Professional Documents
Culture Documents
Mga Nobelista
Mga Nobelista
Mga Nobelista
itinuring
na
pangunahing
manunulat
noong
ika-19
na
daantaon.
Tubong Bian, Laguna, kinilala siya dahil sa kanyang angking kakayahan sa pagsulat ng mga
sermong pampolitika na kanyang binibigkas at nang tumagal ay sinulat para malathala.
=ang katipunan ng mahuhusay na sermon ni Padre de Castro na humuhubog sa
kagandahang-asal ay pinamagatang Platicas Doctrinales. Ito ay binubuo ng 25 mahuhusay na
sermon.
=naging kura paroko si Padre de Castro ng Katedral ng Maynila at pagkatapos ay
ng Naic, Cavite.
=kilalang akda ni Padre de Castro ang Urbana at Felisa na tungkol sa kagandahangasal at relihiyon.
3.) Padre Antonio de Borja
=Si Fray de Borja ay isinilang sa Valencia, Espanya noong 1644. Naging misyonero siya
at ipinadala sa Filipinas sa edad 27. Iba't ibang matataas na tungkulin ang hinawakan niya bago
naging prokurador ng mga Heswita. Namatay siya noong 27 Enero 1711, tatlong taon
pagkatapos payagan ng Simbahang Katoliko na ilathala ang kaniyang salin sa Tagalog. Narito
ang buod ng tanyag niyang nobela:
Barlaan at Josaphat
Ang kasaysayan ng barlaan at josaphat ay umiikot sa nabigong pagsisikap ng isang hari
na mailayo sa kristyano ang anak na prinsipe, naituro ni Tomas Apostol ang aral ng diyos sa
Indya, na pinaghaharian noon ni Abenir. Dahil sa hulang magiging kristyano ang kanyang
magiging anak na lalaki, sinikap na ibukod ng tirahan at kapaligiran ang prinsipeng Josaphat
sapul noong isilang ito. Sa paglaki ni Josaphat, narinig nya ang tungkol sa kamaharlikaan ng
bagong relihiyon. Natutuhan niyang pag-isipan ang buhay ng kamatayan nang matanaw niya
ang isang taong kahabag-habag.
Nabalitaan ng matandang paring si Barlaan, na nasa Senaar, ang tungkol sa mabuting
kalooban ni Josaphat. Nagpanggap siyang isang tagapagtinda kaya nakatagpo niya si
Josaphat, na nahikayat niyang magpabinyag. Lahat ng ito'y lingid sa kaalaman ni haring Abenir
hanggang sa makaalis na sa palasyo si Barlaan. Nang matuklasan ni haring Abenir ang
nangyari sa anak, iniutos niyang dakpin si barlaan, ngunit di ito matagpuan. May
pinapagpanggap na Barlaan ang hari at siyang dinakip. Sa gayon, sa pag- aakalang malagim
ang kararatnan ng kaibigang pari, nagtapat si Josaphat sa hari. Ngunit ang ganito'y naging
daan para pagsikapan ni Josaphat na hikayatin ang ama. Napagkillala ni Abenir na kailangang
paghimok ang gamitin sa anak at hindi pagbabanta. Sa gayon, hinamon ni Abenir ang anak
saka ang mga kapanalig nito sa isang pagtatalo, at kung mananalo si Josaphat at Barlaan
Magpapabinyag ang hari at ang mga kampon nito. Nanalo sina Josaphat.
May tauhan ang hari na nahikayat nang una ni Josaphat kaya nagalit ang hari. Pinalitan
niya ng mga mapanuksong babae ang mga tagasilbi sa palasyo. Nagdamdam si Josaphat sa
ama dahil sa tangkang pagbubulid nito sa kanya sa kasamaan. Iminungkahi ng ministro ni
Abenir na hayaang mamuno sa isang hiwalay na kaharian si Josaphat. Pumayag si Abenir.
