Mateo 24

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

Mateo 24: 1-51

Tungkol sa Pagkawasak ng Templo


(Marcos 13: 1-2)(Lucas 21: 5-6)
1 Lumabas si Jesus sa Templo.
Paalis na siya nang lumapit ang mga
alagad at itinuro sa kanya ang mga
gusali ng Templo. 2
Sinabi niya sa
kanila, "Nakikita ba ninyo ang mga
gusaling iyan? Tandaan ninyo! Darating
ang araw na wala riyang matitirang bato
sa ibabaw ng kapwa bato. Lahat ay
iguguho!"

pahirapan at patayin, 10
at dahil
dito'y marami ang tatalikod sa kanilang
pananampalataya. Mapopoot sila at
magtataksil sa isa't isa. 11
Marami ang
magpapanggap na propeta at ililigaw ang
mga tao. 12
Ang kasamaa'y
lalaganap, kaya't manlalamig ang pagibig ng marami. 13
Ngunit ang
mananatiling tapat hanggang wakas ang
siyang maliligtas. 14
Ipapangaral sa
buong sanlibutan ang Magandang Balita
tungkol sa paghahari ng Diyos upang ang
lahat ng bansa ay makarinig nito. At kung
maganap na ito, darating na ang
katapusan."

Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating


(Marcos 13:3-13)(Lucas 21:7-19)
3 Noon, si Jesus ay nasa
Bundok ng mga Olibo. Habang siya'y
nakaupo roon, palihim siyang tinanong
ng kanyang mga alagad, "Kailan po ba
mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano
po ang magiging palatandaan ng inyong
muling pagparito at ng katapusan ng
mundo?"

4 Sumagot si Jesus, "Mag-ingat


kayo upang hindi kayo mailigaw
ninuman! 5 Maraming paparito sa
pangalan ko at magpapanggap na sila
ang Cristo, at marami silang maililigaw. 6
Makakarinig kayo ng mga labanan at
makakabalita ng mga digmaan sa iba't
ibang dako. Ngunit huwag kayong
mababahala dahil talagang mangyayari
ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon
ang katapusan ng mundo. 7
Maglalaban-laban ang mga bansa
at gayundin ang mga kaharian.
Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa
maraming lugar. 8
Ang lahat ng mga
ito'y pasimula pa lamang ng mga
paghihirap na tulad sa isang babaing
nanganganak.

9 "Sa mga panahong iyon,


kapopootan kayong lahat dahil sa inyong
pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang

Ang Kasuklam-suklam na
Kalapastanganan
(Marcos 13:14-23)(Lucas 21:20-24)
15
"Unawain ninyo itong
mabuti: kapag nakita ninyong nagaganap
na sa Dakong Banal ang kasuklamsuklam na kalapastanganang tinutukoy ni
Propeta Daniel, 16
ang mga nasa
Judea ay dapat tumakas papunta sa
kabundukan, 17 ang nasa bubungan ay
huwag nang mag-abala pang kumuha ng
kahit ano sa loob ng bahay, 18
at
ang nasa bukid ay huwag nang umuwi
upang kumuha ng balabal. 19Sa mga
araw na iyon, kawawa ang mga
nagdadalang-tao at mga nagpapasuso!
20 Ipanalangin ninyo na ang inyong
pagtakas ay huwag mapataon sa
taglamig o sa Araw ng Pamamahinga. 21
Sapagkat sa panahong iyon, ang
mga tao'y magdaranas ng matinding
kapighatiang hindi pa nararanasan mula
nang likhain ang sanlibutan hanggang sa
ngayon, at hindi na mararanasan pa
kahit kailan. 22 Sa katunayan, kung
hindi paiikliin ng Diyos ang panahong
iyon, walang taong maliligtas. Ngunit
alang-alang sa mga hinirang ng Diyos,
paiikliin ang panahong iyon.

23
"Kung may magsasabi
sa inyo, 'Narito ang Cristo!' o 'Naroon
siya!' huwag kayong maniniwala. 24
Sapagkat may lilitaw na mga

huwad na mesiyas at mga huwad na


propeta. Magpapakita sila ng mga
kamangha-manghang himala at mga
kababalaghan upang iligaw ang marami
kahit na ang mga hinirang ng Diyos. 25
Tandaan ninyo, ipinagpauna ko
nang sabihin ito upang kayo'y
makapaghanda.

26
"Kaya't kung sabihin
nila sa inyo, 'Naroon siya sa ilang,' huwag
kayong pumunta roon. Kung sabihin
naman nilang, 'Naroon siya sa silid,'
huwag kayong maniniwala. 27
Sapagkat darating ang Anak ng Tao
na parang kidlat na gumuguhit mula sa
silangan hanggang sa kanluran.

28
"Kung saan may
bangkay, doon nagkakatipon ang mga
buwitre."

Ang Pagparito ng Anak ng Tao


(Marcos 13:24-27)(Lucas 21:25-28)
29
"Pagkatapos ng
kapighatian sa mga panahong iyon,
magdidilim ang araw, hindi magliliwanag
ang buwan, malalaglag mula sa langit
ang mga bituin, at mayayanig ang mga
kapangyarihan sa kalawakan. 30
Pagkatapos, lilitaw sa langit ang
tanda ng Anak ng Tao at mananangis ang
lahat ng bansa. Makikita nila ang Anak
ng Tao na nasa alapaap at dumarating na
may dakilang kapangyarihan at
kadakilaan. 31
Sa hudyat ng malakas
na tunog ng trumpeta, susuguin niya ang
kanyang mga anghel sa apat na sulok ng
daigdig at titipunin nila ang mga hinirang
mula sa lahat ng dako."

Ang Aral Mula sa Puno ng Igos

nagkakadahon na, alam ninyong malapit


na ang tag-araw. 33
Gayundin naman,
kapag nakita ninyo ang lahat ng ito,
malalaman ninyong malapit na ang
pagdating ng Anak ng Tao, talagang
malapit na. 34
Tandaan ninyo,
magaganap ang lahat ng ito bago
mamatay ang mga taong nabubuhay
ngayon. 35 Lilipas ang langit at ang lupa,
ngunit ang aking mga salita ay
mananatili magpakailanman."

Walang Nakakaalam ng Araw o Oras


(Marcos 13:32-37)(Lucas 17:26-30, 3436)
36
"Ngunit walang
nakakaalam ng araw at oras ng pagsapit
niyon, kahit ang mga anghel sa langit o
maging ang Anak man. Ang Ama lamang
ang nakakaalam nito. 37
Ang
pagdating ng Anak ng Tao ay tulad sa
pagdating ng baha noong panahon ni
Noe. 38
Nang mga araw na iyon,
bago bumaha, ang mga tao'y nagsisikain,
nag-iinuman, at nagsisipag-asawa
hanggang sa pumasok si Noe sa barko.
39
Hindi nila namamalayan ang
nangyayari hanggang sa dumating ang
baha at tinangay silang lahat. Gayundin
ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng
Tao. 40
Sa panahong iyon, may
dalawang lalaking nagtatrabaho sa
bukid, kukunin ang isa at iiwan ang
ikalawa. 41 May dalawang babaing
nagtatrabaho sa gilingan, kukunin ang
isa at iiwan ang ikalawa. 42 Kaya't
maging handa kayo dahil hindi ninyo
alam kung kailan darating ang inyong
Panginoon. 43
Tandaan ninyo ito: kung
alam ng may-ari ng bahay kung anong
oras sa gabi darating ang magnanakaw,
siya'y maghahanda at hindi niya
pababayaang pasukin ang kanyang
bahay. 44 Kaya't lagi kayong maging
handa, sapagkat darating ang Anak ng
Tao sa oras na hindi ninyo nalalaman."

(Marcos 13:28-31)(Lucas 21:29-33)


32
"Unawain ninyo ang
aral mula sa puno ng igos; kapag ang
mga sanga nito ay umuusbong at

Dapat Palaging Maging Handa


(Lucas 12:41-48)

45
"Sino ang tapat at
matalinong alipin? Hindi ba't ang
pinamamahala ng kanyang panginoon
upang magpakain sa iba pang mga alipin
sa takdang oras? 46
Mapalad ang
aliping iyon kapag dinatnan siyang tapat
na naglilingkod sa pagbabalik ng
kanyang panginoon! 47 Sinasabi ko sa
inyo, gagawin siyang tagapamahala ng
kanyang panginoon sa lahat ng mga ariarian nito. 48
Ngunit kung masama
ang aliping iyon, sasabihin niya sa
kanyang sarili, 'Matatagalan pa ang
pagbabalik ng aking panginoon.' 49
Kaya't sisimulan niyang bugbugin
ang ibang mga alipin, at
makikipagkainan at makikipag-inuman sa
mga lasenggo. 50Babalik ang panginoon
ng aliping iyon sa araw na hindi niya
inaasahan at sa oras na hindi niya alam.
51
Buong higpit siyang paparusahan
ng kanyang panginoon, at pagkatapos ay
isasama sa mga mapagkunwari. Doo'y
tatangis siya at magngangalit ang
ngipin."

