Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ILEGAL NA DROGA

Isang pagbati ng magandang araw sa aking mga nagkikisigan at


nagyuyumihang tagapakinig.
Marijuana, cocaine, shabu, at green apple, ilan lamang yan sa listahan
ng mga ilegal na droga. Masama sa kalusugan, isa sa pangunahing dahilan
ng kriminalidad at nakamamatay, bakit kaya na sa dami ng masamang
benepisyo ng droga patuloy pa rin ito tinatangkilik ng maraming tao?.
"Kapit sa patalim". Iyan na siguro ang natatanging paraan ng ilan sa
ating kababayan upang makaahon. Pagbebenta ng ilegal na droga na
marahil ang una sa listahan ng mga taong kumakapit sa patalim. Nagtalaga
na ang pamahalaan ng iba't-ibang programa upang matuldukan ang laganap
at lantarang pagbenta at paggamit ng ilegal na droga, ngunit hanggang
ngayon patuloy pa rin ang talamak na bentahan ng ilegal na droga sa
anumang bansa. Kaya ang malaking tanong, paano natin matutuldukan ang
suliraning iyon?
Kahirapan na marahil ang numerong uno sa listahan kung bakit
nahahantong ang iba sa atin sa ganitong mga ilegal na gawain. Mas
pinipiling isakripisyo ang sariling kalayaan para sa ikabubuti ng kanilang
pamilya. Ngunit, ang mas nakalulungkot rito ay ang pagkasangkot ng mga
kabataan sa pagtutula at paggamit ng ilegal na droga. Dumarami na ang
bilang ng mga kabataan na nalululong sa paggamit ng ilegal na droga na
nagiging sanhi ng paggawa ng krimen at ang lumulobong bilang ng mga
kabataan na nahuhuli sa kaso ng pagtutulak ng droga. Nakababahala na ang
mga ganitong ulat, pero bakit hanggang ngayon talamak pa rin ang mga
kabataan na nasasangkot sa ilegal na droga at maraming kabataan pa rin
ang nakagagawa ng krimen dahil sa pagkalulong.
Higit na marami ang mga bilang ng masamang naidudulot ng ilegal na
droga sa kabataan at sa bawat isa kaysa sa magandang naidudulot nito sa
ating katawan. Kalusugan ang unang sinisira ng ilegal na droga sa ating
katawan. Mabilis mong makikilala ang katawan ng isang taong lulong, sa
kadahilanang hindi sila kumakain at natutulog, mapapansin natin ang
kapayatan nila at mga mapupula at malalalim nilang mata. Isang
panandaliang pampaalis problema pero panghabangbuhay na pasakit at
pagdudusa. Nakagagawa ng isang karumal-dumal na krimen dahil wala sila
sa huwisyo dulot ng pagkalulong sa ilegal na droga.
Ngunit, hindi lang ang katawan ang unti-unting pinapatay ng ilegal na
droga kundi maging ang makulay at magandang kinabukasan ng mga taong
lulong sa ilegal na droga. Lalo na ang mga kabataang na sa murang kaisipan
ay natuto nang magtulak at magbenta ng droga. Nasisira na ang kanilang
buhay, ang kanilang magandang kinabukasan dahil nasasakop na ang
kanilang isipan at katauhan ng isang mapanirang ilegal na droga.
Pagkakulong, pagpatay, at marami pang iba, lahat ng iyon ay nagiging sanhi
ng pagguho ng ating pangarap at buhay.
Dinudungisan natin ang ating dignidad at pagkatao dahil ang ilan sa
atin ay mas pinipiling gumamit ng ilegal na droga upang takasan ang

problema at pinipiling kumapit sa pagtutulak ng ilegal na droga upang


guminhawa. Alam nating lahat na ang kahirapan ang nagiging dahilan ng
ating pagdudusa, at ang mabilis na pera sa pamamagitan ng pagtutulak ng
ilegal na droga ang mas pinipiling kasagutan ng iba. Ngunit, hindi lang ang
pansariling kinabukasan ang sinisira ng ilegal na droga, maging ang
sinumang tumatangkilik rito. Ibig sabihin, mas niluludmok tayo ng ilegal na
droga sa masklap na kahirapan kesa sa umaahon.
Pagkatatandaan natin na ang paggawa ng maling gawain ay
kailanma'y hindi magiging daan upang umahon dahil ang tunay na
kasagutan ay pagsisikap sa paraang naaayon sa batas ng tao at sa batas ng
Diyos. Kaya habang may panahon pa upang magbago, dapat tayo magbago,
at kung may panahon pa upang tumanggi, dapat tayo tumanggi. Maraming
paraan para umahon at ang ilegal na droga ay hindi kasama roon, matuto
tayong magsikap at magtiwala sa sariling kakayahan dahil ang ating sarili
mismo ang susi ng pag-unlad.
Huwag tayo magpadala sa pansamantalang ligaya na ibinibigay ng
ilegal na droga at huwag tayo magpasilaw sa panandaliang pera sa paggawa
ng masama, dahil lahat ng ating aksyon na ginagawa ay may karampatang
kaparusahan.
Bago matapos ang aking talumpati may isang bagay lang akong hihilingin.
Sabay-sabay nawa nating itanggi ang paggamit ng ilegal na droga dahil ang
boses natin ang kikitil sa mapanirang gawain na ito. Kaya, sabay-sabay
nating isagaw, "SAY NO TO ILLEGAL DRUGS!".

Era, Renelyn S.
BSMT

You might also like