Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

FF

II
LL
II
P
P
I
I
N
N
O
O
6
6

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

PAGKILALA AT PAGTUKOY SA MGA


NAGHUHUDYAT NG PAGKAKASUNUDSUNOD/GAMIT NG KONGKRETONG
PANSUPORTANG DETALYE

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION


2nd Floor Bonifacio Building
DepEd Complex, Meralco Avenue
Pasig City

PAGKILALA AT PAGTUKOY SA MGA NAGHUHUDYAT NG


PAGKAKASUNUD-SUNOD/GAMIT NG KONGKRETONG
PANSUPORTANG DETALYE

Magandang Araw!
Muli na naman tayong magkakasama sa modyul na ito.
Pagkatapos mong isagawa ang mga gawain, inaasahang:

Makikilala at matutukoy mo na ang mga salita na


naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari
Magagamit mo na ang mga kongkretong pansuportang
detalye upang maipaliwanag nang maayos ang
paksang pangungusap

Basahin

Nakalahok ka na ba sa isang paligsahan? Anong paligsahan


na ang iyong nasalihan? Basahin ang kuwento sa ibaba.
Oo nga, pupunta
ako sa ating guro
para magtanong.

Teresa, ikaw pala


ang kalahok sa
paligsahan sa
pagkukuwento.

Paligsahan sa Pagkukuwento
Magkakaroon ng paligsahan sa pagkukuwento sa paaralan nina Teresa.
Siya ang napili ng gurong maging kinatawan ng ikaanim na baitang. Naging
malaking suliranin ito para kay Teresa. Humingi siya ng payo sa kanyang guro
sa Filipino.
Mam, maaari ko po bang malaman kung paano magiging mabisa ang
aking pagkukuwento? ang wika ni Teresa.
Madali lang, makinig kang mabuti at iisa-isahin ko sa iyo ang dapat mong
gawin, ang malumanay na tugon ng butihing guro. Una, pumili ka ng
magandang kuwento. Dapat ay maikli lamang ito, kung napakahaba, maiinip sa
pakikinig ang mga tao. Ang kuwento ay may maganda at kawili-wiling simula.
Ang maayos na pagsasalaysay ay hindi maligoy. Kailangan kaunti lamang ang
tauhan at kapana-panabik ang wakas. Ikalawa, pag-aralan mong mabuti ang
pangyayari. Basahin mo nang maraming beses ang kuwento hanggang sa
maisaulo. Magsanay ka sa pagbigkas ng mga salita at pagpapangkat-pangkat
ng mga salita sa tamang grupo.
Ikatlo, gawing kapani-paniwala ang
pagsasalaysay. Nagiging kapana-panabik at kawili-wili ang pagkukuwento kung
katamtaman ang lakas ng tinig. Gawin mong masining ngunit natural ang
kumpas ng kamay. Mahalaga rin na may angkop na ekspresyon ang mukha.
Ikaapat, magkaroon ng maayos na katauhang pantanghalan. Ipakita mo ang
maayos na tindig, natural na kilos at tiwala sa sarili. Iwasan ang kakatwang
gawi habang nagkukuwento.
Maraming salamat po, sisikapin kong maisagawang lahat ang sinabi
ninyo sa akin, masayang wika ni Teresa.
O sige, inaasahan ko ang iyong tagumpay, ang nakangiting tugon ng
guro.
Sagutin ang mga tanong upang matiyak na naunawaan mo ang binasa.
1.
2.
3.
4.

Anong paligsahan ang magaganap sa paaralan?


Sino ang kinatawan ng ikaanim na baitang?
Kanino humingi ng tulong si Teresa?
Paano magiging mabisa ang pagkukuwento ni Teresa?
Anu-ano ang dapat gawin?

Nasagot mo bang lahat ng katanungan? Tingnan natin kung tama ang sagot mo.
1.
2.
3.
4.

Isang paligsahan sa pagkukuwento ang magaganap sa paaralan.


Si Teresa ang kinatawan ng ikaanim na baitang.
Humingi ng tulong si Teresa sa kanyang guro.
Inisa-isa ng guro ang mga dapat gawin

Tama ba ang iyong sagot? Alam kong kayang-kaya mo ito. Magpatuloy tayo sa
ating pag-aaral.