Ang Pagpapalago ng Relasyon sa Dios


Sinong makapagsasabi na hindi
mahalaga ang pakikipag-relasyon sa
Dios?

Mahalaga na magkaroon tayo ng


mabuting ugnayan sa Dios, ngunit hindi
nangangahulugan na sapat na ito upang
magkamit tayo ng kaligtasan. Bahagi
lamang ito ng mga bagay na kailangan
nating gawin upang magkamit ng
kaligtasan. Ang tanong lamang, kumusta
naman ang UGNAYAN natin sa Dios?
Umuunlad ba ito o pahina-nang-pahina?
Mayroon ba tayong kaugnayan sa Dios?

Una, alamin muna natin kung paano


magkakaroon ng UGNAYAN sa Dios.
Naniniwala kami na ang ugnayan o
relasyon natin sa kaniya ay hindi lamang
Manlilikha-at-Nilikhang relasyon. Higit pa
sa rito, hangad ng Dios na tayo ay
maging Kaniyang mga ANAK,

karapatdapat sa Kaniyang habag, pagibig at pagkukupkop. Sinabi ni Hesus,


sapagkat iisa ang inyong ama, sa
makatuwid bagay siya na nasa langit.
(Mateo 23:9) at nang turuan Niya ang
mga Apostol na manalangin, itinuro Niya
na, Ama namin na nasa langit ka,
Sambahin nawa ang pangalan mo.
(Mateo 6:9) Bagaman mayroong ilan na
naniniwalang hindi Ama ang Dios, gaya
nang sinasabi ng kanilang mga banal na
aklat, sa Biblia ay ilang beses na
masusumpungang ang Dios ay Ama ng
bawat kumikilala sa Kaniya.

Kung ang Dios ay AMA, kung gayon, tayo


ay Kaniyang mga anak. Walang APO ang
Dios, kundi mga anak lamang na babae o
lalake. Nangangahulugan ito na bawat
isa ay tumatayo sa kaniyang sarili,
naglilingkod sa kaniyang sarili bilang
indibiduwal at nagtataglay ng
pananampalataya sa kaniyang sarili.
Wala tayong maililigtas kundi ang ating
mga sarili. At ito ay magagawa ng
pananampalataya na taglay natin sa
ating mga sarili.

Subalit, paano tayo magiging mga anak


ng Dios?

Nangangahulugan ba na ang lahat ng


Kaniyang mga nilikhang tao ay
itinuturing Niyang Kaniyang mga anak?
Maituturing bang lahat ng tao ay mga
anak ng Dios? Sinabi ni Hesus, Kayoy sa
inyong amang diablo, at ang mga nais ng
inyong ama ang ibig ninyong gawin.
(Juan 8:44) Tinutukoy dito ni Hesus ang
mga tao sa Kaniyang kapanahunan, na
nagpapakita ng katangian bilang mga
anak ng diablo. Ginagawa nila ang
kalooban ng kanilang amang diablo, at
hindi ang kalooban ng Dios, sapat upang
patunayan na hindi lahat ay anak ng
Dios, kundi mayroon talagang mga anak
ng diablo. Hindi lahat ng tao ay
naniniwala at sumasampalataya sa Dios
at sa Panginoong Hesus. Hindi lahat ay
tumutupad ng Kaniyang mga utos, hindi

lahat ay hinahanap ang Kaniyang


kaharian at hinahanap ang Kaniyang mga
kalooban. Hindi maaaring ituring na mga
anak ng Dios ang mga taong hindi
naniniwala sa Kaniya.

Paano ba ang maging ANAK ng Dios?


Nagpakita si Hesus ng mga halimbawa
na dapat nating sundan, at isa na dito
ang kaparaanan kung paano magiging
anak ng Dios. Sapagkat sa ganitong
bagay kayoy tinawag: sapagkat si Cristo
man ay nagbata dahil sa inyo, na kayoy
iniwanan ng halimbawa, upang kayoy
mangagsisunod sa mga hakbang niya:
(1 Pedro 2:21) Magiging mga anak tayo
ng Dios kung gagawin natin ang mga
bagay na nararapat gawin at mga bagay
na ayon sa Kaniyang kalooban. Nang
pumaroon si Hesus sa ilog ng Jordan
upang pabautismo kay Juan, sinansala
siya ni Juan, subalit kaniyang ipinahayag,
Payagan mo ngayon: sapagkat ganyan
ang nararapat sa atin, ang pagganap ng
buong katuwiran. Nang magkagayoy
pinayagan niya siya. (Mateo 3:15) At
pagkatapos ay bumaba ang espiritu
santo sa Kaniya at may narinig na tinig
na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong
Anak, na siya kong lubos na
kinalulugdan. (Mateo 3:17) Hindi ang
kahayagan ni Hesus ang pinatutungkulan
ng pangyayaring ito. Ang pangyayaring
ito ay nagtuturo ng kaparaanan kung
paano na ang bawat isa ay magiging
mga anak ng Dios. At ito ay sa
pamamagitan ng iniwan Niyang
halimbawa, na sinumang gaganap ng
kalooban ng Ama, ng mga bagay na
karapatdapat ay binibigyan ng
karapatang tawaging Kaniyang mga
anak.

Bawat isa na gumaganap ng Kaniyang


kalooban at tumatanggap sa Kaniya ay
pinagkalooban Niya ng karapatan upang
Kaniyang maging mga anak. Joh 1:12
Datapuwat ang lahat ng sa kaniyay
nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila
ng karapatang maging mga anak ng
Dios, sa makatuwid bagay ang mga

nagsisisampalataya sa kaniyang
pangalan: Joh 1:13 Na mga ipinanganak
na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng
laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng
Dios. Datapuwat, sinasabi dito na
kailangang ipanganak ang tao hindi sa
pamamagitan ng kalooban ng tao, kundi
sa pamamagitan ng kalooban ng Dios.

Ang mga unang mga Kristiyano ay


naging mga anak ng Dios sapagkat
ginawa nila ang karapatdapat gawin
upang maging mga anak ng Dios, at ito
ay sa pamamagitan ng pagtanggap o
pagsampalataya sa mga Salita ng Dios,
maging matibay sa pananampalataya, sa
pakikisama sa iglesia ng Dios at
pananatili sa pananampalatayang
kanilang tinanggap mula sa Dios. Naging
mga anak sila ng Dios sa pamamagitan
ng pananampalataya kay Hesus. Gal 3:26
Sapagkat kayong lahat ay mga anak ng
Dios, sa pamamagitan ng
pananampalataya, kay Cristo Jesus. Gal
3:27 Sapagkat ang lahat na sa inyo ay
binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si
Cristo. Gal 3:28 Walang magiging Judio o
Griego man, walang magiging alipin o
malaya man, walang magiging lalake o
babae man; sapagkat kayong lahat ay
iisa kay Cristo Jesus. Gal 3:29 At kung
kayoy kay Cristo, kayo ngay binhi ni
Abraham, at mga tagapagmana ayon sa
pangako.

Datapuwat pansinin natin na ang


pagiging anak ng Dios ay hindi lamang sa
pamamagitan ng pagsampalataya o
pagtataglay ng pananampalataya, kundi
kailangang kalakip nito ay ang
pagtanggap ng bautismo. Bawat isa na
tumanggap sa Kaniyang pangalan, ay
nabautismuhan, at bawat isa na
nabautismuhan ay naparagdag sa iglesia
ng Dios.
Act 2:41 Then they that gladly received
his word were baptized: and the same
day there were added unto them about
three thousand souls. Act 2:47 Praising
God, and having favour with all the

people. And the Lord added to the church


daily such as should be saved. Ito ang
ugnayan o relasyon na tataglayin ng
bawat isa na tumanggap sa Kaniya, ang
Dios ay magiging Ama ng bawat isa na
magiging bahagi ng Kaniyang iglesia, at
ang bawat isa na ito ay kikilalanin naman
Niyang Kaniyang mga anak.

