Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PULIS

Hindi mahirap umasenso, bastat tama ang ginagawa mo


Marangal ang iyong trabaho at wala kang inaapakang tao
Di mo naman kailangan ng alahas o tropeyo
Utak ang labanan, sa madilim kong mundo.

Salat man sa pera at mamahaling materyal na bagay ang importante kumpletot


masaya tayo. Mga katagang kadalasan binibitawan ni inay tuwing kami ay sabaysabay na kumakain sa hapag kainan. Nabago ang mga kasiyahang ito dahil sa mga
pangyayaring dumating sa aming pamilya. Tricycle driver lang ang tatay at ang
nanay ko naman ay nagtitinda lamang ng fishball sa harap ng eskwelahan ko.
Pangalawa ako sa apat na magkakapatid at nagaaral ng Bachelor of Banking and
Finance sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Ang dalawang nakababatang
kapatid ko naman ay nag-aaral ng elementarya habang ang nakatatandang kapatid
kong lalaki ay nakakulong matapos mahuli sa buy-bust operation ng NBI. Di naman
talaga masamang tao kuya ko at ako mismo ang testigo pero pilit na iginigiit ni itay
na manahimik nalang ako para sa katahimikan at kaligtasan ng aming pamilya.
Isang umaga habang naglalakad kami ni kuya sa Teresa St. isang pulis ang
sumalubong samin.
Anak ka diba ni Jose pambungad na salita ng pulis na sumalubong samin.
Opo anak niya po ako, bakit po?
May trabaho ka ba? tanong ng pulis sa kanya.
Wala po. Bakit po? Sagot ng aking kuya. Di nakapagtapos ng kolehiyo si kuya, at
puro pangbubulakbul at barkada ang inaatupag niya kayat wala siyang alam na
trabaho.
Tamang-tama may papagawa ako sayo, pauwiin mo na yang kapatid mo sumama
ka sakin.
Ang pulis ay si SPO1 Crisanto Rivera, siya ang kasalukuyang pulis na naka destino
dito samin sa Teresa, siya din ang may-ari ng tricycle na ipinapasada ni itay.
Nagmadali akong umuwi para makapaghanda sa aking pagpasok sa eskwelahhan. 9
30 ng gabi na ako nakauwi at napansin kong di pa nakakauwi si kuya.
Inay, nakauwi na ba si Kuya?
Di pa nak, di ba kasama mo siya kaninang umaga? sagot ni inay.

May pinuntahan sila ni ..


GLENDA!!! GLENDA!!! TANG INA NAMAN!! BUONG ARAW AKONG NAGTRATRABAHO
TAPOS PAG-UWI KO WALA AKONG LALAMUNIN!? Galit na galit na sinambit ni itay
habang siya ay pabalang-balang na nagwawala sa kusina.
Lasing nanaman si itay, napapadalas ang pagiinom ni itay nitong nakaraang araw.
Halos gabi-gabi na siyang umuuwing lasing at tila may problema, pumasok na ako
sa aking kwarto at nagreview para sa exam namin bukas. Ala-una ng madaling araw
ng umuwi si kuya sa aming bahay. Di manlang ako binati ni kuya at agaran siyang
dumiretso sa higaan niya at natulog, natapos ko narin ang aking pagrereview at
natulog nadin ako ng mga panahong iyon.
Maaga akong nagising para maghanda sa aming midterm exam, maaga din
nagising ang aking kuya. Nakakapanibago kasi ngayon ko lang nakitang gumising
ng maaga ang aking kuya, kahinahinala ang mga kinikilos niya kaya bago pumasok
ay sinundan ko muna siya sa kanyang pupuntahan. Sa kanto ng isang masikip at
madilim na eskinita isang lalaking naka-sumbrero ang sumalubong sa kanya,
binigay niya ang bag at isang kulay putting sobre ang ibinigay sa kanya. Lalapitan
ko sana si kuya nang biglang sunggaban siya ng limang armadong lalaking nakaunipormeng pulis. Nagkagulo na ang mga tao, at hindi ako makalapit kay kuya.

Tatlong buwan na ang nakalipas nang makulong si kuya, siya na rin ang nagsabing
set-up at naturang buy-bust operation pero sa mata ng batas isang maling gawain
ang drug pushing at kahit labag man sa kanyang kalooban, tinanggap ni kuya ang
parusang ipinataw sa kanya. Akala ko makakatulong nako kay inay at kay itay,
ikaw nalang pag-asa nila kaya pagbutihin mo pag-aaral mo. Mga salitang tumatak
sa aking isip sa huling pag-uusap namin ni kuya. Naging normal padin ang takbo ng
buhay namin sa likod ng sinapit na problema ng aming pamilya, kayod padin sina
inay at itay sa hanap buhay.
BAM!! BAM!! BAM!! Tatlong putok ng baril ang gumising sa amin isang umaga, sa
pintuan natanaw ko ang nakahilatang katawan ni itay, tatlong bala sa dibdib ang
itinamo ni itay at iyon ang kumitil sa kanyang buhay. Ang mga kamay ko ay
nadumihan ng dugo ni itay, hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari, lumingon
ako at nagbabakasakaling panaginip lang ito, nasisilayan ko sa likod ang umiiyak
kong mga kapatid habang yakap-yakap sila ni inay. Bakit sa dinami-daming tao sa
mundo bakit kami pangmahihirap at mahihina? Bakit sa dinami-dami ng tatay sa
mundo bakit si tatay pa?
Lumipas ang isang lingo, nailibing na si itay si inay naman ay naghahanda ng mga
paninda niya para bukas. Inutusan akong bumili ng suka ni inay dahil nakalimutan
raw niya bumili sa palengke kanina, pagdating ko sa tindahan, nandoon nagiinuman sina Mang Jorge at Mang Nato ang mga katoda ni itay at narinig ko ang
kanilang pinag-uusapan.
Pare kung ako talaga kay Jose sumunod nalang ako kay SP01 Rivera at nagtulak
nalang ako. Natatawang sinasabi ni Mang Jorge.
Bakit ba naman niya kasi pinapatay yung gago? tanong ni Mang Nato.

Kasi pare pinagbantaan ni Jose si SP01 Rivera na kapag di niya pinalabas sa preso
yung panganay niya, ibubulgar niya lahat nang baho niya
Hindi ako lubos makapaniwala sa mga narinig ko, nagmadali akong umuwi ang
kunwariy wala akong narinig. Bago matulog tinatanong ko sa sarili ko bakit ganito
ang mundo, may mga mapagsamantalang tao. Ang kasiyahan at kaginhawaan ng
isa ay nagiging bangugnot ng iba. Bakit may mga taong nagsasamantala ng
kapangyarihan? Wala na bang hustisya para sa aming mahihirap? Paano na ang
pangarap naming mga maliliit na tao?

Utak ang labanan, sa madilim kong mundo.


Salamat sayo mahal na Politekniko,
Kahit butas bulsa, abot kaya matrikula.
Para sa kinabukasan, utak ang puhunan
Ituloy natin ang laban sa mga kuto Bayan.

You might also like