Pag-aralan Natin

A.

Basahin muli ang mga pangungusap na hinango sa


kuwento. Anong mga salita ang naghuhudyat ng
pagkakasunud-sunod? Isulat ang iyong sagot sa sulatang
papel.
1.
2.
3.
4.

Una, pumili ka ng magandang kuwento.


Ikalawa, pag-aralan mong mabuti ang pangyayari.
Ikatlo, gawing kapani-paniwala ang pagsasalaysay.
Ikaapat, magkaroon ng maayos na katauhang pantanghalan.

1.
2.
3.
4.

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

Naisulat mo ba ang una, ikalawa, ikatlo, ikaapat?


Magaling! Okey ka ba? Mayroon pa tayong gagawin.

B.

Ngayon naman basahin mo ito.


ANG WASTONG PAG-AALMIROL NG DAMIT

Ang mga damit na yaring koton ay nangangailangan ng almirol.


Kumikintab at kumikinis ang habi ng tela at madaling labhan kung may almirol.
Unahin muna ang mga puting damit. Lagyan ng kaunting tina ang almirol
upang lalong mamuti ang inalmirolan. Isunod ang paglubog ng damit sa almirol
at pantayin ang pagbasa ng damit. Pigaing mabuti at tampukan sa pagitan ng
dalawang kamay nang ang mga maliliit at buu-buong almirol ay maaalis at
pumantay ang kalat sa kabuuan ng damit. Pagkatapos ay ibilad sa init ng araw.
Sangunian : (Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan, p. 30)
Naisulat mo ba ang :
1.
2.
3.

unahin
isunod
pagkatapos

Naipahiwatig ba ng mga salitang naisulat mo ang pagkakasunud-sunod


ng pangyayari?
Oo, tama ka!

Tandaan

May mga salitang maaaring gamitin na naghuhudyat ng pagkakasunudsunod ng pangyayari gaya ng : una, ikalawa, ikatlo, sunod, pagkatapos, muna,
bago sa huli.

Pagsanayan Mo

A.

Basahin.

May mga pagkakahalintulad ang bawat pasyenteng nagtataglay ng sakit


na Hepa-B. Lahat sila ay problemadot nangangamba at hindi maitatago ang
lungkot sa kanilang mga mata. Sa madaling salita, sila ay may matinding
kalungkutan. Ang kalagayang ito ang unang tinatalakay sa mga pasyente bago
humarap sa doktor dala ang resulta ng pagpapa-iksamen sa laboratoryo.
Isulat ang dalawang salitang naghuhudyat ng pagkakasunod.
___________
___________

B.

Isulat ang mga salitang naghuhudyat ng pagkakasunudsunod.

Wastong Paraan ng Pagliligpit at Paghuhugas ng Kasangkapan sa Pagkain


Ang mga kasangkapan sa pagkain ay karaniwang mga babasagin kayat
ito ay dapat ingatan, ngunit mayroon ding mga plasticware na kagamitan,
gayunman ay may wastong hakbang sa paglilinis ng mga ito.
Unang hugasan ang mga kasangkapang di gaanong marumi kagaya ng
baso, pitsel, tasa at platito. Isunod ang mga kutsara at tinidor. Ilubog sa
kumukulong tubig ng ilang sandal.

Huling hugasan ang mga mamantikang kaldero at kawali sa tubig at


sabon kung kinakailangan.
Pagkahugas ng mga kasangkapan, patuluin at punasan bago iligpit sa
kanya kanyang lalagyan.
Sanggunian : (Makabuluhang Gawaing Pantahan at Pangkabuhayan, p. 93)
___________
___________
___________

C.

Balikan mo ang kuwentong Paligsahan sa Pagkukuwento.


Isulat ang mga detalyeng sumusuporta sa pangunahing
kaisipan.
1.

2.

3.

4.

D.

Pumili ka ng magandang kuwento


a.
b.
c.
Pag-aralan mong mabuti ang pangyayari
a.
b.
Gawing kapani-paniwala ang pagsasalaysay
a.
b.
c.
Magkaroon ng maayos na katauhang pantanghalan
a.
b.

Ang Wastong Pag-aalmirol ng Damit.


Pangunahing kaisipan Ang mga damit na yaring koton ay
nangangailangan ng almirol.
Mga detalye :
a.
b.