Hindi sapat na magkaroon ng ugnayan o


relasyon sa Dios. Pero higit na mainam
kung higit pang mapapaunlad o
mapapabuti ang relasyon sa Kaniya. Mga
anak ang turing Niya sa atin na
gumaganap ng Kaniyang kalooban, at
Siya ang ating Ama. Sa loob ng tahanan,
mahalaga din ang pagkakaroon ng
mabuting pakikitungo. Bawat isang
miyembro ng pamilya ay dapat mag-ukol
ng pag-ibig, respeto at malasakit sa isat
isa. Ang mga magulang ang siyang
pangunahing dapat na nagtuturo nito sa
kanilang mga anak, at ang mga anak
naman ay dapat na tumalima sa mga
itinuturo ng kanilang mga magulang.
Ganito din sa sangbahayan ng Dios, Siya
bilang Ama, ay naghahangad na ang
Kaniyang mga anak ay tumatalima sa
Kaniya sa katotohanan at pag-ibig. Sa
pamamagitan nito, gaya nang pamilyang
nagkakaisa at may pag-ibig, sa bahay ng
Dios ay maganap din ito at makita Niya
na ginagawa ang Kaniyang ibig.

Unahin natin sa ating sariling mga


sambahayan. Marami na ngayon ang
masyadong abala sa maraming mga
bagay at nakakaligtaan nang pagtuunan
ng pansin ang pagbubuklod ng pamilya.
Bawat isa ay maykanikaniyang
kaabalahan. Ang mga asawang lalaki ay
mas maligaya sa kanilang mga kaibigan
kaysa sa kanilang sariling pamilya. Ang
mga babaeng asawa naman ay abala sa
maraming mga sosyalan sa halip na
asikasuhin ang kanilang mga anak. At
ang mga anak, palibhasa
nararamdamang sila ay napapabayaan
ay nagrerebelde at humahanap ng
kaligayahan sa mga barkada, bisyo at
kalayawan. Ito ay nangyayari sa

kakulangan ng mabuting ugnayan o


relasyon sa loob ng tahanan.

Natutunan natin sa mga paaralan na ang


pamilya ang pangunahing pundasyon ng
lipunan. Habang lumalago ang kaalaman
at teknolohiya, lumalayo naman ang
relasyon o ugnayan ng bawat isang
sangkap ng pamilya. At dahil dito, hindi
na naging kumportable para sa mga
miyembro ng pamilya ang kanilang mga
tahanan. Hindi na po ito dapat
pagtakahan, sapagkat sinabi ng Biblia na
darating ang mga araw na ang panahon
ay magiging mapanganib. Sinabi ni
Pablo, 2Ti 3:1 Datapuwat alamin mo ito,
na sa mga huling araw ay darating ang
mga panahong mapanganib. 2Ti 3:2
Sapagkat ang mga taoy magiging
maibigin sa kanilang sarili, maibigin sa
salapi, mayayabang, mga mapagmalaki,
mapagtungayaw, masuwayin sa mga
magulang, mga walang turing, mga
walang kabanalan, 2Ti 3:3 Walang
katutubong pagibig, mga walang
paglulubag, mga palabintangin, mga
walang pagpipigil sa sarili, mga
mabangis, hindi mga maibigin sa mabuti,
2Ti 3:4 Mga lilo, mga matitigas ang ulo,
mga palalo, mga maibigin sa kalayawan
kay sa mga maibigin sa Dios; 2Ti 3:5 Na
may anyo ng kabanalan, datapuwat
tinanggihan ang kapangyarihan nito:
lumayo ka rin naman sa mga ito. Kaya,
kung ganito man ang takbo ng
sanlibutan, hindi na ito dapat pang
kagulatan. Ngunit, ang mga lingkod ng
Dios ay hindi ganito. Iba ang kaisipan ng
mga lingkod ng Dios, sapagkat sila ay
tinuruan ng kalooban ng Dios. At maging
sa pag-aasikaso ng relasyon ng
sambahayan ay mulat ang mga lingkod
ng Dios sapagkat bahagi ito ng paraan ng
pamumuhay ng mga Kristiyano.

Naniniwala kami na na ang pamilya na


sama-samang dumudulog sa Dios ay
nagiging matatag at mapayapa. Marami
sa mga magulang ngayon ang
nakakalimutang ipasa o turuan ang
kanilang mga anak sa espirituwal na

bahagi ng pamumuhay, ito ay sa


kadahilanang sila man ay walang
kaalaman upang ipamulat sa kanilang
mga anak. Ito ang dahilan kung bakit
marami sa ngayon ang hindi maka-Dios.
Nagsisimula sa pamilya ang lahat.

Ang mga anak ay tinutularan ang


kanilang mga magulang, lalo na sa
pagiging maka-Dios. Kapag nakikita ng
mga anak ang pagiging relihiyoso ng
kanilang mga magulang, at kasabay pa
nito ay nagagabayan at natuturuan ng
tama at ayon sa kalooban ng Dios, ang
mga anak ay lumalaking responsable at
maka-Dios. Sinabi ng Biblia, At tungkol
sa akin, ito ang aking tipan sa kanila,
sabi ng Panginoon: ang aking Espiritu na
nasa iyo, at ang aking mga salita na
inilagay ko sa iyong bibig, hindi hihiwalay
sa iyong bibig, o sa bibig man ng iyong
lahi, o sa bibig man ng angkan ng iyong
lahi, sabi ng Panginoon, mula ngayon at
magpakailan pa man. (Isaias 59:21) Sa
mga unang lingkod ng Dios ay ipinayo na
ituro ito sa kanilang mga sangbahayan,
at sa mga susunod pa nilang mga lahi
ang mga salita ng Dios. Noon pa man ay
hangad na ng Dios na magkaroon tayo
ng pamilyang nabubuklod sa pagkakaisa
sa Kaniyang mga salita at katuwiran.
Kaya, tungkulin ng bawat isa na hubugin
ang kanilang mga anak sa ikatututo ng
katuwiran ng Dios.

Tungkulin ng mga magulang na imulat


ang kanilang mga anak sa Kalooban ng
Dios. Sinabi ng Biblia, Turuan mo ang
bata sa daan na dapat niyang lakaran, at
pagka tumanda man siya ay hindi niya
hihiwalayan. (Kawikaan 22:6) Tungkulin
nating mga magulang na sanayin ang
mga anak sa paglilingkod at pagbibigay
lugod sa Dios. Halimbawa ay sa
panalangin, kapag tayo ay
mananalangin, hayaan nating nakikita
tayo ng ating mga anak na nagbibigay ng
sapat na panahon sa pakikipag-usap sa
ating Lumikha. Sa pamamagitan nito, ay
lumaki silang mayroon ding pakikipagugnay na ginagawa sa Dios.

At habang ang sambahayan natin o


pamilya ay lumalago sa pakikitungo o
relasyon sa Dios, ang pamilya ay
magiging matatag, mapayapa at
maligaya, sapagkat nabubuklod ng
pagkakaisa sa pananampalataya, pagasa at pag-ibig. Isa sa dapat pag-ukulan
ng pansin ay ang pakikipag-ugnay o ang
tinatawag na komunikasyon. Ang
komunikasyon, sa anumang samahan,
lalo na sa loob ng sambahayan ay
napakahalaga. Ang isang pamilya na
nakapag-uusap ng malaya, may bigayan
at bukas sa isat isa ay nagiging matibay
sa pagsasama-sama.

Ngunit bawat isa ay may tungkulin ding


mapalago ang kaniyang relasyon sa Dios.
Ano ang mga paraan upang lalo nating
mapalago, mapa-unlad at mapabuti ang
relasyon nating ito sa ating AMA- ang
Dios?

Sa loob ng pamilya, mahalaga ang


pagkakaroon ng pamalagiang
komunikasyon na mayroong respeto at
pag-ibig sa isat isa, na siyang
pangunahing mga bagay sa
ikapagkakaroon ng mabuting pamilya.
Nais ng mga magulang na laging
nakikipag-usap sa kanilang mga anak.
Gusto nilang marinig lagi ang kanilang
mga anak- sapagkat mahal nila ang
kanilang mga anak.

