Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

SULTAN KUDARAT STATE UNIVERSITY


College of Graduate Studies
EJC Montilla, Lungsod ng Tacurong

PANUNURING PAMPANITIKAN
ISANG PAGSUSURI SA KANTANG BAHAY NI GARY GRANADA
I. Panimula
Ang bahay ay isang lugar o pook na nagsisilbing tirahan at silungan ng
pamilya o pangkat ng tao. Ang bahay o tahanan, sa pinakapangkalahatang
kamalayan, ay isang kayarian o istrukturang gawa ng tao at isang tirahan na
napalilibutan ng mga dinding at may bubong. Nagbibigay ito ng kanlungan sa isang
nilalang laban sa presipitasyon, hangin, init, lamig, at mga tao o hayop na ibig
pumasok na walang pahintulot. Kapag ginagamit bilang isang kinagawiang tirahan
para sa mga bisiro, tinatawag na tahanan ang isang bahay (bagaman kadalasang
tumitira sa loob ng bahay ang mga hayop, mga alaga man o hindi katulad ng mga
dagang naninirahan sa loob ng mga dinding). Maaaring wala sa tahanan ang mga
tao, sa halos buong araw, upang magtrabaho at maglibang, ngunit karaniwang
umuuwi sila sa bahay para mamahinga, kumain at matulog.
Sa pangkalahatan, kadalasang may isang pasukan ang isang bahay sa
anyo ng isang pinto o isang portal, at maaaring may ilang bilang ng
mga durungawan o
wala
man. Tahan ang salitang-ugat ng
tahanan,
na
nangangahulugang pagtigil ng pag-iyak (katulad ng pagpapatigil ng pag-iyak ng
isang sanggol) o pagpawi ng kalungkutan. Sinasabing napapawi ang lahat ng
lungkot ng tao kapag nasa loob siya ng kaniyang sariling tahanan. Sa
isang metapor, pinaghihiwalay ang kahulugan ng bahay at tahanan: na tumutukoy
ang bahay sa pangkalahatang kayarian, samantalang tumutukoy naman ang
tahanan sa pakikipag-ugnayan sa pamilya sa loob ng isang bahay.
Ang papel na ito ay magbibigay ng pagpapahalaga sa isang awiting
nilikha ni Gary Granada na pinamagatang Bahay. Ayon sa kanta, labinlimang maganak ang nagsisiksikan sa isang maliit na barong-barong na yari sa table, karton at
kalawanging yero na pinatungan ng gulong at malalaking bato. Sila doon ay nagtitiis
na magkasya sa papag na gutay-gutay na kung ipaghahambing lamang, mas
mainam pa ang himlayan ng mga patay sa sementeryo kaysa sa kanilang
kalagayan. Batay sa persona sa awit, itoy kanyang isinangguni sa isang propesor at
senador kung maituturing ba itong bahay. Iniiwan niya ngayon sa mga mahiligin sa
awit ang pagpapasya kung sa mata rin kaya ng Maylikha ay matatanggap Niya rin
ang istrukturang ito bilang isang bahay.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
A. Paksa at Tema
Ang awiting ito ay pumapaksa sa isang istrukturang gawa sa karton, tabla
at yero na pinamamahayan ng labinlimang mag-anak at tinatawag na bahay. Sila
ay nagsisiksikan at pinagtiisan ang gutay-gutay na sahig at papag.

