Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

ARALING PANLIPUNAN

Tboli
(Pangkat Etniko sa Pilipinas)

Setyembre 30, 2013

Nikolai John Florence N. Agno


Grade 2 - St. Rafael

Pangkat Etnikong TBOLI

Ang mga T'boli, na kilala rin sa tawag na Tiboli o Tagabili, ay kabilang sa mga
katutubong tao ng rehiyon ng Soccsksargen. Ang kanilang mga tradisyunal na lupain ay
matatagpuan
sa
kabundukan
ng
mga
munisipalidad
ng Surallah, Kiamba, Polomolok at T'boli. Kabilang sa mga lupaing ito ang kinaroroonan
ng tatlong lawang mahalaga sa mga T'boli: ang mga lawa ng Siloton, Lahit at Sebu, na
matatagpuan sa munisipalidad ng Lake Sebu.
Ayon sa dating alkalde ng munisipalidad ng T'boli na si Dad Tuan, ang salitang
"T'boli" ay hango sa "Tau-bili"; "tau" na tumutukoy sa tao, at "bili", na ang ibig sabihin ay
"bunga ng ligaw na baging". Mayroon ding nagsasabing tinawag ng mga Kristiyano na
"Tagabili" ang pangkat ng mga katutubong ito sapagkat ang mga katutubo ang tagabili
ng kanilang mga kalakal. Samantala, ayon naman sa nakalagay sa website ng
munisipalidad ng T'Boli, ang pangalan ng pangkat ay hango sa "Tao belil" na ang ibig
sabihin ay "taong nakatira sa bundok".
Ang Tiboli ay kabilang sa unang antas ng munisipalidad sa lalawigan ng Timog
Cotabato. Ayon sa census 2000, ang Tiboli ay may populasyong 60,693 katao sa
12,679 kabahayan.

A.)

KASAYSAYAN

Ayon sa mga alamat at tradisyon ng mga T'boli, ang kanilang mga ninuno ang
mga tanging nakaligtas mula sa isang malaking baha. Dalawang pares ng mag-asawa
ang binigyan ng babala ng kanilang diyosang si Dwata kung kaya nakasakay sila sa
isang malaking kawayan at hindi nalunod sa baha. Sa unang pares ng mag-asawa
nagmula ang mga T'boli at iba pang mga katutubo, o Lumad, ng Mindanao, at ang mga
pangkat na nagbagong loob sa Islam tulad ng mga Maguindanao. Samantala, mula
naman sa ikalawang pares ang mga pangkat na naging mga Kristiyano.
Ang mga tarsila ng mga Muslim ay nagsasabing ang mga T'boli at ibang mga
Lumad ay dating nanirahan sa mga lambak at kapatagan ng ngayo'y Rehiyon ng
Soccsksargen. Nang dumating ang Islam sa Mindanao noong ika-14 siglo, ayaw ng
mga Lumad na magbagong loob sa Islam kung kaya lumipat sila sa kabundukan kung
saan mahihirapan ang mga Muslim na habulin sila. Sa galit ng mga Muslim, kanilang
sinalakay ang mga Lumad at ginawang alipin ang kanilang madadakip o masasakop.
Dahil dito, nagkaroon na ng sigalot sa pagitan ng dalawang pangkat. Bunga nito'y
naging mga kontrabida ang mga Muslim sa katutubong panitikan ng mga T'boli.
Dahil sa paglaban ng mga Muslim sa mga Espanyol na mananakop, hindi
gaanong napasok ng mga Espanyol ang Mindanao kung kaya hindi narating ng
impluwensiya ng dayuhan ang mga T'boli. Panahon na ng mga Amerikano nang unang
dumating ang mga pangkat ng mga Kristiyano sa lugar.
Noong 1913, ang Lambak ng Cotabato ay binuksan ng pamahalaang Amerikano
sa mga nais maghanap ng bagong tirahan at maraming mga Kristiyano mula
sa Luzon at Visayas ang dumating sa lugar. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig, noong 1948, bunga ng lumalaking sigalot sa repormang agraryo, binuksan
din ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga lambak ng Alah at Koronadal sa kung sino
mang nais pumasok at manirahan doon. Iyon ang naging daan upang pumasok ang
maraming tao sa lugar. Kasama nila ang mga may interes sa pagrarantso, pagmimina
at pagtotroso, na nagsimulang pasukin ang katutubong lupain ng mga T'boli. Dahil sa
kawalan ng kaalaman sa pagpapatitulo ng lupa, unti-unting napaalis ang mga T'boli sa
mga lupaing hawak ng kanilang mga ninuno mula pa noong unang panahon.

B.)

PAMUMUHAY

Ang mga T'boli ay mga kainginero na nagtatanim ng bigas, kamoteng kahoy at


ube. Pinuputol nila ang malalaking puno sa kagubatan at sinusunog ang mga maliliit na
puno at mga damo, pagkatapos ay tinatamnan ang lupa ng kung ilang taon na walang
ginagamit na pataba. Nangangaso sila, nangingisda at nangunguha ng mga prutas sa
kagubatan na kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng kanilang pagsasaka.
Gumagawa sila ng tela para sa damit mula sa t'nalak na hinabi mula sa hibla ng abaka.

C.)