Subalit maraming tao ang lumipat sa kaharian ni Josaphat, kaya naisip ni Abenir na marapat
lang na pabinyag siya. Iniwan niya ang kaharian kay Josaphat at namuhay siya nang tahimik
hanggang sa mamatay. Ibig din namang manahimik ni Josaphat kaya iniwan niya ang kaharian
sa isang tapat na tauhan, si Barachias, at hinanap niya si Barlaan hanggang sa matagpuan niya
ito.
Minsan tinawag ni Barlaan si Josaphat at sinabing malapit na siyang mamatay.
Pinasundo niya kay Josaphat ang mga monghe sa di-kalayuang monesteryo. Nagmisa si
Barlaan bago mamatay. Nanaginip minsan si Josaphat at nakita niya ang dalawang korona: isa
para sa kanya at isa para sa ama. Sinabi niyang hindi marapat ang kanyang ama. Lumitaw sa
pangitain si barlaan at sinisi siya nito. Nagsisi si Josaphat. Namuhay siya bilang ermitanyo.
Nang mamatay siya, inilibing siya sa puntod ni Barlaan.
Nang mapag-alaman ni Barachias na namatay na si Josaphat, pinahanap niya ang
libingan nito. Nang hukayin nila ang puntod, natagpuan nilang buo ang mga mabango pang
bangkay ng dalawa, na napabantog mula noon, kaya naman marami pa ang nagpabinyag.
Panahon ng Amerikano
Banaag at Sikat
Ang buod ng kasaysayan ng Banaag at Sikat ay lumiligid sa mga adhikain at
paninindigan ng dalawang magkaibigang sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay anak ng isang
mayamang presidente ng isang bayan sa Silangan. Dahil sa kanyang pagkamuhi sa mga
paraan ng pagpapayaman ng kanyang ama at sa kalupitan nito sa mga maralitang kasama sa
bukid at sa mga utusan sa bahay ay tinalikdan niya ang kanilang kayamanan, pumasok na
manggagawa sa isang palimbagan, at nanligaw sa isang maralita ngunit marangal na dalaga, si
Tentay. Samantala, siyay nakatira sa isang bahay ng amang-kumpil na si Don Ramon sa
Maynila. Ang mga paraan ni Don Ramon sa pagpapayaman, ang kanyang mababang pagtingin
sa mahihirap at ang pag-api niya sa mga pinamumunuan ay nakapagpalubha sa pagkamuhi ni
Felipe sa lahat ng mayayaman at nagpapatibay sa kanyang pagiging anarkista.
Pinangarap niya ang araw na mawawala ang mga hari, punumbayan at alagad ng batas, ang
lahat ng taoy magkakapantay-pantay at magtatamasa ng lubos na kalayuan at patas na
ginhawa sa buhay.
.Nang pilitin ng ama na umuwi sa kanilang bayan, siyay sumunod. Subalit itinuro niya sa
mga kasama sa bukid at sa mga katulong sa bahay ang kanilang karapatan. Sa galit ng ama,
siyay pinalayas at itinakwil bilang anak. Nagbalik siya sa datingpinapasukan sa Maynila at
hinikayat si Tentay na pumisan sa kanya kahit di kasal, sapagkat tutol siya sa mga seremonyas
at lubos na naniniwala sa malayang pag-ibig
.
Si Delfin ay hindi anarkista kundi sosyalista. Hindi niya hinangad na mawala ang
pamahalaan ngunit katulad ni Felipe ay tutol siya sa pagkakaipon ng kayamanan sa ilang taong
nagpapasasa sa ginhawa samantalang libu-libo ang nagugutom, nagtitiis at namamatay sa
karalitaan. Tutol din siya sa pagmamana ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang. Siyay
isang mahirap na ulilang pinalaki sa isang ale (tiya). Habang nag-aaral ng abogasya ay
naglilingkod siya bilang manunulat sa isang pahayagan. Kaibigan siya at kapanalig ni Felipe,
bagamat hindi kasing radikal nito.
.