Isang paraan upang marinig tayo ng Dios


ay sa pamamagitan ng PANALANGIN. Sa
pamamagitan nito, ay naipaparating
natin ang ating mga kahilingan at daing
sa Ama na Lumikha sa atin. Dinidinig
Niya ang ating mga panalangin at
nalalaman Niya kung ano ang
makabubuti para sa atin. Ang panalangin
ay isa sa mga epektibong paraan upang
lalo nating mapaunlad ang ating relasyon
sa Dios. Ang mga lingkod ng Dios ay

alam ang kahalagahan at


kapangyarihang magagawa ng
panalangin sa kanilang mga buhay.

itinuro ni Hesus ang kahalagahan ng


panalangin sa pamamagitan ng
talinhaga. (Lukas 18:1) At maging si
Apostol Pablo ay nagpapayo sa mga
kapatid sa iglesia na manalanging palagi
at walang patid. (1 Tesalonica 5: 17)

Ang haring si David, ay naging malapit sa


Dios sa pamamagitan ng Kaniyang
walang patid na pananalangin.
Nakikipag-usap siya sa Dios tuwing
umaga, sa tanghali at maging sa gabi.
Psa 55:16 Tungkol sa akin, ay tatawag
ako sa Dios; at ililigtas ako ng Panginoon.
Psa 55:17 Sa hapon at sa umaga, at sa
katanghaliang tapat, akoy dadaing at
hihibik: at kaniyang didinggin ang aking
tinig. Ang Dios ang kaniyang kaligtasan
at sa tuwina ay ipinararating niya ang
kaniyang karaingan sa Dios sa
pamamagitan ng pagdaing, paghibik o
panalangin. Psa 88:1 Oh Panginoon, na
Dios ng aking kaligtasan, akoy dumaing
araw at gabi sa harap mo:

Muli, nagpakita ng halimbawa si Hesus


na itinuro ang kahalagahan ng
panalangin. Bago Siya tumawag ng
Kaniyang mga alagad ay nanalangin Siya
nang buong magdamag. Itinuturo nito,
na kung may napakaselan at
napakahalagang bagay na kailangan
nating gawin, ang panalangin ay
makatutulong upang magawa natin ito
nang ayon sa kalooban ng Dios. (Lukas
6:12-13) Ang panalangin din ang itinuro
Niya sa mga alagad upang maging
matatag sa pagharap sa mga bagay na
kanilang kailangang maranasan.(Lukas
21:36)

To know more about prayers, please click


the following links: (1), (2) and (3).

Ang pagtawag o panalangin sa Dios ay


maaaring gawin bilang isang pamilya at
maari din gawing pangbuong
kongregasyon. Makakatulong ito upang
lalong mapaunlad ang relasyon natin sa
Dios. Hindi nagtatagal ang relasyon kung
walang pamalagiang komunikasyon. Nais
ng Dios na patuloy tayong nakikipagugnay sa Kaniya sa pamamagitan ng
panalangin, at lagi nating pakatandaan
na ang Dios ay lagi tayong
pinakikinggan.

Bukod sa panalangin, mayroon pa bang


ibang paraan upang mapaunlad ang
relasyon natin sa Dios na ating Ama?

Ang pakikipag-usap sa Dios sa


pamamagitan ng panalangin ay isang
mahalagang sangkap upang mapaunlad
natin ang ating relasyon sa Dios na ating
Ama. Siya ay Ama na umiibig sa atin at
hangad Niyang sa tuwina ay naririnig
tayo na Kaniyang mga anak. Sa
pamamagitan ng panalangin, mayroon
tayong kalayaan at pagkakataon na
maiparating ang ating mga hiling, daing,
kalakip ang pagpupuri at
pagpapasalamat sa lahat ng Kaniyang
kabutihan sa atin.

Ngunit ang relasyon ay dapat maging


dalawang direksiyon. Hindi naman tama
na laging ang mga anak ang nagsasalita
sa pamilya. Ang mga magulang ay dapat
ding nagsasalita habang ang mga anak
ay nakikinig. Gayundin sa relasyon ng
Dios sa ating Kaniyang mga anak,
kailangang hindi lamang natin
matutunan na magsalita sa Kaniya, kundi
higit sa lahat ay matuto tayo na MAKINIG
sa Kaniya.

Paano tayo makikinig sa Dios? Paano ba


nakikipag-usap ang Dios? Noon, ang Dios
ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng
mga Propeta at ito ay ginagawa Niya sa
ibat-ibang kaparaanan. Heb 1:1 Ang

Dios, na nagsalita nang unang panahon


sa ating mga magulang sa ibat ibang
panahon at sa ibat ibang paraan sa
pamamagitan ng mga propeta, Sa huling
araw ay sa pamamagitan ni Hesus, Heb
1:2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling
araw na ito sa pamamagitan, ng
kaniyang Anak, na siyang itinalaga na
tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na
sa pamamagitan naman niyay ginawa
ang sanglibutan; Ang mga salita ng Dios
ay naisulat sa pamamagitan ng mga
balumbon ng mga kasulatan sa patnubay
ng Banal na Espiritu ng Dios, kayat
makakatiyak na ito ay lubos na
mapagkakatiwalaan.

Sa pamamagitan ni Hesus, ang Evangelio


ay ipinangaral, at sinumang tumanggap
at sumampalataya at mabautismuhan ay
magtatamo ng kaligtasan. Ito ang naging
bilin ni Hesus sa Kaniyang mga alagad,
Mat 28:19 Dahil dito magsiyaon nga
kayo, at gawin ninyong mga alagad ang
lahat ng mga bansa, na silay inyong
bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng
Anak at ng Espiritu Santo: Mat 28:20 Na
ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin
ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa
inyo: at narito, akoy sumasa inyong
palagi, hanggang sa katapusan ng
sanglibutan.

Ayon kay Apostol Pablo, na nangaral sa


mga Gentil, ang PAKIKINIG ay mahalaga.
Kahit sa ating mga magulang, mahalaga
na tayong mga anak ay matuto na
makinig sa kanila. Walang magulang na
masama ang naging hangarin sa
kanilang mga anak, maliban na lang sa
mga wala na sigurong katinuan ang pagiisip. Bakit mahalaga ang pakikinig ayon
kay Apostol Pablo? Sapagkat ang
pananampalataya ay nanggagaling sa
pakikinig, at ang pakikinig ay sa
pamamagitan ng mga salita ni Cristo.
(Roma 10:17) Nagtatamo ang tao sa
pamamagitan ng pakikinig ng salita ng
Dios. Ang pananampalataya ay
mahalaga, sapagkat kung walang
pananampalataya, sinuman ay hindi

magiging kalugod-lugod sa Dios. (Hebreo


11:6) Sa pamilya, ang tinig ng mga
magulang ay mahalaga. Ang laman ng
kanilang mga tinig ay nagtataglay ng
hangaring matuto tayong mga anak sa
buhay na ito ng tamang paraan ng
pamumuhay.

Bilang mga lingkod ng Dios, hayaan


nating ang mga salita ng Dios ay
kausapin tayo, Ano ba ang gusto Niyang
gawin natin? Alamin natin ang Kaniyang
mga kalooban, para naman hindi na lang
ang laging nasusunod ay tayo. Ang mga
salitang ito ng Dios ay dinidinig natin sa
bawat pagkakatipon na ating
dinadaluhan. Ito man ay pagsamba, Bible
Study oPulong panalangin, ang layunin
nito ay iisa, pag-aralan at pakinggan ang
mga salita ng Dios. Mahalaga na makinig
tayo sa gustong sabihin ng Dios na ating
Ama, gaya naman ng nais ng ating mga
magulang sa ating sambahayan. Hangad
ng Dios ang pinakamabuti para sa atin,
kaya nga sinabi Niyang magpakasakdal
tayo, sapagkat ang Ama na nasa langit
ay sakdal. (Mateo 5:48) Ang pakikinig
ng Kaniyang mga salita ang
magpapasakdal sa atin, lilinis sa ating
mga karumihan, magtuturo sa atin sa
ikatutuwid, sa ikatututo na nasa
Katuwiran. 2Ti 3:15 At mula sa
pagkasanggol ay iyong nalalaman ang
mga banal na kasulatan na
makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa
pamamagitan ng pananampalataya kay
Cristo Jesus. 2Ti 3:16 Ang lahat ng mga
kasulatan na kinasihan ng Dios
aymapapakinabangan din naman sa
pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway,
sa ikatututo na nasa katuwiran: 2Ti 3:17
Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal,
tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang
mabuti.

Bilang AMA, ang mga salita ng Dios ay


kung pagka-minsan nakasusugat at
nakasasakit ng kalooban; minsan
napakahirap tanggapin, gaya nang salita
ng ating mga magulang sa atin. Ang mga
salita ng Dios ay nagtutuwid, at ito ang

salita ng isang AMA sa Kaniyang ANAK.


At kumbaga sa magulang, masakit man
ang mga salita, ang layunin ay hutukin
tayo sa magandang pag-uugali upang
mabuhay na marangal at mabuti sa
harap ng ating mga kapuwa tao.
Gayundin ang Dios, ang tingin Niya sa
atin ay Kaniyang mga Anak, at bilang
mga anak, hangad ng Dios na ipagmalaki
tayo na naturuan ng Kaniyang mga
katuwiran. Kung masakit man ang mga
salita, tanggapin natin ito nang may
kaamuan, sapagkat ito naman ay
maghahatid sa atin sa kasakdalan ng
pananampalataya.

