Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang mga Tungkulin ng Wika Hulyo 31, 2016

Ang mga Tungkulin ng Wika


Marc Dominic C. Rostrata
Laiza Angela M. Castillo
Mirandha Kheana L. Melendres
Sander Adam S. Bautista

Ang mga Tungkulin ng Wika

Ang mga Tungkulin ng Wika Hulyo 31, 2016


Bago magsimulang ang lahat ay nais lang naming magpasalamat sa mga tao sa likod ng
pahayag na ito, sa mga taong naging daan para maging matagumpay ang aming pagpapahayag:
Unang una sa lahat ay ang St. Paul College Balayan sa pagbibigay sa amin ng opurtunidad na
makapag-aral sa isang prestihiyosong paaralan.. Kay Sr. Maria Yolanda Caridad Orpilla, SPC,
ang punong-guro ng St. Paul College Balayan sa pagbibigay ng magandang eduksayon. Kay Sir
Marlon Gamez, ang Campus Minister ng St. Paul College Balayan, sa patuloy na pag-sasaayos
ng lahat ng dapat sa paaralan. Kay Sir Arvin Arquileta, ang adviser ng aming klase, sa patuloy na
pag-gabay at pagbibigay ng motibo sa pag-aaral. Kay Sir Raymart Basco, ang guro ng
asignaturang Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (KPWK), sa
pagbibigay ng opurtunidad na payabungin, pag-aralan, ipahayag at sagapin ang impormasyon
para sa pahayag na ito, At sa Panginoong Diyos Amamg Makapangyarihan, sa pagbibigay ng
walang katapusang grasya sa araw-araw naming pagkabuhay sa mundong Iyong ginawa para sa
amin. Salamat po sa Inyo sapagkat kung wala Ka ay wala rin kami.

Ang mga Tungkulin ng Wika

Ang mga Tungkulin ng Wika Hulyo 31, 2016


Ang wika ay mahalaga. Ito ay ginagamit natin araw-araw at minsan ay hindi natin ito
nabibigyan ng halaga. Ginagamit natin ito sa pakikipagtalastasan sa kapwa nating tao. Sa
pamamagitan ng wika ay na-ipapahayag natin an gating nadarama, saloobin, opinyon, at mga
bagay-bagay. Sa pamamagitan ng wika ay nalalamn natin ang gusto nating ipahiwatig sa kapwa
nating tao at dahil sa wika ay naiintindihan at nagkaka-unawaan tayong lahat sapagkat ito ang
nagbubuklod at nagpapasama sa isang bansa, nasyon, lipunan o tribo. Ang wika ay ang kaluluwa
ng isang bansa o lipunan. Ito ay tumataguyod rin bilang isang sagisag ng isang bansa o
lipunan. Ito ay ang susi sa pagkakaroon ng pagbuklod ng isang lipunan. Ito ay sumasalamin rin
sa pagkatao o pagiging mamamayan ng isang bansa.
Layunin ng mga akda na ito ay ang mga sumusunod:

Kahalagahan ng tungkulin ng wika


Magbigay ng kaalaman ukol sa ibat ibang tungkulin ng wika
Mapayabong ang kaalaman ng tao ukol sa tungkulin ng wika.
Mabigay ang ilang tungkulin ng wika
Ang wika ay may mga tungkulin. Ito ay tinatawag na Tungkulin ng Wika. Ayon sa isang

website na Teksbok, ito raw ay isang:


Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng
karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang
disiplinang

pang-akademya

kung

saan

pinag-aaralan

ang

pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap


kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng
bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito. Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa
3

Ang mga Tungkulin ng Wika

Ang mga Tungkulin ng Wika Hulyo 31, 2016


gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita
o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos
ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa
pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi
nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang wika. Pagsasalitaan ang tawag sa isang
paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan tungkol sa isang paksa sa pagsasaulo ng mga
bagay. Sa pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.
Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais
sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin
sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang
lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan
nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng
mga tao.
Ayon sa Haslett (2008), Ipinahahayag ni Malinowski na ang wika ay repleksiyon ng
panlipunang pangangailangan at konteksto. Ang ibig sabihin sa Haslett ay ang silbi at tungkulin
ng wika ay nalilikha alinsunod sa papel na ginagampanan nito sa isang particular o piling kulura.
Ibat iba ang tungkulin ng wika. Pito ang tungkulin ng wika. Ito ay ang Instrumental,
Heuristiko, Regulatori, Interaksyunal, Imahinatibo, Personal, at Representasyunal. Tatlo lang
ang aming tinalakay at inihayag sa aming ulat. Ito ay ang Instrumental, Regulatori at Heuristiko.