E.

Isulat na muli ang resipe. Isulat ang resipe sa pamamaraang


patalata. Gamitin ang mga salitang naghuhudyat ng
pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.
Sundin ang
pagkabalangkas sa ibaba.

Butseng Saging at Munggo


Sangkap :
kilo malagkit na galapong (4 na tasa)
1 tasang munggo
8 piraso saging na saba hinog
2 tasang asukal na pula
mantika
Pamamaraan :
1.
Pakuluan ang munggo hanggang humiwalay ang
balat. Alisin ang mga lutong balat. Salain at patuluin.
2.
Lutuin ang saging sa arnibal. Ligisin ng tinidor kapag
malambot na.
3.
Paghaluin ang munggo at niligis na saging.
4.
Gumawa ng mga bilog mula sa galapong. Lagyan ng
uka sa gitna at palamanan ng kalahating kutsaritang
munggo at saging na halo. Pagdaupin ang mga gilid
upang magsara. Bilugin muli.
5.
Iluto sa mainit na mantika hanggang sa pumula.
Maaaring lagyan ng kaunting asukal sa pagprito
Makagagawa ng 30 piraso
Butseng Saging at Munggo
Sangkap :
Pamamaraan :
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

Iwasto ang iyong sagot :


A.
B.

una
bago
una
isunod
huli

K.
Butseng Saging at Munggo
Sangkap :
kilo malagkit na galapong (4 na tasa)
1 tasang munggo
8 piraso saging na saba hinog
2 tasang asukal na pula
mantika
Pamamaraan :
Unahing pakuluan ang munggo hanggang humiwalay ang balat. Alisin
ang mga lutong balat. Salain at patuluin. Isunod lutuin ang saging sa arnibal.
Ligisin ng tinidor kapag malambot na.Pagkatapos ay paghaluin ang munggo at
niligis na saging. Gumawa ng mga bilog mula sa galapong. Lagyan ng uka sa
gitna at palamanan ng kalahating kutsaritang munggo at saging na halo.
Pagdaupin ang mga gilid upang magsara. Bilugin muli. Sa huli iluto sa mainit na
mantika hanggang sa pumula.
Maaaring lagyan ng kaunting asukal sa pagprito
Makagawa ng 30 piraso

Subukin Mo

Bulgar, Abril 24, 2005


Sa pulitika man, showbiz, isports at atbp.

MGA TEKNIK UPANG MAGING MAHUSAY NA JOURNALIST


Ang pagiging journalist o mamamahayag ay napakahirap at isa itong
seryosong trabaho, pero masaya, nakalilibang at nakatutuwa. Ngayon, depende
ito kung ano ang nais mong isulat. Gusto mo bang sumulat ng tungkol sa
pulitika,
showbiz,
fashion at kung anu-ano pa? Gayunman, maraming
pamantayan na gabay kung paano ka magiging epektibong mamamahayag.
Una, kailangan mong mag-ipon ng sarili mong materyal. Huwag na
huwag kang kokopya ng pinaghirapan ng iba nang hindi mo man lamang
nabanggit ang kanilang pangalan o kung saan man ito nagmulang materyales.
Parang footnote iyan sa aklat, kailangang bigyan ng pagkilala kung sino
ang talagang pinagmulan. Hanggat maaari, mangalap ka ng sarili mong mga
impormasyon.
Ikalawa, kailangan mong tiyaking mabuti nang makalawa o makatlong
beses ang iyong mga ginagawa. Ang kahalagahan ng isang mamamahayag ay
7