May babala lamang ang Dios sa ating


lahat. Kung makikinig tayo ng Kaniyang
mga salita, kailangang isakabuhayan
natin ang mga ito.Walang kabuluhan ang
pakikinig kung hindi ito ginaganap. Ang
pakikinig at pagtupad ay isang
kaparaanan upang lalo nating mapabuti
ang ating relasyon sa Dios. Jas 1:21
Kayat ihiwalay ninyo ang lahat na
karumihan at ang pagapaw ng
kasamaan, at tanggapin ninyo na may
kaamuan ang salitang itinanim, na
makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.
Jas 1:22 Datapuwat maging tagatupad
kayo ng salita, at huwag tagapakinig
lamang, na inyong dinadaya ang inyong
sarili. Jas 1:23 Sapagkat kung ang
sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi
tagatupad, ay katulad siya ng isang tao
na tinitingnan ang kaniyang talagang
mukha sa salamin: Jas 1:24 Sapagkat
minamasdan niya ang kaniyang sarili, at
siyay umaalis at pagdakay kaniyang
nalilimutan kung ano siya. Jas 1:25
Ngunit ang nagsisiyasat ng sakdal na
kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at
nananatiling gayon, na hindi tagapakinig
na lumilimot, kundi tagatupad na
gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito
sa kaniyang ginagawa.

Kaya nga, hindi dapat na pinapabayaan o


winawalang-kabuluhan ang mga
pagkakatipon. Bawat pagkakatipon ay
pagkakataon upang pakinggan ang mga

Salita ng Dios, na Siyang kinaroroonan ng


pagka-alam o pagkatuto sa Kaniyang
mga banal na kalooban. Sa mga
pagkakatipon, dinidinig natin ang mga
salita ng ating AMA, at lalong lumalapit
ang ating kalooban sa Kaniya. Heb 10:25
Na huwag nating pabayaan ang ating
pagkakatipon, na gaya ng ugali ng iba,
kundi mangagaralan sa isat isa; at lalo
na kung inyong namamalas na nalalapit
na ang araw.

Mayroon pa bang paraan na itinuturo ang


Biblia upang lalong mapabuti ang ating
relasyon sa Dios, bukod sa pakikipagusap (panalangin) at sa pakikinig (pagaaral ng Kaniyang mga Salita)?

Ang DIOS, na Siyang ating Ama, ay


nalalaman at nakikilala ang Kaniyang
mga anak. Alam Niya ang laman ng
kanilang puso at pag-iisip. At mahalaga
para sa Dios, bilang Ama, ang nilalaman
ng ating mga puso at kalooban, kung ito
ba ay malinis at ayon ba sa Kaniyang
kalooban. Ang laman ng ating mga puso
ay halos kapareho ng nilalaman ng ating
mga pag-iisip. Sa Biblia, kapag pinaguusapan ang laman ng puso, tumutukoy
ito sa kung ano ang katangian ng
pagkatao, laman ng isip at kalooban.
Madaling makilala ng Dios ang Kaniyang
mga lingkod, sapagkat Siya ay tumitingin
hindi sa panlabas na anyo, kundi sa puso.
Nililiwanag nito, na sa Dios, mahalaga
ang laman ng puso at kaisipan.
sapagkat hindi tumitingin ang
Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao:
sapagkat ang tao ay tumitingin sa
mukha, ngunit ang Panginoon ay
tumitingin sa puso. (1 Samuel 16:7)

Pag-aralan nga natin ang laman ng ating


puso at kalooban. Sino sa akala natin ang
nakakaalam nito? Wala! Ang nakakaalam lamang ng laman ng ating kalooban
ay ang Dios, na nakakaalam ng lahat ng
mga bagay at tayo mismo sa ating mga
sarili. Sapagkat sino sa mga tao ang
nakakakilala ng mga bagay ng tao, kundi

ang espiritu ng tao, na nasa kaniya? (1


Corinto 2:11) Ang laman ng ating mga
kalooban ay kadalasang lingid o
nakatago sa marami, ngunit hindi sa
Dios. Subalit, kadalasan ang laman ng
ating puso at kalooban ay naipapakita sa
pamamagitan ng salita at ng mga gawa.
Ang mabuting tao ay kumukuha ng
kagalingan sa mabubuting kayamanan
ng kaniyang puso; at ang masamang
taoy kumukuha ng kasamaan sa
masamang kayamanan: sapagkat sa
kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang
kaniyang bibig. (Lukas 6:45) Ang
kabutihan at kasamaan ng tao ay
nagmumula sa kaibuturan ng kaniyang
kalooban at nahahayag lamang ito sa
pamamagitan ng kaniyang mga salita at
paggawa. Kaya kapag ang tao ay
masama, masama din ang laman ng
puso nito. Ngunit kung ang gawa ng tao
ay mabuti at matuwid, nagmumula ito sa
kaniyang puso at kalooban.

Isa sa paraan ng pag-alam o pag-aaral ng


laman ng ating mga puso at kalooban ay
sa pamamagitan ng pagbubulay-bulay o
meditasyon. Kadalasan, ang panalangin
at meditasyon ay napagkakamalang
pareho. Bagaman, kapuwa
nangangailangan ng sapat na panahon
kapag ito ay isinasagawa, magkaiba ang
mga ito sa maraming mga bagay. Sa
Biblia, ang meditasyon o
pagbubulaybulay ay paraan upang
maintindihan nating lubos ang kalooban
ng Dios. Sa pamamagitan nito, sinisikap
nating alamin ang mga bagay na
kailangan pa nating isagawa, isapuso at
isakalooban upang lalong mapabuti natin
ang ating relasyon sa Dios at paglago ng
ating pananampalataya sa Kaniya. Ito
ang pangunahing layunin ng
pagsasagawa nito. At gaya nang
panalangin sapat na panahon ang
kailangan upang ito ay maisagawa natin.
Gaya nang ating mga magulang na
binigyan tayo ng sapat na panahon at
hindi nagpabaya sa atin, tayong mga
anak ay dapat ding magkaloob ng sapat
na panahon sa kanila. Ganito din tayo
dapat sa Dios na ating Ama, na makita

Niyang naglalaan tayo ng panahon sa


pananalangin at pagbubulaybulay.

Sa maraming mga tao, ang meditasyon


ay isang espirituwal na rituwal. Maging
sa ilang mga mananampalataya, ang
pagbubulaybulay ay isang bagay na
napakahirap gawin. Hindi man tuwirang
sinasabi ng Biblia na tayo ay
magbulaybulay o magsagawa ng
meditasyon, hindi din naman sinasabi na
tayo ay mag-isip, subalit ito ay ginagawa
natin.

Subalit, sinasabi ng Biblia ang mga


bagay na kailangan nating pagbulaybulayan. Ang karaniwang bagay na
pinag-iisipan ng mga tao ay ang pagaalala. Nakakalungkot, pero ito ang
karaniwang laman ng puso at isipan ng
mga tao, ang mag-alala at mabalisa sa
maraming mga bagay sa buhay na ito. Sa
halip na mabalisa at mag-alala o magisip tungkol sa maraming mga bagay,
bakit hindi natin subukang kausapin ang
Dios? Sa pamamagitan ng panalangin at
meditasyon ay magagawa natin ito.
Sinabi ni Hesus na huwag tayong
mabalisa, sa halip ay ipagkaloob natin sa
Kaniya ang ating mga pagtitiwala sa
lahat ng ating mga pangangailangan.
(Mateo 6:25-34)

May mga bagay na kailangang


pagbulayan sa buhay nating ito at ito ang
mga bagay na ibig ng Dios na maging
laman ng ating mga puso at kalooban, sa
halip na mabalisa at mag-alala sa
maraming mga bagay sa buhay na ito.
Pag-aralan natin ang mga bagay na ibig
ng Dios na maging laman ng ating mga
puso at kalooban. Mababasa natin sa
Biblia ang mga talata na may mga
salitang meditate, think, commune,
ponder, imagine, remember, examine,
watch at iba pa.

Ipinayo ni Apostol ang mga bagay na


ito na siyang dapat maging laman ng
ating mga isipan at kalooban, upang ang
Dios ng kapayapaan ay sumaatin. Ibig
sabihin, mayroon talagang mga bagay na
kapag naging laman ng ating kalooban,
lalo itong maglalapit sa atin sa Ama, na
ating Dios, na magpapalagong lalo ng
ating relasyon sa Kaniya. Php 4:8
Katapustapusan, mga kapatid, anomang
bagay na katotohanan, anomang bagay
na kagalanggalang, anomang bagay na
matuwid, anomang bagay na malinis,
anomang bagay na kaibigibig, anomang
bagay na mabuting ulat; kung may
anomang kagalingan, at kung may
anomang kapurihan, ay isipin ninyo ang
mga bagay na ito. Php 4:9 Ang mga
bagay na inyong natutuhan at tinanggap
at narinig at nakita sa akin, ang mga
bagay na ito ang gawin ninyo: at ang
Dios ng kapayapaan ay sasa inyo.