Nais ni Felipe ang maagang pagtatamo ng kanilang layunin, sukdang itoy daanin sa
marahas na paraan, samantalang ang hangad ni Delfin ay dahan-dahang pag-akay sa mga tao
upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng iilang mayayaman, sa
pamamagitan ng gradwal na pagpapasok sa Pilipinas ng mga simulain ng sosyalismo.
Si Don Ramon ay may dalawang anak na dalaga at isang anak na lalaking may asawa na. Ang
mga dalagay sina Talia at Meni. Si Talia ay naibigan ng isang abogado, si Madlanglayon. Ang
kasal nilay napakarangal at napakagastos, isang bagay na para kina Felipe at Delfin ay
halimbawa ng kabukulan ng sistema ng lipunan na pinangyayarihan ng mayayamang walang
kapararakan kung lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat na salat
sa pagkain at sa iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay
.
Sa tulong ni Felipe noong itoy nakatira sa bahay ni Don Ramon, nakilala at naibigan ni
Delfin si Meni. Si Don Ramon ay tutol sa pangingibig ni Delfin sa kanyang anak; dahil itoy
maralita, at ikalawa, dahil tahasang ipinahayag nito ang kanyang pagkasosyalista sa isang paguusap nilang dalawa sa isang paliguan sa Antipolo. Ang pagtutol na ito ay walang nagawa.
Nakapangyari ang pag-ibig hanggang sa magbinhi ang kanilang pagmamahalan. Nang
mahalata na ni Talia at ni Madlanglayon ang kalagayan ni Meni, hindi nila ito naipaglihim kay
Don Ramon. Nagalit si Don Ramon; sinaktan nito si Meni at halos patayin, Sa a-uki ni
Madlanglayon, pumayag si Don Ramon na ipakasal si Meni kay Delfin, Subalit nagpagawa ng
isang testamento na nag-iiwan ng lahat ng kayamanan sa dalawa niyang anak; si Meni ay hindi
pinagmanahan.
Si Meni ay nagtiis sa buhay-maralita sa bahay na pawid na tahanan ni Delfin. Paminsanminsan, kung mahigpit ang pangangailangan, nagbibili siya ng mga damit o nagsasangla ng
kanyang mga alahas noong dalaga pa. Itoy labis na dinaramdam at ikinahiya ni Delfin at ng
kanyang ate, subalit wala naman silang maitakip sa pangangailangan. Sa simula, si Meni ay
dinadalaw ng dalawang kapatid, lalo na si Talia, at pinadadalhan ng pera at damit. Subalit ang
pagdalaw ay dumalang nang dumalang hanggang tuluyang mahinto, ay gayon din ang
ipinadadalang tulong. Samantala, si Don Ramon, sa laki ng kanyang kahihiyan sa lipunan dahil
sa kalapastangang ginawa ni Meni at ni Delfin, ay tumulak patungong Hapon, Estados Unidos
at Europa, kasama ang isang paboritong utusan. Wala na siyang balak bumalik sa Pilipinas.
= ay isinilang sa nayon ng San Jose, Bulakan, Bulakan noong Disyembre 12, 1858. Siya
ay bunsong anak nina Marcos Hernandez at Dominga dela Pea. Ang kanyang ama ay isang
platero, at ang hanapbuhay na ito ang kanyang ginamit upang maitawid ang kanyang pamilya
sa pang-araw-araw na pangangailangan.
=nagsimulang mag-aral si Tandang Anong (ito ang tawag sa kanya ng mga kasamahang
manunulat sa Muling Pagsilang) ng Kartilya at ang kanyang naging guro ay ang kanilang kapitbahay na si G. Marcelino Nuque. Sa murang edad na sampu ay nakitaan na siya ng pagkahilig
sa pagbabasa at pagsusulat.
Panahon ng Hapon
Noong Panahon ng Hapon, hindi rin naging maunlad ang nobela dahil sa kakulangan sa
materyales (papel) at niliitan ang mga letra (sa Liwayway).
Namayagpag sa panahong ito ang tulana mas pinaiksi at tinawag na: Haiku at Tanaga.
