Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

LARANGAN NG MUSIKA

Kilala si Julian Felipe sa kanyang tugtugin o kompositiong "Himno


Nacional Filipino." Ipinalikha sa kanya ni Heneral Emilio Aguinaldo ang
makabayang musikang ito para sa kalayaan ng bansa. Unang ipinarinig ang
tugtuging ito noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite. Iyan ang pinagbatayan
ng kasalukuyang pambansang awit.
Bukod sa pagiging kompositor, si Julian Felipe ay
tumutugtog din ng organ sa simbahan ng Cavite.

siyang tumugtog
biyulin, cello, at
Julian
Felipe.
tanyag na mga
niya ay ang mga
"Motherland,"

Isa pang kilalang Pilipino sa larangan ng


musika siNicanor Abelardo. Magaling
ng mga instrumento gaya ng guitara,
piyano. Isa rin siyang kompositor tulad ni
"Nasaan Ka, Irog?" ang isa sa kanyang
komposisyon. Ang iba pang mga kinatha
sumusunod:
My
Native
Land,"
"Bituing Marikit," at "National Heroes Day."

Mayroon din kilalang biyulinista. Siya si Gilopez Kabayao. Natutuo


siya ng biyulin mula sa kanyang ama nang siya ay pitong taong gulang pa
lamang. Marami na siyang pinagwagihang paligsanhan sa pagtugtog ng
biyulin sa ibang bansa. Nagbibigay pa siya ng walang
bayad na konsiyerto para sa mga batang mag-aaral.

LARANGAN NG SAYAW

Sa larangan naman ng sayaw, si Francisca Reyes


Aquino na isang guro ang nangunguna sa paksang ito.
Malawak ang ginawa niyang pag-aaral sa mmga
katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga
katutubong sayaw. Masusi niyang pinag-aralan ang mga
katutubong sayaw ng iba't ibang lugar ng bansa nang
may dalang kamera at tape recorder upang magsaliksik
ng mga sayaw. Sinulat niya ang lahat ng hakbang ng
sayaw na kanyang namamasid na hindi niya binago ang
orihinal na galaw nito.
Tiyaga dedikasyon ang kinailangan niya sa
kanyang gawain. Natapos niyang sulatin ang kanyang
mga aklat sa sayaw kasama ang musika at kaukulang hakbang nito. Dapat
siyang maipagmalaki. Natatangi ang mga ginawa niya.

LARANGAN NG PAGLILOK
Tinaguriang isa sa magagaling na eskultor ng bansa
siGuillermo Tolentino. Kilala ang mga ginawa niyang sagisag ng
Republika ng Pilipinas tulad ng monumento ni Andres Bonifacio sa
Grace Park, Kalookan, ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas,
at ang estatwa ni Bonifacio sa Liwasang Bonifacio.
Balik sa simula

LARANGAN NG PANITIKAN
Dr. Jose Rizal

Isang magaling at matalinong manunulat si Rizal.


Sumulat siya ng dalawang nobela tungkol sa lipunang
Pilipino noong Panahon ng Kastila. Ang mga nobelang ito
ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sumulat din
siya ng mga tula. Tungkol sa kanyang ina, mga kapatid, at
kaibigna ang paksa ng mga ito. Sumulat siya ng isang tula
nang siya'y walong taong gulang pa lamang na
napabantog sa buong bansa. Ito ay tungkol sa
pagmamahal sa sariling wika. Ang tulang ito ay may
pamagat na "Sa Aking mga Kabata."

Francisco Baltazar
Isang tanyag na makata at mandudula si Francisco
Balagtas. Florante at Laura ang tanyag na nobelang
patulang kanyang isinulat. Isa ring awitin ito. Maraming
dakilang
Pilipino,
kabilang
na
si
Rizal,
ang
naimpluwensyahan ng nasabing tula. Kinikilalang Ama
ng Panulaang Tagalog si Balagtas.

Graciano Lopez Jaena


Si Graciano Lopez Jaena ang nagtatag ng
pahayagang La Solidaridad noong 1889 at siya ang
naging unang patnugot nito. Bukod sa pagiging patnugot
ay nagsulat siya ng mga lathalaing mapanuligsa sa
nasabing pahayagan. Sa pahayagang ito nagsulat ang
mga propagandistang Pilipino para sa mga reporma sa
Pilipinas. Isa sa mga kilalang sinulat niya ay ang sanaysay
na "Fray Botod" na nangangahulugang bundat na prayle.

You might also like