Bukod dito, si Apostol pablo din ang


nagpayo na ang kaisipan natin ay dapat
lamang ilagak sa mga bagay na nasa
itaas at huwag sa mga bagay na ukol sa
lupa. Upang magawa ito, kailangang
sinasanay ang kaisipan. Pinag-aaralang
gawin ito ng mga lingkod ng Dios.
Mahirap naman kasi na ang laging laman
ng kalooban ay puro panlangit, gayong
nasa lupa naman tayo. Ang sinasabi ng
Biblia, ilagak ang kaisipan sa mga bagay
na panlangit, na ang maging
pangunahing layunin natin sa buhay na
ito ay ang marating ang langit na yaon.
At magsisimula ito sa pag-iisip at sa
laman ng puso na ilagak sa mga bagay
na ukol sa langit. Col 3:1 Kung kayo
ngay muling binuhay na kalakip ni
Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay
na nangasa itaas, na kinaroroonan ni
Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. Col
3:2 Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa
mga bagay na nangasa itaas, huwag sa
mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa.

Ano ang mga ilang halimbawa ng maaari


nating pagbulaybulayan sa harap ng
Dios? Si Haring David ay naging malapit

sa Dios, sapagkat hindi lamang siya


nananalangin kundi naglalaan ng sapat
na panahon upang magbulay sa harapan
ng Dios patungkol sa Kaniyang mga
kautusan. Psa 119:97 Oh gaanong iniibig
ko ang iyong kautusan! Siya kong gunita
buong araw. Psa 1:2 Kundi ang kaniyang
kasayahan ay nasa kautusan ng
Panginoon; at sa kautusan niya
nagbubulaybulay siya araw at gabi. Dahil
ang kasayahan ni haring David ay ang
mga kautusan ng Dios, buong araw niya
itong nasasa-isip. Walang panahon na
hindi niya iniisip ang mga kautusan ng
Dios. Kaysa mabalisa at mag-alala tayo,
at kung ang kasayahan din ng ating mga
puso ang kautusan ng Dios, pagbulayan
natin ito at alalahanin gaya nang ginawa
ni David.

Ang pagbubulay sa mga salita at


kautusan ng Dios ay makakatulong sa
atin upang matupad natin ito ng wasto,
na siyang maghahatid sa atin sa
kasakdalan ng paglilingkod at
pananampalataya na siya namang
hinihingi Niyang makita sa bawat isa sa
atin. Jos 1:8 Ang aklat na ito ng kautusan
ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig,
kundi iyong pagbubulayan araw at gabi,
upang iyong masunod na gawin ang ayon
sa lahat na nakasulat dito: sapagkat
kung magkagayoy iyong pagiginhawahin
ang iyong lakad, at kung magkagayoy
magtatamo ka ng mabuting kawakasan.

Kung ang laging laman ng ating mga


puso, kaisipan at kalooban ay ang ating
Dios na Ama, at ang Kaniyang mga
kautusan, kung magkagayon inaari natin
Siyang tunay na kayamanan sa ating
mga buhay. Sapagkat kung saan
naroon ang iyong kayamanan, doon
naman doroon ang iyong puso. (Mateo
6:21)

Kailan naging laman ng ating mga


kalooban at isipan ang ating mga
magulang? Madalas po ba o madalas
natin silang makalimutan? Kapag

nakalimutan natin sila, mas malamang


na makalimutan natin ang kanilang mga
turo at bilin sa atin. Gayundin ang mga
anak ng Dios, sa sandaling maiwaglit
natin ang Dios, makakalimutan natin ang
Kaniyang mga kautusan, at kapag
nangyari ito, magagawa natin ang mga
bagay na hindi Niya gusto. Ngunit, kapag
ang Dios na ating Ama ang laging laman
ng ating mga puso at kaisipan, may
puwang pa kaya ang pagkakasala? Kung
ganito, lalong ilalapit tayo nito sa Dios at
ang relasyon natin sa Kaniya bilang Ama
at Dios ay lalong titibay at lalago.

Bukod sa mga ito, mayroon pa bang


itinuturong paraan upang lalong
mapabuti ang ating relasyon sa Dios?

Isa sa mga kaparaanan na maari nating


mapalago ang ating relasyon sa Dios ay
sa pamamagitan ng pag-aayuno.

Ayon sa Faussets Bible Dictionary, ang


salitang (tsum) ay hindi makikita sa
Pentateuco. Sa mga kautusan ni Moises,
bagaman inihayag sa kanila ang mga
pagkaing maaari at hindi maaaring
kainin, hindi tuwirang iniutos sa kanila
ang pag-aayuno. Kada taon, ay
ipinagdiriwang nila ang kapistahan ng
Pagtubos o atonement, ito ay sa ika-10
araw ng ika-7 buwan, ang mga Israelita
ay inutusang padalamhatiin ang
kanilang kaluluwa (Lev. 16:29-31; Lev.
23:27; Numbers 30:13). Sa Bagong Tipan
ang itinawag sa araw ng Pagtubos na ito
ay pag-aayuno. (Acts 27:9)

Mayroong pagkakataon na si Hesus ay


tinanong kung bakit ang Kaniyang mga
alagad ay hindi nagsisipag-ayuno. Sinabi
ni Hesus, na darating ang mga araw na
sila ay magsisipag-ayuno. Mat 9:14 Nang
magkagayoy nagsilapit sa kaniya ang
mga alagad ni Juan, na nangagsabi, Bakit
kami at ang mga Fariseo ay
nangagaayunong madalas, datapuwat

hindi nangagaayuno ang mga alagad


mo? Mat 9:15 At sinabi sa kanila ni
Jesus, Mangyayari bagang mangagluksa
ang mga abay sa kasalan, samantalang
ang kasintahang lalake ay kasama nila?
datapuwat darating ang mga araw, na
ang kasintahang lalake ay aalisin sa
kanila, at kung magkagayoy
mangagaayuno sila. Ang mga araw na ito
ay dumating na, sa katunayan ang mga
Apostol ay nagsipag-ayuno sa Gawa 13:2
Act 13:2 At nang silay
nagsisipaglingkod sa Panginoon, at
nangagaayuno, ay sinabi ng Espiritu
Santo, Ibukod ninyo sa akin si Bernabe at
si Saulo sa gawaing itinawag ko sa kanila.
Nag-ayuno sila sapagkat ibig nilang
tumalaga sa tungkuling kanilang
gaganapin sa harap ng Dios ang
kanilang ministeryo. Ito ang kanilang
natutunang halimbawa kay Hesus nang
Siya ay magsagawa ng pananalangin at
pag-aayuno bago lumunsad sa Kaniyang
ministeryo. (Lukas 4)

Ang pag-aayuno ay isang paraan ng


pakikipag-ugnay at pagpapalago ng
relasyon sa Dios. Kadalasan ang pagaayuno ay nilalakipan ng pananalangin.
Ang isang halimbawa ay ang Propetisa na
si Ana. Sa natitirang mga taon ng
kaniyang buhay ay ginugol niya sa mga
panalangin, pagsamba at pag-aayuno. Sa
gayon, ay lumago ang pakikitungo ni Ana
sa Dios. Luk 2:36 At naroroon din naman
si Ana, na isang propetisa, anak na
babae ni Fanuel, sa angkan ni Aser,
(siyay lubhang matanda na, at may
pitong taong nakisama sa kaniyang
asawa mula sa kaniyang kadalagahan,
Luk 2:37 At siyay bao nang walongput
apat na taon), na hindi humihiwalay sa
templo, at sumasamba sa gabi at araw
sa pamamagitan ng mga pagaayuno at
mga pagdaing.

Sa pamamagitan ng pag-aayuno,
dinidisiplina o pinipigil natin ang ating
mga sarili hindi lamang sa hindi pagkain
at pag-inom kundi maging sa mga bagay
na ukol sa sanlibutang ito gaya ng mga

kalayawan. Ito din ang tamang


pagkakataon upang maituon natin nang
lubos ang ating mga sarili sa tunay na
Tinapay ng Buhay, walang iba kundi ang
Panginoong Hesus. Hindi lamang ito
paraan ng pagbabawas ng timbang,
kundi isang gawaing espirituwal na
nagtuturo sa atin ng pagpipigil sa hindi
pagkain at pag-inom, samantalang
ibayong pagsisikap ang ipinakikita natin
sa pagtutuon sa pananapalangin,
pagbubulay-bulay, pag-aaral at
pagsasaliksik ng mga katuwiran ng ating
Dios na Ama. (Exodus 34:28; Ezra 10:6;
Esther 4:16; Acts 9:9).

