You are on page 1of 8

Scene I

Narrator:
Ang kalsada. Dito raw natin matatagpuan ang madaming muka ng kasamaa. Walang
ligtas sa panganib na dala nito: hindi ang mga paslit na naninirahan sa madumi at
masasamang kalsada, at hindi din ang mga kababaihan na nagbebenta ng laman sa
gabi.
Si Aj ay isang batang namamalimos sa kasagsagan ng EDSA. Kahit na itoy isang
mapanganib na lugar, hindi nya ito pinapansin dahil madaming taong nadaan dito
na maaaring limusan.
Aj: Ate, palimos po.. maawa na po kayo.
Eunice: Ano ba bata! Umalis ka nga! Nakita ng nagmamadali ung tao haharang
harang ka pa jan.
Aj: ate palimos po. Para lng po pambaon sa eskwelahan.
Cielo: pambaon? Nako kuya. Sa nanay mo ikaw humingi wag samin.
(labas sila Cielo at Eunice; pasok si Carmela)
Aj: Maam, palimos po. Pang baon lang po..
Carmela: nako Aj! Hindi ka pa ulila. May mga magulang ka. Sila ang hingan mo wag
ako. Anak sila ng anak hindi nila kayang buhayin. Tsk.
Narrator:
Kadalasan, ganito ang lagay ng batang si Aj. Sa murang edad pa lamang,
kinailangan na niyang mamalimos. Hindi dahil siya ay nagsusugal o nag bibisyo,
kundi dahil walang pantustos ang kanilang pamilya sa mga proyekto nya sa
eskwelahan. Pag uwi nya sa kanilang bahay ng gutom, nadatnan nya ang kanyang
mga magulang at dalawa sa pito nyang kapatid.
Aj: Inay mano po.
Cyrell: oh anak, kaawaan ka ng Diyos. Saan ka nanaman nanggaling ha?
Aj: ah, inay, wala po. Lumabas lang po saglit. (tinago ang kamay na may hawak na
pera)
Cyrell: Saglit? Eh kaninang alas-singko ka pa wala aah. Alas-otso na, papasok ka pa
ng alas-nuwebe, alam mo yan! Ano yang tinatago mo sa kamay mo?
Aj: Inay wala po to!
Cyrell: ikaw bata ka! Saan mo to nakuha? Umamin ka!
Aj: (maliit na boses) namalimos po ako. (nakatungo)

Cyrell: (natahimik at napailing) anak. Sabi naman sayo, hindi mo kailangang


mamalimos. Delikado sa kalsada. Baka mabunggo ka o mapagdiskitahan ng mga
tambay jan sa kanto. Ano ba ang kailangan mo? Para saan ba? (tahimik lang si Aj)
Anak. Huwag kang mahiyang manghingi saakin. Nanay mo ako. Hindi mo
kailangang mamalimos. Masakit sa akin bilang ina na hindi magampanan ang
responsibilidad ko na bigyan kayo ng maayos na buhay pero kahit na ganoon pa
man, hahanap ako ng paraan para magawan ito ng paraan. Igagapang ko ang
pagaaral nyo pangako.
Aj: opo inay. Pasensya na po. Gusto ko lng nman pong makapagaral eeh. Sabi po kasi
ni maam pag daw po hindi nagpasa ng project bagsak daw kami eeh. Gusto ko
lang po talaga makapag tapos.
Cyrell: alam ko anak. Pasensya na... osya. Magbihis ka na. (alis si aj, magbibihis)
Scene II
Nathalie: Nay! Nakita nyo po ba ung suklay ko? Nakakainis naman dito ko lang yun
nilagay eeh.
Cyrell: ano ka ba anak. Ito oh. Diba sinuklayan kita kanina?
Nathalie: Ay oo nga pala. Sorry po nay.
Aira: Ano ba yan ate. Lagi nalang. Kundi suklay, ipit sa buhok, kung hindi, bolpen.
Ang burara mo kasi.
Nathalie: Ano ka ba totoy. Hindi naman ako burara eeh.
Aira: eh ano pala? Makakalimutin?
Nathalie: Ah, pwede na, pero kasi naman. Asa namang makakabili pa ulit ako ng mga
ganyan. Tatlong bes na pagkain ng sa isang raw wala tayong pambili, bolpen at
suklay pa kaya?
Aira: Sabi ko nga. Edi ikaw na! Ikaw na tama. Bigyan ng jacket! Eto pa five thousand
pesos!
Nathalie: Che!
Cyrell: naku mga anak ano ba. Tigilan nyo na. Malalate na kayo. Alas nwebe na oh.
Nathalie: osige nay una na po kami.
Aj: bye po inay.