mababale-wala kung hindi niya makukuha nang tuwiran ang mga totoong
pangyayari sa likod ng kanyang mga isinusulat.
Kailangang mapatatag mo ang kredibilidad, paniniwala at respeto ng iba
sa iyo, gayundin ang sariling integridad.
Ikatlo, kailangang maigsi lamang ang sinulat, puno ng impormasyon at
nakakapukaw ang mga unang pangungusap na gagawin.
Kailangang maakit mo ang iyong mambabasa at mapukaw sila sa iyong
ilalahad na istorya.
Ikaapat, bigyan mo ng halaga ang iyong mambabasa, may kalidad at
malaman ang mga impormasyong ipapahayag.
Tandaan na hindi mabubuo ang pagsusulat sa espasyong nakalaan
kapag hindi naging sangkap ang mga nabanggit na mga gabay sa pagsusulat.
Bawat istorya ay kailangang magkakaugnay ang daloy ng mga pangungusap.
Ikalima, kailangang alam mo lagi ang pulso ng iyong mambabasa o kung
anuman ang gusto nilang basahin. Pinakamainam na payo na isulat mo lamang
ang mga bagay na maski ikaw mismo ay unang nagkaka-interes bago ito
pamahagi sa iba.
Ang pinakamahusay na journalist ay iyong laging may motibo o may sigla
at interes sa kanyang mga paksang isinusulat.
Ikaanim, hindi ka dapat tamarin sa pagsusulat. Kailangang naroon lagi
ang kasabikan na maglahad ng mahahalagang impormasyon sa iyong
mambabasa. Sumulat ng orihinal na mga salita buhat sa sariling saloobin at
umiwas sa paggamit ng karaniwang mga salita gaya ng mabuti lang mahuli
kaysa wala, at at huwag husgahan ang aklat sa pabalat nito, etc.
Ikapito, dapat ay alam mo ang hinggil sa etika ng pagsusulat. Maraming
alituntunin sa pagsusulat tulad ng hindi ka dapat na magmura o magbanta sa
iyong panulat.
Ikawalo, lagyan ng buod ang iyong ulat kung tungkol sa balita. Tandaan
na bilang mamamahayag , ikaw ang umaakto na parang pansala at tagapagsalin
o tagapamagitan sa iyong mga tagasubaybay.
At panghuli, basahin mo munang maige at pag-isipang mabuti kung
karapat-dapat na mailathala ang iyong binuong impormasyon.

Teknik upang Maging Mahusay na Journalist


1.

________________________________
a.
___________________________
b.
___________________________

2.

________________________________
a.
___________________________
b.
___________________________

3.

________________________________
a.
___________________________
b.
___________________________

4.

________________________________
a.
___________________________
b.
___________________________

5.

________________________________
a.
___________________________
b.
___________________________

6.

________________________________
a.
___________________________
b.
___________________________

7.

________________________________
a.
___________________________
b.
___________________________

8.

________________________________
a.
___________________________

Iwasto natin ang iyong sagot.


1.

Una, kailangan mong sumulat ng sarili mong materyal.


a.
Huwag kang kokopya.
b.
Gumawa ka ng sarili mong materyales.

2.

Ikalawa, kailangan mong tiyaking mabuti ang iyong mga ginawa.


a.
Kunin ang mga totoong pangyayari sa likod ng isusulat.
b.
Kailangang mapatatag mo ang kredibilidad, paniniwala at ang
respeto ng iba sa iyo.

3.

Ikatlo, kailangang maikli lamang ang panulat, puno ng impormasyon.


a.
Kailangang maakit mo ang iyong mambabasa.
b.
Kailangang mapukaw sila sa iyong ilalahad na istorya.

4.

Ikaapat, bigyan mo ng halaga ang iyong mambabasa.


a.
May kalidad at malaman ang mga impormasyong ipapahayag.
b.
Bawat istorya ay kailangang magkakaugnay ang daloy.

5.

Ikalima, kailangang alam mo ang pulso ng iyong mambabasa.

a.
b.

Isulat mo lamang ang mga bagay na ikaw mismo ang unang


nagkainteres.
Laging may motibo at may sigla.

6.

Ikaanim, hindi ka dapat tamarin sa pagsusulat.


a.
Kailangang naroroon lagi ang kasabikan na maglahad.
b.
Sumulat ng mga orihinal na mga salita.

7.

Ikapito, dapat ay alam na alam mo ang hinggil sa etika ng pagsulat.


a.
Hindi dapat magmura.
b.
Hindi dapat magbanta.

8.

Ikawalo, lagyan ng buod ang iyong ulat.


a.
Bilang mamamahayag, ikaw ay umaakto na parang pansala at
tagapagsalin o tagapamagitan.

Naisulat mo bang lahat ang sagot? Kaya mo na bang maging journalist? Kung
hindi, tingnan mo kung saan ka nagkamali.
Sanay naging kapaki-pakinabang ang modyul sa ito sa iyo!
Hanggang sa muli nating pagkikita!

10

You might also like