Professional Documents
Culture Documents
Aiza-Hari NG Gubat
Aiza-Hari NG Gubat
Aiza Molino
Rosalyn Cejo
Genies Misa
Rea Montealto
Regina Merza
Cecille Fontelera
Via Marie Magno
Liezl Marty
Apryl Maranon
Jyza Manila
Angelica Vencito
Cherry De Leon
Jerson Delos Santos
-TAGAPAGSALAYSAY
-TAGAPAGSALAYSAY
-TAGAPAGSALAYSAY
-SEBRA
-LOBO
-USA
-UWAK
-OSO
-KUNEHO
-KABAYO
-UNGGOY
-KAMBING
-LEON
TAGAPAGSALAYSAY:(Lahat ng hayop ay nakaharap sa awdyens maliban sa Leon) May isang malaking Leon na
naninirahan
sa gitna ng kagubatan. Lahat ng hayop ay takot sa kanya. Araw-araw ay naglilibot-libot ito upang humanap ng makakain kaya naman ang
lahat ng hayop sa kagubatan ay nagsisitago dahil sa oras na matagpuan sila nito ay tiyak na kamatayan ang naghihintay sa kanila. Kayat
ipinatawag ni lobo ang lahat ng hayop para sa isang mahalagang pagtitipon.
LOBO: Mabuti at narito kayong lahat. Narito tayo upang pagusapan ang isang napakalaking problema. Nasa panganib ang ating mga buhay.
(Mag-iingay ang mga hayop)
KAMBING: Meeee-eee-eee. Anong maaari nating gawin para makaligtas sa mabangis na leon. Isa isa niya tayong inuubos. Hindi
magtatagal lahat tayo ay mamamatay .
USA: Mabangis at malupit ang leon. Wala siyang awa sa kahit na sino. Naalala ko noong iniwan ko ang aking munting usa at nang makabalik
ako ay wala na itong buhay.
SEBRA: Anong gagawin natin? Matalino ang leon. Umuungol siya upang takutin ang mga hayop. Nanginginig at umiiyak ang mga ito sa
kanilang pinagtataguan kaya nahahanap sila ng mabagsik na leon.
OSO: Ang matatalas na kuko ng leon ay kayang-kaya tayong pagpira-pirasuhin.
UWAK: Malakas ang kanyang mga paa na maging ang mga puno ay kaya niyang akyatin at ang kanyang mga mga ngipin ay tunay na
napakatalim.
UNGGOY: Nag-iisa lang siya ngunit lahat ay takot sa kanya. Tandaan niyo! Marami tayo. Hindi ba natin siya mapipigilang kitilin ang mga
buhay natin?
UWAK: Kailangan pagplanuhan natin ito ng mabuti, dahil kung hindi ay siguradong manganganib ang mga buhay natin.
LOBO: Ano ang iminumungkahi mo?
USA: Bawat isa ay dapat mag-isip ng kanya-kanyang mga plano at ang pinakamabisang plano ang siya nating gagawin.
LAHAT: Sang-ayon kami. Tayo na at magisip.
TAGAPAGSALAYSAY: Patuloy sa pagiisip ang mga hayop. Maraming nagbigay ng mga mungkahi. Sa huli, ang plano ni kuneho ang kanilang
napili. Nang sumapit ang gabi, nagtungo sila kay leon. Nang makarating sila sa kuweba narinig nila ang atungal nito. Marami sa kanilay
nagnais na bumalik na lang ngunit nang makita nila kung gaano katapang si kuneho, sila ay nagpatuloy.