Aira: bye nay. Ops, teka. Smile ka muna. (smile si Cyrell na natatawa lng) Nay hindi
ganyan! Konti lang. Parang ganto. (alam mo na yan aira. XDD) (tawanan lahat at
umalis na papasok)
Narrator: Umalis na ang magkakapatid ng hindi man lamang nakain at ng walang
dalang baon. Hindi na sila nagtangka pang humingi dahil kung mayroong
maibibigay ang kanilang magulang, sila mismo ang nagsasabi pero sa mga
pagkakataong walang pera, hindi sila nabibigyan. Hindi din kumain ang maganak
dahil wala pa ang kanilang tatay kasama ng kita nito mula sa pag bobote.
Kadalasan ay hapunan lang sila kung kumain at madalas as sardinas lang o asin o
toyo ang kanilang sahog sa kanin.
Sa iskwelahan, nakita ni Nathalie ang kanyang mga kaibigan sa isang sulok ng
kanilang silid. Agad siyang sumama sa mga ito.
Eunice: Aba Nathalie! Buti dumating ka pa.
Cielo: pasalamat ka wala pa si maam kundi late ka nanaman.
Nathalie: oo nga buti wala pa si maam. Kasi naman naghanap pako ng chempo kanina
para makahingi ng pera kela inay para sa project natin eh.
Cielo: Nakahingi ka naman?
Nathalie: Hindi nga eeh. Wala nanaman nga akong baon ngayon, 100 pa kaya?
Carmela: Magandang umaga sa lahat.
Lahat: Magandang umaga po Bb. Alvarez.
Carmela: osige maupo na kayo. (pause saglit, ilagay ung gamit sa lamesa) Bago ko ga
pala makalimutan, iuurong ko yung katapusan ng pagpasa ng mg proyekto nyo sa
Filipino. Imbes na sa Oktubre ipapasa, kalagitnaan na ng Setyembre ang pasahan.
Gagamitin raw kasi ito ng ating bagon library. Pagandahin nyo maigi ang mga
gawa ninyo dahil 30 porsyento iyan ng mga grado ninyo.
Lahat: opo maam.
Carmela: dumako na tayo sa ating.. (may kumatok)
Aj: Maam Alvarez pinapatawag po kayo ng principal.
Carmela: Ay saglit lang. Huwag maingay babalik din ako.
Cielo: Ano?! Bakit naman inurog pa yung deadline? eh kalagitnaan pa nga ako ng
setyembre su-sweldo sa paluwagan eeh. Kahit na nga sumweldo ako kulang padin
yun. Aabot ba ang sikwenta pesos sa scrapbook ng mga sikat na manunulat?
Nathalie: Ano ba yan? Pano na to? Wala pa talaga kaming pera. May alam ba kayong
trabaho na pwede nating pasukan?