Malaki ang nagagawa ng matuwid na


pag-aayuno sa Dios. Samantalang,
karaniwan tayong umaasa sa
pananalangin, at pagbubulay-bulay sa
araw-araw, kung pagka-minsan ay
kailangan nating magsagawa ng pagaayuno. Maraming dahilan kung bakit
kailangan natin isagawa ito gaya ng
personal na suliranin, mga kasalanang
mahirap alisin, pagharap sa isang
malaking pagpapasiya, problema sa
iglesia, katakutan sa mga naka-ambang
panganib, pangangailangang baguhin
ang sariling ugali o nang iba at
paghahayag ng pagpapasalamat sa Dios.

Sa pag-aayuno, natututo din tayo na


lubos nating maibaba ang ating mga
sarili at ito ang pagkakataon upang
makapagsiyasat tayo ng lubos at
makilala kung gaano tayo nagkasala sa
harap ng Dios. Psa 35:13 Ngunit tungkol
sa akin, nang silay may sakit, ang aking
suot ay magaspang na kayo: aking
pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng
pagaayuno; at ang aking dalangin ay
nagbabalik sa aking sariling
sinapupunan.

Subalit, hindi natin dapat tingnan na ang


pag-aayuno ay isang bagay na maari
nating gawin upang pilitin natin ang Dios
sa gusto nating kamtin. (Isaiah 58:3).
Nais ng Dios na idalangin natin sa Kaniya
ang ating mga suliranin, subalit hindi
nangangahulugang dapat na nating
idikta sa Kaniya ang mga solusyon o
katugunan. Ang pag-uugali natin ay
kailangang gaya nang iniwan Niyang
halimbawa, nang manalangin Siya ay
Kaniyang sinabi, gayon may huwag
mangyari ang aking kalooban, kundi ang
iyo. (Lukas 22:42)

Ang pag-aayuno ay isang uri ng


pagsamba sa Dios, inilalapit nito ang
ating mga sarili sa Dios at gayundin
naman ang Dios sa atin, sapagkat sa
pamamagitan nga nito ay ibinababa
natin ang ating mga sarili sa Kaniya,
samantalang lumalago ang ating mga
pananampalataya. Ito din ay may
kapangyarihan upang hingin ang tulong,
lingap o anumang kahilingan sa Dios,
sapagkat may mga panalanging
dinidinig, lalo na kung nilalakipan ng pagaayuno. Isa sa mga halimbawa ay nang
ang mga alagad ni Hesus ay hindi
magawang magpalayas ng demonyo,
sinabi Niya, Datapuwat ang ganitoy
hindi lumalabas kundi sa pamamagitan
ng panalangin at ayuno. (Matthew
17:14-21).

Upang hingin ang tulong at


panganganlong ng Dios, Si Ezra ay
nagtakda ng pag-aayuno sa lahat ng mga
nagbabalik na lumikas sa Judah. (Ezra
8:21-23). Si Esther naman ay nagtakda
din ng pag-aayuno sa lahat ng mga
Hudyo sa Shushan upang sila ay malingid
sa naka-ambang pagpatay sa kanila.
(Esther 4:16).Ang mga talata sa Isaiah
58:1-12 ay nagpapakita ng ibat ibang
kaugalian na nagagawa sa panahon ng
pag-aayuno. Dapat pag-ingatan ang sarili
sa panahong isinasagawa ito, sapagkat
hindi lamang ito karaniwang rituwal
kundi isang maselang gampanin na
kusang paghahandog ng ating mga sarili
na magsagawa ng mga sakripisyo sa
harap ng Dios, sa ibat ibang kaparaanan,
hindi lamang patungkol sa ating mga
sarili, kundi patungkol na din sa iba.

Bukod sa pag-aayuno, may paraan pa


bang itinuturo upang lalo tayong
mapalapit sa Dios na ating Ama?

Ang ibigin ang Dios nang buong puso,


pag-iisip at kaluluwa ay isa sa
pinakadakilang kautusan na maaari
nating magawa. Ang ikalawang katulad
nito ay ang ibigin ang ating mga kapuwa
na gaya nang ating mga sarili. (Matthew
22:37-38). Subalit paano natin
magagawang ibigin ang Dios, gayong
hindi natin Siya nakikita? Sinabi ni
Apostol Juan, 1Jn 4:20 Kung sinasabi ng
sinoman, Akoy umiibig sa Dios, at
napopoot sa kaniyang kapatid, ay
sinungaling; sapagkat ang hindi umiibig
sa kaniyang kapatid na kaniyang nakita,
ay paanong makaiibig siya sa Dios na
hindi niya nakita? 1Jn 4:21 At ang utos
na itong mula sa kaniya ay nasa atin, na
ang umiibig sa Dios ay dapat umibig sa
kaniyang kapatid.Samakatuwid, kung
ibig nating ibigin ang ating Dios na Ama,
ipadama natin ito sa ating kapuwa. Dahil,
anuman ang ginagawa natin sa ating
kapuwa, ginagawa din natin ito sa Dios.

Ito ang dahilan kung bakit natin


kailangan ang fellowship in the church of
God. Ang fellowship o pakikisama sa
iglesia ay isang paraan upang matupad
natin ang kautusang ibigin ang kapuwa
na gaya nang ating mga sarili. Dito natin
magagawa ang pagmamalasakitan at
pagdadalahan ng pasan sa isat isa. Gal
6:2 Mangagdalahan kayo ng mga
pasanin ng isat isa, at tuparin ninyong
gayon ang kautusan ni Cristo. Ang bawat
isang kapatid sa loob ng iglesia ay
kailangang lumago na magkakasama sa
pagkakaisa upang marating ang
kasakdalang hinahanap ng Dios. Ang
fellowship o pagsasama-sama ay ang
pagkakaisa ng mga kapatid sa
pananampalataya, sa kaalaman sa Dios
upang sa lahat ng mga bagay ay lumago
tayo sa Kaniya.

Bagaman ang mga naanib sa iglesia ay


mula sa ibat ibang dako, nagiging isa at
nabubuklod kay Kristo sa pagkakaisa ang
lahat dahil sa pagsasama-sama. Hindi ito
magagawa kung nag-iisa. Kailangan natin
ang kapatid, ang bawat isa upang
matupad natin ang kautusang ibigin ang
ating mga kapuwa na gaya nang ating
sarili. Nagkakaisa tayo at nabubuklod
tayo ng Kaniyang mga doktrina at
kautusan gaya nang mga unang
Kristiyano. 1Co 1:9 Ang Dios ay tapat, na
sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa
pakikisama ng kaniyang anak na si
Jesucristo na Panginoon natin. 1Co 1:10
Ngayoy ipinamamanhik ko sa inyo, mga
kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng
ating Panginoong Jesucristo, na kayong
lahat ay mangagsalita ng isa lamang
bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo
ng mga pagkakabahabahagi; kundi
kayoy mangalubos sa isa lamang
pagiisip at isa lamang paghatol.

Isa pang pakinabang ng pagsasamasama sa iglesia ay yaong maturuan


tayong malagpasan at
mapagtagumpayan ang ating kanikaniyang mga kahinaan at mapa-unlad
ang ating mga karakter bilang mga
Kristiyano. Paano natin maipapakita ang
ating kahabagan, kababaan, kabutihan,
pagpapahinuhod, pagtitiis at
pagdadalahan sa isat isa, lalong lalo na
ang pagpapatawad kung nag-iisa tao?
Kailangan nating makisama sa mga
kapatid. Kaya ang fellowship ay paraan
upang sa positibong kaparaanan ay
makipag-ugnayan tayo sa ating mga
kapatiran. Col 3:12 Mangagbihis nga
kayo gaya ng mga hinirang ng Dios, na
mga banal at minamahal, ng isang
pusong mahabagin, ng
kagandahangloob, ng kababaan, ng
kaamuan, ng pagpapahinuhod: Col 3:13
Mangagtiisan kayo sa isat isa, at
mangagpatawaran kayo sa isat isa, kung
ang sinoman ay may sumbong laban sa
kanino man; na kung paanong pinatawad
kayo ng Panginoon, ay gayon din naman
ang inyong gawin:

Lahat ng mga tinawag sa iglesia ay


tinawag sa pag-ibig upang maglingkod
hindi lamang sa Dios kundi maging sa
kapuwa lalo na sa kasambahay sa
pananampalataya at sa pamamagitan ng
pakikipag-ugnayan sa mga kapatid, ang
pagtawag na ito ay ating natutugunan.
Rom 12:11 Huwag mga tamad sa
pagsusumikap; maningas sa espiritu;
mapaglingkod sa Panginoon; Rom 12:12
Mangagalak sa pagasa; magmatiisin sa
kapighatian; magmatiyagain sa
pananalangin; Rom 12:13 Mapagdamay
sa mga kailangan ng mga banal; maging
mapagpatuloy. Nasa puso at kalooban
dapat ng isang kapatid ang pagdamay sa
kaniyang kapananampalataya, bilang
pagpapadama ng pag-ibig. Ang pag-ibig
ay hindi lamang sa pamamagitan ng dila
o salita, pinatutunayan ito sa
pamamagitan ng gawa at katotohanan.

