Pares Pares A Must Try (Pinoy) Combination Cuisine

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Edited

by:

Suggested Titles:
Pares pares: A must try (Pinoy) combination cuisine!
Byline:
Keizl Jade Flores
Editor/Staff Notes:
Tuwang tuwa akong umupo sa porch ng bahay namin habang dahan dahan
kong pino-pop ang fresh egg sa mainit init kong spicy beef cup noodles nang
mapansin kong natulala yung kuya ko at unti unting bumuka ang bibig at mata niya
*insert
wtf
meme*.
Ang sarap lang sabayan ng itlog na (medyo) naluto sa init ng cup noddles
tapos sabayan mo ng 3-in-1 na kape at ipatugtog yung Nescafe song ng Aldub tapos
mag emote ka dahil saktong umuulan, naku shaks solb na solb ka panigurado!
Hindi lang cup noodles with semi-cooked egg ang masarap pag sabayin.
Sobrang daming pagkain ang hindi mo aakalaing magc-click kapag pinagsabay mo
silang sinubo. Sa una, you'll be like "Serioussssslyyyy? Do you even cook?!" Pero
kapag na try mo na, ahhhh bomb!

Peanut butter with Avocado sandwich

Ingredients:
1-2 tsbp of any peanut butter brand,
2
Slices
of
Bread,
mas
3-4 Slices of Avocado, make sure hinog

pwede rin
masarap

ang homemade
kapag
toasted

BOMB
Factor:
4/5stars
Weirdo siyang pakinggan pero masarap. Hindi mo aakalaing pwede pala itong
pagsabayin. Kaso, seasonal lang ang Avocado kaya once na namunga na ang mga
puno nito, you must try! Hindi mo pwedeng palampasin ang pagkakataon!

Fresh popped popcorn with milk

Ingredients:
1 box of pop corn, pwedeng binili mo na luto na o yung mga nasa supermarket
1/2 - 1 cup of Milk, any brand, pwede rin yung fresh milk na kakapisil lang sa baka
(mas masarap)

BOMB
Factor:
4/5stars
Kainin mo na parang cereal. Highly recommended ito kapag manunuod ka ng sine
para hindi ka maburdot sa boring ng simpleng popcorn lang. Atleast kapag natapon
mo ito kadahilanan na nagulat ka sa movie, may drastic effect sa matatapunan mo!
Pak!

Dinuguan and puto with lechon sauce

Ingredients:
1 serving of dinuguan, kapag di mo alam lutuin, bili ka sa karinderya
3-4 pieces of puto, marami sa palengke ikaw bahala kung with cheese (special!)
2-3 tsbp of Lechon sauce, pwede na ang Mang Tomas
BOMB
Factor:
4.5/5stars
Akala mo dinuguan at puto lang ang pwedeng i-pares? You're so wrong in many
levels! Mas masarap pa sa masarap kapag sinabayan mo rin ito ng lechon sauce!
Pwede itong i-top sa kanin o sa pancit! (Maniwala kayo, pramis! Paborito ko 'to
kapag nakikikain ako sa mga handaan!)

Pancit Canton with Mayonnaise

Ingredients:
1-2 any flavor pancit canton,
2-3 tbsp of mayonnaise, any brand

dipende

kung

gaano

ka

ka-hampas

lupa

BOMB
Factor:
5/5stars
Bon Apettit! Ito talaga ang masasabing a touch of hihirapin and yayamanin! San ka
nakakita ng pancit canton na may dressing na mayonnaise? Pwede mo rin naman imix ang mashed hard boiled egg and topped it with basil. Galingan mo lang sa
plating! (Pwede ka ng magtinda sa night market ng mala 5-star pancit canton stand
kapag na-master mo ito. No joke!)

Champorado with tuyo

Ingredients:
1 serving of Champorado, pwedeng homemade o bili sa palengke
2-3 pieces of tuyo
BOMB
Factor:
3.7/5stars
Simula bata ako, gawain ko ng lagyan ng tuyo yung champorado at tska hindi na rin
ito bago, meeeeh. Pero marami rami paring mga nilalang ang hindi convince na
masarap ang pares na to. Masarap kaya talaga! A taste of sweet and sour!

Apples dipped in vinegar

Ingredients:
1 apple, nicely cut
Vinegar dip, mas masarap kapag spicy!
BOMB
Factor:
3.3/5stars
Booooring kapag apple alone lang ang kinakain mo. Lagyan mo naman ng konting
excitement ang buhay mo, isawsaw mo sa (maanghang) na suka!

Rice sprinkled with Milo

Ingredients:
1 cup of nicely cooked rice
1-2 sachet of milo, dipende kung gaano mo kagustong mangibabaw ang lasa ng
milo
BOOM
Factor:
3.8/5stars
Paboritong pagkain ng mga bibwit. Masarap isingit ang tagline na "hindi ka batang
90's kung hindi mo nasubukan ito..(#Realtalk)". Anong akala niyo? Sa tubig lang
pwedeng ihalo ang milo? Pwes, akala niyo lang! Pero wait.. wait.. Pwede rin siguro
ang ovaltine, try niyo. Ako kasi, milo forevss!

Mashed potato with ketchup

Ingredients:
1-2 cup of mashed potato, pwedeng home-cooked o bili ka sa KFC (not
recommended ang Jollibee, doon ka dapat sa original, chos!)
2-3 tsbp of tomato ketchup
BOMB
Factor:
4.7/5stars
Hindi lang talaga sa gravy masarap ihalo ang mashed potato, pati rin sa ketchup!
Bakit hindi, diba? Gawin mo ring sabaw ang ketchup wag lang ang gravy, wag kang
one sided! Babala lang, paniguradong iju-judge ka ng mga nasa paligid mo kapag
kinain mo ito dine-in kaya habang maaga pa, practisin mo na ang "Hindi ko
kailangan ng tissue. I don't need tissue! Please stop judging me!" ni Angelica
Panganiban.
Kung bet mo naman panindigan ang #YOLO, pagsabayin mo both. Errrm ketchup at
gravy sa mashed potato. Balitaan mo ako kung ano lasa.

Bread dipped in Coke/Soda

Ingredients:
2-3 pieces of bread, pwede na ang skyflakes
1 8oz of Soda, the best parin ang coke
BOMB
Factor:
4.2/5stars
Di na bago to lalo na sa mga construction workers. Ito na siguro ang top 1

paboritong meryenda ng mga taong naghahanap ng excitement sa boring na


pandesal o skyflakes. Pwede rin ang tinapay na sinawsaw sa kape (hilig ng mga
oldies).

Sinigang with Tomato Sauce

Ingredients:
1
serving
of
Sinigang,
a
choice
of
fish
or
meat
3-5 tsbp of Tomato Sauce, pwede rin yung buong maliit na sachet. Dipende sa rami
ng Sinigang
BOMB
FACTOR:
5/5stars
Hindi lang naman spaghetti o kahit anong pasta ang pwedeng lagyan ng tomato
sauce a'? Try niyo sa sinigang, masarap. Don't gimme that reaction, try mo muna,
judger ka e'.

Actually, marami pang mga pagkain ang masarap i pares-pares tulad ng


Oatmeal o adobo with ketchup, Ramen (yayamanin) o instant noodles (hihirapin)
with cheese, Pizza topped with kimchi, peanut butter with mayonnaise, crushed
skyflakes with tuna flakes topped in rice at marami pang iba.
So bale... Alin sa mga ito ang nasubukan mo na at naging paborito mo?

You might also like