Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Lalaki sa Dilim

Benjamin M. Pascual
Mga Tauhan
Rafael - ophthalmologist, asawa ni Margarita Ligaya - bulag, biktima ng
panggagahasa ni Rafael Margarita - asawa ni Rafael na kalaguyo ni Nick Nick
- asawa ni Marina at matalik na kaibigan ni Rafael Marina - asawa ni Nick,
pumaslang kay Nick at Margarita Don Benito - mayamang ama ni Rafael Mr.
Carrasco - ama ni Margarita Aling Sela - ina ni Ligaya

Buod
Si Rafael Cuevas, isang doktor na may espesiyalisasyon sa pagtitis ng mata,
ang pangunahing tauhan sa istorya. Edukado at marangya ang kabuhayan ni
Rafael ngunit mayroon siyang sakit na nanunuot sa kanyang pagkalalaki:
ang labis na pagkahumaling sa sex. Marami ng naging karelasyon si Rafael at
ayon sa kanyang amang si Don Benito, wala siyang ginawa kundi
magtalaksan ng girlfriend. Isang babae na ang nakatakdang ikasal kay
Rafael, si Margarita, isang opera singer. Ayon kay Rafael, marahil si Margie
(Margarita) na ang babaeng magsisilbing tulak sa kanya upang magsikap
sa buhay ngunit ikinatatakot niya na baka magtaksil siya sa kanyang
mapapangasawa dahil sa kanyang sakit. Higit pa riyan, pisikal na
atraksyon lamang ang nararamadaman ni Rafael kay Margie at ipinagayos
lamang ng kanyang ama ang naturang kasal. Ilang araw bago ang kasal,
inaya siya ni Nick Cuerpo, matalik niyang kaibigan , na lumabas. Pumunta
sila sa isang nayt clab upang maghapi-hapi at magkaroon na rin ng isang
stag party. Habang silay nagpapakalunod sa kalasingan nagkaroon ng
kaguluhan na kinasangkutan nila ni Nick. Dahil sa takot na baka madamay
ang pangalan ng kanyang ama at mabahiran ng dumi ang pagkatao niya sa
mapapangasawa, tumakas si Rafael, sumakay ng taxi at nagpakalayo siya.
Napadpad siya sa isang dampa. Narinig niya na aalis ang mag-ina at may
maiiwan na dalaga sa loob na bahay. Nang makalis na ang mag-ina,
pumasok siya sa bahay at napunta sa kuwarto kung saan may natutulog na
isang dalagang mala-diyosa ang kagandahan. Bakas sa babae ang
kasariwaan ng kabataan. Nahumaling si Rafael sa
dalaga at dahil sa kalasingan at sa kanyang sakit ginahasa niya ang babae.
Nang matapos niyang gahasain ang babae, nalaman niyang ito pala ay

bulag. Masyadong binabagabag ng konsiyensya niya ang kanyang sarili.


Nanggahasa siya at higit pa roon ay bulag pa ang napagbuntungan niya ng
labis na kalibugan. Upang maghugas kamay, palihim siyang sumulat ng
isang sulat at iniwan niya iyon sa mag-iina kalakip ng halagang limampung
libong piso bilang bayad-pinsala. Nakalagay sa sulat na kung nais makakita
na ulit ang dalaga ay magtungo lamang sa isang mahusay na doktor na si
Rafael Cuevas. Pilit kinalimutan ni Rafael ang kanyang karimarimarim na
ginawa. Hindi naglaon ay nakumbinse niya ang kanyang sarili na malinis na
siya sa kanyang kasalanan. Ikinasal na si Rafael kay Margarita at nalaman
niyang hindi na birhen si Margarita. Bumalik sa kanyang isipan ang babaeng
kanyang ginahasa at ang pagiging birhen nito. Tila naramdaman niya na
nadaya siya ng unang nakadale kay Margarita ngunit ang lahat ng kanyang
suspetsa ay itinago na lamang niya. Pagbalik nila mula sa honeymoon,
nalaman niya na may nagtungong bulag sa kanyang klinika. Pagkabalik ng
nasabing bulag ay saka niya nalaman na ito pala ang kanyang ginahasa.
Nalaman niyang Ligaya ang pangalan nito at ang kuwento sa likod ng
kanyang pagkabulag. Siningil lamang niya ng isang libong piso ang mag-ina
at saka inoperahan ang dalaga. Sa durasyon ng operasyon ay nakuha niya
ang tiwala ng dalaga at naikuwento ni Ligaya na siya ay nagahasa at
nagdadalang tao. Natakot si Rafael dahil nasira niya ang kinabukasan ni
Ligaya. Pinilit niya si Aling Sela, ang ina ni Ligaya, na pilitin nito ang kanyang
anak na ipalaglag ang bata ngunit masyadong matibay ang prinsipyo ni
Ligaya na huwag ipalaglag ang bata dahil ito raw ay bigay ng Diyos sa
kanya. Naging malapit ang loob ni Rafael kay Ligaya kung kayat hindi na
niya nagagamapanan ang kanyang tungkulin bilang isang asawa. Napansin
niya na madalas ang pagalis-alis ng kanyang asawa. Nang minsan niyang
sundan si Margarita ay nalaman niyang nakikiapid pala ito sa isang lalaki, at
ang mabigat pa roon ay ang lalaking kinalalaguyo ni Margie ay ang kanyang
matalik na kaibigang si Nick. Halos kaladkalarin ni Rafael si Margie pauwi at
pagkadating sa bahay ay nagtalo sila. Kinunsidera ni Rafael ang
pakikipaghiwalay sa kanyang asawa ngunit pinili niyang isalba ang kanilang
relasyon sa ilang kundisyon:Magtuturingan pa rin silang magasawa ngunit sa
magkaibang kuwarto sila matutulog. Mabilis na lumipas ang mga araw.
Tuluyan nang gumaling si Ligaya at nanganak na ito. Naging ninong si Rafael
sa kanyang tukayo na anak ni Ligaya. Kapansinpansin ang pagkakahawig ni
Rafael sa kanyang inaanak. Sa kabilang banda, patuloy pa rin si Margarita
sa kanyang kalandian at tatlong ulit siyang nahuli ni Rafael. Sa puntong iyon
na halos nagdilim na ang kanyang paningin ay kamuntik-muntikan na niyang
mapatay si Margarita ngunit nagpasya na lamang siyang hiwalayan ang
asawa. Ngunit, may suspetsa rin si Margie sa kanya dahil madalas ding
dalawin ni Rafael si Ligaya kung kayat ipinagpilitan ni Margarita na may
bahid dungis rin si Rafael. Sunod-sunod na dagok sa buhay ang naranasan ni