Kailangan nating ipakita ang


pagdadamayan bilang tanda ng pag-ibig
natin sa isat isa. At hindi natin ito
magagawa kung hiwalay tayo sa ating
mga kapatid. Kailangan natin sila upang
sama-samang lumago sa pakikipagugnayan hindi lamang sa isat isa kundi
higit sa lahat ay sa Dios. Rom 12:14
Pagpalain ninyo ang mga sa inyoy
nagsisiusig; pagpalain ninyo, at huwag
ninyong sumpain. Rom 12:15 Makigalak
kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo sa
nagsisiiyak. Rom 12:16 Mangagkaisa
kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak
ang inyong pagiisip sa mga bagay na
kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga
bagay na may kapakumbabaan. Huwag
kayong mga pantas sa inyong sariling
mga haka. Rom 12:17 Huwag kayong
mangagbayad sa kanino man ng
masama sa masama. Isipin ninyo ang
mga bagay na kapuripuri sa harapan ng
lahat ng mga tao. Rom 12:18 Kung
maaari, ayon sa inyong makakaya, ay
magkaroon kayo ng kapayapaan sa lahat
ng mga tao. Rom 12:19 Huwag kayong
mangaghigantihan, mga iniibig, kundi
bigyan ninyong daan ang galit ng Dios:

sapagkat nasusulat, Akin ang


paghihiganti; ako ang gaganti, sabi ng
Panginoon.

Inilarawan ng Biblia na ang Iglesia ng


Dios ay binubuo ng mga
mananampalatayang masikap at
nahahanda sa paggawa ng mabuti bilang
pagtugon sapag-ibig sa Dios at sa
kapuwa. Bawat isa na naanib ay nakikiisa
at nakikiugnay upang marating ang
kaisahan ng pananampalataya. Nais ng
Dios na makita na ang Kaniyang mga
Anak ay nagkakaisa, gaya nang mga
magulang sa kanilang mga anak,
sapagkat ang iglesia ay mayroong
mithiin at pinagkalooban ng tungkulin
at bawat isa ay sama-samang gagawa
upang maisakatuparan ang tungkuling
ito. Bawat isa ay magiging mga
manggagawa sa bahay ng Dios, gaya
nang mga unang Kristiyano na
nagkakaisa, Act 2:44 At ang lahat ng
mga nagsisampalataya ay
nangagkakatipon, at lahat nilang pagaari ay sa kalahatan; Sinabi ni Hesus na
ang pangunahing palatandaan ng
Kaniyang mga lingkod, ng Kaniyang mga
anak ay ang pag-ibig sa isat isa. (Juan
13:35) Sa ganitoy mangakikilala ng
lahat ng mga tao na kayo ay aking mga
alagad, kung kayoy may pagibig sa isat
isa.

Sa Biblia, ang pag-ibig ay paggawa ng


paglilingkod na hindi makasarili at hindi
lamang kung anumang bagay na
nararamdaman o emosyon. Paano
magagawa ng mga alagad ng Dios na
paglingkuran ang isat isa kung hindi sila
magkakakilala at hindi sila
magkakasama? Kaya naman, sinabi ni
Apostol Pablo na mahalaga ang
pagkakatipon sa Dios, sapagkat dito ay
nagkakasama-sama ang mga kapatid.
Heb 10:25 Na huwag nating pabayaan
ang ating pagkakatipon, na gaya ng ugali
ng iba, kundi mangagaralan sa isat isa;
at lalo na kung inyong namamalas na
nalalapit na ang araw. Hindi lamang ito
pagkakataon upang mag-aralan sa isat

isa kundi pagkakataon din naman upang


maipadama ang pag-ibig sa isat isa.

Ang sinundan nitong talata ay nagbibigay


diin sa pangangailangan na
mangagtinginan, at maudyukan ang
bawat isa sa pag-ibig at mabubuting
gawa. Heb 10:24 At tayoy
mangagtinginan upang tayoy
mangaudyok sa pagiibigan at
mabubuting gawa; Kaya sa pamamagitan
ng pagsasama-sama, ang mga
mananampalataya ay mayroong
pagkakataon upang palakasin ng bawat
isa ang kaniyang kapatid, lalo na ang
mga mahihina sa pananampalataya,
tumulong at damayan ang mga
nakakadama ng pangungulila at suliranin
sa buhay. Alam ng Dios na ating Ama, na
napakahirap magtagumpay na nag-iisa;
kailangan natin ang isat isa, tayo, bilang
mga nagtataglay ng parehong
pananampalataya.

Bawat kaanib sa iglesia ay batid na ang


kanilang pangunahing tungkulin ay
sambahin at paglingkuran ang Dios na
kanilang Ama at Tagapagligtas, ito ay sa
pamamagitan ng pag-alam ng Kaniyang
kalooban at pagsasabuhay nito. Kaya nga
ang pagsamba ay hindi lamang sa mga
pagkakatipon naisasagawa, kundi sa
lahat ng kaparaanan ng ating mga buhay.
Inilarawan ni Apostol Pablo, na ang
iglesia ay suhay at haligi ng
katotohanan. (1 Tim. 3:15) Ang iglesia
ang pangunahing pinagmumulan ng mga
aral at katuruan ng Dios, ngunit ang isa
pa sa pangunahing layunin ng iglesia ay
ang pagkakaloob natin ng ating mga
sarili sa isat isa.

Pansinin natin ang mahalagang


palatandaan na ito ng mga lingkod ng
Dios: 1Jn 3:14 Nalalaman nating tayoy
nangalipat na sa buhay mula sa
kamatayan, sapagkat tayoy nagsisiibig
sa mga kapatid. Ang hindi umiibig ay
nananahan sa kamatayan. 1Jn 3:16
Ditoy nakikilala natin ang pagibig,

sapagkat kaniyang ibinigay ang


kaniyang buhay dahil sa atin; at
nararapat nating ibigay ang ating mga
buhay dahil sa mga kapatid.

Isa sa mga paraan ng pagbibigay ng


ating buhay ay ang pagbibigay ng ating
mga panahon sa ating mga kapatid.
Bawat isang kapatid o kaanib ay dapat
gayahin ang mga halimbawa ni Hesus,
bagaman malayo pa tayo sa ngayon sa
Kaniyang katangiang ipinakita. Subalit,
alam nating ang bawat isa ay
nagsusumikap at nagpapatuloy na
maabot ang katangian at
pananampalatayang hinahanap Niyang
makita sa atin. Bawat isa ay nagsisikap
na mabago kahit unti-unti o dahandahan lamang upang maiakma ang sarili
sa tunay na larawan o imahe ni Hesus.
((Romans 12:2; 8:29).

Maaaring ang bawat isa ay mayroong


kani-kaniyang antas ng pagbabago
patungo sa pag-unlad ng
pananampalataya, at sa bawat
pagkakataon ay bumabangon ang mga
suliranin at pagsubok. Subalit alam
nating inaasahan ng Dios na
makapagpapatuloy tayo sa pag-iibigan,
pagpapatawaran at pagpapatibay sa isat
isa.

Sa paggawa ng mga bagay na ito, lalong


lalo na ang pag-uukol ng pag-ibig at
malasakit sa bawat kapatid, madadama
natin na ang relasyon natin sa isat isa ay
lumalago. Hindi lamang iyan, maging ang
pakikipag-ugnay natin sa Dios ay
lumalago din naman. Lalo tayong
nalalapit sa Dios. Bawat isa sa atin ay
Kaniyang anak, lalo na kung nasa atin
ang pag-ibig sa isat isa, na lumalago sa
pananampalataya, na sa bawat araw ay
umuunlad hanggang sa maabot natin
ang sapat na pamantayan ng Dios
hanggang sa Kaniyang muling
pagpapakita at pagtatamo ng buhay na
walang hanggan.

You might also like