Ang mga Tungkulin ng Wika

Ang mga Tungkulin ng Wika Hulyo 31, 2016


Instrumental
Ayon sa may-akda ng librong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino na inilimbag ng kompanyang Rex Bookstore ay ang Instrumental na tungkulin ng wika,
layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangagailangan ng nagsasalita. Ginagamit
ang wika para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan, at pagpapasiya ng tagapagsalita. Sa
aktuwal na karanasan, materlayes, pagsasadula, at panghihikayat. Kailangang gamiting mabisa
ang instrumental na gamit ng wika sa pamamagitan ng paglilinaw at pagtitiyak ng
pangangailangan, naiisip o nararamdaman. Ayon naman sa website na Teksbok, ang Instrumental
ay tumutugon sa pangangailangan. Halimbawa: pasalita: pag-utos, pasulat: liham pang-aplay.
Regulatori
Ayon sa may-akda ng librong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino na inilimbag ng kompanyang Rex Bookstore ay ang Regulatori na tungkulin ng wika ay
may kakayahang makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba. Magagamit ng
tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos, at humiling sa
kaniyang kausap o sinoman sa kaniyang paligid. Madalas, may negatibong konotasyon ang ideya
ng pagkontrol, ngunit maari naming isagawa ito sa positibong paraan ng angkop na paggamit ng
wika. Kailangang maging malinaw na ang anomang uri ng komunikasyon ay makapangyarihan;
maaring positibo ngunit maari ding maging negatibo ang implikasyon sa kapuwa tagapagsalita at
tagapakinig. Halimbawa, sa berbal na komunikasyon, maaring gamitin ang regulatori na
tugnkulin ng wika upang positibong hikayatin ang isang tao kung iinsultuhin ang isang tao dahil
sa kaniyang limistasyon. Bagaman, maari din naman talaga nating tulungan umunlad ang isang

Ang mga Tungkulin ng Wika

Ang mga Tungkulin ng Wika Hulyo 31, 2016


tao kung ipapaabot natin sa kanya ang mga kahinaan niya para mabigyan ng pagkakataong
mapagbago at umunlad.
Maaring gamitin ang regulatori na tungkulin ng wika sa mga aktuwal na karanasan ng
pagbibigay ng panuto, batas, at pagtuturo. Halimbawa sa idelohiya ng mga negosyante at
kapitalista,

ginagamit

nila

ang

wika

sa

mga

patalastas

upang

manghikayat

at

maimpluwensyaham ang mga konsyumer na bilhin ang produkto dahil nililikha nila sa isip ng
kausap ang pangangailangan nila sa produkto (kailangan mo ito) at nag-uutos na gayahin o
gamitin ang kanilang produkto (gawin mo ito...) para sa interes ng kapital.
Ayon naman sa website na Teksbok, ang Regulatori ay kumokontrol/gumagabay sa kilos o
asal ng iba. Halimbawa: pasalita: pagbibigay ng direksiyon; pasulat: panuto.
Heuristiko
Ayon sa may-akda ng librong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino na inilimbag ng kompanyang Rex Bookstore ay ang Heuristiko na tungkulin ng wika ay
ginagamit ito sa pag-aaral at pagtuklas upang makapagtamo ng kaalaman ukol sa kapaligiran.
Sumusulpot ang ganitong heuristikong tungkulin ng wika sa mga pagkakataong nagtatanong,
sumasagot, o dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos ng isang bata o indibidwal. Maari
in na sumulpot sa paraan ng pag-alam sa mga bagay-bagay, pagdududa, o palagay. Sa aktuwal na
karanasan, maaring Makita ang tungkulin ng wikang heuristiko sa mga gawain ng
imbestigasyon, pagtatanong, at pananaliksik.
Ayon naman sa website na Teksbok, ang Heuristko ay naghahanap ito ng datos o
impormasyon. Halimabawa: pasalita: pagtatanong; pasulat: survey.

Ang mga Tungkulin ng Wika

Ang mga Tungkulin ng Wika Hulyo 31, 2016

Ayon sa mga may-akda ng pahayag na ito ay inirerekomenda na magsaliksik pa tungkol sa


ibat ibang tungkulin ng wika. Magsaliksik pa ng ukol sa tatlong nabanggit naming tungkulin ng
wika, Instrumental; Regulatori; at Heuristiko sapagkat hindi naming naitala lahat ng
impormasyon o kaalaman ukol sa tatlong tungkulin na aming binanggit. Nais naming ipaalam sa
mga nagbasa ng pahayag namin na ipagpatuloy ang pananaliksik kung mayroon hindi
maitindihan o mauwanaan ukol sa aming pahayag.

Ang mga Tungkulin ng Wika

Ang mga Tungkulin ng Wika Hulyo 31, 2016

Hindi magiging matagumpay ang aming pahayag kung hindi kami lumaganap at kumaha ng
impormasyon o kaalaman sa mga sumusunod na mga sanggunian:

http://thenzai-thenzai.blogspot.com/2009/06/kahalagahan-ng-wika.html
Mga may-akda ng librong Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang

Pilipino na inilimbag ng kompanyang Rex Bookstore


http://www.slideshare.net/pesiaplaza6291/ang-tungkulin-ng-wika

Ang mga Tungkulin ng Wika

You might also like