Cielo: oo nga kahit part-time lang na pag we-waitress sa karindirya, magkapera lang.
Eunice: Ay nako. Basta ako, walang problema. Madali na saking kumita ngayon noh.
Cielo: weh? Eh wla namang pinagkaiba kita ng mga magulang natin eeh.
Nathalie: oo nga. Pareparehas silang halos walang kita.
Eunice: Oo ngaaa. Pero, may nadiskubre kasi akong trabaho. Malaki kita.
Cielo: ui share! Ano yan??
Eunice: (mejo mahinang boses) Kasi, masama man sa pandinig, pero prostitute ako.
Kahit na masama talaga sa pandinig, ano ngayon? May pera naman ako.
(natahimik ang barkada)
Cielo: Magkano kinikita mo sa isang gabi?
Eunice: hmm. Mga 500 din kada gabi. Depende kung gano kadami kukuha sayo.
Cielo: limang daan?! Ang laki na nun aah.
Nathalie: Nako. Ayoko nyan! Kung ano ano pinapagawa pag mga ganyan eeh.
Eunice: hmm. Sa una lang naman nakakakaba. Kasi may titigil lang na taxi sa harap
nyo tas mamimili sila. Tapos maguusap kayo sa bayaran at pag nagkasundo na
kayo, sasakay ka tapos, un. Gagawin mo kung ano gusto nila. (biglang nalungkot
at napatahimik si eunice)
Pero ang arte ko naman kung hihindi-an ko pa yung opportunidad na magkapera
eh wala nga kaming pangkain sa araw araw eeh. Naaawa din ako sa mga kapatid
ko. Kaya kapag nagta-trabaho ako, iniisip ko na para sakanila yun. Kinabukasan
ko kapalit ng kanila. (tahimik muli ng saglit)
Cielo: sige Eunice isama mo ako mamaya. Wala na akong ibang paraan. Gusto ko na
kahit papano, makapagtapos ako kahit high school man lang. Kung ito lang ang
paraan, gagawin ko.
Nathalie: Ano ba naman kayo! Tigilan nyo nga ung ganyan nyong pagiisip. Dignidad
nyo ang ibinibigay nyo kapalit ng pera. Marami pa namang trabaho dyan eeh.
Bakit hindi nalang tayo maghanap ng matinong trabaho hindi ung ganyan ang
gagawin ninyo.
Eunice: Sige nga? Sa pagta-trabaho bilang serbidora sa karindirya magkano ang
sweldo lalo na at saglit lang tayo makakapag trabaho dahil may klase pa tayo?
Sapat na ba un para sa proyekto natin?
Cielo: Tama sya. Pati ung mga kapatid mo may proyekto din diba? Kung tutuusin
matalino ung bunso nyo, kaso nasa pinakamababang seksyon sya dahil hindi sya

nakapasa ng proyekto nung isang taon. Tignan mo ngayon. Walong taong gulang
pa lamang namamalimos na. Alam kong alam mo yun. (pause)
Eunice: Nats, para to sa pamilya ko. Ayoko man itong gawin, kailangan na. Pito kami
at hindi sapat ang kinikita ng aking ama para saaming lahat.
Nathalie: naiintindihan ko, pero ayoko padin. Kayo nalang kung gusto ninyo.
Narrator: Natapos ang araw at hindi muling kinausap ni Nathalie ang kanyang mga
kaibigan. Agad naman itong umuwi sa bahay nila. Dito nakita niyang magisa ang
tatay nya sa lamesa at mukhang malungkot at problemado.
Nathalie: Mano po itay.
Ynah: Kaawaan ka ng Diyos anak.
Nathalie: ah, ano.. tay. Uhm, may, um, kailangan po sana kami para sa ano.. sa
proyekto po namin. Ah, magtatapos na daw po kasi kami kaya, ano, kailangan
daw po magpasa ng proyekto para maka gradweyt. Kasama daw po sa clearance.
Ynah: aah. Magkano ba ang kailangan mo?
Nathalie: aah, isang daan po sana itay.
Ynah: isang daan ba kamo?
Nathalie: ah, opo eh. Scrapbook daw po kasi na ipagsasama sama ng klase namin.
Isang tao, isang manunulat. Kailangan raw po sa na illustration board pati may
litrato at disenyo pa. Para daw po kasi ito sa bagong library. Sa susunod na uwan
na po ang pasahan.
Ynah: ah ganoon ba? Sige anak. Gagawa ang tatay ng paraan. Makapagtapos ka lang
anak.
Nathalie: (hesitate na pumunta sa kwarto tas babalik din) ay itay! Hindi na po pala
kailangan. Naalala ko po ung nabasa naming karatula sa karindirya na kailangan
daw po nila ng serbidora. Papasok nalang po ako doon para makakuha ng pang
gastos. Di naman po nila ako tatanggihan. Sa ganda kong to?
Ynah: naku ikaw talaga oh. Sigurado ka bang kaya mo?
Nathalie: oo naman po.
Ynah: mapapagod ka nyan.
Nathalie: Kaya ko po to.
Ynah: sigurado ka?
Nathalie: oo naman po. Mana ako sayo eeh. Masipag.

