Professional Documents
Culture Documents
Ang Timawa
Ang Timawa
Balangkas ng Pangyayari
Sa unang kabanata ng Ang Timawa ay makikilala natin ang tatlong tauhan: sina Andres,
Alice at Bill. Si Andres, isang mag-aaral ng medisina, ay nasa kusina ng isang ladies
dormitory sa isang unibersidad sa Amerika at naghuhugas ng pinggan. Ginagawa niya ito
pantustos sa kanyang pag-aaral. Naroon rin naman ang tagapangasiwa mga gawain sa
kusina ng dorm na si Alice.
Si Andres, o Andy na palayaw niya, ay mayroon pang isang kasamahan sa gawain na si
Bill. Silang dalawa ay mabuting magkaibigan. Si Bill, sa pagkakataong ito ay huli sa
trabaho dahil may lakad itong iba.
Di kalaunan ay dumating rin si Bill, at pabirong binati si Alice. Habang naghahanda si
Bill ay napansin nito at ni Alice ang bilis ni Andres sa kanyang paghuhugas ng pinggan,
at inusisa ni Alice kung saan siya nahasa sa kakayahang ito.
ng
Si Andres naman ay napakuwento sa kanyang buhay sa Pilipinas. Isinalaysay nito na
kumportable ito sa kusina, at mas lalong napaigi pa nito ang pagtatrabaho nang lubusang
maulila. Nasabi rin ni Andres na siyay naging kusinero sa isang bapor na dumadako sa
Amerika at Pilipinas, kaya siyay nakarating sa Amerika.
Dagdag naman ni Bill ang kanyang pag-uusisa sa mga naging karanasan ni Andres sa
Amerika. Sa konting pag-uudyok ay nalaman nina Alice at Bill na halos nalibot na nito
ang bansa dahil sa trabaho si Andres ay naging tagahugas ng pinggan sa San Francisco
at manggagawa sa ibat-ibang lugar sa California. Naging tagapamitas rin ito ng prutas sa
Oregon, Washington, at Florida. Umabot rin siya sa isang salmunan sa Alaska, at
nakapaglatag ng bato sa daang-tren sa Nevada.
Halagang Pangkatauhan
Namana ni Andres ang determinasyon at pagiging matiyaga ng kanyang ama. Kung ang
ama ni Andres ay nagtrabaho upang makaalis sa kahirapan ang anak niya, si Andres
naman ay nagntrabaho upang maging doktor para matupad ang hangad ng ama niya. Sarisaring trabaho ang pinasukan niya at nakarating na sa kasuluk-sulukan ng Estados Unidos
sa kanyang pagkakayod para makamit ang pangarap. Makikita na buhay na buhay ang
pag-asa niyang makatapos sa pag-aaral at ang katatagan niya sa kabila ng pinagdaanan.
Kung ihahambing ang buhay ni Andres sa ibang bansa sa naging buhay niya at ng
kanyang pamilya sa Pilipinas, tila mas natanggap at naintindihan siya ng kanyang mga
kaibigan sa Amerika kaysa sa mga kababayan niya sa Pilipinas. Kahit nagsasarili minsan
si Andres sa kanyang trabaho, pilit na kinakausap siya nina Alice at Bill dahil nais nilang
maintindihan at maging kaibigan ang kanilang kasama. Sila ay mga masasayahing tao at
mas napapagaan ang trabaho ni Andres sa kanilang pagbibiruan.
3.
Suliraning Panlipunan
Kahirapan ang pangunahing suliraning panlipunan na nakikita sa unang kabanata ng Ang
Timawa. Si Andres na siyang pangunahing tauhan ay anak ng isang magsasaka, ngunit
ang magsasakang ito ay hindi may-ari ng kanyang lupa trabahador lamang ito doon.
Nang maulila rin si Andres sa murang edad ay napilitan itong maghanap ng trabaho sa
kung saan-saan ang kamag-anak niya na nagtatrabaho sa bapor ang tumulong sa kanya
kayat napunta siya sa Amerika. Pagdating naman dito ay hindi pa rin ganoon nagbago
ang bagay-bagay hirap pa rin si Andres sa pera.
5.
Pag-uugnay sa Kasalukuyan
Tinaguriang bagong bayani ang mga OFW, o Overseas Filipino Workers. Si Andres, kung
siya ay nabubuhay sa kasalukuyang panahon, ay matatawag na isang OFW. Tulad ng
karamihan sa kanila, nangibang bansa ito dahil naghihirap na ang buhay sa Pilipinas.
Hindi rin madaling makahanap ng trabaho, kayat umaalis sila sa Pilipinas dahil alam
nilang mas mataas ang suweldo sa ibang bansa. Tinitiis nila ang kalungkutan sa
pagkawalay sa pamilya para kumita at matustusan ang mga gastusin para mabigyan ng
magandang buhay ang kanilang pamilya.
6.
Pagpapaliwanag sa Pamagat
Ang pamagat ay tumutukoy sa pangunahing tauhan na si Andres. Ito ang timawa. Mula sa
kahirapan ay nagsisikap itong makaahon para magkaroon ng mas magandang buhay. Siya
ang timawang nagsusumikap na hindi na muling maapi at matawag na timawa.
Pagwawakas
Si Andres ay isang estudyante ng medisina. Bata pa lamang ay naulila na siya sa kanyang
mga magulang. Sa idad ng labing tatlo ang kanya ina ay namatay at pagkatapos niya sa
intermedya sa idad ng labing anim, ang kanyang ama ay pumanaw dahil sa sa sakit na
pulmonya
.
Ang ama ni Andres ay ang nagudyok sa kanya upang magsikap at magtapos sa pagaaral.
Nagtungo si Andres sa Amerika upang magtrabaho at makapagtapos ng pag-aaral.