Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Introduksyon

Ang paggamit ng gadgets ay nauso sa ating bansa lalo na sa mga mag-aaral, kung kayat
nahikayat ang mga mananaliksik na gawin ito dahil kadalasan umaasa na lang sa mga gadgets,
hindi na sa mga libro na binigay ng DepEd. Pansin rin na mas pinipili pa ng mga mag-aaral ang
panandaliang sagot upang masagutan ang mga takdang aralin o mga Gawain sa paaralan.
Kung kayat isinagawa ng mananaliksik ang pananaliksik na ito dahil nais nilang
malaman, masulosyunan at matukoy kung ano ang mga epektong naidudulot ng gadgets sa mga
Grade 10, para mabigyan sila ng impormasyon at makatulong sa kanila para sa gagawin nilang
pananaliksik, ukol sa kanilang paksa na Epekto ng Paggamit ng Gadgets sa Grade 10 sa
paaralan ng Don Servillano Platon Memorial National High School.
Nais lamang ng mananaliksik na makatulong sa mga mag-aaral para maimulat sila sa
mga epekto ng paggamit ng gadgets.

Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral ng Grade 10- ng Don
Servillano Platon Memorial National High School. Ang bilang ng mga respondenteng
kinapanayam ng mga mananaliksik ay hanggang limampung (50) respondente lamang. Ang
pananaliksik na ito ay sinimulan ng Hulyo at magtatapos sa huling lingo ng Oktubre taong 2016,
nilimitahan lamang ito sa pagsasagot sa mga sumusunod na layunin.
*Naiisa-isa ang mga epekto paggamit ng gadgets ng mga junior student sa Don
Servillano Platon Memorial National High School.
*Nasusuri kung ilang taon ang mga naapektuhan ng paggamit ng gadgets.
*Natutukoy kung anong antas panlipunan ang naapektuhan ng paggamit ng gadgets.
*Nakakapagbibigay ng solusyon o paraan para maiwasan ang paggamit ng gadgets.

Metodolohiya
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng metodolohiyang checklist upang matugunan at
mabigyang kasagutan ang mga layunin.
Ang checklist na ito ay nahahati sa tatlong bahagi na may kaugnayan sa paksa na MGA
EPEKTO NG PAGGAMIT NG GADGETS SA GRADE 10 NG DON SERVILLANO PLATON
MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL .
Ang unang bahagi ay patungkol sa personal na datos ng mga respondente, ang ikalawa ay
ukol sa mga posibleng epekto ng paggamit ng gadgets, at ang ikatlo ay mga posibleng solusyon
at paraan para maiwasan ang paggamit ng datos.
Bawat bahagi ay may pagpipilian na mga posibleng kasagutan ang mga respondente,
subalit bukas din ang checklist na ito sa iba pang kasagutan ng mga respondente na hindi
nabanggit.

Magulong Mundo ng Gadgets sa Kabataan


Tungkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa
kanilang pag-aaral, sa pagre-rebyu na ilang halimbawa sa kanilang pagsu-sulit, may mga maaari
na sila ngayong pagpilian sa dami ng mga makabagong kagamitan ngayon. Maaari silang maglaro ng PSP, makinig ng musika sa iPod, mag-surf sa internet, o di kaya naman ay makipagkwentuhan gamit ang cellphone.
Isa sa mga patok na gamit ngayon ay ang cellphone. Ito ay isa sa maraming bagay na
napapabilis ang mga gawain. Marami itong modelo na mas naghihikayat sa mga kabataan na
bilhin at tangkilikin. Isa sa mga patok na gamit ng cellphoneay ang text messaging. Sa ngayon,
ito ang pinakamabilis at pinakamura na option sa pakikipagkomunikasyon, lalo na at nauuso na
ngayon

ang unlitext,

sulitext,

immortal

text at

kung

anu-ano

pa

na

inaalok

ng

mga telecommunication company. Ngayon nga pati na rin sa panliligaw ay ginagagamit na rin
ang texting ng mga makabagong kabataan. Ang cellphone din ngayon ay mayroon ng video na
nagiging negatibo ang kinalabasan sa mga kabataan, sa kadahilanang pag i-store ng mga sex
video o sex scandal na nagiging ugat para mamulat ang mga kabataan at gawin ang mga
sensitibo at mahalay na gawain.
Ang isa pa sa mga patok na patok ngayon sa kabataan ay ang computer o di kaya ay
ang laptop. Halos lahat yata ng tahanan ngayon ay mayroon ng computer. Ang isa sa mga gamit
nito ay ang internet. Alam naman natin na halos lahat ng impormasyon na kailangan natin ay
maari na nating makuha sa pamamagitan ng internet. Ito ay mas mabilis kaysa sa magbuklat pa
ng libro. Ang computer ay mayroon ding Microsoft Word, Powerpoint at marami pang iba na
tumutulong sa mga estudyante para mapabilis ang kanilang paggawa ng mga research work at
reports. Sa computer ay maari na rin na makapaglaro ng mga games. Ito ay ang pinakatalamak na

