Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mabisang paggamit at interpretasyon ng komunikasyong hindi

pasalita, komunikasyong hindi binibigkas o pakikipagtalastasang hindi


pasambit (Ingles: nonverbal communication)
ano ang Komunikasyong hindi pasalita?
Ito ay kadalasang nauunawaan bilang proseso ng komunikasyon sa pamamagitan
ng pagpapadala at pagtanggap ng mga palatandaan o hudyat na walang salita sa
pagitan ng mga tao, na karamihan ay nakikita o napagmamasdan ng mata. Ang
mensahe ay naipababatid sa pamamagitan ng mga galaw at paghipo, sa
pamamagitan ng wika ng katawan o tikas, sa pamamagitan ng pagpapahayag ng
mukha at pagtitinginan.
Ang Komunikasyong Di-Berbal
Ayon kay Mehrabian, ang kabuuang epekto ng komunikasyon ay maaaring ipahayag
sa pamamagitan ng pormulang ito:
Kabuuang Epekto = .07 Berbal + .38 Tinig + .55 Mukha
Marahil ay sasabihin nating labis naman ang pagpapahalagang ibinibigay ng
pormulang ito sa mga senyas na di-berbal tulad ng tinig at mukha. Marahil nga,
ngunit kung iisipin natin kung gaano kalimit nating ginagamit ang ating mga mata
kaysa ating mga tainga, mauunawaan natin kung bakit ganito na lamang ang
pagpapahalaga ni Mehrabian sa mga senyas na di-berbal.
Sa katotohanan, malaki ang pagkakaugnay ng mga senyas na di-berbal at ng
sagisag na berbal. Ang pagkakaugnay na ito ay nakikita sa paraan ng paggamit
natin ng mga senyas na di-berbal.

Mga Paraan ng Paggamit ng mga Senyas na Di-Berbal


1. Ang mga senyas na di-berbal ay kapupunan ng komunikasyong berbal.
Kalimitan, inuulit ng mga kumpas o ng mga aksiyon ang mga ideyang ipinahahayag
sa pamamagitan ng wika. Halimbawa maaari nating sabayan ng kumpas na
naglalarawan ang pangungusap na, Ganito nang kataas ang aking bunsong
kapatid. O kaya naman ay maaaring sabayan ng ngiti ang pangungusap na,
Nasisiyahan ako sa nakuha kong marka sa pagsusulit. Kung kumplementaryo ang
gamit ng mga senyas na di-berbal at ng wika, nagsisilbing patibay ang una sa
isinasaad ng wika.
2. Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika. Sa
ating kultura, ang pagtango ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang oo, ang
pag-iling ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang hindi. Matapos ang isang
laro ng basketball, halimbawa, hindi na kailangang gumamit ng wika ang mga
manlalaro upang ipahayag kung nanalo sila o natalo. Naipapahiwatig ang kanilang
kasiyahan sa pagkapanalo o kaya nama'y kalungkutan sa pagkatalo sa

pamamagitan ng galaw ng kanilang katawan.


3. Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika.
Alam na nating higit na ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig. Sa
mga senyas na di-berbal at ng wika, higit na pinaniniwalaan ng tagapakinig ang
ipinahihiwatig ng una. Halimbawa, kung ang kasabay ng pangungusap na Masaya
naman ako ay malamlam na mga mata at pilit na ngiti, dalwang mensaheng
magkasalungat ang ikinukumunika. Nagiging suliranin ng tagapakinig kung alin sa
dalawang mensahe ang dapat bigyan ng reaksiyon.

