Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Ikaw ano wish

mo?
Ni minsan ba hindi niyo naitanong sa isip nyo kung Paano kung lahat
ng kahilingan ng tao ay natutupad? Siguro araw-araw may nagpapa fiesta,
siguro wala ng nagugutom, nagnanakaw at natutulog sa kalye pag
nagkataon. Pero kung sakaling bigyan ka ng pagkakataon na makahiling at
pinangakuan kang tutuparin yun anong hihilingin mo?
Gusto nyo bang malaman ang ilan sa mga nangunguna sa listahan ng
mga kahilingan?

1. Pera; Wag na kayong magkaila na never as in HINDI PA kayo


humihiling na sana magkapera kayo. Dahil yan naman talaga ang
nangunguna sa listahan nyo, halimbawa na lamang ay nagpakita sa
inyo si genie at sinabing bibigyan kayo ng tatlong kahilingan. Aminin
nyo man o hindi alam nating lahat na pera o pagyaman agad ang
unang papasok sa isip mo, baka nga yung ikalawa at ikatlong
kahilingan mo ay tungol pa rin sa pagyaman mo.
2. Lovelife; Ito ang nangunguna sa listahan ng mga kabataang makakati
na kahit ... ehem... kinder palang ata ay may syota na. Halos lahat din
ng mga kabataan ngayon ay nag-aasam ng LOVE LIFE kadalasan pang
sinasabi nila ay okay lang magutom basta may love life dahil ang
sabi daw sa kanila ng mga nakatatanda ay Ang pag ibig ay pantawid
gutom O diba bonga! Nakakain na ang pag ibig ngayon, samantalang
dati pinakakalat-kalat lang yan.
3. Forever; Sa panahon ngayon, lisa at kuto nalag ata ang forever.
Forever manggagambala sa ulo mo. Kaya karamihan sa mga mag
boyfriend/girlfriend ngayon ay humihiling na sana ay forever na sila,
habang magkayakap o kaya naman ay magkahawak ng kamay. Pero
hindi pa rin nila maiaalis ang salitang walang forever kasi mag b-break
din sila.

4. Gumanda/gumwapo; Ang mga humihiling nito ay ang mga taong hindi


marunong makuntento sa sarili at mga walng tiwala sa mga
pagmumukha. Aminin nyo na isa ito sa mga kadalasang hinihiling niyo
kahiit madami ng nagsasabing maganda o gwapo kayo, kaso wala e,
dahil hindi kayo marunong makuntento sa sarili nyo sige hiling pa!
Tutal naman hanggang hiling lang kayo dahil ang salitang hiling ay
bihirang magkatotoo
.
5. Height; Masasabi kong hinihiling ito ng mga taong pinaglihi ata sa
duwende noong mga panahong ipinagbubuntis ito dahil sa sobrang
kakulangan sa height. Yung iba naman ay sakto na kaso mukhang
mga gustong pumasok ng NBA kaya nakikiepal pa.
6. Talino; Mga taong mahina ang ulo ang kadalasan humihling nito. Mga
kabataang pinapangarap makasungkit ng honor kahit na sabit lang, ito
rin yung mga taong nangunguna pagdating sa kopyahan. Amin nyo na
minsan ay nagawa niyo na din hilingin ito lalo na kapag oras ng exam
at wala kang katabing matalino na pwedeng kopyhan kaya wala kang
ibang magawa kundi ipasa yung papel mo kapag nagbell kahit na wala
itong laman.
7. Sana ampon nalang; Mga kabataang walang utang na loob sa
magulang. Mga kabataang napagbuhatan lang ng kamay nagiging best
actress na agad. Sila yung mga taong sariling kapakanan lang ang
iniisip, akala mo inaapi kung makapag react. Kung minsan ay hinihiling
din ito ng iilang kabataan na mayroong mahirap na pamumuhay at
may mababang estado sa buhay iniisip nila na Sana ampon nalang
ako at mayaman ang tunay na magulang ko na akala mo naman at
napariwaera ng husto sa tunay na mga magulang nito.

Marami pang kahilangan ang mga tao, iba-iiba din ang takbo
ng mga isip natin pero alam ko na isa dito ang inyong gusto. Ikaw ANONG
WISH MO?

TAYNAHIS, Pinatayuan nang Manila Water ng drinking


fountain
Upang makatulong sa mga mag aaral ng Taytay National
High School, naisipan ng Manila Water na patauyuan ito ng
drinking fountain.
Ayon kay Mrs. Nerona, pinatayo ang nasabing drinking
fountain upang magamit sa mga medical mission.
Itinayo ang drinking fountain noong July 2016, matapos
ang dalawang linggo, binuksan na ito sa mga magaaral at sa mga
nagsasagawa ng medical mission.
Ayon pa sa kanya, maaari rin itong gamitin upang kuhaan

ng malinis na tubig na maiinom ng mag-aaral.


