaharap,at sinabi nitong nalulugi ang pabrika kaya imposibleng
maipagkaloob ang hinihinging umento atbenipisyo ng mga manggagawa. Idinagdag pa
nitong mapipilitang magbawas ng mga empleyado angkompanya para hindi magsara at
malamang na pagretiruhin na ang lampas na ang edad sa sisenta.Nalulugi? Imposible! alsaboses na sabi ng presidente ng unyon. Noong nagdaang taon, ang laki ngang binayarang buwis
ng kompanya. Ibig sabihiy malaki ang tinubo. Mali ba ang rekord sa BIR,Attorney? O
talagang swapang si Don Miguel?Saglit na hindi nakakibo ang abogado, saka banayad na
sumagot.Ipinararating ko lamang sa inyo ang panig ng kompanya. Tingnan natin, baka
magawaan pa natin ngparaan. Kakausapin ko nang husto si Don Miguel.Sa ilang araw na iyon,
ikinatuwa niyang laging mainit ang ulo ng kanyang amo. Waring nakalimutan nanito ang
nakaugaliang paghahanap ng kaparehang makakausap at mahihimas man lamang habang
pinipilitsiyang magalit upang mapagtrabaho kahit panandalian man lamang, kahit alam nitong
agad siyangmanlalambot at hindi na mapilit sumuka anuman ang gawin sa kanya ni Don Miguel,
murahin man atinsultuhin, o pagtawanan man ng kapareha nito. Sa wakas, nasabi niya sa sarili,
unti-unti na siyangnakalalaya sa matagal nang pagsasamantala sa kanyang lakas sa ilang dekada
nang walang habas napagtatrabaho, hinuthot iyon nang husto, lalo na nga noong kasiglahan ng
kanyang amo at umaalimpuyonglagi ang dugo sa mga ugat hanggang puson. Noon, bihira nga
siyang makapagpahinga, lupaypay na bagosabunin at paliguan, at tuluyang patulugin nang
mahimbing habang naglalaro pa sa bilugang mukha ngkanyang amo ang ligayat kaluwalhatian.
Gayunpaman, naisip niya, ano pa ang halaga ng kanyangpaglaya kung ubos na ang kanyang
lakas?Isang umaga, wala pa si Don Miguel sa pabrika, biglang pumutok ang welga ng mga
manggagawa doon,binarikadahan ang tarangkahan, ipinamukha sa mga nakasulat sa plakard at
kartelon ang inhustisyangdinaranas ng mga manggagawa sa pabrika ng tabako ng pamilya
Riego de Dios, ipinagdiinan angpagiging tuso, ganid at makaharing pamamalakad ni Don
Miguel, at magkakawit-bisig lalaki man obabae buong tatag nilang hinarang sa pagpasok ang
ilang trak ng kompanya, gayundin ang mga kotseng ilang opisyal nito. May mangilan-ngilan
ding manggagawang hindi nakiisa sa welga, nagtangkangmagsipasok, ngunit waring nangatakot
at umatras nang makitang dudumugin sila ng mga welgista.Pero bago magtanghalian,
nagdatingan ang mga isandaang pulis, mga nakabatuta, armadong paranglalaban ng giyera, at
agad na kinausap ng pinuno nito ang presidente ng nagwewelgang unyon, sinabihangilegal iyon,
kaya makabubuting itigil na ang piket, papasukin sa tarangkahan ang mga gustong
pumasokdahil, kung hindi, mapipilitan silang buwagin iyon. Lalong nagkawit-bisig
ang mga welgista,nagsigawang walang aalis at, biglang-bigla, dinaluhong ng mga pulis ang
piketlayn, walang habas nabinatuta ang mga welgista pati mga babae, at napilitang ipagtanggol

ng mga nagwewelga ang kanilanghanay hanggang sa magkahambalusan, magpangbuno,


magkabatuhan at, sa isang iglap, ilang sunud-sunod na putok ng baril ang nangibabaw sa
kaguluhan.Tatlo sa mga welgista, babae pa ang isa, ang duguang tumimbuwang. Ang ibay
nagpulasang umaagosang dugo sa mukha dahil sa pumutok na ulo sa hambalos ng batuta, may
mga nabalian ng braso,
nagkapasa sa katawan, napilay at halos hindi na makalakad at, sapagkat walang kalaban-laban,
walangnagawa kundi magmura at magtungayaw habang tumatakbo at napilitang iwan ang
piketlayn. Ilan pa sakanila ang puwersahang dinampot ng mga pulis at isinakay sa mobile
car.May araw din kayo! Mga putang ina nyo.Agad na nalaman iyon ni Don Miguel, at
nalaman din niya, nang magkasunud-sunod ang tawag satelepono sa mansiyon nito sa Forbes
Park. Madadala na ang mga punyetang iyan. Magdemanda sila.Tingnan ko kung mananalo sila
sa akin sa korte. Aba, madali silang palitan, nagyayabang pa nitong sabisa kausap sa kabilang
linya. Sa buong araw na iyon, namalagi sa mansiyon ang kanyang amo, lumaklakna lamang ng
Dom Perignon, at waring hindi ikinatigatig ang marahas na nangyari sa pabrika.Nang magising
ang kanyang amo kinaumagahan, agad itong naligo ngunit hindi na siya gaanong sinabonat
binanlawan at waring tuluyan na nga siyang nakalimutan. Pagkaalmusal, agad itong
nagbihis,ipinahanda ang Mercedes Benz, sinabihan ang tsuper na dadaan muna sa pabrika saka
may kakausapin saManila Hotel. Nang palabas na sa bukana ng Forbes Park ang kotse, tatlong
lalaking nakamotorsiklo angbiglang sumulpot at agad na umagapay sa kotse, isa sa likuran at
dalawa sa tagiliran, saka narinig nalamang ang sunud-sunod na mga putok. Bumulwak ang dugo
sa bahagyang nakakalbong ulo ni DonMiguel hanggang tumimbuwang ito sa upuan pisil-pisil
ang dumurugo ding dibdib.Habang naghihingalo ang kanyang amo,bigla niyang naitanong sa
sarili: Malaya na ba ako? Kailanlalaya ang mga kauri ko? Kailan?

You might also like