PANINIWALA

Naniniwala ang T'boli sa maraming diyos. Pinakamalakas sa mga diyos na ito ay


si Kadaw La Sambad na diyos ng araw, at si Bulon La Mogoaw na diyosa ng buwan, na
magkasamang naninirahan sa ikapitong langit. Ang dalawang ito ay nagkaroon ng
pitong anak na lalaki at pitong anak na babae, na nagpakasal sa isa't isa at naging mga
diyos din. Ayon sa mga T'boli, ang isang ibong tinatawag na muhen ay diyos ng
kapalaran, at ang kanta ng ibong ito ay nagdudulot ng kamalasan. Bukod sa mga diyos
na ito, naniniwala din sila na ang lahat ng bagay ay may sariling espiritu na dapat amuin
upang magkaroon ng magandang kapalaran. Ayon sa kanila, ang mga busao, o
masasamang espiritu, ay maaaring paglaruan ang mga tao at magdulot ng
karamdaman o kamalasan.
Walang "pari" ang mga T'boli na gumaganap ng mga sagradong ritwal o
nagsisilbing tagapamagitan sa tao at sa mga bathala. Kadalasang iniuukol ng mga
kababaihan ang kanilang panahon sa pagpapaganda sa sarili. Nagpapahid sila ng
pulot-pukyutan sa mukha, nagsusuot ng maraming hikaw, kwintas, maliliit na
kampanilya at binurdahang damit.
D.)

PANITIKAN

Ang epikong "Tud Bulol" ang pinakasentro ng panitikan ng mga T'boli. Kinakanta
lamang ang kabuuan nito sa mga mahahalagang okasyon, sapagkat ang pagkanta nito
ay maaaring umabot ng 16 oras, at karaniwang ginagawa kapag gabi. Marami ring mga
pamahiin, paniniwala, salawikain at sawikain ang mga T'boli, at mayroon din silang mga
alamat at kuwentong-bayan tungkol sa kanilang mga diyos at bayani.
Di gaya ng ibang mga pangkat-etniko ng Pilipinas, katutubo sa wika ng mga
T'boli ang paggamit ng diptonggo at titik "f". Ito ay kakaiba dahil hindi kasama sa
alpabetong Tagalog ang titik "f" kundi itinuturing na hango sa salita ng mga mananakop
na Espanyol.

E.)

SINING AT PAGTATANGHAL

Mayaman ang kultura ng mga T'boli, at marami silang tinutugtog na


instrumentong pangmusika. May instrumentong perkusyon sila kagaya ng tnonggong o
tambol na yari sa balat ng hayop, agong, at klintang. Kabilang sa instrumento nilang
hinihipan ay angsloli o plawta na yari sa kawayan, kubing, at few o maliit na tambuli.
Mayroon din silang instrumentong de-kuwerdas tulad ngsludoy at hagalong.
Karaniwang ginagamit ang malong o tapis bilang bahagi ng mga sayaw na ito.

F.)

PANANAMIT

Kilala ang mga T'boli sa kanilang hilig sa mga palamuti at makukulay na gawaing
kamay. Naniniwala sila na nilikha ng Diyos ang mga lalaki at mga babae para gawing
kaakit-akit ang kanilang mga sarili upang sila ay maakit sa isa't isa at magkaanak.
Mula sa kanilang kamusmusan, natuto na ang mga babaeng T'boli na pagandahin ang
kanilang mga sarili. Gumagamit sila ng mga pampaganda at inaayos nila ang kanilang
buhok, na pinapalamutian nila ng mga paynetang may mga palawit na makulay na
abaloryo. Para sa kanila, mas mainam ang marami pagdating sa mga palamuti, kung
kaya hindi lamang isa sa bawat uri ng palamuti ang isinusuot nila ngunit pinagsasabay
nila ang lahat ng kaya nilang isuot.

Ang mga T'boli ay may iba't ibang kasuotan para sa iba't ibang okasyon.
Sinusuot nila ang mga simpleng anyo ng kanilang katutubong damit kapag ordinaryong
araw, at magagarang damit kapag may natatanging okasyon.
Ang mga lalaking T'boli ay kadalasang nagsusuot ng simpleng kamiseta at
pantalon kapag ordinaryong araw, tulad ng karamihan sa mga Filipino.
Nagpapalagay ng tatu o hakang ang mga babae. Maaaring mag-asawa nang
marami ang lalaking T'boli.

G.)

KINABUBUHAY

T'nalak o tinalak - ang pinakakilalang produkto ng mga T'boli. Ito ang kanilang
sagradong tela na gawa sa hinabing abaka. Ayon sa mga tradisyon at alamat ng mga
T'boli, ang paghahabi ng telang ito ay itinuro sa kanilang mga ninuno ng kanilang
diyosang si Fu Dalu at magmula noon, nalalaman ng mga babaeng T'boli kung ano ang
gagawing disenyo ng ihahabing t'nalak sa pamamagitan ng kanilang mga panaginip.
Bunga nito, naging tanyag sa labas ng bansa ang t'nalak, na tinawag ng ilang dayuhan
na "dreamweave" o telang habi sa panaginip, at ang mga babaeng T'boli naman ay
binansagang "dreamweavers" o mga naghahabi sa panaginip. Ang mga produktong
t'nalak ang naging pangunahing produktong pinagkakilanlan ng lalawigan ng Timog
Cotabato. Si Lang Dulay, isang manghahabing T'boli, ay ginawaran ng Gawad sa
Manlilikha ng Bayan ng National Commission for Culture and the Arts bilang pagkilala
sa kanyang papel bilang katutubong alagad ng sining na nangalaga at luminang sa
pambansang pamana ng lahi.

You might also like