Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Cordillera Administrative
Division of Mountain Province
District of Bauko I

GOTANG PRIMARY SCHOOL


Pagsasalaysay o Pag-uulat sa Pagdiriwang ng Buwan
ng Pambansang Wika 2016

I. Panimulang Salaysay
Bilang pakikibahagi sa pagdiriwang ng taunang
Buwan ng Wikang Pambansa tuwing ika-1 hanggang ika-31ng
Agosto alinsunod sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon
Blg. 1041, s. 1997, ang mga mag-aaral at guro sa Gotang
Primary School ay ipinagdiriwang ang buwan ng wikang
Filipino ayon sa tema ng pagdiriwang sa taong ito ay
FILIPINO: Wika ng Karunungan sa ibat-ibang paraan na
bagamat payak ay makabuluhan naman.

II. Mga Gawain


Bilang pambukas sa pagdiriwang, isinagawa sa
paaralan ang isang maikli at simpleng palatuntunan sa unang
araw ng Agosto sa loob ng silid-aralan ng kindergarten at unang
baitang kung saan naghandog ng mga awit at tula tungkol sa
tema ng pagdiriwang ang mga mag-aaral. Nagbigay din ng
pagpapaliwanag ang mga guro tungkol sa tema at paksa ng
pagdiriwang ng pambansang wika sa loob ng isang buwan at

para mas maunawaan ng mga mag-aaral ay nagkaroon ng


pagtatalakay sa buhay ni Manuel L. Quezon bilang Ama ng
Wikang Pambansa
Sa pagpapatuloy ng pagdiriwang napagkasunduan
ng mga guro at mag-aaral na magkakaroon ng maikling
palatuntunan tuwing umaga ng lunes pagkatapos ng seremonya
sa pag-awit ng pambansang awit sa loob ng apat na linggo ng
Agosto kung saan ang mag-aaral sa bawat baitang ay
maghahandog ng mga awit, sayaw o magpapalabas ng duladulaan ayon sa paksa ng bawat linggo ayon sa pagkakahati ng
pangkalahatang tema na isinagawa sa apat na linggo bilang:
Noong ika-30 ng Agosto 2016 ay isinagawa sa
paaralan ang isang palatuntunan bilang pampinid sa pagdiriwang
ng pambansang wika. At sa bandang hapon din ng araw na iyon
ay masaya at masiglang lumahok ang mga mag-aaral sa
pagsasagawa ng essay, poem, slogan at poster making contest.

Ginawa at Ipinasa ni:


LEONOR M. BAGNOS
English/Filipino School Coordinator

You might also like