Maaari nilang gamitin ng libre lalong lalo na yung mga
estudyanteng walang sapat na pera para makabili ng maiinom sa
School Canteen. Ani Nerona.

Boksingerong Senador
Bukod sa pagiging boksingero ay isa narin ngayong
mambabatas si Filipino world eight-division champion Sen.
Manny Pacquiao.
Nitong nakaraang 2016 National Elections ay nagwagi ang
pambansang kamao bilang Senador at nangakong gagampanan
ang kanyang tungkulin.
Maliban sa Senado at ring ay sumasabak din sa hardcourt ng
PBA ang bagong Senador bilang playing-coach sa koponan ng
Mahindra Enforcers.
Kasabay nga rin nito ay ang nalalapit na paghaharap nila ni
world welterweight king Jessie Vargas.
Marami tuloy ang nagsasabi kung magagampanan ba niya ng
maayos ang kanyang tungkulin sa Senado gayong kinakailangan
na niya ng puspusang paghahanda para sa laban.
Sa kabilang banda, sinabi ni Sen. Manny Pacquiao na
nakahanap na siya ng malapit na gym sa Senado para maiwasan
ang pagliban.
Bagaman maraming tungkulin ay sinisikap parin ng Senador na
gampanan ang lahat ng ito sa abot ng kaniyang makakaya.
Malaki narin ang nai-ambag ni Filipino boxing champ sa
karangalan ng bansa lalo na sa larangan ng boksing.

Samakatuwid, kung nagawa siyang suportahan nang nagdaang


halalan ay nararapat din na suportahan siya sa mga darating pa
niyang laban.

Kapalit ng mga punong pinutol, tinanim sa paligid ng


TAYNAHIS

Upang maging kabayaran ng isang punong pinutol nang Rizal


Yegeon Church (RYC), nagtanim silang muli ng sampung bagong
puno sa paligid ng Taytay National High School (TAYNAHIS)
noong ika-19 ng Setyembre.
Sa tulong ng tatlong myembro nito na sila Jonathan Victoriano,
Jeona Canceran, at Pastor Kim Woog Seo, natupad ang nais ng
RYC.
Ayon kay Canceran, kaya pinili nila ang TAYNAHIS sapagkat
umano nasa paaralan nabanggit ang kanyang mga anak.
Meron kasi akong anak dito, sa ibat ibang grade. Aniya
Nagtanim ang mga myembro nang RYC ng 6 na mahogany, 2
Gemilina, at 2 Jackfruit.
Sa kabila nito, nangako ang mga mag aaral ng TAYNAHIS na
patuloy na pangangalagaan ang mga bgong tanim na puno at lahat
ng halaman sa paaralan.

Upang makadagdag sa fund ng Supreme Student Government


(SSG) nagsagawa ang mga myembro ng grupo ng proyekto na
pinamagatang Bote Mo! Pasok Mo! na sinimulan noong ika-16 ng
Hunyo.
Ayon kay Leonard Sauro, layunin ng proyekto na maipon ang
mga nakakalat o mga gamit nang mga plastic bottles.
Dapat maipon ang mga bote upang maging kapakipakinabang
ang mga ito aniya.
Aniya, kada katapusan ng buwan, ibinibenta ang mga
nakolektang plastic bottle.
Pag naibenta na, nakakakolekta kami ng mahigit 435. Kada
kilo, six pesos.
Iniipon ang mga plastic bottles sa isang lalagyang gawa sa net
at steel bars na umanoy pinasadya pa.
Kumolekta kami ng 90 pesos sa SSG officers at 110 sa Hyper
Interactors ani Sauro.
Sa kasalukuyan, mayroong dalawang lalagyan ng plastic bottle
sa paaralan, isa sa bandang Nayra at isa sa Zloty.
Meron kaming nakolekta na 3000, kada lalagyan, naglaan kami
ng 1500. Kapag may fund na kami, magdadagdag pa kami ng
dalawa. Ika ng pangulo ng SSG.

Edukasyon kontra Droga


Maganda ang ginagawang pagpaplano ng random drug test at
maging ang pagtuturo ng drug education sa mga paaralan.
Ayon kay Pang. Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation
Address (SONA), gusto niyang gawing subject ang drug education.
Kaugnay ito sa pagpapa-igting ng kampanya kontra droga na
mariing tinututukan ng bagong administrasyon.
Bago pa rito ay may mga nagsasagawa narin ng mga libreng
pagtuturo ukol sa ilegal na droga at mga masasamang epektong
idinudulot nito sa ilang paaralan.
Mabuti rin naman na simulan ang pagsugpo ng ilegal na droga sa
paaralan kung saan tinuturuan ang bawat kabataan mga kaalaman at
kagandahang asal.
Hindi rin naman maikakailang maraming estudyante ang
nalululong at naliligaw ang landas dahil sa ipinagbabawal na gamot.
Samakatuwid, mailalayo ang bawat kabataan sa paggamit ng droga
at maisasalba sa mga nakaambang kapahamakang idinudulot nito.
-Jaepeng

You might also like