Rafael. Habang inaayos ni Rafael ang legal na paghihiwalay nila ng kanyang


asawa, tumawag sa kanya ang kasamahan ng kanyang ama sa trabaho at
sinabing isinugod sa ospital dahil sa atake sa puso. Di kalaunan ay namatay
ang kanyang ama. Hindi lumaon at may nabasa siya sa dyaryong COUPLE
FOUND DEAD IN A HOTEL ROOM. Sa kanyang pagbabasa ay nalaman niyang
ang naturang couple ay walang iba kundi ang magkalaguyong si Margie at
si Nick. Nalaman din niya na ang pumatay ay ang asawa ni Nick na si Marina
na matagal nang nagtitiis sa panlolokong ginagawa ni Nick. Hindi naglaon ay
tuluyang nagisa sa buhay si Rafael. Upang maibsan man lang ang
kalungkutang kanyang nararamadaman ay bumalik siya sa nayt club kung
saan nagumpisa ang lahat. Pagkatapos niya makapaglango sa alak ay
tumungo naman siya sa bahay nila Ligaya. Pagkarating doon ay dinala siya
ni Ligaya sa isang kuwarto at dahil sa kalasingan ni Rafael ay hinagkan niya
si Ligaya. Nagwala si Ligaya dahil bumalik sa kanyang alaala ang
paglapastangan sa kanya. Kaparehong-kapareho aniya ang amoy alak at ang
hininga ni Rafael sa lalaking lumapastangan sa kanya. Pagkagising
kinabukasan ni Rafael ay ayaw nang makipagusap ni Ligaya sa kanya.
Lumipas ang panahon at nagkaroon na rin ng sapat na lakas na loob si Rafael
na sabihin ang katotohanan sa magina. Nagulantang ang dalawa at halos
hindi makapaniwala ang lahat. Ipinaliwanag ni Rafael ang lahat tungkol sa
panggagahasa, sa sulat, at sa limampung libong piso. Inalok niya ng kasal si
Ligaya ngunit dahil gulat ay ipinababalik na lang siya sa ibang aral.
Ipinagpilitan ni Rafael na paulit-ulit siyang paparoon upang magampanan
niya ang tungkulin niya bilang ama. Tinanong siya ni Ligaya na kung dili kaya
ay pinapapanagutan lamang niya ang kasalanang kanyang ginawa. Hindi rin
makuha halos ni Ligayang tuluyang magalit kay Rafael dahil siya rin ang
dahilan kung bakit siya nakakita. Sa banding huli ay nagkasundo ang dalawa
at marahil ay natuloy ang kasalan nila.

Tema ng Akda
Napakaselang usapin ang gahasa saan mang lipunan, at ipinamalas ni
Benjamin P. Pascual kung gaano kabigat ang gayon sa buhay ng isang
babaeng bulag at maralita.
Kaya sa pambihirang bisa ng panulat ng may-akda, ang layunin ng aklat na
ito ay ang pagtanaw sa samut-saring gahasa, salapi, dangal, pighati,
ugnayan, at pag-asa. Masasabing sentimental o romantiko ang paksa.
Dumuduyan sa pag-iibigan ng lalaki at babae ang kuwento. Sila'y muling

pinagtagpo ng tadhana upang maituloy ang unang pagkakamaling pag-ibig


hanggang sa kapwa makakita ang mga damdaming nabulag. Ito'y nagbunga
naman ng kaaya-ayang resolusyon sa dalawang tauhan.

Konklusyon
Gustong-gusto ko ang kuwento dahil ito ay napapanahon at mukhang
makatotohanan ang mga kuwento niya. Hindi ko makalimutan ang mga
pangyayari dahil inuulit ng may-akda ang ilang tagpo nang sa gayoy ang
ilang pangyayaring maaaring malimutan o makaligtaan ay maaalala pa rin
ng mga mambabasa at ito rin ang nagustuhan ko sa nobela. Karapat-dapat
itong irekomenda dahil mayroon itong magandang maituturo sa lahat ng tao.
Kapag nabasa at naunawaan nila ito ng mabuti malalaman nila ang tunay na
nais ipahatid ng aklat at ang tunay na diwa nito. Ako ay maraming natutunan
sa aking pagbabasa.

You might also like