Panahon ng Republika
(19461972)
Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA). Iginawad sa kanya ang mga karangalang Patnubay ng
Lahi ng Maynila. Dangal ng Lahi ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa
kanya ang Republic Cultural Heritage Award sa Panitikan.
3.) Lualhati Bautista
=pinanganak sa Tondo, Manila noong 2 Disyembre 1945. Nagtapos siya sa Emilio
Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging
journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya
matapos ang kanyang unang taon.
= isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay
nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdangpampelikula. Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70.
4.) Amado Vera Hernndez (13 Setyembre 1903 24 Marso 1970)
=ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng
mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang
mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong
kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang
makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na
tumagal ng 13 taon bago nagwakas.
=narito ang buod ng pinakatanyag niyang nobela:
Luha ng Buwaya
Tumatalakay sa ginagawang panggigipit ng maykayang pamilya sa mga maralita at kung
paano nagkaisa ang nasabing mga dukha upang lutasin ang kanilang problema. Inilahad sa
nobela ang sistemang piyudal na kinakatawan nina Donya Leona at Don Severo Grande, na
nag-aari ng malalawak na lupain sa Sampilong. Ginamit ng mag-asawa ang kanilang salapi,
impluwensiya, at kapangyarihan upang paikutin at bulukin ang mga institusyong gaya ng
hukuman, simbahan, at pamahalaan nang mapanatili ang kanilang interes. Kalaban ng magasawa ang pangkat ng mga dukhang mula sa pook-maralita, na pinamumunuan ni Bandong. Si
Bandong ay isang guro na naging gabay ng mga tao sa makatwirang pagkilos laban sa mga
pamamalakad ng mag-asawang Grande. Nagbuo ng kooperatiba ang mga dukha sa pagnanais
na makaraos sa kahirapan. Tumindi ang tunggalian sa kuwento nang ipakulong si Bandong
gayong wala naman siyang kasalanan, at sa halip ay naghasik ng lagim ang mga tauhan ng
mag-asawang Grande. Sa dakong huli ng nobela'y matutuklasan na ang lupaing kinatitirikan ng
mga bahay ng mga dukha ay hindi pag-aari ng mag-asawang Grande. Mauunawaan din sa
wakas ng mga tao na sama-sama lamang na pagkilos nila mababago ang bulok na sistemang
piyudal sa lipunan.
Ang "luha ng buwaya" ay bulaklak ng dila na nangangahulugang "mapagbalatkayo" o
"pagkukunwari."
3.) Denny R.
= Si Denny R. (isinilang Pebrero 11, 1994 sa San Pablo, Laguna) kilala ng kanyang
sagisag-panulat na HaveYouSeenThisGirL, ay isang mahusay na manunulat manunulat na
inaabangan ng mga kabataan sa bagong henerasyon.
= Nakilala siya bilang may-akda ng Diary ng Panget (isang nobela) na unang lumabas
sa Wattpad at muling nailimbag ng Psicom. Naisa-pelikula rin ito at naipalabas noong Abril 2,
2014 na pinagbidahan nina James Reid, Nadine Lustre, Yassi Pressman, at Andrei Paras.
Titser
Ang nobelang Titser ni Liwayway Arceo ay sumesentro sa buhay ng mag-asawang
Amelita at Mauro na kapwa pinili ang propesyon ng pagtuturo. Nakapokus ang naratibo sa
mariing di-pagsangayon ni Aling Rosa, ang ina ni Amelita, sa pagsasamahan ng dalawa.
Sapagkat ang kanyang apat na anak ay nakapagtapos sa kolehiyo ng may "titulo," tutol si Aling
Rosa sa pagkuha ng kursong edukasyon ng kanyang bunso, dala na rin ng kaisipang hindi
titulong maituturing ang pagiging "titser", bukod pa sa kakarampot na sweldong nakukuha ng
anak. Gayunpaman, nakahanap ng pag-asa si Aling Rosa sa katauhan ni Osmundo, isang
binata mula sa pamilya ng mga haciendero na sumusuyo kay Amelita. Subalit nabigo muli si
Aling Rosa sapagkat iba ang iniibig ng kanyang dalaga, at ito'y walang iba kung hindi si Mauro,
isang ring guro sa pampublikong paaralan.