Ynah: o sige. Basta magiingat ka diyan sa trabaho mo aah.


Nathalie: opo itay. Sige po gagawa na ko ng takdang aralin ko. (punta sa kwarto)
Cielo, Eunice. Isama nyo na ako sa lakad ninyo mamaya. Tama kayo. Wala ng
ibang paraan. (text) (tapos ay iiyak)
Scene III
Narrator: Wala na ngang nagawa si Nathalie kundi suungin ang madumi at
nakakatakot na mundo ng prostitusyon. Sa mga susunod na araw, parati syang
nasa kanto kasama nila Eunice at Cielo, naghihintay ng titigil na taxi upang
bentahan sila ng panandaliang aliw. Matapos ang usapan nila Nathalie at ng
Kanyang tatay, dumating naman ang kanilang nanay.
Cyrell: oh Brando, nandito ka na pala.
Ynah: ah, Cyrell, san ka nanggaling?
Cyrell: Pumunta ako sa kapitbahay at sumubok mangutang. Panahon nanaman ng mga
proyekto ng mga bata. Nahuli ko nanaman si Aj kanina, namalimos nanaman.
Ynah: Mahal, may magagawa pa ba tayo? Buti nga at masipag ang mga anak natin sa
pagaaral. Ang hirap pala ng ganito. Yung gustong guston mong ibigay sakanila
ung mga kailangan nila, pero hindi natin kaya.
Cyrell: Was kang magalala Brando, makakaraos din tayo. Tiwala lang sa Diyos.
Oh totoy, nandito ka na pala.
Aira: Mano po itay, inay.
Ynah: kaawaan ka ng Diyos.
Cyrell: Saglit lang. Magluluto lng ako ng hapunan natin. Nagpamigay ang baranggay
ng de lata kayat may makakain tayo ngayon.
(magtatangkang pumunta si Aira sa kwarto)
Ynah: Totoy sandali.
Aira: Ano po yun itay?
Ynah: Yung dalawa mong kapatid may proyektong kailagan sa iskwelahan. Ikaw ba
wala?
Aira: Ah tay meron po. Pero wag nyo na po ako problemahin. 2nd year lng manam po
ako eeh. Si ate nlang po muna. (paakyat ulit sa kwarto)
Ynah: teka teka. Halika nga dito. Lumapit ka. (lapit) Tumingin ka nga saakin. (tingin)
Bakit mapula and mata mo? May sakit ka ba? May lagnat ka ba?

