Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Lesson Plan In Filipino III

Layunin:
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang binasa
Natutukoy ang mga salitang Magkakatugma
Paksang Aralin :
Pagbibigay ng Kahulugan sa Binasang Tula
Kagamitan:
Mga larawan
Stratehiya:
Collaborative learning, games, at graphic organizer
A. Panlinang na Gawain
1 . Motivation
Pangkatin ang klase sa 5 pangkat. Ito ay paligsahan sa pag-uunahang makabuo ng
isang picture puzzle. Ang grupong naunang makabubuo ay siya ang panalo.
B. Paglalahad
Magtanong tungkol sa nabuo nilang larawan.
2. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Basahin sa mga bata ang tulang Ang Aming Mag-Anak
Ang Aming Mag-anak
(www.takdangaralin.com)
Ang aming mag-anak ay laging masaya
Maligaya kami nina Ate at Kuya.
Mahal kaming lahat nina Amat Ina
Mayroon ba kayong ganitong pamilya?
Kahit sa paggaway pagod ang katawan,
Tulong ni Ama ay laging nakaabang.
Suliranin ni Ate ay nalulunasan
Sa tulong ni Inang lagging nakalaan
Itanong:
Ano ang pamagat ng tula?
Ilarawan ang pamilyang binanggit sa tula.
Paano ipinakita ng bawat isa ang pagtutulungan? Pagdadamayan?
Ganito rin ba ang iyong mag-anak?
Hayaang sagutin ito ng mga bata batay sa kanilang sariling karanasan.
Paano mo ipakikita ang pagmamahal at pagmamalaki sa sariling pamilya?
Ipabasang muli ang tula.
Ipasuri ang mga salitang may salungguhit.
Ipasulat ang mga ito sa pisara.
Ipabasa ang mga salita. Linangin ang bawat salita.
Itanong:
Aling mga salita ang dapat magkakasama?
Ipaliwanag ang ginawang pagsasama-sama ng mga salita.
Ano ang napansin mo sa hulihang tunog ng mga salita?
Aling mga salita ang magkakatugma?
Magpapakita pa ng halimbawa ng magkakatugmang salita.
3. Pagpapayamang Gawain
Magpapakita ng isang puno ng mga salita at kukuha sila ng bunga mula sa puno na may
mga alitang magkakatugma.

4. Karagdagang Pagsasanay
Magkakaroon sila ng paligsahan. Hatiin sila sa dalawang grupo at mag- uunahan
silang makakabuo ng mga magkatugmang salita na kukunin nila sa basket na may mga
salita na ididikit nila doon sa magkatugmang salita sa pisara.

Pagpapangkat
Pangkat 1:
Isulat ang Oo kung magkakatugma o magkakatunog ang salita at Hindi kung
hindi magkakatugma o magkatunog ang salita.
1.
2.
3.
4.
5.

Umaga
Maaari
Daan
Kaguluhan
Sulong

paalala
gagawin
katawan
tinangay
tulong

_________________
_________________
_________________
_________________
_________________

Pangkat 2:
Mag-isip ng mga magkakatugmang salita na makikita sa graphic organizer.
_______

_______

kalayaan

______

______

______

______

kamay

______

Pangkat 3:
Magbigay ng 2 halimbawa ng magkatugmang slita at gamin sa pangungusap.
1.

2.

Pangkat 4.
Salungguhitan ang mga magkatugmang salita .
1.

Hinala ko ang baging


Nag-iingay ang matsing

2.

Dalawang biyas ng kawayan


Unahan nang unaha.

3.

Munting pusu-pusuan
Nakabitin sa tabi ng daan

4.

Balong malalim
Puno ng patalim

5.

Itong ating buhay


Tila gulong ang kabagay

Pangkat 5
Bilugan ang salitang hindi kasintunog ng iba o hindi
magkatugma.
1.
2.
3.
4.
5.

kilala bulaklak makahiya sanga


umulan bumaha makahiya pinababa
diwata magtanda bango sanghaya
tangkay katawan taglay tunay
taglay tangkay agos mamatay

5.Ebalwasyon
Isulat sa baba ang mga slitang magkatugma at sagutin ang mga
tanong tungkol sa tula.

Maliit na gagamba
Umakyat sa sanga
Dumating ang ulan
Itinaboy sila.
Sumikat na ang araw
Natuyo ang sanga
Maliliit na gagamba
Hayun at masaya.
6.Takdang- Aralin
Magatala ng 5 halimbawa ng magkatugmang salita.
1.
2.
3.
4.
5.

You might also like