Mga Uri ng Komunikasyong Di-Berbal


1. Komunikasyon sa pamamagitan ng paghipo Ito ay may tanging
kahalagahan sa atin sapagkat ito ang unag paraan ng komunikasyong naranasan
natin bilang sanggol. Ang pagkalong, pagyapos, o pagtapik sa atin ay nakatutulong
sa pagpapatibay ng tiwala sa sarili. Habang tayo ay lumalaki, natututuhan nating
gamitin ang paghipo upang ipahayag ang ating mga damdamin.
2. Komunikasyon sa pamamagitan ng espasyo Ayon kay Edward Hall, ang uri
ng ugnayang namamagitan sa mga tao ay maaaring ipahiwatig sa pamamagitan ng
apat na uri ng distansiya: a) sa distansyang pampubliko, ang mga kalahok ay
magkakalayo ng mga labindalawang talampakan o higit pa. Ang ugnayan ay pormal
tulad ng namamagitan sa isang komunikasyong pampubliko; b) sa distansyang
sosyal, ang mga kalahok ay magkakalyo ng mga apat hanggang pitong talampakan.
Ito ay angkop sa mga talakayan ng mga mangangalakal at kombersasyon sa mga
pagtitipon. Ang layong ito hanggang labindalawang talampakan naman ay angkop
para sa mga pulong. Ang mga taongnasa loob ng silid na pinagdarausan ng pulong
ngunit wala sa loob ng distansiyang ito ay hindi dapat maghinanakit kung hindi sila
kabilang sa interaksiyon; c) sa distansyang personal, ang mga kalahok ay
magkakalayo ng isa't kalahati hanggang apat na talampakan. Ang distansiyang ito
ay para sa magkakaibigan o higit pang malapi na pakikipag-ugnayan; d) sa
distansyang pangtapatan ng loob ang mga kalahok ay magkakalayo ng hindi hihigit
sa labindalawang dali. Ang paksang tinatalakay ng mga kalahok ay kalimitang lihim.
Ang tinig ay mahina at higit ang gamit ng mga senyas na di-berbal.
Isa pang aspeto ng komunikasyong ito ay ang paraan ng pag-aayos ng isang silid.
Halimbawa, ang posisyon at kapangyarihan ng isang tao sa organisasyon ay
maaring ikomunika sa pamamagitan ng ayos ng silid. Ang pinakabago sa mga
empleyado ay maaaring idestino sa pinakamalapit sa pinto.
3. Komunikasyon sa pamamagitan ng oras Karaniwan nang may iniuugnay
tayong mensahe sa paraan ng paggamit ng oras. Pamilyar tayo sa tinatawag na
Filipino Time. Ang mga Pilipino ay karaniwang sadyang nagpapahuli sa mga
pagtitipon upang hindi masabing sabik sa pagdalo. Kaya't kapag nagkataong

dumating sa takdang oras, hindi agad tumutuloy sa pagdarausang ng pagtitipon.


Nagpapabalik-balik muna sa kalye upang magpalipas ng ilang sandali. Ang mga
Kanluranin naman, tulad ng mga Amerikano, ay sadyang maagap at nasa oras.
Marami pang halimbawa ang maibibigay natin: Ano ang mensaheng iniuugnay natin
sa pagtunog ng telepono sa hatinggabi? Ano ang mensaheng iniuugnay natin sa
matagal na pagsagot sa ating liham ng isang kaibigan? Ano ang mensaheng
iniuugnay natin sa paanyayang ipinadala sa atin sa araw mismo ng pagtititpon?
4. Komunikasyon sa pamamagitan ng katahimikan Ang katahimikan ay may
ikinukumunika rin. Sa pamamagitan ng hindi pagkibo ay maaaring ipahiwatig ang
ating pagdaramdam, pagkagalit, o ang kawalan ng hangaring makipag-uganayan.

Ang mga nabanggit ay halimbawa ng komunikasyong di-berbal. Ngunit higit na


malinaw at tiyak ang kaugnayan sa komunikasyon ng mga halimbawang ibinigay
nina Reusch at Kees na:
1. Komunikasyon sa pamamagitan ng senyas Kabilang sa kategoryang ito
ang lahat ng kumpas na ginagamit sa halip ng salita, bilang at pagbabantas. Mga
halimbawa ay ang simpleng iisahing pantig na kumpas na ginagamit sa telebisyon
upang sabihing oras na para sa patalastas o kaya'y ang higit na kumplikadong
sistema ng kumpas na ginagamit ng mga bingi at pipi.
2. Komunikasyon sa pamamagitan ng aksiyon Kabilang dito ang lahat ng uri
ng paggalaw tulad ng paglakad o kaya'y pagkain. Ang paraan ng paggalaw ay
maaaring bigyan ng kahulugan ng mga nakakakita. Halimbawa, mayroon tayong
tinatawag na mahinhing lakad o nagmamadaling lakad o tamad na lakd. Ganoon
din, ang pagmamadali sa pagkain ay maaaring iugnay sa laki ng gutom o sa paraan
ng paggalaw sa hapag-kainan na itinuro sa atin.
3. Komunikasyon sa pamamagitan ng mga obheto Kabilang dito ang lahat ng
sadya at hindi sadyang pagpapakita ng mga obheto tulad ng mga alahas, damit,
aklat, disenyo ng bahay, atbp. Halimbawa, ang singsing sa palasingsingan ng
kaliwang kamay ay nagpapahiwatig na ang may suot ay may nobyo na; ang salamin
sa mata ay nagbibigay daw ng impresyong matalino ang gumagamit nito bagama't
ang angkop na kahulugan ay ang ikinukumunikang kalabuan ng mata ng nagsuuot
ng salamin.
Ang tatlong ito, ang senyas, aksiyon at obheto, ay may higit pang angkop na gamit
sa komunikasyong pasalita na nagsisilbing mensahe tulad ng ekspresyon ng mukha,
pisikal na kaanyuan, paraan ng pagdadala sa sarili, paraan ng pagtingin sa
tagapakinig, kumpas at paggalaw.

You might also like