Aira: (iiling)
Ynah: Sumagot ka ngang bata ka. Tumingin ka sakin.
Aira: Po?
Ynah: Anak ng! Bakit amoy alak at sigarilyo ka?! Umamin ka!
Aira: Tay hindi namanYnah: Anong hindi naman?!! Nangangalingasaw ka sa alak hindi naman? Pumasok ka
ba? Magsabi ka ng totoo!
Aira: opo...
Ynah: Yung totoo!
Aira: hindi po..
Ynah: Ikaw! (hawak sa kwelyo) Naghihirap ako araw araw sa pagbabahay bahay para
lang manguha ng bote at dyaryo ng kung sino sinong tao para lang mabuhay
tayong pamilya. Mahirap ang ganitong buhay alam mo yan! Ganito ang buhay ko
dahil wala akong pinagaralan. Ayokong matulad kayo saakin dahil alam kong
mahirap ang ganitong sitwasyon. Kaya ko kayo pinagaaralan para may maabot
kayo sa buhay ninyo. Hindi para magbulakbol!
Akala mo ba madaling isipin kung paano kayo kakain mamayang gabi kung wala
kang nakalap na bote sa maghapong nagiikot ka. Akala mo ba hindi mahirap
saakin na paalisin kayo ng bahay na walang laman at sikmura at wala ni pisong
maibigay na baon dahil sapat lang sa pagkain ang kita ko? May pangarap ako para
sainyo anak. Kaya wag mong sayangin at wag kag gumaya saakin!!!
Nathalie: Tay tama na po...
Ynah: simula bukas bahay eskwela ka lang. Sumabay ka sa ate mo kung hindi sa labas
ka matulog. Maguusap pa tayo mamaya. Kayon tatlo, pumasok na kayo sa kwarto.
Gumawa kayo ng takdang aralin ninyo.
(sumunod ang mga anak)
Cyrell: Brando, ayos ka lang ba?
Ynah: Sabi nila, bilog daw ang mundo. Minsan nasa taas ka, minsan nasa baba. Pero
bakit ganon? Saating mahihirap parang rampa ang mundo eeh. Kung mahirap kang
pinanganak, pinapahirap ka pa ng lipunan. Ang masakit pa dun, ung mga kailangan
natin para umangat, ipinagkakait saatin. Pagaaral, kalusugan, tirahan, suporta sa
gobyerno, wala tayo nyan. Bawal tayo sa mga yan. Dahil mahirap tayo. Salot daw sa
lipunan. Tao padin tayo Cyrell. Di tayo hayop. Bakit kung ipagtabuyan tayo minsan
parang aso lang tayo eeh. Haay, kailan pa kaya magbabago ang buhay natin?

Epilogue:
Sa walong magkakapatid, ang isa ay namatay sa gang war, ang dalawa ay nasa
pangangalaga ng kanilang lolo sa probinsya, ang isa ay nasa Cavite, nagtanan kasama
ng asawa at ang isa ay nilamon ng syudad at hindi nila nakita ng limang taon.
Si nathalie ay nakapagtapos ng may ika-limang pwesto. Nang makapagtapos ng high
school, tumigil na sya sa pagbebenta ng kanyang laman ngunit dito rin niya muling
natagpuan ang kanyang panganay na kapatid na babae matapos ang limang taon.
Nang magka trabaho si Nathalie, pinagaral nya ang kapatid ng high school muli kahit
na itoy matanda na. Nakakuha ito ng diploma sa highschool.
Si Totoy ay napariwara at natulad ang buhay sa kanyang ama mahirap at naging
magbobote na kumikita ng 20-40 piso kada araw.
Si Aj ay nanatiling namamalimos kahit ilang bes pinagbabawalan ng kanyang ina.
Ganoon pa man, dahil sa pagsisikap nyang magaral, siya ang valedictorian noong
nagtapos siya ng elementarya at sekondarya. Siya lamang sa magkakapatid ang
nakatapos ng kolehiyo at nagtagumpay sa buhay. Siya ay naging Abugado.
Ang magasawang Brando at Cyrell ay nabuhay at namatay na mahirap, ganoon pa
man, dalawa lamang sa walo nilang anak ang naging kasing hirap nila. Mahirap man
ang mga sakripisyong ginawa nila, kinailangan ito upang mabigyan ng mas
magandang kinabukasan ang anak nila. Ika nga, lahat ng hirap daranasin ng magulang
maitaguyod lng ng tama ang kanilang mga anak.

You might also like