Ipinakikita lamang ng awitin ang kalagayan ng hikahos na mag-anak na


halos hindi na magkasya sa tahanan na gawa nila at may ilang malalaking
tahanan naman na halos walang nakatira. Alin man sa dalawang anyo ng tirahan
ay maituturing pa ring bahay.
B. Simbolismo
Ang bahay-tambakan ay sumisimbolo ng bahay-iskwater. Isinalarawan
ang kinaroroonan ng bahay. Ang tablat karton ay nagpapakita naman ng
karukhaan ng mag-anak kung saan wala silang ibang gamit para labanan ang
hinahamog nilang katawan. Ang dyaryo at pulpito naman ay nagpahihiwatig ng
katanyagan at impluwensiya sa lipunan.
C. Uri ng Akda
Ang akda ay mauuri bilang isang tula. Tulang nilapatan ng himig ng awtor
kaya nagiging awit ang teksto. Ang akdang ito ay maihahanay sa mga tulang
naglalarawan.
D. Magandang Pahayag
Ang huling saknong ng awitin ay nagpapahayag ng kapasyahan ng awtor.
Ito ay nagpaaabot ng mabuting pahimakas ng may-akda kung saan iniiwan nito
ang hatol sa tagapakinig.
III. Pagsusuring Pangkaisipan
A. Mga Pahiwatig at Kaalaman
Maraming mumunting bahay din ang nagsulputan kung saan-saang
iskinita, bangketa, ilalim ng mga tulay, at kung saan-saan pang kakatwang lugar
magkaroon lamang ng bahay na mauuwian. Ang bahay ang siyang kanlungan.
Ang mga kasama sa bahay ang siyang nagiging molde na humuhubog sa ating
buong pagkatao at di kalaunan, ang bahay ay nagsisimula nang maging
tahanan.
B. Mga Aral at Implikasyon
Maraming Pilipino ang nakatalang walang sariling bahay. Nagkalat ang
mga iskwaters sa ibat ibang lugar lalo na sa Kalakhang Maynila kung saan
iniisip ng maraming taga lalawigan na nasa siyudad umano ang ikaaangat ng
buhay.
Sa kabilang dako, marami na ring nagtataasan at naggagandahang mga
gusali na kung tawagin natin ay condo. Ito naman ang bahay para sa mga
Pilipinong may mataas na antas sa kabuhayan at may kakayahang mamuhay sa
tinatawag na high profile lifestyle. Kumbiniyense raw ang pangunahing dahilan
ng mga naninirahan dito. Malapit sa kanilang trabaho, malapit sa mga mall, sa

airport, sa alta sosyedad na kanilang ginagalawan. At diumanoy maraming


pasilidad na nakawiwili tulad ng mga swimming pools, gym, laundry, salon, atbp.
Mabuti na lang at higit na nakararami ang mga bahay na kung tawagin ay
bungalow, 2-storey, townhouse at apartments. Ang ilan sa mga ito ay may
sariling bakuran kahit may kaliitan. May espasyo pa para sa inang kalikasan.
Mga puno, mga halaman, sariwang hangin. Napakahalaga din kasi ng kalikasan
sa ating tirahan. Ngunit gaano nga ba kahalaga ang bahay sa tao? Bukod sa
silungan ng mga pamilya? Hindi lamang ito ang bubong na ating masisilungan at
matutulugan kapag tayoy nakauwi na. Higit sa pisiolohikal na silbi nito ang
malalim na kahalagahan ng tirahan para sa bawat tao. Ito ang ating pugad na
pinagmumulan ng pagkabuo ng ating pagkatao, ng ating mga asal, mga nagiging
pananaw sa buhay.
Ang tahanan ang siyang nagiging pugad ng mga pusong nananahan sa
itinayong bahay. May pagmamahalan, may pagdadamayan, may mabuting
relasyon, at nagtuturo ng magagandang asal at pananaw sa buhay. Hindi sa laki
o gara ng bahay nakasalalay ang tibay ng pundasyon ng isang tahanan. Ito ay
nasa pagsisimula ng ating mga magulang at sa patuloy na pagsisikap na gawing
tahanan ang ating mga bahay.
C. Ang Kalakasan at Kahinaan ng Pagkakasulat
Pinupuri ko ang komposisyong ito dahil sa literal nitong inilalarawan ang
kalagayan ng mga mumunting bahay na pinamamahayan ng mga hikahos nating
kababayan. Mga kabahayan na kadalasang matatagpuan sa kalunsuran. Mga
pamilyang naghahanap ng kanlungan sa lupang di naman nila pagmamay-ari.
Ipinaaabot ng kompositor ang kanyang gunam-gunam sa kayarian ng bahay sa
pamamagitan ng pagsangguni sa ilang personalidad na maaaring makatulong sa
kalagayan ng mga pamayanang ito.
Sa kabilang dako, nakukulangan lang ako sa implikasyon ng awitin.
Marahil halos hindi gaanong napabantog ang awiting ito dahil sa di-napuna ng
publiko ang interes ng kanta.

You might also like