Nang malaman na ipapakasal siya ni Aling Rosa sa binatang si Osmundo, agad na
nagkipagisang dibdib si Amelita kay Mauro. Dahil sa pagkabigo, at dahil na rin sa poot sa
bunsong anak, umalis si Aling Rosa sa probinsya at nagbakasyon sa mga anak na nasa
Maynila. Bagamat doon ay hindi siya inaaasikaso ng mga anak, labis pa rin ang kanyang
kaligayahan dahil sa asensong tinatamasa ng mga ito, at ikinakatwiran na lamang sa sarili na
talagang abala ang mga taong mauunlad ang buhay. Samantala, sa probinsya, nagdesisyon rin
ang binatang si Osmundo na umalis na sa nayon at magtungo sa Estados Unidos. Ngunit bago
mangyari ito ay gumawa siya ng maitim na plano laban sa mga bagong kasal. Inutusan niya
ang isa sa mga katiwala na patayin si Mauro. Subalit wala sa kaalaman ni Osmundo na hindi ito
ginawa ng kanyang inutusan sapagkat ang anak nito ay minsan ring pinagmalasakitan ng
gurong si Mauro. Nasa ikapitong buwan pa lamang ng pagdadalantao si Amelita nang
ipinanganak ang kanilang anak na si Rosalida. Dahil kulang sa buwan ang bata ay kailangan
nitong manatili sa ospital. Nalaman ito ni Aling Rosa at agad na binisita ang anak, sa kabila ng
hinanakit. Kahit ganito ang sitwasyon, hindi pa rin tumitigil ang ina ni Amelita sa pagsasaring
ukol sa mahirap na pamumuhay ng mag-asawa. Ipinamumukha pa rin niya ang matinding
pagtutol sa manugang na si Mauro.
Lumipas ang ilang taon. Lumaki si Rosalida na isang mabait at matalinong bata. Isang
araw ay nagbalik si Osmundo sa probinsya, at nagkaroon ng malaking pagdiriwang para sa
kanyang pagdating. Doon muling nagkatagpo sina Mauro at Osmundo, subalit kinalimutan na
ng dalawa ang nakaraan. Taliwas naman dito ang nadaramang pangamba ni Amelita sa
pagbabalik ng masugid na panliligaw. Nararamdaman nitong may plano itong masama laban sa
kanyang pamilya.
Hindi pa rin nawawala ang pag-ibig ni Osmundo kay Amelita, kahit na may asawa't anak
pa ito. Nagkaroon ng pagkakataong makilala niya si Rosalida, at naging magaan ang loob nito
sa bata. Isang araw ay naisipang ipasyal ni Osmundo si Rosalida sa kanyang hasyenda. Wala
ito sa kaalaman nina Mauro at Amelita, at labis na nag-alala ang mag-asawa. Buong akala nila'y
si Rosalida ang paghihigantihan ni Osmundo ngunit di naglaon ay nagbalik rin ang bata,
ipinagmamalaki pa ang kabaitang ginawa ni Osmundo. Di nagtagal, napagkuro na rin ni
Osmundo na tuluyan ng tumira sa ibang bansa at kalimutan ang minamahal na si Amelita.
Nagkaroon ng malubhang karamdaman si Aling Rosa. Hinanap niya ang kanyang mga anak
ngunit wala ni isa mang dumating maliban kay Amelita na matiyagang nag-asikaso sa kanya.
Pawang gamot at padalang pera lamang ang ipinaabot ng apat na anak. At doon natauhan ang
matanda sa kanyang pagkakamali.
______________________________________________________
__
Filipino 17:
Dula at Nobelang Filipino
Mga Kilalang Nobelistang Pilipino sa Ibat ibang
Panahon
______________________________________________________
____
IPINASA NI: