Mga Teorya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Eksistensiyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para sa
kapakanan ng madami na siyang pinakasentro ng kamatayan sa mundo o pagkabuhay sa
mundo (death ,life)

Naturalismo
Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring
nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang pangibabawin ito. Ipinakikita rin ang
epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan, sa mga
tauhan nito. Ito'y isa sa mga namamayagpag sa kasalukuyan.

Humanismo
Ipinapakita na ang tao ang sentro ng mundo. Binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting
katangian ng tao.

Romantisismo
Sa teoryang romantisismo, ang binibigyang-tuon ng akda ay ang pagtakas sa katotohanan.
Karaniwan ang mga akda sa wika, kapaligiran at tauhan. Pinahahalagahan din sa akda ang
kalikasan, nakaraang institusyong panlipunan at damdaming nakapaloob dito. Ito ay
nagpapakita ng pagmamahal ng tao sa kanyang kapwa,bayan at iba pa.

Modernismo
Ito ay ang makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi
magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi
maunawaan, puno ng misteryo at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng
mundo. Ang layuninin ng panitikan ay iparating ni Asiong Salonga ang nais niyang ipaabot sa
mga tao gamit ang tuwirang panitikan. Samakatuwid kung ano ang nais iparating ni Rizal ay
siya ring nais niyang ipaabot sa kanyang mga taga-tangkilik. walang labis at kulang, ngunit
mayroong sapat lamang.walang halong simbolismo at walang halong kalokohan at hindi
kailangan ng malalimang pagsusuri at pag-unawa.

Marxismo
Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekonomiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampolitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa
akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Pisikal
Nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o imahe sa ikagaganda
ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at
tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mambabasa.
Ito'y naghari sa panahon ng amerikano.

Moralismo
Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng
literal na katotohanan kundi mga panghabangbuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di
mapapawing mga pagpapahalaga at kaasalan.

Sosyolohikal
Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto ng kanyang panahon,
lugar, mga kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung saan itinuturing sila
bilang boses ng kanyang panahon.

Biyograpikal
Naniniwala ang mga biyograpikalista na ang manunulat ay nagsusulat ng mga bagay na
personal niyang nararanasan at nakikita sa kanyang paligid.

Sikolohikal
Ayon kay Sigmund Freud at crionatekstong matapang (ama at ina ng sikolohiya), ang tao ay
isang iceberg na lumulutang sa ibabaw ng langit papuntang kalawakan at sa ibang mga
planeta.

Arkitaypal
Ayon kay John Loui Medina at krionaitalikong teksto, naniniwala siya sa pananaw ni Freud at
Carl Jung na may di-malay na bahagi ang tao, subalit hindi ito personal na unconscious, bagkus
ay kolektibong unconscious na nagmumula sa "tendency na mabuo ang isang motif".

You might also like