gamit ngayon ng computer sa mga kabataan. Ngunit ang computer ay mayroon ding masamang
epekto sa mga kabataan. Maraming kabataan ang nalululong sa mga gamit nito, kaya mas
madalas ay puro laro na lamang ang inaatupag kaysa sa paga-aral. Humahantong ang mga
kabataan sa pagka-adik sa computer at mas pinipili na mag-cutting o di kaya ay ang mag-absent
sa klase. Bukod sa mga games ang internet ay may mga site na nakakasira sa mata at pag-iisip ng
mga bata, sapagkat marami rin dito na mga panoorin na masyadong mahalay na nagiging dahilan
para ang mga kabataan ay maaga ma-expose mga maseselang gawain na nagiging dahilan sa
maagang pagpasan ng responsibilidad bilang magulang.
Ang PSP , Xbox at kung anu-ano pang gaming gadgets na nauuso ngayon ay isa pa sa
mga bagay na nakakatulong din na makapagpa-relax matapos ang nakakastress na pag-aaral,
ngunit may mga laro na masyadong bayulente sa mata at kaisipan ng mga bata. Kaya mas
nakakatulong ang tamang pag-gabay ng mga magulang at tamang pagpili ng mga laro na hindi
nakakasama sa pag-iisip ng mga kabataan.
Ang Ipod ay bentang-benta rin ngayon sa mga kabataan. Katulad ng mga nauna ng
natukoy na kagamitan ito rin ay nakakatulong na makapagparelax. Ang Ipod ay hindi masyadong
kumplikado hindi gaya ng ibang mga hi-tech na gadgets, ngunit na sa tamang pagpili rin ng mga
tugtugin na maaring magdulot ng maganda o masama na makakaimpluwensiya sa pag-iisip ng
mga kabataan.
Lahat ng mga makabagong kagamitan ngayon ay mayroon din namang limitasyon na
dapat ay na sa tama ang ating pag-gamit upang hindi ito makasagabal at tuluyang sirain ang
kinabukasan ng mga kabataan.

Lagom:
Layunin:
Naisa- isa ang mga epekto ng paggamit ng gadgets ng mga Grade 10 ng Don Servilano
Platon Memorial National High School.
Base sa ipinamigay na checklist natuklasan na:

Ang epekto ng paggamit ng gadgets sa Grade 10 ng Don Servillano Platon

Memorial National High School ay puyat gabi-gabi.


Karamihan sa mga respondente na gumagamit ng gadgets ay nasa taong labing
dalawa (12) hanggang labing siyam. Ang trabaho rin ng kanilang mga magulang
ay House Keeper at OFW. Sumakatuwid sila ay nabibilang sa mababa at

katamtamang antas ng lipunan.


At ang posibleng solusyon para maiwasan ang epekto ng paggamit ng gadgets sa
Grade 10 ay ang paggamit nito kung kinakailangan lamang at pagsasalugar ng
paggamit nito.

Kabuuang bilang ng mga sagot sa bawat bilang

Mga posibleng epekto ng paggamit ng gadgets.


1.
2.
3.
4.
5.
6.

Kawalan ng interes sa pag-aaral tatlongput-isa (31)


Puyat gabi-gabi tatlongput-walo (38)
Napapabayaan na ang sarili dalawangput-tatlo (23)
Nagiging tamad na sa mga tatlongput-pito (37)
Hindi nakikipagkapwa tao labinglima (15)
Nakakalimutan ng makipag-usap sa Panginoon dalawangput-isa (21)

Mga posibleng solusyon at paraan para maiwasan ang paggamit ng gadgets.


1.
2.
3.
4.
5.

Makisalamuha at makipagkaibigan sa ibang tao dalawangput-apat (24)


Ipagbawal ang paggamit ng gadgets sa paaralan labing-pito (17)
Ipagbawal ng magulang ang paggamit ng gadgets dalawangput-tatlo (23)
Gamitin ang gadgets kung kailangan lamang tatlong put-pito (37)
Isalugar lang ang paggamit ng gadgets tatlongput-pito (37)

CURRICULUM VITAE

Pangalan: Maricar I. Canada

Kurso:

Tirahan: Bolaobalite, Tin. Cam. Sur

Edad: 18 years old

Mga magulang:

Ina: Lilia S. Canada

Trabaho: Housewife

Ama: Dionesio V. Canada

Trabaho: Carpenter

Kaligirang Pang-Edukasyon
Elementarya
Bolaobalite Elementary School
2014-2015
Paaralan
Taon ng nakapagtapos
Sekondarya:

3r Honor
Gantimpala

Don Servillano Platon Memorial National High School

Konklusyon
Sa pag-aaral ng mga mananaliksik napag-alaman nila na mas naapektuhan ang mga magaaral o mga kabataan sa paggamit ng gadgets dahil sa mga masamang naidudulot ng paggamit
nito, at base sa kanilang mga nakuhang impormasyon sa internet at libro, dahil sa pagka-adik sa
gadgets natututo na ang mga kabataan mag-cutting, at mag absent sa paaralan pinpili nila itong
gawin dahil naapektuhan na sila na dulot ng paggamit ng gadgets.

At base nga sa nakuhang impormasyon ng mananaliksik na patungkol sa masamang dulot


ng paggamit ng gadget, ay nakakasira din ito ng mata at pag-iisip ng mga bata, sapagkat marami
rin mga panoorin na masyadong mahalay na nagiging dahilan para ang mga kabataan ay maaga
na ma-expose sa mga maselang gawain, na nagiging dahilan sa maagang pagpasan ng
responsibilidad bilang magulang.

You might also like